Chapter 18: Ang plano ni Mr. Cheng

11K 256 23
                                    

Umaga na ng maka-uwi si Kari sa kanyang bahay. Hinatid siya ni Cherry. Tumawag kasi si Cherry sa telepono ni Kari at si Jared ang nakasagot dahil lasing na lasing na ang ang binata'ng si Kari.

Pinunasan ni Cherry ang kapatid at binihisan. Nang makahiga na ng maayos si Kari di mapigilan ni Cherry hawakan ang kanyang mga pisngi.

"Kari. Patawarin mo 'ko sa mga panahon'g kailangan mo ng kaagapay sa buhay, wala ako sa tabi mo. Patawarin mo 'ko dahil nung panahon'g alam kong ikaw yung kapatid ko hindi man lang ako lumapit at nagpakilala sa'yo".

Dumaan ang ilang mga oras ay nakipagkita si Mr. Cheng kay Mr. Lonely sa isang cafe.

"Masaya ako at nagawa mo ng maayos ang trabaho mo", sabi ni Mr. Cheng.

"Big time mo talaga bosing. Dami mong koneksyon. Nabigyan mo ba naman ng passport si Asra ng hindi nagpapakita sa DFA. Ikaw na, boss".

"Haha! Salamat. Nahulog ko na ang pera sa account mo. Masaya ako't madaling mauto ang Asra na yan".

"Ano ba talaga ang plano mo, boss"?

"Hm... Mayaman si Kari. Ang lolo niya ang may-ari ng kompanya na tinatamasa ko ngayon. Binigyan ako ng trabaho ni Sander (lolo ni Kari) sa kanyang konpanya. Pinagkatiwalaan niya ako. Naagaw ko ang kompanya, kaso wala akong papeles na nagpapatunay na sa akin ang kompanya. Nagkasakit si Sander ng malaman niyang niloko ko siya. Marami akong koneksyon sa gobyerno, Gary. Marami pa kesa kay Sander. Ang kaibahan lang sa'min, marunong akong manuhol, si Sander masyadong pinaiiral ang pagiging tapat. Haha! Kaya mas nanaig ako. Hindi na niya na'ko ginambala. Iniwan na niya ang kompanya. Pero alam ko, si Cherry ang posibleng magmamana sa kompanya. Kinuha ko siya, pinalaki, isinuksok ko sa isipan niya ang kahalagahan ng pera sa buhay. Ngayon, nalaman ko, kay Kari ipinangalan ang kompanya ni Sander. May peke akong mga dokumento na makapagsasabi'ng akin ang mga ari-arian. Pero mas makakasiguro ako na mapupunta sa anak ko ang pinaghirapan ko kung makakasal siya kay Kari Julio".

"Kaya pala boss, gustong gusto niyo ang bata sa anak mo".

"Kaya pag oras na mabulilyaso lahat ng plano ko dahil sa'yo. Alam mo na kung saan ka pupulutin".

"Oo, boss. Malinis akong magtrabaho".

"Siguraduhin mo'ng naka-alis na ng bansa si Asra".

"Areglado boss".

"Sige. Mauna nako. Heto pera pambayad sa inorder na'tin".

At umalis na si Mr. Cheng matapos mag-iwan ng pera.

Habang sa bahay ni Kari, naalimpungatan ito't hinahanap si Asra. Nagising na rin si Cherry, magdamag na binantayan nito ang nakababatang kapatid.

"Wala na ba talaga siya", tanong ng binata.

"Kari, isipin mo muna ang sarili mo. Isa pa, mas masasaktan lang si Asra kung andito siya. Alam mo'ng makakasal ka kay Timber. Nanaisin mo pa bang dumating ang araw na iyon na andito si Asra? Mas masasaktan siya'ng makita ka na naghahatid ng ibang babae sa altar", sagot ni Cherry.

"Huhuh... Nasasaktan lang ako. Mahal na mahal ko siya, Cherry. Mahal na mahal", at niyakap ni Cherry ang binata.

"Ssshhh... Lilipas din 'to".

Dumating na ang araw na aalis na si Asra ng bansa. Ang mga araw na dumaan ay ganun pa rin para kay Kari, umaasang makikita muli ang tunay na minamahal.

"Heto na ang araw na kakalimutan na kita, Kari. Maging maligaya ka sana sa magiging bukas mo. Mahalin mo sila katulad ng pagmamahal ko sa'yo", sabi ni Asra habang naghihintay sa byahe ng sasakyan niya'ng eroplano.

Sa kinatatayuan naman ni Kari. Hawak-hawak niya ang cellphone na may larawan ni Asra. Hindi malimutan ng binata ang mukha ng isang babae na nagpatibok ng kanyang puso.

Ilang minuto'y lumapit si Cherry sa binata. "Ano? Malapit na'ng magsimula ang taping mo. Masaya ako na kahit papano, nagagawa mo ng maayos ang trabaho mo. Maganda ang kinalabasan ng acting workshop mo".

"Ginagawa ko'ng inspirasyon si Asra".

Ngumiti naman si Cherry. "Mahal mo talaga siya".

"Mahal na mahal".

"Hay naku! Malaki ka na nga. Umiibig ka na ng totoo".

"Bakit Ms. Cherry, di ka ba napa-ibig ng totoo"?

"Noon. Pero mas pinili ko ang oportunidad na makapagtrabaho".

Napangiti naman si Kari. "Atleast, masaya ka".

"Oo pero parang hindi rin. Mahal ko siya. Siya ang lalaking nagpatibok ng puso ko ng mga panahon na yun. Pero mas pinili ko ang karer ko, dahil alam ko na mas kailangan ko 'to. At kung, at kung mahal niya talaga ako, mauunawaan niya. Pero gaya mo, sumisigla ang karer ko, yun ay dahil ginagawa ko rin siya'ng inspirasyon ko".

Hinawakan ni Kari ang balikat ni Cherry. "Salamat miss".

At tinapik ni Cherry ang kamay ni Kari sa kanyang balikat sabay sabi, "walang anuman". At nagngitian sila.

Isa'ng buwan ang lumipas. Nagdi date narin sina Kari at Timber. Matiyaga naman si Asra sa Canada na nagtatrabaho bilang isang cashier ng isang mall.

Unti-unti'ng sumasang-ayon ang panahon sa plano ni Mr. Cheng, dahil kahit papano napapalapit na rin si Kari sa anak niya.

"Alam kong mahina ang anak ko. Hindi nito kayang ipaglaban ang sarili kung malalaman ni Kari ang katotohanan tungkol sa mamanahin niya'ng kompanya. Masaya ako dahil matutupad na rin ang pangarap ko. Para sa'yo anak ko, gagawin ko ang lahat. Lahat ng pinaghirapan ko, sa iyo mapupunta, anak, Timber", sabi ni Mr. Cheng sa sarili.


A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now