Chapter 41: Heto Na Ang Ulan

7.4K 175 7
                                    

Pauwi na sina Kari at Asra ng tahanan galing sa sinalihan'g seminar sa pagpapakasal. Sakay ng kanilang kotse ay narating na nila ang bahay na may brown tape. Pagkabukas ni Kari ng pintuan ng kotse ay bigla'ng umulan ng napakalakas. Hinubad ng binata ang kanyang vest at ipinahiram kay Asra bilang pantakip sa ulo nito.

Basa'ng basa na sa ulan si Kari dahil lumabas siya ng kotse para pagbuksan sa kabilang pintuan ang fiancée.

"Pagbilang ko tatlo, takbo na tayo sa harap ng pintuan ng bahay", sabi ni Kari sabay sara ng pintuan ng kotse ng makalabas na si Asra dito.

"Okay", pagsang-ayon ni Asra.

"Isa, dalawa...", bilang ni Kari ngunit biglang tumakbo si Asra. "Hoy, hindi pa'ko tapos magbilang, ang daya mo naman", at nagpatuloy si Asra sa pagtakbo papunta sa pintuan na tuwa'ng tuwa sa ginawa.

Si Kari naman ay lumakad na lang papalapit sa pintuan ng bahay.

Pagkarating ni Kari sa harap ng pintuan ng bahay ay nakita niya'ng tawa ng tawa si Asra. "Hoy, tawa ka ng tawa diyan baka tamaan ka ng kidlat. Takpan mo yan'g ngipin mo", sabi ni Kari sa fiancée.

"Ito naman. Nagpapaniwala ka sa mga sabi-sabi na pag malakas ang ulan bawal makita ang ngipin. Ano'ng akala mo sa ngipin may radiation at huhulihin ng kidlat", pabirong sabi ni Asra sa binata.

"Oo na", at kumatok si Kari sa pintuan para sila'y pagbuksan.

Dumaan ang ilang minuto ay wala pa rin'g nagbubukas ng pinto. "Tao po, ma", tawag pa ni Kari ngunit wala talagang sumasagot. "Parang wala sila mama", hula ni Kari.

"Siguro nga", sabi pa ni Asra.

"Saglit lang, kukunin ko muna ang susi ng bahay sa loob ng kotse", sabi ni Kari.

"Yun nga ang ipinagtataka ko, bakit di mo dala ang susi ng bahay", biro pa ng dalaga.

"Nang-aano ka eh... umuulan eh... hah... nataranta ako eh ha...", pabirong sagot ni Kari at lumakad na papunta'ng kotse para kunin ang susi ng tirahan.

Ilang sandali'y pa'y bumalik na sa harap ng pintuan ng bahay si Kari dala ang kinuha'ng susi at ipinasok sa butas ng lock ng pintuan. "Ayan, bukas na", sabi ni Kari sabay baba sa mala-stick na door knob.

Agad na kumaripas ng takbo papasok ng bahay si Asra at dumeritso sa kusina para kumuha ng dalawang baso ng tubig. Ininom niya ang isa dahil sabi nila pang-iwas lagnat at sipon daw pag naulanan ka ang pag-inom ng isang basong tubig. Dinala niya ang isang baso kay Kari at ini-abot niya.

"Ano'ng gagawin ko rito", tanong ni Kari sa natanggap na isang basong tubig mula sa dalaga.

"Try mo'ng kainin ang tubig kung pwede. Siyempre, sabi nila pagna-ulanan ka raw, uminom raw ng isang basong tubig bilang pang-iwas lagnat at sipon", sagot ni Asra.

"Masyado ka rin'g nagpapaniwala noh? Ano'ng akala mo sa tubig, paracetamol", pabirong sabi ni Kari na nakatayo malapit sa pintuan ng bahay.

"Ha....! ha....! Oo na, nakaganti ka na. Kesa naman dun sa bawal ngumiti pag malakas ang ulan, di hamak na mas hindi kapani-paniwala yun", inis na sabi ni Asra.

"Hindi... Binibiro lang kita. Tuwalya ko, please", sabi ni Kari matapos mainom ang isang basong tubig at mai-abot ang baso sa fiancee.

At pumunta si Asra sa may mga gamit ni Kari ay kinuha ang tuwalya. Pagkakita niya sa tuwalya nito ay agad niya'ng ini-abot sa binata.

"Thank you", sabi pa ni Kari.

"You are welcome. Papasok muna ako sa loob ng kwarto para makapagbihis, at tawagan mo sina mama kung nasa'n na sila", sabi ng dalaga at lumakad na agad papasok ng kwarto.

A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now