Chapter 21: 'Til We Meet Again

11.1K 277 41
                                    

Malaya na ang puso ni Kari. Pinalaya na ng pag-ibig na pilit ipinagagawa, pinilit na mabuo, at pinilit na matututunan.

Masakit man kay Timber pero iniisip nito na yun ang katotohanan. Katotohanang hindi nadidiktahan ang pag-ibig. Katotohanan'g hindi makakalimutan ang tunay na pag-ibig. Katotohanan'g pagibig ay dumadating sa tamang panahon na walang halong pilit na pagbubuo. Makapaghihintay ang lahat, at dapat ganun din dapat siya.

Masaya si Timber na malaya na si Kari ngunit hindi niya sinasara ang puso sa pagkakataon'g pwede'ng maging sila muli.

Masaya si Kari sa pagiging malaya ngunit di niya mapigilan ang kalungkutan sa tuwing naaalala ang kanyang nakatatandang kapatid.

Naging laman ng pahayagan ang pagtatapos ng relasyon ni Kari sa anak ng isang negosyante. Ito'y ikinatuwa ng karamihan'g umiidolo kay Kari dahil sa wakas malaya na ang aktor. Ngunit tanong pa rin ng marami kung pano nga ba napasok ng binata ang relasyon na hindi naman nito ikinagalak. Ang paniniwala ng iba ay isa ito'ng fixed marriage dahil napagka-alaman'g magkakilala ang negosyante at ang lolo ng binata.

Isang maganda'ng araw ang nadatnan ni Kari sa kanyang bagong tahanan. Oo, wala na siya sa bahay ni Asra. Ang bahay na yun ay laging pinapasok ng mga tao't binibisita dahil sa kasikatan niya.

Masaya ang binata sa nakita'ng almusal na prenepara ng kanyang ina.

Napagdesisyunan rin ni Kari na ipagkatiwala muna kay Mr. Cheng ang kompanya ng kanyang lolo.

Hindi muna kikitain ni Kari ang abogado ng namayapa nito'ng lolo para sa mga legal na papeles. Si Atty. Lucas Dereje, isang kaibigan ng lolo Sander nya na hindi nagpakita sa bayan ilang taon na ang nakalipas dahil sa pananakot ni Mr. Cheng. Ngayon ay masaya na ito'ng makabalik sa kanyang bayan'g sinilangan.

Positibo naman ang ugali ni Kari sa araw na 'to. Umaasa siya'ng magkikita rin sila ni Cherry, at ang pinakamamahal niya'ng si Asra.

Kasama si Bougart, binisita niya ang lumang tirahan. Ang tahanan na wala ng brown tape. Tinanggal na niya ito noon upang masubukan'g kalimutan si Asra, ngunit hindi talaga ganun kasimple ang lahat. Mahirap kalimutan ang isang tao na sadyang tinitibok ng puso at pinapaalala ng isipan.

Pero yun ang akala niya nung hindi pa makapasok sa loob ng bahay. Pagbukas ng pinto ay may nakita siya'ng brown tape. Naalala ni Kari ang unang araw ng pagkikita nila ni Asra. Nabigla si Kari sa nakita. Tinatanong niya sa sarili, sino kaya ang naglagay ng duct tape sa gitna ng bahay?

Agad niya'ng nilibot ang buong bahay sa pagkakutob na nasa bahay lang si Asra.

Ilang minuto'y sumuko na siya sa paghahanap. Sadyang wala si Asra sa loob at labas ng bahay.

Pero malakas ang kutob niya'ng nasa bayan na si Asra. At napangiti siya dahil dito.

Umalis na si Kari kasama ang alaga para magjogging sa park. May mga tao'ng nagpapa picture sa kanya pero ito'y pangkaraniwan na sa kanya dahil matagal na rin siya sa showbiz industry.

Pansin niya'ng may isang babae na nakatalikod. Bumibili ata ng fishball. Ito ay parang isang babae na nakilala niya sa bahay na may brown tape. Agad niya ito'ng nilapitan at tinakpan ang mga mata nito. Nang humarap ang babae, hindi pala si Asra. Agad na nagtitili ang babae dahil si Kari nga ang gumawa nito sa kanya. Bigla ito'ng niyakap ng babae at bineso beso kahit may ketchup ito sa kanyang mga pisngi, gawa ng kakasawsaw at kakakain ng fishball.

Nakangiti pa rin si Kari kahit nangangati na ito sa ketchup na dumikit sa kanyang mga pisngi.

"Kari! I love you", sabi ng babae.

"Uy".

"Teka, Kari. May ketchup ka sa mga pisngi mo. Hahaha! Saan mo nakuha 'yan? Kakadiri ka".

Napangisi nalang si Kari sa sinabi ng babae.

A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now