Chapter 6: Surprise Revelation Party?

29.1K 602 93
                                    

Umaga na. Maagang gumising si Asra at nagsipilyo na sa lababo habang si Kari naman ay kakagising lang.

"Hoy! Hindi mo ba ako kinunan ng pictures kagabi?"

Natigilan si Asra sa pagsisipilyo. "Yuck! Feeler! Sinabi ng yung bakla ko'ng kaibigan nagpicture sa'yo. Baka nakakalimutan mo'ng hawak ko ang kasunduan namin ng lolo mo?"

"Ano ba ang kinalaman ng kasunduan ninyo ng lolo ko sa pagkuha sa'kin ng litrato? Palihim pa. Oo o hindi lang naman ang sagot sa tanong ko ah."

"Hindi."

"Mabuti na yung malinaw. Ahm... may tinapay pa akong natira kagabi. Baka sabihin mo'ng nakalimutan ko ang pagmamagandang loob mo sa'kin nung birthday mo. Para makapagkape ka, kainin mo," kukunin sana ni Kari ng nawala ang supot ng tinapay. "Saan na yun napunta", nang tiningnan niya ang mesa ni Asra andun ang supot at may tasa pa. "Hanep ah. Parang nasanay kanang lumagpas sa parte ko".

Natapos ng magsipilyo si Asra. "Excuse me. Inabot ko yan gamit ang dustpan ko noh."

"Nasayang lang ang laway ko sa pagsasalita. Kinuha mo na pala. Magnanakaw ka talaga."

"Hoy! Bawiin mo yang sinabi mo. Papalitan ko yan noh. Nagutom lang ako't tinatamad bumili sa labas."

"Halimaw!"

"Unggoy!"

Tumayo na si Kari para maligo. Matapos maligo ay nagbihis at ready na para pumasok sa coffee shop.

"Saan ka na naman ba pupunta?"

"Ano ba'ng paki mo?"

"Bakit? Sabi ko ba may paki ako?"

"Tanong ka ng tanong. Palitan mo yang tinapay ha, binibining magnanakaw," at lumabas na ng bahay kasama ang alagang aso.

"Unggoy", galit na sigaw ni Asra. "Hindi na kita love. Papalitan ko na wallpaper ko! Grrr... nakakainis".

Sa coffee shop na pinagtatrabahuan ni Kari, dalawang oras na ang lumipas. Dumating si Asra. Nakita ito ni Kari na parating.

"Patay. Andiyan na naman ang halimaw na bruha."

"Sino", tanong ni Jared.

"Yan! Magtatago ako. Sabihin mo, hindi ako pumasok sa trabaho."

"Bakit?"

"Wag ka ng magtanong pare, ikaw na ang magserve please."

"Okay."

At nagtago na si Kari sa CR.

Tinagpo ni Jared si Asra na papunta sa mesa.

"Wala ho rito si Kari. Hindi siya pumasok."

"Wait lang, naiihi ako. Mag-CCR muna ako. Saan ba ang CR dito?"

"Patay!"

"Anong patay? Saan ang CR dito?"

"Doon po sa bandang kanan."

"CR ba ng mga girls ang tinuturo mo?"

"Iisa lang po ang CR ng boys at girls pero, one person at a time po. Pero may irerecommend po ako sa inyo. May CR po sa 2nd floor, exclusive for girls."

"Ayoko dun, mahaba ang lalakarin", at lumakad na si Asra papuntang CR. Nang sinubukan niyang buksan, ayaw mabuksan. Kinatok niya ito ng ilang beses. "May tao ba rito", ngunit walang sumasagot. Nang di makapaghintay ay tumawag siya ng tulong. "Excuse me, kanina pa 'tong tao sa loob. Naiihi na ako. May tao ba rito? Hindi naman sumasagot pag tinatanong ko na may tao ba. Pakibuksan lang".

A House With A Brown Tape (RomCom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon