Chapter 55: She's A Girl Like Asra

6.2K 143 2
                                    

Agad na iniling ni Kari ang kanyang mukha para ilayo ang kanyang mga labi mula sa mga labi ni Rita. Buti na lang at walang tao ang nakakita sa kanila dahil natakpan sila ng isa pa'ng kotse.

"Pwe! Tumayo ka na nga! Amoy alak ka", sabi ni Kari sabay pahid sa kanyang mga labi.

Agad naman'g tumayo si Rita, "bakla ka ba? At isa pa, hindi kita type noh", hirit ni Rita.

Nakatayo na rin si Kari at pinagpag ang kanyang suot na damit.

"Arte", sabi pa ng dalaga pero hindi na ito inintindi ni Kari. Sumakay na siya sa kanyang kotse at umalis na, iniwan si Rita.

Naglakad na lang si Rita papasok sa gusali'ng tinitirhan niya na wala sa mood at bitbit ang suot niya kanina'ng heels.

Sa bahay naman na may brown tape ay nasa kwarto si Asra na iniisip ang pagkawala ni Benj. Ilan'g saglit ay naalala rin niya si Kari.

"Nasa'n ka na kaya ngayon unggoy ka", sabi ni Asra sa kanyang isipan tungkol sa kalagayan ni Kari. "Tinitext kita di ka naman nagrereply. Kung tatawagan ka di mo naman sinasagot. Bakit kasi nagdesisyon ka kaagad na lumayo. Hindi ka man lang nagpakita para magpaalam", dagdag ni Asra at ipinikit na lang ang kanyang mga mata hanggang siya'y makatulog.

Sa mansyon ni Timber.

"What?!? Wala na yun'g ex-fiance ni Asra", galit na tanong ni Timber.

"Yiz na yiz", sagot ni Emily na nalulungkot.

At hinarap ni Timber si Emily, "sinabi ko na nga ba. Pwes, wala na akong ibang paraan. Panahon na para mawala yang Asra na yan sa mundo'ng 'to", inis na sabi ng dalaga kina Emily at Tarhatta.

"You mean, you're gonna bang bang her", tanong ni Tarhatta.

"Anong bang? Bastos kang babae ka", sabat ni Emily.

"I mean bang bang, like a gun, not Jessie J's song", sabi pa ni Tarhatta sabay taas ng kilay.

"Wala akong choice", sagot ni Timber.

"You know what, I'm out of here. I don't want any bang bang plan", sabi ni Tarhatta sabay tayo.

"E ikaw kaya ang i-bang bang ko? Umupo ka diyan", utos ni Timber.

Nanginig naman si Tarhatta kaya napa-upo siya.

"Wala na 'tong atrasan, gaga", mahinang sabi ni Emily kay Tarhatta.

Sa hotel naman kung sa'n nakatira si Kari ay nag-checkout na siya kasama ang alagang aso na si Bougart at ang mga gamit nito.

Ilang minuto pa'y na sa kotse na sila ng alaga niya at pinatakbo na ang sinasakyang sasakyan.

Nagtanung-tanong siya kung san ang may magandang pasilidad ng condo at ang tanging sagot nila ay ang MUX.

"Teka, MUX? Di ba yun yung? Aaaah... nagbago na ang isip ko. Sa ibang condo na lang ako", sabi ni Kari nang ma-isip niya'ng MUX ang condo na tinitirhan ni Rita.

Ilang minuto ay pumasok siya sa isang condo para tingnan ang looban, mura pero hindi maganda ang tirahan, masikip at sira ang faucet kaya umalis siya at naghanap ng iba.

Sa ilang oras na paghahanap niya ay wala siyang makitang maganda. Kung hindi sira, may ipis, kung walang ipis, mainit.

Kaya makalipas rin ng ilang minuto, "hay naku! MUX", basa niya sa labas ng gusali. "Wala tayong choice, Bougart. Tingnan natin ang looban", sabi ni Kari sa alaga niya'ng aso.

Naglakad na si Kari papasok ng gusali at dun ay nakita siya ng babae sa front desk na naka-usap niya kamakailan lang.

"Uy! Sir pogi'ng artistahin na ka look-a-like ng paborito kong si Kari Julio, naparito ho kayo. Ahm... nasa kanyang silid na po si Ms. Angeles", sabi ng babae kahit hindi pa nakalapit si Kari.

A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now