Chapter 22: Ang Lihim ni Asra

11.6K 254 15
                                    

Matapos ang makulay na pagkikita nina Kari at Asra ay agad na dumiretso sila sa kusina.

Inilabas ni Asra ang mga lulutuin galing ref.

"Ang pinagtataka ko kung bakit may laman pa 'tong ref at naka-on pa", sabi ni Asra sa naka-upo'ng si Kari.

"Haha! Hindi ko pinabayaan ang bahay na'to dahil dito tayo una'ng nagkita at marami na rin 'tong alaala sakin, sa atin. Dito rin ako umuuwi kung minsan".

"Ah kaya pala. Salamat ha".

"Ano'ng salamat? Mahal kita, hindi mo dapat pasalamatan ang ginawa ko, dapat mahalin mo, gaya ng pagmamahal ko".

"At ano pa? Pakakasalan ko"?

"Hahaha", at tumayo si Kari sabay yakap kay Asra habang nakatalikod ito at may hinihiwa. "Na miss kita", sabi pa ni Kari.

Ngunit tila para'ng umiiyak si Asra.

"Uy bakit? Tears of joy"?

"Loko! Ikaw ba naman maghiwa ng sibuyas".

"Ay! Hehe. Saglit lang may tatawagan lang ako".

"Sige".

At lumakad si Kari palabas ng bahay.

"Hello! Ma"?

"Anak? Bakit napatagal ang uwi mo at parang iba ang kulay ng pananalita mo ah", sagot ni Leonora.

"Ano kulay ma"?

"Pink"?

"Hahahaha! Ahm... Ma, punta ka dito sa bahay ni Asra".

"Bakit"?

"May surpresa ako sayo".

"Ano yan? Kinakabahan naman ako sa'yo e".

"Sige na ma. Tapos pakisuyo nalang ng isang boquet na bulaklak".

"Wow! Anak? May bago kang liligawan? Naka-move on ka na"?

"Hindi nakamove-on ma, magpapatuloy".

"Ha? Sige anak pupunta ako agad magbibihis lang ako".

"Sige ma, ingat sa byahe. Muaaah", at ibinaba na ang telepono habang nakangiti.

Bumalik si Kari sa loob ng bahay nang mabigla siya sa nakita. Nakita niya si Asra na nakahiga na sa sahig. Agad niya ito'ng nilapitan at niyakap, "Asra? Asra"?

Ngunit di sumasagot si Asra. Wala ito'ng malay at namumutla. Inalalayan niya ang iniibig at isinakay sa kanyang sasakyan, nasa likod naman si Bougart na hindi rin mapakali. "Asra, kapit lang". At minaneho ang sasakyan.

Kinuha niya ang kanyang telepono at tinawagan ang kanyang ina. "Hello ma".

"O anak. Andito na 'ko sa pamilihan ng mga bulaklak".

"Ma, dumiretso nalang ho kayo sa Lucas Medical Center".

"Bakit? Ano'ng nangyari"?

"Si Asra ho".

"Si Asra? Ano'ng nagyari kay Asra"?

"Wala po siya'ng malay ma. Namumutla po".

"Sige, susunod agad ako".

"Sige ma. Ingat", at ibinaba ang telepono.

Ilang minuto ang lumipas, naipasok na sa ospital si Asra. Naghihintay si Kari sa labas ng emergency room.

Ilang minuto naman ay dumating na si Leonora dala ang binili'ng bulaklak. Sinalubong naman ni Kari ng yakap ang ina na may mukhang nag-aalala.

"Ano'ng nangyari kay Asra"?

A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now