Chapter 57: Hangga't Maaga Pa

5.3K 136 2
                                    

Matapos makapanood nina Kari at Rita ng sine ay dumiretso sila sa isang kainan.

"Nakakatakot yung part na kinuha yung babae noh", sabi ni Rita sa binata pero para'ng wala sa sarili si Kari. "Hoy! Okay ka lang"?

"Ha? Ah... eh... oo naman", sagot ni Kari na hindi makapanood ng maayos nun dahil naiilang siya sa tuwing humahawak sa kanya si Rita.

"Para kasi'ng ang layo ng iniisip mo", sabi pa ni Rita. "Fried chicken ka pa oh", sabi pa ni Rita.

"Sige lang. Kain ka lang", sabi ni Kari.

"Alam mo, gumaan pakiramdam ko sa'yo", pagtatapat ni Rita.

At napalulon ulit ng laway si Kari.

"Pasensya na kung inaway kita nung una ha. Pero sa tingin ko madali na'kong makaka-move on ngayon", sabi ni Rita.

"Ah... eh... ih...", pinagpapawisang sabi ni Kari.

"Oh... uh", patuloy ni Rita.

"Eh kasi, ikakasal na'ko", lakas loob na sabi ni Kari sa dalaga.

"Ha? Kay Asra", tanong ni Rita.

"Kilala mo siya", tanong ni Kari.

"Oo naman. May TV ako noh. Napapanood ko siya kapag iniinterview ka. Laging pina-flash sa screen ang larawan niya", sagot ni Rita.

"Ah.. oo, siya. Ikakasal na kami pero mahaba-haba pa ang hihintayin ko", sabi pa ni Kari.

"Ano ba sa tingin mo ang ibig sabihin ko'ng maka-move on? Pag sinabi'ng maka-move on kailangan maging tayo", tanong ni Rita. "Ang ibig ko'ng sabihin, salamat kahit sandali lang ay andiyan ka. Naiibsan ang sakit na dala ko. Marami'ng salamat", paliwanag ni Rita sa binata.

"Walang anuman. Isipin mo lang lagi na marami pa'ng iba diyan. Wag mo'ng sayangin ang buhay mo dahil sa isang tao lang", sabi pa ni Kari.

"Oo naman. Bigla kong naisip yan nung sinamahan mo ko sa pagkanta. Naisip ko, pwede pa pala ako'ng magkaroon ng bagong kaibigan. Nang bagong kakilala. Kung naging bukas lang sana ako nun, hindi sana tatagal ang pagiging tanga ko", sabi ni Rita sa binata'ng kasama.

"Hindi ka tanga, nagmahal ka lang. Minahal mo lang yung tao ng sobra, kaya hindi mo agad siya makalimutan. Isipin mo na lang, isa siya'ng liksyon. Liksyon na, kailangan magtira ka rin ng pagmamahal sa sarili mo. Ahm... ang galing kong magbigay ng payo, ni sa sarili ko hindi ko kayang i-apply yan", sabi pa ni Kari.

"Bakit"?

"Diba sabi ko sa'yo na mahaba-haba pa ang hihintayin ko bago ako ikasal kay Asra".

"Oo".

"May iba kasi siya", pagtatapat ni Kari.

"Ano? Sa guwapo at bait mo'ng yan? Pinagpalit ka"?

"Hindi. May nauna kasi siya'ng karelasyon bago ako. Bumalik, nagmakaawa, mamatay na kasi dahil may sakit. Syempre naawa si Asra. Nais niya na kahit sa sandali ng buhay ng lalaking yun, mapasaya niya. Pero nalilito siya'ng mamili sa'min. Para hindi na siya mahirapan. Nagparaya na lang ako", kwento ni Kari.

"Panu pag, gumaling yung lalaki o di kaya'y umabot pa yun ng 50 years. Ugod-ugod ka na rin nun", sabi pa ni Rita.

"Hindi pa naman matanda yung 50 e. Pero bahala na. Maghihintay ako", sabi ni Kari.

"Mahal mo talaga siya noh", tanong ni Rita.

"Sobra", sagot ni Kari.

"Hay...", hinga'ng malalim ng dalaga, "ang drama natin. Kumain na muna tayo", sabi ni Rita at sumubo na ng kanin.

A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now