Chapter 20: Malaya na ba ang Puso?

11.4K 254 25
                                    

Plano ni Mr. Cheng na ipadala si Cherry sa New York at doon ay palayain. Ninais nito'ng bigyan ng pagkakataon ang babae kung kakalimutan na niya ang buhay nito sa Pinas, mula sa panahon'g makilala niya si Kari.

"Sana maintindihan mo, Cherry. Hindi ko sisirain ang buhay ng kapatid mo. Matanda na'ko. Ang akin lang, maiiwan ko ang pinalago kong negosyo ng lolo mo sa anak ko. Malalaman din ang katotohanan sa tamang panahon, pero hangga't matututunan ni Kari mahalin si Timber, magiging buo ang nais kong makamit. Ang maging conjugal property ng anak ko ang kompanya sa legal na papel, sa piling ng nakababata mo'ng kapatid na si Kari", sabi ni Mr. Cheng kay Cherry sa loob ng isang bodega habang nakatali.

"Hindi niya mahal ang anak mo".

"Matututunan nga, Cherry. Matututunan. Pasensya ka na kung nasigawan kita, nasampal kita, at napagsalitaan kita ng hindi maganda. Nabigla lang ako. Naging mahalaga ka sa akin dahil sa puder ko na ikaw lumaki. Cherry, alam mo kung pano kita binihisan. Guminhawa ang buhay mo".

"Nilason mo ang utak ko! Pinaniwala mo ko'ng pera lang ang mahalaga sa mundo. Naging sunud-sunuran ako sa lahat ng gusto mo. Nakalimutan ko na may gusto rin akong mangyari sa buhay ko. Mr. Cheng, maawa ka, kinontrol mo na ang buhay ko, wag mo naman kontrolin ang buhay ng kapatid ko".

"Cherry, ilalayo kita. Pero oras na malaman ko na nakikialam ka pa. Alam mo na kung ano ang mangyayari. Aalis ka bukas, sa ayaw at sa gusto mo".

At lumabas na ng bodega si Mr. Cheng habang naiwang umiiyak si Cherry. Lumapit naman ang isang bodyguard ni Cheng at tinakpan ang bibig ni Cherry gamit ang isang tela.

Sa lugar naman ni Kari. Niyakap niya ang kanyang ina. Sinabi niya sa mama niya ang paghingi ng paumanhin ng ate niya dahil sa pagtatago ng katotohanan sa kanya.

"Wala tayong panlaban kay Mr. Cheng, anak. Hawak niya ang mundo".

"Gusto niya po akong maipakasal sa anak niya. Sa ano po'ng rason"?

"May mga bagay na hindi kinikwento ang lolo mo sa'yo. Yun siguro ay ayaw niya'ng maging kumplikado ang buhay mo".

"Kumplikado na ang buhay ko ma. Ang problema, hindi ko alam kong ano ang dahilan. Kung bakit kailangan kong layuan ang minamahal ko para pakasalan lang ang anak ni Mr. Cheng".

"Hindi ko alam ang takbo ng utak ni Mr. Cheng, anak. Pero may awa ang Diyos. Mapupunta din ang lahat sa mabuti. Ipagdasal nalang natin".

"Naniniwala ako sa sinasabi mo ma", at niyakap siya ng ina.

Sa Canada naman ay madalas na nakikipagkita si Asra kay Drake.

"Asra, inisip mo ba'ng magkikita pa ulit tayo"?

"Aba, oo naman".

"Ano tawag mo dito? Destiny"?

"Loko! Drake, alam mo naman di ba".

"Mahirap ba talaga ako'ng mahalin ng higit sa isang kapatid"?

"Drake? Heto na naman ba tayo? Batuhin kaya kita ng matauhan ka".

"Hahaha. So, wala pala ako sa katauhan ko ngayon"?

"Baliw! Drake, may mga bagay na dapat ipwesto nalang sa ganitong sitwasyon. Katulad mo. Ayaw kong mawala ang pagkakaibigan natin nang dahil sa lecheng pag-ibig na yan".

"Huwow! Hugot".

"Gusto mo'ng hugutin ko atay mo palabas"?

"Haha! Ouch! Wala na akong liver. Sad face na'ko niyan".

Napangiti si Asra nang maalala niya si Kari. "Sana masaya ka ngayon. Yan ang lagi'ng hiling ko sa Maykapal".

"Sino? Ako? Syempre, masaya ako".

A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now