Chapter 35: Imposibleng Plano

7.7K 198 14
                                    

Gabi na, kakauwi lang ni Avery sakay ng jeep galing sa trabaho. Sumakay nalang siya ng jeep dahil hindi siya nakuha ni Kari dahil problemado ito sa bagong pagsubok na susukat na naman sa pag-iibigan nila ni Asra.

Sa pagpasok ni Avery sa loob ng bahay na may brown tape ay pansin niya'ng parang malalim ang iniisip ni Kari.

"Hoy! Hindi mo 'ko kinuha sa restaurant ah. I have waited there for an hour", sabi ni Avery kay Kari.

Ngunit hindi umiimik si Kari.

"Yoh! What happen? Nasa'n si Asra? Hindi pa naka-uwi? Di ba magkasama kayo kanina", tanong pa ni Avery.

"Pare, magulo ang isip ko, pwede kumain ka na lang diyan kung hindi ka pa kumain", sagot ni Kari sa binata.

"Ahhh... I forgot, you've been into fight with Asra. That is why nagtaka ako kanina why magkasama kayo. Now I know, the fight has continued", sabi pa ni Avery at pumunta na ng kusina.

"Pare", tawag ni Kari.

"Yes"?

"Ano'ng gagawin mo kung ikakasal ka sa iba para sa kabutihan ng minamahal mo", tanong ni Kari.

"Huh? For me? Ahm... Depende. If it's about the life of my love, I will take the wedding. Pakakasalan ko ang iba para mabuhay lang ang minamahal ko. Pero when it is just a simple problem, I won't accept the wedding", sagot ni Avery sa katanungan ni Kari.

"Pa'no kung buhay ng minamahal mo ang nakataya", tanong pa ni Kari.

"I have answered you already, I said, I'll take the wedding if that's the case", sagot ni Avery at umupo na sa mesa ng makapaghanda na ng kakainin. Pero nagtaka si Avery sa tanong ng binata, "wait, is it happening"?

"Ang ano", tanong din ni Kari.

"Asra's life is at risk", tanong pa ni Avery.

"Argh! Hindi ko alam".

"Ang ano"?

"Pagod ako, gusto ko muna'ng makatulog".

"Hindi ka makatulog", tanong pa ni Avery. "Imagine yourself having hundreds of sheep jumping over you. Count them one by one as it jumps over you, it'll help you to sleep", dagdag pa nito.

"Wag na, hihiga nalang ako", sabi ni Kari sabay higa sa sofa na hindi mapakali.

Nagtataka naman si Avery sa mga tinatanong ni Kari. "Ano kaya ang nangyari", tanong ni Avery sa sarili.

Lumipas ang ilang oras, 12 na ng hating-gabi. Hindi mapakali si Kari, laging nag-iisip. Palakad-lakad ng pabalik-balik. Dahil sa ingay ng mga yapak ni Kari ay nagising si Avery.

"Pare, tapatin mo nga 'ko. Ano ba ang nangyari", tanong ni Avery sa binata.

Napa-upo nalang si Kari na tila nanghihina at di mapakali. "Kinuha ni Sandy si Asra", sagot niya sa tanong ni Avery.

"What? Who's Sandy? Pinasaya"?

"Hindi! Iba yun", sagot ni Kari.

"Akala ko gagawin siya'ng actress", sabi pa ni Avery.

"Seryoso 'to pare. Kinidnap si Asra", pagtatapat ni Kari sa mga pagtataka ni Avery.

"What? Nireport mo na sa mga pulis", tanong ni Avery.

"Ayoko, baka mapahamak si Asra".

"E baka mas mapahamak siya if di mo irereport sa mga pulis", sabi pa ni Avery.

"Makakalaya lang si Asra kasama ng alaga ko'ng si Bougart pag nagpakasal ako kay Sandy, bukas ng umaga sa city hall", sabi ni Kari.

Napa-isip si Avery, naalala niya ang kwento nina Leonora at Coritha tungkol kina Kari at Asra. Dahil dito alam niya kung gaano kanag-alala si Kari sa dalaga, at kung gaano kahirap kay Kari ang gumawa ng desisyon.

A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now