MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLE...

Oleh aMAEzonaDragon

569K 19.2K 4.1K

Highest rank achieved #7 in Humor Thanks to @StunnLynn for making the aMAEzing Book Cover! So love it bebe! L... Lebih Banyak

Attention!
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16.1
Meet the Characters!
Chapter 16.2
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
ANNOUNCEMENT NI AUTHOR ^_^
Chapter 26
Chapter 27
Cover Photos of my Stories^_^
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Kalokohan ng Characters
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41:The Kidnapper
Chapter 42:Surprise
Chapter 43:MaeVin Moment
Chapter 44: Confrontation
Note ni Dragona
Chapter 45: Jake is missing
Chapter 46:J1 and J2
Pagbati ng Dragona
Chapter 47:Saving Jake
Chapter 48
Chapter 49:Life in Jail
Chapter 50:HE'S AWAKE
Chapter 51:PRINCESS JAYCA SANDOVAL
CHAPTER 52:HOW?
Chapter 53:FINALLY!
CHAPTER 54:LIPAT-BAHAY?!
Chapter 55:BONDING WITH MY FAM
Chapter 56:PREPARATION
Chapter 57.1:PARTY
Chapter 57.2:Party 2
THANK YOU!
Chapter 58:Is it Goodbye?
Chapter 59:SEE YOU AGAIN
Chapter 60:CHANGED
Chapter 61:Lara Pimentel
Please read :-)
Chapter 62:She's back!
Chapter 63:Sorry
Chapter 64: Detention Room
REMINDER:)
Chapter 65:Dream
Chapter 66: SWEET MOMENT
Chapter 67:SON?!
Next story
Chapter 68:Kent
Chapter 70:Facing Joy
Chapter 71: The real culprit
Dragona's Babies
Chapter 72: Meeting someone..
The Truth
Chapter 73: Baron is..
Chapter 74: Ordinary Song
Hello:-)

Chapter 69:You?!

3.6K 135 47
Oleh aMAEzonaDragon

*KYLA/JAYCA POV*

"Babe, may dandruff ka na." Dinig kong sabi ni Ryan kay Ate Marga pagpasok ko ng bahay ni Kuya Jackson.

Nandito na naman sila. Ang iingay. Iyong iba nasa lapag, 'yong iba naman nasa couch at nanonood ng television. While Ate Marga and Ryan, nasa ibang mundo.

Twitterpated dude.

"Dahil sa init ng araw 'yan." rinig kong sagot ni Ate Marga.

Nandito lang ako sa pintuan. Pinapanood sila. Nakangiti akong pinapanood ang lahat.

It's sunday, kaya dito kaming lahat. Napag-usapan kasi namin na tuwing sunday, magtitipon-tipon kaming lahat dito.

Bonding time.

No gadgets.

"Pinagbintangan pa ang init ng araw." nakaismid na sagot ng alien.

Sinusuklay nito ang buhok ni ate. Napasimangot naman ito bago sumagot.

"Totoo kaya." depensa nito.

"Bakit? Nag-usap kayo?" pilosopong tanong nito kaya nakatanggap ng sabunot mula kay Ate Marga.

"Hehehe. Tito Ryan is G-A-Y." sabay silang napatingin sa'min. Yes, sa amin.

Kasama ko kasi 'tong maliit na bata. Hiniram ko kay Ate Wendy. Pumayag naman siya.

Nakalaya na si ate at nag-usap na ulit kami. Halos lumuhod pa ito sa harapan ko habang umiiyak. Nabatukan pa tuloy ako dahil tinatawanan ko siya.

"I'm what?!" gulat nitong tanong.

"Are you deaf tito? I won't repeat it." sagot nito kaya napahagalpak ng tawa si Ate Marga at sinabayan naman naming lahat.

"You!" nagpipigil ng inis na sigaw nito habang tinuturo gamit ang suklay si Kent.

"Yeah, me." pokerface na sagot ng bata kaya lalo kaming tumawa.

"Pasalamat ka pamangkin ka ni Icai!Kung hindi---"

"Oh, thanks." Matipid na sagot ni Kent at umupo sa tabi ni Kuya Jake na tumatawa.

Nanlalaki ang mga mata ni Ryan pati butas ng ilong nito. 'Di makapaniwala sa sinagot ni Kent sa kanya.

Well, ganyan talaga 'yang batang 'yan. Makapagsalita akala mo matanda at grabe mang-asar. Palaging si Leo at Travis ang pinagdidiskitahan niya. Minsan naman si Kuya Jake at Ryan. Team RyaKe daw. Hahaha!

"Ah! Pigilan niyo ako! Pigilan niyo ako!" Sigaw niya pero hindi namin pinapansin. Kunwari 'di namin siya narinig.

"Hindi niyo ako pipigilan?" still deadma. Hahaha!

"Babe!" Sigaw nito kaya kunwari napatingin si Ate Marga at napa-ha sa kanya.

"Bakit 'di mo ako pinapansin?" Pagdadrama nito at kunwaring naiiyak.

"Uh, what did you say babe?" Kunwaring nagtatakang tanong nito. Kaya lalong napasimangot si Ryan at nagdadabog itong umalis.

"Hahaha! Ryry! Hindi bagay!" Sigaw ko sa kanya. Napahinto naman ito pero hindi lumingon.

"Tse!" Sabay kaming tumawa lahat. Boses-bakla kasi.

Tuluyan na kaming iniwan ng loko. Saan na naman kaya punta no'n?

Araw niya ngayon kaya ganyan. Hahaha!Daming alam. Puro kalokohan nga lang. Buti nalang matino ako. Hihihi!

"Hi love." Bati ko kay Melvin. Kakapasok niya lang galing sa likuran.

Ngumiti lang ito ng tipid habang nagpapahid ng pawis at lumapit sa'kin sabay halik sa noo.

Nagtataka ko naman siyang pinagmamasdan. May kakaiba sa kanya ngayon. Parang may bumabagabag sa kanya.

"May problema ba?" Mahina kong tanong sa kanya. Sakto na siya lang ang makakarinig.

Hindi naman ito umimik, nakatingin lang sa kawalan.

Tinawag ko ulit siya pero hindi pa rin ako pinapansin. Tinawag ko ulit.

"Melvin!" Medyo malakas kong tawag sa kanya. Napatingin siya sa'kin at sa mga kasama namin na nakatingin na din pala sa'min.

Nandito kasi ako sa likuran ng couch na inuupuan nina Kuya Jake.

"Bakit mo ako sinigawan?!" Medyo inis niyang tanong at napalakas pa boses niya.
Napanganga ako sa inasal niya at hindi nakapagsalita agad. First time niya akong sinigawan.

Natahimik ang buong sala.

"Mommy? Daddy? Bakit kayo---" hindi ko na pinatapos si Kent sa tanong niya.

"Kanina pa kita tinatawag pero 'di mo ako pinapansin. Hini ko alam kung anong tumatakbo sa isip mo. Pero alam ko may tinatago ka sa'kin. Sana man lang hindi gaano kabigat kasi nakakapagod ng maraming inililihim sa'kin. Napapagod na ako, napakaraming sekreto. Maraming naglilihim. Sana man lang, hindi ka kasali do'n." Mahabang sabi ko at patakbong umalis.

Dumiretso ako sa garahe at sumampa sa'king motor. Mabilis ko itong pinaandar at umalis sa lugar na iyon.

Alam ko, hindi pababayaan nina Kuya Jake si Kent. Gusto ko munang magpahangin. Makalanghap ng sariwang hangin. Parang hindi ako makahinga. Ang daming iniisip, ang daming problema.

Akala siguro nila, okay lang ako. Wala man lang nagtanong kahit sino sa kanila kung okay na ba ako. Kung nakakain ba ako ng maayos.

Bakit ako nalang palagi ang nagpapasaya?

Maging sa sarili ko, ako ang nagpapasaya.

Bakit hindi nila magawa sa'kin yo'n? Bakit parang balewala lang sa kanila lahat? Bakit ang bilis nilang kalimutan ang nangyari? Lalo na noong namatay si Kuya Jason?

Bakit?

"AHH!" Malakas kong sigaw.

Dahan-dahang napahinto ang pagtakbo ng aking motor saka ko itinukod ang aking dalawang paa sa magkabilaan nito.

Napayuko ako at ipinatong ang ulo sa manibela ng motor at napahagulhol.

Ang sakit-sakit sa dibdib. Parang sasabog sa sakit.

"Kuya, nagpromise ako na hindi na ako iiyak. Pero sorry, sorry kasi hindi ko tinupad promise ko. Sorry kasi hindi ko kayang kalimutan ang pagkawala mo. Oo, ramdam ko ang presensiya mo pero kuya, kailangan kita. Kailangan kita!Hindi SILA!" hindi ko na napigilan at tuluyan ng humagulhol. Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko.

Lalo ngayon na parang may nililihim si Melvin. Hindi ako praning. Alam ko at nararamdaman ko.

Nakompirma kong meron, umpisa kahapon. Nag-iba na siya. Hini na niya ako kinakausap masyado, hindi na ako tinatawagan. Minsan nalang magtext at ang iksi.

"Bakit gano'n? Bakit ang daming naglilihim? Bakit parang nag-iisa nalang ako? Bakit ang hilig nila akong pagtaguan ng sekreto? Bakit parang hindi nila ako pinagkakatiwalaan? BAKIT?!"

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Even my parents, alam ko may sikreto sila. Ang sakit lang kasi parang walang tiwala sa'kin. Ang sakit-sakit na hindi ka pagkatiwalaan ng mga taong malalapit sa'yo.

Ang sakit-sakit!

Gusto ko na matapos ang lahat ng ito.

Gusto ko ng mawala.

---

*JAKE POV*

"Shit!" rinig kong sambit ni Melvin.

Ibinaba ko si Kent.

Sinenyasan ko si Marga na ialis muna si Kent dito kaya tumango naman ito.

"Kent, come here. May ipapakita ako sa'yo." Nakangiting aya ni Marga pero umiling lang ang bata bago sumagot.

"But I want mommy. I know, she's crying now." napatingin ako ng masama kay Melvin na nakayuko pero nakakuyom ang kamao.

Aalis na sana ito pero pinigilan ko.

"Kailangan natin mag-usap." Napahinto ito sa paghakbang ngunit nanatili itong nakatalikod.

"Your Mommy Jayca is brave. Hindi 'yon umiiyak, kaya halika. Samahan mo ako. Dali!" Nag-aatubili pa rin ito pero hinawakan na ni Marga sa kamay at hinila. Buti nalang nagpahila din ito.

"Anong problema?" Seryoso kong tanong sa nakatalikod na si Melvin.

"Wala." Mahinang sagot nito kaya nagtatagis ang bagang ko sa sinagot niya.

"Tang-inang wala 'yan! Bakit hindi mo sabihin sa kanya ang totoo?!" Galit kong sigaw sa kanya.

Oo, alam ko ang sekreto niya. Ayaw ko siyang pangunahan pero sobra na.

Ayaw ko ng nakikitang nasasaktan kapatid ko. Ang dami na niyang pinagdaanan. Ang dami na niyang sakit na nararamdaman.
Ang bata pa niya para maranasan lahat ng ito.

Gusto ko, masaya palagi ang kapatid ko.

Walang pinoproblema.

Walang naririnig na humihikbi tuwing gabi.

"Anong gusto mong gawin ko? Sabihin sa kanya ang totoo? Sa palagay mo ba hindi siya magagalit?!" Singhal niya kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong suntukin siya.

"Gago ka! Hindi makitid ang utak ng kapatid ko na katulad mo! Huwag mo siyang itulad sa'yo!" Sigaw ko at dinuro pa siya habang nakaupo sa sahig. "Kung ako sa'yo, sasabihin ko na ang totoo bago ka pa niya kamuhian." Iniwan ko silang lahat. Ni-isa walang nakaimik.

Alam ko naman na hindi madali 'yon, pero kailangan niya pa ring sabihin. Napakaduwag lang. Ke-lalaking tao eh.

"Siraulo!" Naiinis kong sigaw at sinipa ang basurahan na nakita ko sa labas ng bahay ni Boss Jackson.

"Walang may kasalanan ang basurahan." Napatingin ako sa nagsalita.

"Saan ka galing Ryan?" Blangkong ekspresyong tanong ko sa kanya at namulsa.

"Sa labas lang tol. Bumili nito." Napatingin naman ako sa bitbit niya na bahagyang nakaangat.

Lihim akong napangiti.

Binilhan na naman niya ang dalawang babae ng french fries and sundae. Siguradong meron din kay Kent diyan.

"Umalis si baby sis." Sabi ko dito. Ibinagsak naman niya ang kamay niya na may bitbit.

"Alam ko. Nakita ko siya kanina, tinawag ko nga pero hindi ako pinansin. Umiiyak pa eh. Hindi ko nalang hinabol, alam ko naman na gusto niya mapag-isa." Sagot nito at napatingin sa bitbit. "Kung nakabalik lang ako kaagad. Sana nadala niya pa ito. Pampakalma niya." Malungkot niyang dugtong. He always like that.

Sobrang maalalahanin sa kapatid ko. Isip-bata at maraming alam na kalokohan pero pagdating kay baby sis. Napakamaalalahanin at mapagmahal. Kung may nakababatang kapatid lang ito, sigurado akong napakaswerte ng kalatid niya. Lalo na kung babae.

"Ibigay mo nalang 'yan kay Marga. Samahan mo ako, hanapin natin 'yon." Seryoso naman itong tumango at iniwan ako dito sa labas.

Sana makita namin kaagad 'yon. Lately kasi balisa siya at ang lalim ng iniisip. Dagdagan pa nitong boyfriend niyang gago.

"Ba't ang tagal ni Ryan? Tsk!"

---

"Gago ka pala eh! Bakit 'di mo nalang sabihin sa kanya ang totoo?!" Galit na sigaw ni Ryan kay Melvin.

Ito ang naabutan ko dito sa sala pagpasok ko.

Sinundan ko na kasi si Ryan, 5 minutes ng 'di nakabalik eh. Iyon pala, nagtatalo na sila dito.

"Akala mo ba madali lang 'yon ha?! Wala ka kasi sa sitwasyon ko!" Ganting-sigaw ni Melvin kaya lalong nagalit si Ryan.

"Sa palagay mo ba hindi ko alam 'yan?!Duwag ka lang kasi! Pinapairal mo 'yang kaduwagan mo!"

"Sige Ryan! Paano ko sasabihin sa kanya na pinsang-buo ko 'yong sumaksak sa kanya?! Paano ko sasabihin sa kanya na kasabwat ni Joy ang tito ko?! Paano ko sasabihin sa kanya na ako 'yong palaging nakasunod sa kanya at nagtetext na tinatawag niyang Mr.Demon?! Paano ko sasabihin sa kanya?!" Hinihingal niyang sigaw kay Ryan.

Hindi ako nakapagsalita. Ang akala ko, 'yong pinoproblema niya lang ay iyong nagtetext siya kay Baby. Iyon pala may iba pa.

Walang nakapagsalita sa amin. Napatameme kaming lahat.

"Y-you?! You are---?"

Nanlaki ang mga mata ni Melvin na tumingin sa bandang likuran ko. Naninigas ako sa'king kinatatayuan.

Lalo akong hindi makapagsalita.

Ito na 'yong sinasabi ko, huwag hintayin na malaman niya. Kusa mo nang sasabihin kung ayaw mo ng gulo.

Tiyak, gulo na naman ito.

---

Enjoy reading!

- ATE MAE

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

11.3M 481K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
83.5K 2.1K 49
(ALPHA ACADEMY #2) Matapos mawala ang kanyang pinakamamahal. Magawa pa kaya ni Kiro Minlay na buksan muli ang kanyang pusong wasak? "This time I'm t...
572K 18.1K 59
Being the only child is boring, right? Hihilingin mong magkaroon ng kahit isang kapatid. Pero ang hinihiling mong isa eh naging apat and lahat sila a...
15.1M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...