Chapter 33: Nababaliw na Karibal

8.3K 202 10
                                    

Hindi makapaniwala si Kari sa narinig mula sa kanyang mama na nawawala si Bougart at kinuha ito ng isang babae. Ni hindi masyadong namukhaan ni Pedring ang kumuha sa kanyang alaga'ng aso na si Bougart, basta't ang alam lang nito ay maganda at kulay brown ang buhok ng babae.

"Ano'ng nangyari kay Bougart", tanong ni Asra kay Kari na kausap si Leonora sa telepono.

"Sige, ma", at ibinaba niya ang kanyang telepono. "Si Bougart, nawawala", sabi niya kay Asra.

"Ano? Pa'no"?

"May babae raw'ng kumuha".

"Sino naman kaya yan'g babae'ng 'yan", alala ni Asra.

"Nilagay kasi ni mama si Bougart sa may garden dahil nililinis nila ni mama Coritha ang buong loob ng bahay. Ano? Tara", anyaya ni Kari para umuwi ng bahay para makapagtanong pa kay Mang Pedring.

"Nay, maiwan ho muna namin kayo", paalam ni Asra sa matanda'ng nagtitinda ng inihaw na bituka ng manok.

"Sige, balik kayo ha", sabi pa ng matanda.

"Opo naman", sabi naman ni Kari.

"Sige, ingat kayo".

At tuluyan ng umalis sina Kari at Asra sa parke.

Trenta minutos ang lumipas at narating na nila ang bahay na may brown tape.

"Ma, nasaan si Mang Pedring", tanong ni Kari.

"Andito. Pedring", tawag ni Leonora.

"Papasok na muna ako sa kwarto para makapag-print ng picture ni Bougart at para ma post sa mga kalye", sabi naman ni Asra.

"Sige, lagyan mo na rin ng pabuya. Ako na bahala sa ibabayad sa makakakita", sabi pa ni Kari.

"Sige", at pumasok na ng kwarto si Asra.

Lumapit naman si Pedring sa mga amo, "ano po 'yun ma'am, sir"?

"May naaalala po ba kayo sa babae'ng nakita niyo po'ng kumuha sa alaga ko'ng aso"?

"Oho, maganda tapos brown ang buhok tapos naka itim siya pero naka shades po siya at naka hoody. Pero yung plate number na naalala ko 987 ang last", sagot ni Pedring.

Naalala ni Kari bigla ang kotse ni Sandy namay plate number na nagtatapos sa 987. "Bakit naman niya gagawin 'yun"?

"Ang ano po", tanong pa ni Pedring.

"Ah... Wala ho. Makakabalik na po kayo sa trabaho. Marami'ng salamat po", sabi ni Kari sa trabahante.

"Ah, walang anuman sir, sige po", at bumalik na sa pagtatrabaho si Pedring.

"Kilala mo anak", tanong ni Leonora sa anak.

"Parang may kilala po akong may 987 ang plate number pero baka iba ang prefix. Pero susubukan ko po'ng dalhin si Pedring bukas sa Urban Linking", sagot ni Kari.

"Urban Linking? Yun yata yung kompanya ni Asra"?

"Noon, ma. Wala na po siya run".

"Kakasimula pa nga lang ni Asra dun, wala na agad"?

"Opo. Mahabang kwento, ma".

"Doon na muna tayo sa kusina, naghahain na siguro si mama Coritha mo ng niluto niya'ng biko".

"Sige ma", at nagsipunta na sila sa kusina.

Lumabas na rin ng silid si Asra dala ang mga printed papers na may larawan ng alaga nila'ng aso na si Bougart at may nakasulat na pabuya'ng Php15,000.00.

"Kain ka muna, anak", anyaya mi Coritha kay Asra habang naghahanda ng ipapakain sa mga nagrerenovate na mga trabahante.

Sina Leonora at Kari naman ay kumakain na ng biko.

A House With A Brown Tape (RomCom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon