Chapter 38: Unang Hakbang Papuntang Altar

8.9K 197 2
                                    

Bagong umaga na, hindi pa rin makalimutan ni Kari ang nangyari sa kanila ng kanyang ama sa mall, na tila gumaan ang kanyang pakiramdam, nawala lahat ng inis, sakit, at lungkot, at napalitan ito ng kasiyahan.

Matagal pa niya'ng makikita ang ama. Kakaalis lang nito at di na hinintay si Kari. Bago sila umuwi kagabi ng ama ay ipinaalam na ng papa niya na uuwi na ito ng Amerika dahil kailangan siya ng kanyang mga katrabaho dun at ganun na rin ng pamilya niya. Hindi na rin ito nahatid ni Kari sapagkat ang lambing ng pagkakatulog niya.

Pagkakita niya kay Avery ay agad niya ito'ng niyakap.

"Salamat sa iyo, at sa nanay mo", sabi ni Kari kay Avery.

"Ano ba? Ang baho ng hininga mo. Pwede ba magtoothbrush ka muna"?

"Arte mo bro. Para naman'g mabango yang hininga mo. Parehas kaya tayo'ng bagong gising", sabi pa ni Kari.

"Alis na, inaantok pa 'ko", sabi ni Avery sabay takip sa ilong ng kumot.

Hinablot naman ni Kari ang pantakip ni Avery sa ilong at hiningahan ng malapitan.

"What the...", inis ni Avery.

Agad naman'g tumayo si Kari papalayo kay Avery.

Agad naman'g tumambad sa harap niya si Asra. Niyakap niya ito ng mahigpit.

"I love you, Asra. Good morning", sabi ni Kari sa niyayakap na fiancee.

"Maligo ka na, ngayon na tayo pupunta ng simbahan", sabi naman ni Asra.

"Papakasal na agad tayo? Wow", masiglang galak ni Kari.

"Ulol! Magpapalista tayo tapos aattend pa tayo ng seminar".

"Okay", at kumalas na si Kari sa pagkakayakap, kinuha ang tuwalya't pumunta na ng banyo.

"Asra, magpapakasal ka na ba talaga", tanong ni Avery habang naka-upo sa hinihigaan.

"Bakit? Avery, nagpapasalamat ako dahil tinulungan mo si Kari na mailigtas ako at si Bougart. Pero sana, maging kaibigan na lang tayo", sabi ng dalaga sa binata.

"Kung iniisip mo'ng kasal na'ko kay Sandy. Pinawalang bisa na ang kasal namin ng mayor", paliwanag ng binata.

"Avery, pwede ba"?

"Pwede ba'ng ano"?

"Tumayo ka na? Manonood ako ng TV, harang ka e", sagot ni Asra.

"Oo na po", at tumayo na ang binata sabay ligpit sa higaan.

"Natutulog pa ang mama mo, mamamalengke muna ako. Masarap kumain ng sariwang isda ngayon. Saglit lang ako", sabi ng kakalabas lang ng kwarto na si Leonora.

"Sige ma, ingat", sabi ni Asra sa ina.

"Okay", at lumabas na ng bahay si Leonora dala ang kanyang maliit na pitaka.

Ilang minuto pa ay may sumigaw sa labas ng bahay nila na tila dumadaan lang, "tinapay! Tinapay kayo diyan! Tinapay", agad na lumabas si Asra at tinawag ang sumisigaw na tindero, "pabilan"!

Bumalik ang tindero sa harap ng bahay nina Asra para pagbalutan ng tinapay ang dalaga.

"Magkano"?

"Singkwenta pesos po".

"Saglit kukuha lang ako ng pera sa loob".

"Sige po, tik your taym ples", sabi ng tindero at pumasok na pabalik sa loob ng bahay si Asra.

Lumabas naman ng bahay si Avery at doo'y nakita ang naghihintay na tindero, "Uy manong. Nabayaran na ang tinapay"?

"Hindi pa po, kumukuha pa ng pera sa loob", sagot ng tindero.

A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now