Chapter 9: Ang Pagtatapat at Paglipat

18.5K 462 31
                                    

Matapos ang ilang oras, nakauwi na si Kari galing sa pagtuturo sa alaga'ng aso ni Timber. Pumasok na siya sa loob ng bahay para makapagbihis at makapagpahinga.

Nang makabihis, nakita niya'ng palabas ng kwarto ni Asra si Petta na nakatapis lang ng tuwalya.

"Ano'ng ginagawa mo sa loob?"

"Ha? Ah... eh ano pa nga ba?"

Lumapit si Kari kay Petta at sinuntok ito. Sumuntok naman si Petta. Nagbigay na naman ng isa pa'ng suntok si Kari nang bigla'ng bumukas ang pintuan sa harapan ng bahay.

"Ano'ng nangyayari dito", at natigilan ang dalawa sa pagsusuntukan.

"Kanina ka pa diyan", tanong ni Kari.

"Kararating ko lang galing ako sa kakilala ko. Ano ba'ng nangyayari't nagsusuntukan kayo? Ulitin niyo pa yan, parehas ko kayong palalabasin dito."

"Eh bahay ko rin 'to ah", wika pa ni Kari.

"Hawak ko ang kasunduan namin ng lolo mo. Ikaw Kari, para kang babae kung makapagsalita."

"Ahh... bakla! Haha", tukso ni Petta.

Susuntok sana si Kari.

"Tigil!!! Ano ba ang pinag-awayan niyo?"

"Wala", sabay na sagot ng dalawa.

"Ikaw, Petta, matulog ka na, maaga ka pa bukas. Ikaw naman Kari, atras. Bumalik ka sa pwesto mo. Nakakaloka kayo! Diyan na nga kayo", at pumasok na ng kwarto si Asra.

Ngumisi naman si Petta. Habang si Kari ay nagtitimpi ng galit at bumalik na sa upuan.

Ilang minuto ang lumipas, lumabas si Kari ng bahay at umupo sa bench malapit sa kanila.

Nagpapahangin, malalim ang iniisip.

Ilang saglit lang ay lumabas din si Asra. Nakita niya si Kari na nasa bench, nakatunganga. Nilapitan niya ito at umupo sa tabi nito.

"Kanina ka pa rito", tanong ni Asra.

"Andito ka pala. Hindi. Bago lang."

"Ano'ng iniisip mo?"

Napahinga ng malalim si Kari.

"Wala."

"Ano'ng wala? Nakatunganga ka diyan, parang may iniisip."

"Nakatunganga tapos may iniisip? Bago yan ah."

"Ano ba talagang iniisip mo? Si Petta ba? Hindi mo ba siya gusto'ng tumira rito? Wag ka'ng mag-alala. Pagnakahanap na kami ng mura'ng paupahan na pwede'ng tuluyan niya, lilipat na siya."

"Hindi. Okay lang naman."

"Ganun ba? Pero yun talaga ang plano namin. Ahm... ano ba talaga ang iniisip mo?"

"Haaay... ahm, tumitibok kasi ang puso ko, mabilis na mabilis. Hindi ko maintindihan kung bakit."

"Ano o sino ba yan? May nagugustuhan ka yata. Sino?"

"Hindi ko nga alam eh."

"Yung boss mo?"

"Hindi."

"Sino?"

"Basta."

"Pa-thrill ka pa diyan ah."

"Hindi kasi... nakokorny-han ako sa mga ganyan-ganyan eh."

"Ganun? Ang pag-ibig hangga't totoo, wala'ng korny."

"Hindi kasi...", at napalulon ng laway si Kari at nagwika, "nagseselos na ako."

A House With A Brown Tape (RomCom)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang