Chapter 52: Ang Paglayo ng Isa ay Ikakapamahak ba ng Isa?

5.7K 141 4
                                    

"...3:15PM", sabi ng doktor.

"Dok, kamusta ang anak ko", tanong ni Maria.

"Misis, ginawa na po namin ang lahat. Pasensya na po", sabi ng doktor.

At lumapit sina Maria at Asra sa wala ng buhay na katawan ni Benj habang si Lucas naman ay nasa labas ng silid, umiiyak.

"Benj... Benj...", iyak ni Asra.

"Anak ko! Kawawa naman ang anak ko", sabi ni Maria na iyak rin ng iyak.

Nasa bahay na si Kari, sa bahay na may brown tape. Iniligpit na niya ang kanyang mga gamit dahil lalayo na muna siya para maibsan ang lungkot at sakit na kanyang dinadala ngayon. Nang tiningnan niya ang brown tape sa gitna ay napatawa siya, dahil naalala niya ang mga magaganda at nakakatawang pangyayari kasama si Asra. Dito sa bahay na may brown tape nagsimulang sumaya ang puso niya kaya dadalhin niya ang alaala nito kahit saan man siya magpunta.

Ilang minuto ang dumaan ay nasa loob na ng kotse ang mga bagahe ni Kari, nasa loob na rin siya ng kotse. Bago siya umalis ay binigyan niya muna ng isang ngiti ang pintuan ng bahay na minsan ng naging daanan niya patungo sa buhay ni Asra.

Ilang saglit pa'y pinatakbo na niya ang kanyang sasakyan papunta sa restaurant para kunin si Bougart at para iwan muna kay Jared at sa mama niya ang pamamahala sa negosyo pansamantala.

Sa mansyon naman ni Timber.

"You know what? May naisip ako", sabi ni Timber.

"Ano yun", tanong ni Emily habang nginunguya ang mga green pease.

"Php20,000 muna", biro ni Timber.

"Hehehe...", tawa ni Emily.

"Hahaha! That's what you call, KARMA", sabat ni Tarhatta.

At binato ni Emily ng mga green pease si Tarhatta.

"Tama na yan! Basta ang naisip ko, bakit hindi tayo pumunta sa bahay nina Asra at bigyan natin siya ng isang surprise party", sabi ni Timber.

"Ulol ka ba? Papasok tayo dun tapos wala tayong susi? Pagbukas nila ng pintuan, charan, nasa loob tayo, di kaya mapagkamalan tayong magnanakaw? Tapos kung sasama ka, di kaya masira image ko kay Asra teng", tanong ni Emily.

"Relax. Pag surprise party dapat nasa loob na ng bahay? Hindi ba pwede'ng sa labas", bulyaw ni Timber.

"Sa bagay", sabi ni Emily.

"Idiot", sabi ni Tarhatta kay Emily.

Tiningnan naman ni Emily ang kanyang gilid at may nakita siya'ng maliit na flower vase. Kinuha niya ito at ibinato kay Tarhatta.

"Ooops", buti na lang ay nasalo ni Tarhatta, "see? I'm a good catcher", dagdag pa nito.

Napataas lang ang kilay ni Emily.

"Sssh! Ano ba? Makabasag kayo, pababayarin ko kayo! Anyway, doon ako pupuwesto sa malayo, habang kayo ay nasa labas ng bahay ni Asra. May dala kayong mga pagkain pero palabas lang yun dahil may uutusan akong lalaki na magbubukas ng bahay nila. Papasukin ng lalaki ang bahay nila at kukunin ang titulo ng bahay at lupa", sabi ni Timber.

"Para sa'n", tanong ni Emily.

"Plan B. In case hindi matuloy ang kasal ng lalaking yun at ni Asra. Papalayasin natin sila sa cheap nilang bahay", sagot ni Timber.

"Then", tanong ni Tarhatta.

"Marami pang iba. Sa plan A na ikakasal si Asra at ang lalaking ex-fiance niya o sa plan B, ang walang katapusang pagpapahirap sa kanila. Tapos, magmamakaawa si Kari sa'kin, tapos sasabihin ko sa kanya'ng pakasalan niya ko kapalit ng buhay ni Asra. Di ba bongga", sabi pa ni Timber.

A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now