Chapter 42: Malapit Na Ang Araw ng Kasalan

7.3K 164 7
                                    

Gabi na, mahimbing ang tulog ni Asra matapos makapagpahinga mula sa pagkain ng masarap na niluto'ng lugaw ng fiancé nito.

Nag-ring ang telepono ni Asra at sinagot ito ni Kari, "hello ma"?

"Anak, di muna kami makaka-uwi ng mama Leonora mo. Nasa bahay kami ng mga amiga namin. Dito muna kami hanggang bukas", sabi ng nasa linya'ng si Coritha.

"Saan po 'yan"?

"Ah... eh... basta may swimming pool, may lounge, marami sila'ng kwarto, tapos may malaking piano sa may entrance. Ah, basta malayo 'to", sagot ni Coritha.

"Hotel po ba 'yan, ma"?

"Ah... eh... hindi, wala naman'g sinasabi'ng hotel 'to. Bahay nga ng amiga namin eh. Ano ba", rason pa ni Coritha kay Kari.

"Sige ho, mag-ingat ho kayo ni mama Leonora".

"Sige", sang-ayon ni Coritha, "ah... eh... Kari, wala ba si Avery diyan"?

"Wala ma, bakit"?

"Ah... so kayo lang dalawa ni Asra"?

"Oo ma, bakit? May sinabi po ba siya sa inyo na hindi siya makakauwi? Nakapagtataka po kasi", tanong pa ni Kari.

"Ayos! Ahm... galingan mo ha".

"Ang alin ho"?

"Alam mo na. Ikaw talaga. Hahaha", tawa pa ni Coritha.

"Hahaha! Hindi ko gets ma", sabi pa ni Kari.

"Ano ba? Yung ano... basta, galingan mo, okay? Ay sorry, tawag na kami ng mga amiga namin, ingat din kayo, bye", at ibinaba na ni Coritha ang kanyang telepono dahil kinabahan siya na baka magtanong pa ang binata.

Napakamot naman sa ulo si Kari at ibinaba na rin ang telepono ni Asra.

"Ano? Okay na", tanong ni Leonora kay Coritha habang nakikinig sa usapan nila sa telepono.

"Okay na yun", sagot ni Coritha.

"Ikaw talaga, muntik pa tayong mahuli na naghohotel tayo para lang hindi maka-uwi sa bahay. O diyan ka na, manonood na muna ako ng palabas sa telebisyon", sabi ni Leonora at umupo na sa higaan niya at binuksan ang TV.

"Okay, dun muna ako sa itaas, maganda'ng magswimming", sabi naman ni Coritha at lumabas na ng silid para pumunta sa swimming pool ng hotel.

Pinatay na ni Kari ang ilaw ng kwarto at ang mga lampara lang ng silid ang pina-ilaw niya. Tinabihan niya ang nilalamig na fiancée sa kama, ngunit ang mga mata niya ay titig na titig sa magandang mukha ng dalaga habang natutulog ito.

Ilang sandali'y nagising si Asra at tumambad sa kanyang harapan ang mukha ni Kari. "Ano'ng tinititig-titig mo diyan", tanong ng dalaga.

"Wala, nanonood lang ng magandang tanawin", sagot ni Kari sabay ngiti.

"Matulog ka na", sabi ni Asra sa binata.

"Tulog na 'ko, nananaginip na nga ako oh".

"Bolero. Panaginipan mo mukha mo", sabi pa ni Asra at tinalikuran si Kari sa paghiga.

"Hoy, ba't ka naman tumalikod"?

"Matulog ka na".

"Kiss ko"?

At humarap si Asra sabay bigay ng goodnight kiss kay Kari ngunit hindi dun natigil ang halik nang hinabaan ni Kari ang pagbibigay niya ng halik sa dalaga. Ganun rin si Asra, nadama niya ang pag-ibig sa mga halik ng binata. Biglang napayakap si Kari kay Asra habang patuloy pa rin'g nagbabanggaan ang kanilang mga labi.

A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now