Chapter 50: The Choice

5.7K 145 17
                                    

Pinuntahan ni Kari ang emergency room at agad na lumapit sa isang babae, "ahm, excuse me nurse, kamusta po ang kalagayan ng pasyente", tanong ni Kari.

"Alin dun"?

"Yung nahilo po sa room 302", sagot ni Kari.

"Aaahh... patay na siya", sagot ng babae.

"Ano"?

"Joke! Joke! Joke! Itanong mo sa mga nurse paglabas nila. Janitress lang ako rito", sagot ng babae'ng janitress.

"Nakakagulat naman ho kayo. Bakit po kayo nakasuot ng damit pang nurse tapos wala pa po kayong dalang mop"?

"Hay naku. Namamalik mata ka lang dong. Uniporme namin 'to ngayon. Bukas green kami. Tapos wala akong map, ano ako trabeler (traveller)? Maiwan na kita may lilinisin pa ako'ng kubeta sa itaas", sabi ng babae at lumayo na kay Kari.

At napakamot na lang sa ulo si Kari.

Ilang sandali pa'y may lumabas na nurse.

"Excuse me, nurse, kamusta po 'yung nahilong lalaki dun sa room 302", tanong ni Kari.

"Kaanu-ano niyo po"?

"Ahm..... kaibigan? Kaibigan ko po".

"Nandito ba ang mga magulang niya? Kasama mo ba"?

"Wala ho e".

"Kakalabas lang kasi ng doktor. Malala ang kalagayan ng pasyente, teka, ikaw yung kasama ng pasyente kanina sa pagpapa-checkup, tama", tanong pa ng nurse.

"Oho, ako ho yun", sagot ni Kari.

"Tinawagan namin siya kaso wala'ng sumasagot. Stage 4 na ang cancer niya. Tanging dasal na lang ang makakapagpagaling sa kanya", sabi ng nurse. "Sumama ka na lang sa'kin sa help desk. May cellphone number ka ng mga magulang niya", tanong pa ng nurse.

"Wala e".

"Actually, nasa amin ang cellphone niya. May passcode kasi. Ililipat nalang muna namin ang pasyente sa public room hanggang sa magkamalay siya".

"Sige ho, maraming tao ho run di ba", tanong ni Kari.

"Oo".

"Sige, atleast may makakakita sa kalagayan niya".

"Hindi mo ba siya sasamahan"?

"Yung fiancee ko nasa room 302 e".

"Teka, pamilyar ka talaga e. Ano'ng pangalan mo"?

"Kari Julio po".

"Sinasabi ko na nga ba. Pwede'ng paselfie mamaya kung okay lang sa'yo"?

"Sige ho".

"Sige, see you later", at umalis na ang nurse.

At napa-isip si Kari. "Totoo talaga'ng may sakit siya", sabi ni Kari sa kanyang isipan at napatitig na lang sa may sulok.

Ilang oras ang lumipas nagkamalay na si Benj at tyempo'ng papunta si Kari sa kinaroroonan niya.

"Kamusta ka", tanong ni Kari sa karibal.

"Ayos lang. Salamat", sagot ni Benj.

"Ahm... napagdesisyunan ko", sabi ni Kari na nagpakaba sa dibdib ni Benj, "napagdesisyun ko'ng hayaan ka'ng suyuin si Asra", sabi pa ni Kari.

"Talaga"?

"Pero na ki-Asra ang desisyon. Papalayain ko siya kung ikaw ang pipiliin niya. Ayoko'ng bumigat pa ang nararamdaman niya kaya sasabihin ko sa kanya, kung sino man ang piliin niya sa atin, tatanggapin ko", sagot ni Kari.

A House With A Brown Tape (RomCom)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora