Chapter 4: Nang Dahil sa Kaarawan

26.6K 622 73
                                    

Umaga na at maaga si Kari'ng pumunta kasama ang alaga sa pagkikitaan nila'ng lugar ni Cherry.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating na si Cherry.

"Hi Mobile", bati ni Kari.

"Palabiro ka talaga. Ahm, nag-agahan na kayo?"

"Hindi pa nga eh. Si Bougart, oo, kumain na."

"Doon tayo sa pinagkakainan ko, allowed ang pet dun. Mamaya pa naman dadating yung mga kasama ko".

"Sige ho."

Nang makarating sa kainan ay nagsiupo na sila para umorder.

"Ahm, 1 serve ng tapsilog. Ikaw? Ano'ng gusto mo?"

"Ahm... tapsilog na rin ho", sagot ni Kari.

"Okay, dalawang tapsilog. May dog food pa ba kayo diyan?"

"Oho", sagot ng waiter.

"Sige, dalhan mo'ko".

"Sige ho", at umalis na ang waiter para kunin ang kanilang inorder.

"Hanep na restaurant ho ito ah. May dog food."

"They love pets. Tita ko ang may-ari nito. Nanghihingi lang ako ng dog food. Hindi yun kasama sa menu."

"Ahh..."

"Ahm... how's your morning?"

"Heto ho. Mabuti."

"Mabuti naman. Today, sa studio tayo. Magti-take tayo ng napakarami until makuha natin ang magandang anggulo ng video. Next day, sa bahay ko. May pool dun, basta good view for the ad. Call nalang kita. Susunduin kita."

"Salamat ho."

"Saan kita susunduin?"

"Dati'ng tagpuan nalang ho. Nakakahiya naman ho kung sa bahay."

"Okay lang, after the taping hatid kita pauwi para naman bukas masundo kita sa bahay niyo."

"Sige ho. Kayo ho ang bahala", sagot ni Kari na nagagandahan sa dalaga.

Dumating na ang waiter dala ang mga order nila.

"Salamat Ashton. Nandiyan ba si Kutcher?"

"Wala ho ma'am. Day off."

"Ah... okay... salamat ulit."

"Sige ho ma'am", at umalis na ang waiter.

"Pang hollywood ang mga pangalan ng waiters ninyo dito ah."

"Ahh... nickname lang nila yun. Si Tita nagpangalan. Solid fan kasi ni Ashton."

"Kutcher?"

"Irwin... ng 5 seconds of Summer."

"Ha? Bagets pala tita mo."

"Haha! Nakakatuwa ka talaga. Oo, solid fan ni Kutcher. Kain ka na."

"Ah... sige".

Matapos kumain ay pumunta na sila sa studio at doon ay nagsimula na ang shooting at iba pang eksena.

Matapos ang taping ay inihatid na ni Cherry si Kari sa bahay nito.

"Pasok ho muna kayo ma'am."

"Wag na. Okay lang. Nakakahiya naman. Magpahinga ka na."

"Salamat ho talaga, ma'am."

"Ano ba? Wala yun. Isa pa, ang lakas ng loob mo'ng tawagin ako'ng Mobile kanina, ngayon, pa ma'am ma'am kana. Cherry nalang."

"Sige ho, Cherry."

A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now