Chapter 53: Bagong Babae sa Buhay ni Kari?

6.3K 150 10
                                    

Nag-aalala pa rin si Asra kay Kari. Natatakot siya na baka may gawin ito'ng masama sa sarili nito. Hindi pa rin sinasagot ng binata ang mga tawag niya.

"Anak, magpahinga ka na. Umuwi naman ang mama Leonora mo ng bahay e, baka maabutan pa niya dun si Kari", sabi ni Coritha sa anak ngunit hindi pa rin mapakali ang dalaga. "Pssst! Anak? Magpahinga ka na muna. Makakasama sa'yo ang mag-isip ng kung anu-ano. O di kaya'y ipagdasal mo na lang ang lahat", dagdag pa ng ina.

"Ipinagdarasal ko po, ma, na sana okay lang si Kari", sabi ni Asra.

"Mabait ang Diyos, anak. Lagi mo 'yang tandaan", sabi pa ni Coritha.

Yumango si Asra at pagkatapos ay humiga na.

Sa bahay naman na may brown tape ay kakatapos lang maligo ni Leonora. Naligo siya para matanggal ang lagkit ng icing sa kanyang mukha't katawan.

"Dapat balaan ko si Asra tungkol sa mga babae'ng yun at baka may gawin ang mga ito sa kanya na ikakapahamak niya", sabi ni Leonora sa kanyang sarili. Nilingon ni Leonora ang paligid at wala na talaga siya'ng makitang ni isa'ng gamit ng anak, "wala na si Kari rito, pero baka nasa restaurant pa siya. Tatawagan ko muna si Jared, tama", sabi pa niya, at kinuha ang kanyang telepono sa kanyang malaking pitaka.

Sa mansyon naman ni Timber, wala na ang lalaki, nabayaran na niya iyon. Masaya si Timber na hawak niya ang cellphone ni Kari. Abot tainga ang kanyang ngiti habang tinitingnan ang mga larawan ni Kari sa cellphone na nakuha ng lalaki'ng napag-utusan niyang kunin ang titulo ng bahay at lupa sa bahay na may brown tape.

Bigo man ang lalaki'ng makuha ang titulo ay masaya ang dalaga sa nakuhang cellphone nito.

"So? Magkano ang talent fee namin dun", tanong ni Emily.

Ngunit hindi mawala ang atensyon ni Timber sa larawan ng binata'ng si Kari.

"Hoy! Talent fee namin", ulit ni Emily.

Tiningnan ni Timber si Emily na nakataas ang kilay. "Tumahimik ka nga. Yung Php15,000 na ibinigay ko sa'yo, yun na yun. Kayo na ang bahala'ng maghati nun", inis na sabi ni Timber.

"What? Di ba yun 'yung sa balitang sinabi ko na wala na sina Kari at Asra", tanong pa ni Emily.

"Ano ako ulol? Bakit babayaran kita ng ganung kalaking halaga sa balitang 'yun? Isa pa, hindi pa confirm. Panu kung magbalikan sina Kari at Asra? Mag-isip ka nga! Hindi yang puro taba ang isinusuksok mo diyan sa utak mo. Nakakasira ka ng araw", inis na sabi ni Timber sabay tayo.

"Oo na. Mukha na kami'ng pera. Kung hindi ka lang makapangyarihan, itinumba na kita'ng babae ka. Try mo'ng tumungtong sa probinsya namin ng makita mo si kamatayan", mahinang sabi ni Emily na nayayamot.

"Ano'ng pinagsasabi mo", tanong ni Timber.

"Wala. Ang sabi ko, ang ganda mo", sagot ni Emily.

"Aw. Maliit na bagay", at umalis na si Timber papunta sa kanyang kwarto.

"Hoy narinig mo ba yung sinabi ni Timber", tanong ni Emily sa naka-earphone na si Tarhatta. "Hoy", sabay tulak.

Tinanggal ni Tarhatta ang earphone sa kanyang mga tainga, "what"?

"Ah wala. Hatiin mo raw ang mukha mo", sabi ni Emily sabay alis papuntang kusina na dala ang kinse mill na hahatiin sana nila ni Tarhatta.

Naiwan naman'g walang alam si Tarhatta, isinuot na lang niya'ng muli ang earphone para makinig ng mga tugtog.

Ilang oras ang lumipas, narating na ni Kari ang kanyang destinasyon. Napagod siya sa kakamaneho kaya agad siya'ng naghanap ng murang hotel na pwede niya'ng tirhan pansamantala.

A House With A Brown Tape (RomCom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon