Chapter 56: Napamahal Na Ba?

5.4K 130 2
                                    

Nagtaka si Asra sa numero'ng tumawag sa kanya. Hindi niya inisip na si Kari ang tumawag. Ang sa tingin niya ay nagkamali lang ng tawag kung sino man ang tumawag na iyon.

Si Kari naman ay umorder ng pizza gamit ang kanyang telepono.

Matapos umorder ng pizza ay may narinig siya'ng maingay na babae'ng kanta ng kanta e wala naman sa tono. Nilakasan ni Kari ang kanyang pandinig at sa tingin niya ay nanggaling ito sa katabi'ng yunit, ang yunit ni Rita.

"Aaah! 'Lang ya talaga yang babae'ng yan", sabi ni Kari at lumabas ng silid para katukin ang pintuan ni Rita.

Inulit-ulit ni Kari ang pagkatok sa pintuan ni Rita.

Ilang sandali ay pinagbuksan siya, "ano", tanong ng dalaga.

"Alam mo ang lakas ng tugtog mo, sinamahan pa ng boses mo'ng wala sa tono. Pwede ba'ng paki-hinaan mo naman", paki-usap ni Kari.

Tinaasan lang siya ng kilay ni Rita at sinarhan ng pinto.

Kumatok ulit si Kari at nang buksan ni Rita ay agad niya'ng pinasok ang yunit ng dalaga sabay hanap sa pinagmumulan ng ingay, ang karaoke.

"Hoy! Trespassing ka ah", galit na sabi ni Rita.

"Wala akong paki-alam", sabi ni Kari at nilapitan ang karaoke sabay patay dito. Tinanggal din niya ang nakakabit na mikropono at inunplug ang lahat ng naka-kabit.

"Gusto mo isumbong kita sa baba, ha", banta ni Rita.

"E di magsumbong ka. Alam mo naman siguro kung bakit ko 'to ginawa. I-on mo ulit yan, malalagot ka sa'kin", banta rin ni Kari.

"Bakla", hirit ni Rita.

Aalis na sana si Kari nang umiyak ulit ang dalaga.

"Waaaaa... huhuhuh... Yun na nga lang ang libangan ko para makalimutan ko yung gago'ng lalaking yun. Huhuhuhuh...", hagulgol ni Rita.

Huminga na lang ng malalim si Kari. Nilingon niya si Rita na iyak pa rin ng iyak. Bumalik siya sa karaoke machine at ini-on ito, isinaksak naman niya ang mikropono sa karaoke machine. Pumili siya ng kanta, umupo, at ilang saglit pa'y, "bakit pa kailangan'g magbihis... Sayang lang naman ang porma", kanta ni Kari.

Napatingin na lang si Rita. Tumayo siya at tumabi kay Kari sa upuan, "lagi lang ba'ng may sumisingit, sa tuwing tayo ay magkasama", sabay ni Rita na pinapahiran ang kanyang mga luha.

"Bakit pa kailangan ng rosas, kung marami naman'g nag-aalay sa'yo...", patuloy na kanta ng dalawa habang magkahawak ang mga kamay sa iisang mikropono.

Ilang minuto ang lumipas, kanta pa rin ng kanta si Rita habang lasing na si Kari at parang naka-idlip na sa may sofa. May inumin kasi sa mesa ni Rita at napa-inom si Kari. Sinamahan niya ang dalaga dahil naawa siya rito.

Lasing na rin si Rita, pinatugtog niya ang kanta'ng Dessert at pinatayo niya si Kari para sumayaw.

"Hoy! Bakla sayaw", sabi ng lasing na si Rita ng hindi nakayanan ni Kari ay natumba siya kasama si Rita. Sa pagkakataon'g ito nasa ibaba si Rita at nakapatong naman si Kari.

Napatitig si Rita sa mga mata ni Kari na nakapikit. "Alam mo, gwapo ka naman e. Yun nga lang bakla ka. Bakla ka! Bakla ka! Bakla ka", sabi ni Rita at maya-maya'y nakatulog na.

Sa bahay naman na may brown tape ay nasa labas ng bahay sina Leonora at Coritha, nagpapahangin sa may bench.

Andun rin malapit sa kanila si Tarhatta na nagpapanggap bilang isang pulubi at kunwari naghahanap ng pagkain sa basurahan ng kabilang bahay.

"Kamusta na kaya ang anak ko", pag-aalala ni Leonora.

"Ipagdasal natin siya lagi, mare. Hindi siya pababayaan ng Diyos", sabi ni Coritha sa kumare.

A House With A Brown Tape (RomCom)Kde žijí příběhy. Začni objevovat