Chapter 39: Ang Inaakalang Ordinaryong Araw

8.1K 172 22
                                    

Matapos kumain nina Kari at Asra ay nagsipilyo ulit sila. Kakalabas lang din ni Avery mula banyo at pumunta na sa may sala para kunin ang mga susuotin'g damit para sa trabaho niya. Nagliligpit naman at naglilinis sina Leonora at Coritha sa mga pinagkainan nila.

Ilang sandali pa'y sumakay na sa kotse sina Kari at Asra habang nasa likod nila si Avery na ihahatid nila sa restaurant.

Sa pagmamaneho ay hawak ni Kari ang kaliwang kamay ni Asra habang hawak ng kanyang kaliwang kamay ang manubela.

Pansin ni Avery ang pagkakahawak ni Kari sa kamay ng fiancee nito. Kaya gumawa siya ng eksena.

"Ano ba naman 'yan? Magmamaneho tapos isa lang ang kamay sa manubela. Mag-ingat naman sana, may tao sa likod oh. Ano ba naman 'yan? What's happening in this country", reklamo ni Avery.

Pero hindi bumitaw si Kari sa pagkakahawak sa kamay ni Asra. "Pwede ba? Wag ka'ng O.A.? Baka gusto mo'ng maglakad nalang papunta'ng restaurant", tanong naman ni Kari.

"Sige, hold your hands pa more. Maganda 'yan, sign of love", sagot ni Avery na natakot na baka pababain ni Kari sa kotse.

"'Yan ang gusto ko sa'yo, Avery, supportive. Keep it up at baka ma promote kita", sabi pa ni Kari sa karibal.

"Promoted as a husband? Switch tayo", pabirong tanong ni Avery.

"Switchin' mo ya'ng mukha mo", sabat ni Asra.

"Hahahaha! You see? The wife has spoken", pang-iinis na sabi ni Kari sa binata.

"Correction! Fiancee, not yet wife", sabi pa ni Avery kay Kari.

"Getting there", pahabol na mga salita ni Kari na nagpalugmok sa hitsura ni Avery.

Ilang minuto ang lumipas ay narating na nila ang restaurant ni Kari at ibinaba na si Avery na nakasimangot.

"Take care, Avery", sabi ni Kari at ipinaandar na ang sasakyan papuntang simbahan.

"Take care hin mo 'yang mukha mo", inis na sabi ni Avery at dahan-dahan siya'ng pumasok sa loob ng restaurant nang makatagpuan niya si Tina.

"Good morning my dear Avery! How's your morning", tanong pa ni Avery.

"Bad", sagot niya sabay iwan kay Tina at dumeritso na sa kanyang pwesto.

"What? 'Lang respect sa'kin yung bata'ng 'yun sa'kin ah. Well", sabi ni Tina sa sarili at ipinaskil ang isang papel sa may hallway papasok ng restaurant.

"Ayan! Follow me on twitter for your inquiries and suggestions @supervisortina2120, yeah boy", basa ni Tina sa ipinaskil niya'ng papel sa dingding, at umalis na pabalik sa kanyang pwesto.

Narating naman nina Kari at Asra ang simbahan kung saan iniwan si Asra ng kanyang ina na si Coritha. Sa paglalakad nila papasok ng simbahan ay naalala ni Asra ang mga nangyari nung kabataan niya--ang pag-iwan sa kanya sa labas ng simbahan, at ngayo'y nagbabalik siya sa simbahan'g yaon, bilang isang babae'ng ma-ikakasal sa lalaki'ng pinakamamahal niya.

Hawak ni Kari ang kamay ni Asra at bakas sa kanila'ng mukha ang galak at tuwa na sa wakas magsisimula na ang unang hakbang nila patungo sa altar ng wala'ng hanggan. Hawak-hawak ni Kari ang malambot na kamay ni Asra patungo sa isang maliit na gusali na naglalaman ng mga tao'ng umaasikaso sa mga aktibidad ng simbahan.

"Ano po'ng sadya nila", tanong ng isang babae na naka-upo sa may desk.

"Magandang umaga po! Magpapalista po kami bilang ikakasal", sagot ni Asra. At ngumiti naman si Kari.

"Magsi-upo muna kayo", anyaya ng babae at nagsi-upo na sina Kari at Asra. "Sigurado na ba kayo? Pag ikinasal dapat pahalagahan ang sumpaan, lalo'ng lalo na't susumpa kayo sa isa't isa sa harap ng altar", sabi pa ng babae.

A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now