Chapter 44: He Who Gives Up & He Who Comes Back

6.6K 153 2
                                    

Nabigla si Ricardo sa sinabi ng binata sa kanya at dahil dito ay napatitig siya sa mga mata nito. "Ser, ikaw pa ba 'yan"?

"Bakit? Matagal na ba tayong nagkakilala and you assumed that I have changed", tanong ni Avery.

"Ser, aalis na lang po ako sa trabaho'ng ibinigay niyo. Hindi ko po kaya'ng sundin ang gusto niyo'ng mangyari", sabi ni Ricardo.

"Why? I'll pay you, too. I have money", sabi pa ni Avery.

"Money? Like pera", tanong ni Ricardo.

"Yes, yes, yes! Pera".

"Ser, malinis po ang konsensya ko, matino po akong tao, hindi po ako sang-ayon sa gusto niyo pong mangyari", sabi pa ni Ricardo. "Nung nag-abrod po ako ser, ang inisip ko ay ang pamilya ko. Kung paano ko sila mabubuhay. Dalawang taon akong nagtiis sa abrod para lang makapagpadala ng pera sa pamilya ko. Nung umuwi ako ng Pilipinas para magbakasyon...", dagdag na kwento ni Ricardo nang biglang tumulo ang kanyang mga luha, "after 2 years ng trabaho, umuwi ako para sa isang buwan'g bakasyon. Nahuli ko ang misis ko na may iba'ng kasiping", karugtong ng kwento ni Ricardo tungkol sa buhay niya.

Napayuko naman si Avery at nalungkot sa kwento ni Ricardo.

"Masakit para sa'kin. Pero natatakot akong pumasok ng silid para bulyawan sila. Kaya kinunan ko nalang sila ng larawan. Nanginginig pa ang kamay ko nun habang di ko mapigilan ang maiyak. Kinabukasan naglakas loob akong komprontahin ang misis ko, malayo sa mga anak namin. Pinakita ko ang larawan na nakuha ko at humingi siya ng tawad sa'kin. Sabi niya, natukso lang daw siya dahil matagal daw akong nawala. Kaya ayun, sinabi ko sa kanya di nako babalik ng abrod para di na siya matukso uli", kwento pa ni Ricardo kay Avery.

"Ang lungkot naman po pala ng pinagdaanan niyo", sabi pa ng binata.

"Oo. Kaya hindi ako sang-ayon sa gagawin mo, dahil alam ko kung gaano kasakit na makita na ang taong mahal mo, may iba. Kung ano man ang naramdaman ko nun, ganun rin ang mararamdaman ni Kari", sabi pa ni Ricardo na pinahiran ang mga luha.

"Pero hindi pa naman po sila kasal", sabi pa ng binata.

"Ser, hangga't may relasyon ang dalawa, matuto kang maghintay na mismo sila ang maghiwalay. Hindi dapat ikaw ang magpapahiwalay sa kanila dahil pag ginawa mo yan, hindi mo nirespeto ang pagmamahalan nila sa isa't isa. Pinahahalagahan mo lang ang sarili mo. At isa pa, para mo na rin'g sinampal sa mukha si Asra dahil hindi mo nirespeto si Asra bilang isang babae na tapat sa kanya'ng karelasyon", sabi pa ni Ricardo at hinawakan niya ang balikat ng nalulungkot na binata. "Ser, marami pa'ng iba diyan. Subukan mo'ng maghintay, pag hindi talaga pwede, maghanap ka ng iba. Hindi mo dapat ipaglaban ang pagmamahal mo sa tao'ng iba ang mahal. Hindi ka magiging masaya dun, hindi rin siya magiging masaya dun. At subukan mo'ng ilagay ang sarili mo sa posisyon ni Kari, ser, ano'ng mararamdaman mo pag inakit ng iba ang fiancée mo? Ser, kung hindi ka sumasang-ayon sa lahat ng sinasabi ko, aalis na lang ho ako. Hindi ko matatanggap ang trabaho'ng 'to", dagdag ni Ricardo at nagsimula ng lumakad papalabas ng restaurant.

Nang sandali ay, "Ricardo", tawag ni Avery sa matanda na nagpatigil sa hakbang nito. "Pasensya ka na kung naging ganito ako. Tama ka. Tama ang lahat ng sinabi mo. Babalik na lang ako sa amin, at susubukan ko'ng mag-move on", sabi pa nito na nalulungkot sa katotohanan'g sinabi ng tindero.

"Sige ser, mas mabuti 'yan", sabi ni Ricardo at nagpatuloy sa paglakad.

"Ricardo", tawag ni Avery.

"Bakit ser"?

"San ka pupunta? May tatrabahuin ka pa rito uy. Mamaya pa'ng gabi ang out mo. Ano ka sineswerte? Mag-e-early out", sabi pa ni Avery na nagbigay ngiti sa matanda.

A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now