Chapter 7: Alam na naman!

26.3K 557 46
                                    

Umaga na. Mamaya'ng gabi ang unang araw ng pagtuturo niya sa alagang aso nang inapplyan niyang trabaho bilang dog-trainer, kina Timber.

Paggising ni Asra, naghubad agad siya at nagtapis ng tuwalya para magpunas ng basang bimpo sa banyo. Paglabas niya, wala na si Kari pero nakita niya si Bougart na nakatali sa lamesa niya. Paglapit niya may nakita siya'ng sulat sa ibabaw ng mesa. Binasa niya agad ito, "alam ko'ng maaalagaan mo ng mabuti si Bougart. Paki-bantay. Salamat, Kari", at napasigaw si Asra, "Ahhhhhh my gulay!!! Nagtitiwala na siya sa akin. Yung unggoy na yun, parang nahulog na rin sa akin. Hahaha! Winner", wika ni Asra sa sarili. May kumatok naman sa bahay, si Drake siguro.

Pinagbuksan niya ito, si Drake nga. "Uy, Drake, long time no see, kamusta negosyo", tanong niya sa kaibigan.

"Heto, okay lang. Kayo? Kamusta kayo ng kasama mo rito sa bahay?"

"Mabuti naman. Ahm... pasok ka muna."

"Hindi na. Andito lang ako para may klaruhin sa'yo."

"Ha? Ano yun?"

"Alam ko'ng kaibigan lang talaga ang turing mo sa'kin. Matagal na rin akong nanligaw para lumevel up tayo. Pero parang ayaw mo talaga. Last question, Asra. Uulitin ko yung tanong ko sa'yo noon. May chance na ba ako sa puso mo hindi bilang kaibigan, ngunit ka-ibigan?"

"Drake. Mahal kita... pero... hanggang kaibigan lang talaga. Sorry."

"Okay lang. Mabuti na rin yung alam ko'ng hindi talaga magbabago pagtingin mo sa'kin. Aalis na kasi ako kaya ako nagtanong, baka kasi hindi matuloy ang pag-alis ko kung sakaling mahal mo na ako. Hindi pa pala at Hindi na talaga."

"Saan ka pupunta?"

"Sa malayo, hahanapin ko ang sarili ko. Pero hangga't hindi ka pa kasal, maghihintay ako. Pero pag nakakita ako ng katulad mo dun? May kapalit ka na sa puso ko."

"Drake", nalungkot si Asra. "Pwede'ng mayakap ka".

At nagyakapan sila't nag-iyakan. "Ma-mi-miss kita, Drake. Huhuhu...".

"Ako rin."

"Ingat ka lage ha."

"Oo naman. Ikaw rin. Ingatan mo lagi sarili mo. 'Pag nalulungkot ka, wag mo'ng isipin'g wala ka ng pamilya. Pwede mo ko'ng tawagan. Kahit hindi bilang asawa, kahit bilang kapatid mo."

"Huhuhu... Drake... I will miss you talaga."

"Ssshhh... hindi pa naman ito yung huling pagkikita natin eh."

"Basta, lage kang tatawag ha. Balitaan mo'ko."

"Oo naman, bestfriend yata kita. Kahit masakit."

At kumalas na sa pagkakayakap si Asra.

"Paalam, Asra."

"Teka? Yung negosyo?"

"Oo nga pala, kaya mo yun! Ikaw pa."

"Nasa'n resignation paper mo? Para may last pay ka. Huhuhuh..."

"Seryoso ka? Kailangan ko pa talagang magpass ng resignation letter?"

"Hindi, biro lang, sige na, ingat ka lagi. Huhuh... Paalam", sabay pahid sa luha't sipon.

At umalis na ng tuluyan si Drake.

Habang sa coffee shop, hindi nakita ni Kari si Asra. Naisip niya baka napagod kagabi.

Napansin ito ni Jared na may hinihintay si Kari. "Pare? Yung Asra ba ang pangalan nun? Yun ba ang inaantay mo", tanong ng kaibigan.

"Ha? Oo."

"Ka-ano-ano mo ba yun?"

"Pare. Ikaw yung pinakapinagkakatiwalaan'g kaibigan ko. Wag mo sana ito'ng ipagsabi kahit kanino, lalo na kay boss Herber."

A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now