Chapter 47: Oh No! Asra?

5.9K 149 13
                                    

Narating na nina Kari at Asra ang bahay na may brown tape.

Hinawakan ulit ni Kari ang isang kamay ni Asra hanggang maka-upo sila sa sofa ng sala.

Tahimik ang lahat sa mga oras na 'yun. Pumasok naman sina Leonora at Coritha ng kwarto para bigyan ng espasyo sina Kari at Asra dahil batid nila'ng may namumuong sigalot sa dalawa.

Ilang sandali ay nagsalita na si Kari sa dalaga, "sino yun"?

Tahimik pa rin si Asra na basang-basa na ang pisngi ng mga luha.

Tiningnan ni Kari ang naka-takip na mukha ng dalaga, nakatakip dahil tinakpan ng mga kamay nito ang kanyang sarili.

Tumingin na lang si Kari sa may sulok na di mapakali.

Wala pa rin'g umiimik sa mga oras na iyon matapos ang pagtatanong ni Kari sa dalaga.

Tiningnan ulit ng binata si Asra. Nakita niya'ng umiiyak pa rin ito. Hindi man niya kita ang mga mata ng dalaga sa kadahilanan'g tinatakpan ito ng mga kamay nito, kita niya ang lungkot at ang pagtulo ng mga luha.

Hindi pa rin mapakali si Kari, pero naaawa siya kay Asra.

Ini-angat niya dahan-dahan ang kanyang kanang kamay papalapit kay Asra, pero ilan'g saglit pa'y ibinaba niya ito.

Napapikit siya at huminga ng malalim.

Inimulat niya muli ang kanyang mga mata at tiningnan ulit ang umiiyak na si Asra.

Ilang segundo pa'y napayakap nalang ng bigla si Kari sa dalaga. Hindi napigilan ni Kari ang ma-iyak habang dama niya ang init sa pagkakayakap nito sa fiancee.

"Asra...", sabi ni Kari sabay pigil sa sipon dahil sa kakaiyak, "Asra, hindi mo na kailangan ikwento sa 'kin ang lahat. Hindi ko na kailangan'g malaman ang pagkatao ng lalaki'ng yun. Wala akong paki-alam kung ano man ang meron kayo. Basta't sa'kin ka lang ha. Asra, ako lang ang mamahalin mo ha. Hindi mo 'ko iiwanan di ba? Mahal na mahal kita, Asra", dagdag pa ng binata na umiiyak habang mahigpit ang yakap kay Asra.

Tinanggal ni Asra ang kanyang mga kamay sa pagkakatakip sa kanyang mukha at hinarap niya si Kari. "Kari", sabi niya na umiiyak sabay yakap din dito.

"Asra", sabi ni Kari sabay higpit sa kanyang pagkakayakap.

Natapos na ang isang oras at nakatulog na si Kari sa sofa habang nasa labas naman ng bahay si Asra na malalim ang ini-isip.

Ilang sandali pa'y may bumato sa kanya na nagpasugat sa kanyang noo.
"Aray"!

"Walang hiya ka! Malandi! Tumigil pa sa showbiz ang idolo namin para sa'yo pero makikipaglampungan ka lang pala sa ibang lalaki", galit na sabi ng isang matabang babae.

"Oo nga! Batuhin 'yan", sabi pa ng isang babae. At pinagbabato nila si Asra.

Tumakbo naman si Asra para pumasok ng bahay ng madapa siya dahil natamaan ang binti niya.

May isang malaking bato ang papunta kay Asra, muntikan na talagang tumama sa dalaga nang may sumalo dito. Buti na lang dumating si Avery na hinarangan ang mga tao na makalapit at makapagbato pa kay Asra.

"Aray", sabi niya ng masalo ang bato. "Magsi-alis na nga kayo rito! Wala kayong karapatan'g mambato ng tao, tama man siya o mali! Umalis na kayo bago ko kayo ireklamo sa mga pulis", galit na sabi ni Avery sa lima'ng babae'ng nambato kay Asra.

Nang marinig ng mga babae ang mga salita ni Avery ay agad ito'ng nagsi-alisan papunta sa isang malaking puno.

Agad na nilapitan ni Avery si Asra at inalalayan ito. "Are you okay", tanong nito sa dalaga.

A House With A Brown Tape (RomCom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon