MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLE...

By aMAEzonaDragon

569K 19.2K 4.1K

Highest rank achieved #7 in Humor Thanks to @StunnLynn for making the aMAEzing Book Cover! So love it bebe! L... More

Attention!
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16.1
Meet the Characters!
Chapter 16.2
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
ANNOUNCEMENT NI AUTHOR ^_^
Chapter 26
Chapter 27
Cover Photos of my Stories^_^
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Kalokohan ng Characters
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41:The Kidnapper
Chapter 42:Surprise
Chapter 43:MaeVin Moment
Chapter 44: Confrontation
Note ni Dragona
Chapter 45: Jake is missing
Chapter 46:J1 and J2
Pagbati ng Dragona
Chapter 47:Saving Jake
Chapter 48
Chapter 49:Life in Jail
Chapter 50:HE'S AWAKE
Chapter 51:PRINCESS JAYCA SANDOVAL
CHAPTER 52:HOW?
Chapter 53:FINALLY!
CHAPTER 54:LIPAT-BAHAY?!
Chapter 55:BONDING WITH MY FAM
Chapter 56:PREPARATION
Chapter 57.1:PARTY
Chapter 57.2:Party 2
THANK YOU!
Chapter 58:Is it Goodbye?
Chapter 59:SEE YOU AGAIN
Chapter 61:Lara Pimentel
Please read :-)
Chapter 62:She's back!
Chapter 63:Sorry
Chapter 64: Detention Room
REMINDER:)
Chapter 65:Dream
Chapter 66: SWEET MOMENT
Chapter 67:SON?!
Next story
Chapter 68:Kent
Chapter 69:You?!
Chapter 70:Facing Joy
Chapter 71: The real culprit
Dragona's Babies
Chapter 72: Meeting someone..
The Truth
Chapter 73: Baron is..
Chapter 74: Ordinary Song
Hello:-)

Chapter 60:CHANGED

3.7K 142 52
By aMAEzonaDragon

*RYAN POV*

Isang buwan na ang lumipas mula no'ng iniwan kami ni Jayson.
Ang daming nagbago kahit isang buwan pa lang siyang nawala.

Si Kyla, ang laki na ng pinagbago. Hindi na namin nakakausap at madalas siya nalang mag-isa. Ang dating masayahin, malakas tumawa, makulit at madaming alam na kalokohan. Nagiging isang babaeng tahimik.

Kapag kakausapin mo, 'di sumasagot pero kung ang pwedeng isagot ay oo o hindi. Tatanguan lamang kami kapag oo at iiling kapag hindi.

Ang paborito niyang tambayan ang malaking bato sa likuran ng library.

Doon niya binubuhos lahat ng kanyang sakit na nararamdaman. Doon namin siya pinagmamasdang umiiyak. Doon namin siya naririnig na parang kinakausap niya ang kuya niya.

Palihim namin siyang sinusundan. Dahil ayaw niyang nakikita namin siyang nahihirapan. Ayaw niya na damayan namin siya.

Masakit.

Masakit na makikita naming nahihirapan si Kyla. Pero wala kaming magagawa. Wala kaming alam kung paano siya icomfort. Kasi alam namin, kahit anong gawin namin hindi mawawala ang sakit na nararamdaman niya. Tanging ang kanyang kuya lamang ang kailangan niya.

Kahit si Melvin, 'di niya kinakausap pero hindi naman ito iniiwan ni Melvin. Naaawa ako sa kanya, kay Tol Jake at sa parents nila. Si tita, nanghihina. Walang ganang kumain kahit si tito 'di rin niya kinakausap.
Kaming mga lalaki, pinipilit magpakatatag para sa mga babaeng mahal namin.

"Sa'n ka pupunta tol?"  tanong ko kay Jake nang tumayo na ito. Tumingin lang ito sa'kin na blangko ang expression bago sumagot.

"Sa labas lang."  matipid nitong sagot at tuluyan nang umalis. Tumango lang ako kahit hindi na niya makita at nagkatinginan kami ni Philip.

"Nahihirapan na ako sa sitwasyon natin. 'Di ko alam kung paano sila pasasayahin."  matamlay kong sabi. Tila kinukurot ang dibdib ko. Nasasaktan din ako sa pagkawala ni Jason pero hindi ko pinapakita.

Kailangan magpakatatag eh. Hindi pwedeng manghina kaming lahat. Mas kailangan kami nina Jake at Kyla. Kaya hangga't kaya ko, gagawin ko ang lahat para mapasaya sila.

"Me too. Nahihirapan na din ako. Pero hayaan muna natin sila, ang gawin natin ngayon bantayan at protektahan sila. Lalo na si Kyla. Mas kailangan niya tayo ngayon."  sagot ni Philip kaya napatango naman ako.

"I miss her. I miss her voice." -l napalingon naman ako sa babaeng biglang nagsalita at umupo sa tabi ko.

It's Jeralyn.

"Me too. I miss her. Namiss ko 'yong pagiging strict niya."  sabi naman ni Jeline at umupo sa tabi ni Jeralyn. Ang laki na ng pinagbago ng dalawang ito. Kahit hindi nawala pagiging maarte nila, pero bumait na. Hindi na bully at pa-bitch.

"Sino bang hindi nakakamiss sa kanya?Sino bang hindi nakakamiss sa nag-iisang babaeng nagbibigay ng saya at ingay dito sa ating classroom? Hindi lang dito kundi sa labas o sa lahat. Ang nag-iisang babaeng nagpapaalis ng lungkot."  napatingin kaming apat sa babaeng kakarating lang. Tumayo naman ako at sinalubong siya.

"Babe."  I greeted her and kiss her forehead. Ngumiti lang ito ng tipid. Even my girlfriend, affected sa lahat ng nangyari. Sa pagbabago ni Kyla. Maliban kasi kay Jane, my girlfriend is her close friend.

"Maybe we can do something to make her happy. Kahit one day lang."  napatingin naman kami kay Jeralyn.

Iginiya ko si Marga sa isang upuan na nasa right side ko at pinaupo.

"How? Kahit anong pagpapansin ko nga sa kanya, walang effect. Baka magalit pa. Baka sabihin, nagsasaya tayo habang siya nagluluksa." napapout naman si Jeralyn pati si Jeline sa sinabi ko. Tama naman, 1 month pa lang ang nakalipas. Ang pangit naman no'n na magsasaya kami.

"Hayaan muna natin siya at si Kuya Jake. Kailangan pa nila ng mahabang panahon para tanggapin ang nangyari kay Kuya Jason. Even me, 'di ko pa rin tanggap. Kasi-kasi Kuya Jason was a good man and a good brother. He treated me like his own sister. Kaya masakit pa rin."  inakbayan ko si Marga nang magsalita siya at hinihimas ang balikat niya at bahagyang nilapit sa'kin. Humagulhol na ito ng tuluyan nang niyakap ko siya.

Lahat apektado. I look Jeline and Jeralyn, they are teary-eyed also.

Haist tol! Ano bang ginawa mo? Bakit kailangan mo kaming iwan? 'Di mo ba nakikita? Ang daming nagmamahal sa'yo oh!

---

*KYLA POV*




I'm here at my favorite tambayan. Nakaupo na naman sa malaking bato at nakatitig sa kawalan.

Inaalala si kuya. Noong mga panahong ang saya namin, noong mga panahong nag-aasaran kami. Nagkukulitan, nagkikilitian at masayang nagkwekwentuhan.


"Kuya,"  tawag ko sa kanya kahit hindi ko siya nakikita. Nakatingala ako sa langit. Makulimlim ang paligid, tila umaayon ang panahon sa'king nararamdaman.

"I miss you." I sniffed. "Bakit mo ba kami iniwan? Bakit ang selfish mo?Bakit mo sinalo ang bala na para sa'kin? Bakit kuya?!"  tuluyan na akong umiyak. Kahit isang buwan na ang nakalipas, sobrang sakit pa rin. Wala na akong gana.

Walang ganang kumain.

Walang ganang makipag-usap. Kasi sa tuwing magsasalita ako, kusang tumutulo ang luha ko. Ayaw paawat kahit anong pigil ko. Parang ulan, ayaw papigil.

Sobrang sakit.

Sobrang sakit na kahit anong gawin ko, hindi na babalik si kuya. Kahit anong gawin ko, hindi na maibalik pa ang kanyang buhay. Mahirap tanggapin.

"Kuya, magpakita ka naman sa'kin oh!Kahit mamayang gabi lang. Please kuya, kahit mamaya lang. I want to talk to you. I want to hug you. I miss you so much. I'm sorry. I'm so sorry, nang dahil sa'kin nawala ka. Nang dahil sa'kin, hindi mo matutupad mga pangarap mo. Sorry kuya. I'm so sorry. It's all my fault. Kung hindi sana ako nagpakilala sa inyo, siguro buhay ka pa ngayon. Hindi ikaw ang selfish kuya, ako 'yon! Ako 'yon! Mas pinili kong magpakilala sa inyo kahit alam kong mapapahamak kayo! Napakaselfish ko!"

---

*MELVIN POV*


I closed my fist after hearing those words. Parang pinipiga ang puso ko. Napakasakit. Napakasakit na makitang nahihirapan ang babaeng mahal mo. Masakit na ayaw niyang ipakita sa'kin na nasasaktan at nahihirapan siya. Kaya pinapanood ko lang siya palagi.

Nagtatangis.

Umiiyak at tila kinakausap ang kuya niya. Gustong-gusto ko siyang yakapin. Sasabihing okay lang, magiging okay lang ang lahat pero hindi ko magawa dahil alam kong hindi okay. Dahil alam kong hindi pa hilom ang sugat na iniwan ni Jason.

"Kuya! Sorry! Mahal na mahal kita!"  napatingin ako sa kanya na nakaluhod na sa lupa. I wiped my tears saka dahan-dahang lumapit sa kanya.

Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang panoorin nalang siya.

"Ssshh. I'm here love. I'm always here. I will never leave you. Just cry. Cry love to ease the pain."  I sniffed. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Vin?"  mahinang banggit nito sa nickname ko at saka ako niyakap ng mahigpit. Humagulhol na ito ng tuluyan.

"Alam ko mahirap. Alam kong masakit. Pero kayanin mo love. Kayanin mo. Nandito lang kaming lahat, hindi kami namin iiwan. Hindi ka namin hahayaan na mag-isa. Nandito lang kaming lahat kung kailangan mo ng tulong. Hindi ka namin iiwan. Pangako 'yan."  hinayaan ko na ang mga luha kong nagsipaglandas sa'king pisngi. Hindi ko na mapigilan. Doble ang sakit na nararamdaman ko.

Sakit. Dahil sa pagkawala ni Jason.

Sakit. Dahil nahihirapan ang babaeng mahal ko.


"Iiyak mo lang love. Pero pagkatapos niyan, ayusin mo na ang sarili mo ha? Hindi ka iniwan ni Jason. Hindi tayo iniwan. Nandito lang siya." huminto ako sa pagsasalita at kumalas sa yakap saka pinunasan ang mga luha niya. I cupped her face at hinalikan ang noo niya, mga mata at ilong. Tumulo na naman mga luha nito habang nakapikit.

"Nandito lang siya love oh! Nasa puso mo. Sa puso nating lahat." -l napahikbi ito bago tumango at niyakap ako ulit.
Hikbi lang ito nang hikbi. Hinahagod ko lang ng kaliwang kamay ko ang kanyang likod habang nakayakap ang kanang kamay ko sa kanyang bewang.

Wala akong pakialam kung madumi na kami, ang mahalaga mailabas lahat ni Kyla ang sakit na nararamdaman niya.

Ilang minuto kami sa gano'ng posisyon hanggang sa tumigil na ito sa kakaiyak. At mabigat na ang ulo nito na nasa balikat ko.

Nakatulog na pala. Napangiti nalang ako at inayos ang posisyon niya bago binuhat in a bridal style.

Tinitigan ko ang kanyang mukha, sobrang nangayayat na ito. Malalaki ang eyebags. Humpak na ang pisngi at sobrang gaan na. Ang laki ng pinayat niya.

Naglalakad ako sa hallway at pinagtitinginan kami ng ibang estudyante, pero wala akong pakialam. Patuloy lang ako sa paglakad hanggang sa makarating kami sa clinic.

Inilapag ko kaagad siya sa bed at inayos ang kanyang pagkakahiga. Wala si Nurse Jenny. Baka nagmeryenda lang.

Hinaplos ko ang kanyang pisngi at natawa ng mahina nang humilik ito. Halata sa mukha ang sobrang pagod nito at sakit. Kinumutan ko siya bago hinalikan sa noo at umupo sa upuan na katabi nito habang hawak ang kanyang kamay.

Kahit ako, laki na din ang ipinayat ko. Dahil kahit 'di ako pinapansin nito, hindi ko siya iniiwan. Araw at gabi akong nagbabantay sa kanya. 'Di rin ako natutulog habang pinagmamasdan siya sa labas ng kanyang bintana.

Sana bukas bumalik na ito sa dating Kyla. Kyla na makulit at malakaw tumawa. Lalo na do'n sa malokong Kyla.

Help us Jason.

---

Enjoy reading!



- Ate Mae

Continue Reading

You'll Also Like

508K 13.9K 30
Sandra Kang, ang babaeng gangster noon na gusto na lamang maging simpleng babae. Palaban at matapang noon ngunit naging iba na dahil sa pagkamatay ng...
103K 4.8K 63
Section D, isang section na puro lalaki, magulo, maingay, puro pala-away. Mga siga at barumbado, pero maasahan mo. Paano kung mapunta ka sa Section'g...
3.1M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
3.2M 82.6K 67
A girl who's seeking for revenge. ___ Watch: https://www.youtube.com/watch?v=-pPak8rx1_0 to know the characters.