Chapter 28: Ang 'Di Inaasahan

10K 213 44
                                    

"Asra", sabi ni Mr. Cheng nang marinig niya na tinawag nito'ng mama si Celia.

"Bakit Mr. Cheng", tanong ni Asra.

Tumingin si Mr. Cheng na napaluha kay Celia. At yumango si Celia kay Cheng na nagsasabi'ng oo, si Asra ang anak nila.

"Asra", at nilapitan agad ni Mr. Cheng ang dalaga't niyakap, "anak ko".

Nagulat si Asra sa narinig, ganun rin si Kari.

Napa-isip rin si Kari na baka plano lang ito ni Mr. Cheng para guluhin ulit sila'ng dalawa'ng nagmamahalan.

"Para mapatunayan mo, magpapa DNA tayo. Kahit saan'g lugar, kahit ilan'g beses", sabi pa ni Mr. Cheng sa dalaga.

Mahigpit ang yakap ni Mr. Cheng, sa dalaga, na nasasaktan dahil naging dahilan din siya ng kalungkutan ng anak sa mga panahon'g pinalalayo niya ito kay Kari.

"Ang tagal ko'ng hinanap ang mama mo para makita kita. Ikaw na nasaktan ko, ikaw na ilang ulit ko ng nakita, ikaw na kinamuhian ko, ikaw rin pala ang tao'ng hinahanap ko. Anak", maiyak-iyak na sabi ni Mr. Cheng kay Asra.

"Mr. Cheng, mahirap po'ng paniwalaan. Di kaya plano mo na naman 'to? Nang anak niyo'ng si Timber", deritsahang tanong ni Kari.

"Kari", naluluhang sabi ng ginoo. "Patawarin niyo ko sa lahat ng nagawa ko. Nabulag ako sa galit. Naging hadlang ako sa inyo. At nang dahil sa'kin, nawala ang ate mo. Pero Kari, pinagsisisihan ko na lahat. Lumayo ako, umalis ako, pumunta ako ng Amerika kasama ang anak ko'ng si Timber. Napagdesisyunan ko nun na hindi ko na ka'yo guguluhin. Ang negosyo ko ang nagpabalik sa'kin dito. Pero ito, ito'ng grasya'ng 'to na matagal ko ng hiniling sa Panginoon. Ito ang nadatnan ko rito sa pagbalik ko. Masaya'ng masaya ako. Masaya'ng masaya ako", sagot ni Mr. Cheng.

"Magkakilala kayo", tanong ni Celia.

"Oo, Celia", sagot ni Mr. Cheng. "Ako ang naging kontrabida sa buhay nila at labis ko ito'ng pinagsisisihan, lalo nang malaman ko'ng anak ko pala ang babae'ng kinamumuhian ko".

"Asra, tara na", anyaya ni Kari na nagdududa na sa mga nangyayari. Hinila niya ang kanyang mapapangasawang babae papasok ng kotse na nilalayo kina Mr. Cheng at Celia.

"Kari, si mama", sabi ni Asra.

"Hindi mo ba naiintindihan? Isa ito'ng patibo'ng ni Mr. Cheng".

"Hindi mo rin ba naiintindihan? Totoo ang lahat. Dama'ng dama ko".

"Tara na".

"Yung mama ko, Kari".

Pero di nakinig si Kari at pinaandar na ang kotse, ngunit binuksan ni Asra ang pintuan ng kotse at lumabas ito para balikan ang kanyang nadadama'ng mga magulang.

"Asra", tawag ni Kari ngunit patuloy na lumapit si Asra kina Mr. Cheng at Celia.

Itinigil ni Kari ang pagpapa-andar sa sasakyan at bumaba ulit dito. "Asra", tawag niya ng makalapit.

"Pwede ba'ng bigyan muna natin sila ng pagkakataon? Ha, Kari"?

"Hindi mo 'ko naiintindihan", sagot ni Kari.

Dahil sa inis ni Asra, tinanggal ni Asra ang suot na singsing nito na galing kay Kari.

"Asra, wag mo'ng gawin 'yan".

"Hindi kita naiintindihan, Kari, kasi hindi mo rin ako naiintindihan. Kaya heto muna ang gawin natin. Maghiwalay na muna tayo".

"Asra? Ganun na lang ba? Ikaw ang iniisip ko. Pano kung niloloko ka lang nila"?

"Kari, umuwi ka na. Pag-iisipan ko na muna ang pakasalan ka", at tinapon ni Asra ang singsing papunta kay Kari.

Lumapit si Celia sa anak at pinatatahan niya ito, "ssshhh... Anak, hindi ito ang solusyon sa hindi ninyo pagkakaintindihan", sabi pa ni Celia.

A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now