Chapter 32: Sinusukat Na Pag-ibig

8.3K 172 15
                                    

Agad na kumalas si Kari sa halik ni Sandy at tumakbo kung sa'n tumungo si Asra. Naiwan naman si Sandy na nakangiti.

Natunton ni Kari ang isang rest room at doon narinig niya ang iyak ng fiancee. "Asra! Mag-usap tayo. Hindi ko alam na gagawin 'yun ni Sandy", sabi pa ni Kari sa dalaga. "Asra, ano ba? Uy", dagdag pa nito.

"Kari, sabihan mo 'ko na wala lang yun, please..."

"Asra, wala lang yun. Hindi ko alam na hahalikan niya ko".

"Sabihin mo rin na wala kayong relasyon, please..."

"Wala'ng wala, Asra. Kung makikipagrelasyon man ako, sana noon pa na wala ka. Nung mga panahon'g umalis ka, sana nakipagrelasyon na'ko sa kanya. At isa pa, hindi ako magseselos kay Avery kung wala kang halaga sa'kin", paliwanag ni Kari.

Agad na bumukas ang pintuan ng comfort room at lumabas si Asra sabay yakap kay Kari.

"Naniniwala ako sa'yo, Kari. Naniniwala ako. Sorry kung nasampal kita. Napagod lang ako nun at di ko napigilan ang sarili ko nang makita ko kayong nagdi-dinner habang wala ako", sabi ni Asra na lubos ng umiiyak.

"Tahan na, my bebe love", at hinimas ni Kari ang likod ng fiancee habang nakayakap sabay kanta, "itanong mo sa akin... kung sino ang aking mahal...", at napatawa si Asra. "Itanong mo sa akin, sagot ko'y di magtatagal", patuloy pa na kanta ni Kari.

At sumabay si Asra sa pagkanta ni Kari, "Ikaw lang ang aking mahal, ang pag-ibig mo'y aking kailangan... Pag-ibig na walang hangganan, ang aking tunay na nararamdaman...", at nagtawanan silang dalawa.

"I love you, Asra", sabi ni Kari.

"I love you too, Kari", at hahalik sana si Kari kay Asra nang, "oopss! Pwede'ng hugasan mo muna yang mga labi mo", paki-usap ni Asra.

"Haha! Oo naman. Mabilis lang 'to", at pumunta si Kari sa may lababo para hugasan ang mga labi na hinalikan ni Sandy kanina.

Nang matapos si Kari ay agad siya'ng bumalik kay Asra ngunit nasa lugar na si Sandy.

"Ano'ng nangyayari dito? Naghaharutan sa oras ng trabaho", tanong pa ni Sandy na nakataas ang kilay nang yayakapin sana ni Kari ang fiancee.

"E ikaw rin naman ah, hinalikan mo'ko sa madami'ng tao pa. Halika Asra, magresign ka na dito, mayaman naman tayo, hindi natin kailangan ang trabaho'ng 'to", naiinis na sagot ni Kari para ipaglaban si Asra.

Hinila ni Kari si Asra ng mahinahon palabas ng establishemento habang naiwan si Sandy na galit na galit, "ahhhhhhhhhhhh! Bwesit ka sa buhay ko Asra! Kung hindi ka na sana dumating pa. Ngayon pa na alam ko ng wala na sila ng anak ni Mr. Cheng at makukulong na ang kalbo'ng yun, tsaka ka pa eeksena? Bwesit", galit na sabi ni Sandy sa loob ng banyo.

Sa loob naman ng kotse, dala ni Asra ang kanyang bag at katabi ang fiance sa front seat, "Kari, sorry kung..."

"Ssshhh... wala ka'ng dapat ipaghingi ng sorry. Ano man ang gawin mo, kahit sino ka pa, minahal kita, at mamahalin kita. Hindi ako magsasawa'ng mahalin ka ng paulit... ulit-ulit-ulit-ulit", sabi ni Kari.

At hinawakan ni Asra ang ulo ni Kari at binigyan ng isang mahabang halik. Nung una nabigla si Kari ngunit ipinikit na lang niya ang kanyang mga mata at dinama ang init ng pagmamahal nila sa isa't isa. (music plays *God Gave Me You)

Ilang minuto ang nakalipas ay narating na nina Kari at Asra ang restaurant.

"Dito ka na magtatrabaho", sabi ni Kari sa fiancee.

"Ano'ng gagawin ko rito"?

"Manager", sagot ni Kari.

"Kangee", sabi pa ni Asra.

A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now