Chapter 49: Ang Pagkikita't Pagtatapat

5.7K 139 8
                                    

Sa may coffee shop malapit sa ospital ay andun sina Kari at Benj. Magkaharap habang umiinom ng kape.

Titig na titig si Kari kay Benj na nakakunot noo at napansin ito ni Benj.

"Ano ba? Magtititigan na lang ba tayo rito", tanong ni Benj.

Uminom ng kape si Kari at nang matapos ay sumagot siya sa kaharap na binata, "di ba sinabi ko na sa'yo. Layuan mo na si Asra"?

"Di mo'ko naiintindihan", sagot ni Benj.

"Eh ako? Naiintindihan mo ba"?

"I have a cancer. Bilang na ang araw ko", pagtatapat ni Benj.

Nabigla si Kari sa sagot ng binata sa kanya. Biglang kinurot ang kanyang puso ng marinig ang mga salita'ng pinagtapat ni Benj sa kanya.

"Ikakasal na kami ni Asra nun. Sinabi ko sa kanya na mag-aaral ako sa Amerika. Ang totoo, magpapagamot ako dun. May tumulong sa'kin na isang Amerikano kaya nakapunta ako dun. Ipagtatapat ko sana kay Asra ang lahat pero natakot ako na baka pag nalaman niya, sumuko siya sa 'kin. Pero nakapagdesisyon ako nun na kalimutan nalang si Asra. Pinalayo ko ang pamilya ko sa bahay niya. At wala akong communication sa kanya", at nagsimula ng maiyak si Benj, "and I was in coma later that year. Hindi sumuko si Mr. Jones na ipagamot ako. Ipinagdasal nila ako and I saw that. Hindi ko alam kung panaginip lang ba yun kasi I was in coma. Basta ang alam ko, nakita ko si Mr. Jones kasama ang mga magulang ko nun sa isang dasalan sa loob ng ospital. Then, miraculously, I'm alive. I survived. Hindi maipaliwanag ng mga doktor ang nangyari. Then I became a cancer-free patient after years of remedies and operations", kwento pa ni Benj.

"Bakit ngayon ka lang? Kinalimutan mo na siya di ba? May iba na siya at ako yun. Sana hindi ka na lang nagpakita. Mas naguguluhan lang siya. Mas bumigat ang pakiramdam niya nung makita ka", sabi ni Kari.

"Nahiya na 'ko kay Mr. Jones. I want to go back home pero I don't have any money para pamasahe. Kaya I worked hard para makapag-ipon. Until one day, early this year, Mr. Jones passed away. Wala siyang anak, wala siyang asawa. Naging pangalawa ko siya'ng ama. Nalungkot ako, nahilo ako at di ko alam kung anong nagyari sa'kin nun. Pumunta ako ulit ng ospital ilang buwan ang nakalipas mula nung mawala si Mr. Jones. Bumalik ang cancer ko, at malala na ito. Yun ang sabi ng doktor sa'kin. I'm dying, Kari. And I'm hoping na sana makasama ko si Asra kahit sa huling sandali ng buhay ko", sabi pa ni Benj.

"Yan ba ang sinabi mo kay Asra kaya ngayo'y lito'ng lito siya sa pagpili sa'tin'g dalawa", tanong ni Kari.

"Hindi. Ayoko'ng malaman niya'ng may sakit ako dahil alam ko, maaawa lang siya sa'kin. Ayoko'ng pakasalan niya 'ko dahil naaawa lang siya sa'kin. I want her to love me, kaya nagsinungaling ako. Pero kung ito ang magpapabalik sa kanya sa akin, why not sabihin ko sa kanya? Kari, please give up. You can have her after me. I'm dying and you know that. If hindi ka naniniwala we can do a checkup today total andito na tayo", sabi pa ni Benj kay Kari.

Napapikit na lang si Kari sabay tulo ng kanyang mga luha. "Okay. Let's do a check-up", pagsang-ayon ni Kari.

Matapos nilang magkape ay nagpacheck-up na sa loob ng ospital si Benj at sinamahan ito ni Kari.

Ilang oras ang lumipas ay natapos na ang pagcheckup kay Benj.

"You may wait for an hour or so for the result. If you can't wait, you can rest at home and we will just call you", sabi ng nurse.

"Okay", sabi ni Benj sa nars.

"Sige", at umalis na ang nurse papunta sa may laboratory na pinuntahan ng doktor na nagcheckup kay Benj.

Tiningnan naman ni Benj si Kari na malalim ang iniisip. "Kari".

"Uhm, bakit", tanong ni Kari sa tumawag sa kanyang pangalan na si Benj.

A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now