MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLE...

By aMAEzonaDragon

569K 19.2K 4.1K

Highest rank achieved #7 in Humor Thanks to @StunnLynn for making the aMAEzing Book Cover! So love it bebe! L... More

Attention!
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16.1
Meet the Characters!
Chapter 16.2
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
ANNOUNCEMENT NI AUTHOR ^_^
Chapter 26
Chapter 27
Cover Photos of my Stories^_^
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Kalokohan ng Characters
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41:The Kidnapper
Chapter 42:Surprise
Chapter 43:MaeVin Moment
Chapter 44: Confrontation
Note ni Dragona
Chapter 45: Jake is missing
Chapter 46:J1 and J2
Pagbati ng Dragona
Chapter 47:Saving Jake
Chapter 48
Chapter 49:Life in Jail
Chapter 50:HE'S AWAKE
Chapter 51:PRINCESS JAYCA SANDOVAL
CHAPTER 52:HOW?
Chapter 53:FINALLY!
CHAPTER 54:LIPAT-BAHAY?!
Chapter 56:PREPARATION
Chapter 57.1:PARTY
Chapter 57.2:Party 2
THANK YOU!
Chapter 58:Is it Goodbye?
Chapter 59:SEE YOU AGAIN
Chapter 60:CHANGED
Chapter 61:Lara Pimentel
Please read :-)
Chapter 62:She's back!
Chapter 63:Sorry
Chapter 64: Detention Room
REMINDER:)
Chapter 65:Dream
Chapter 66: SWEET MOMENT
Chapter 67:SON?!
Next story
Chapter 68:Kent
Chapter 69:You?!
Chapter 70:Facing Joy
Chapter 71: The real culprit
Dragona's Babies
Chapter 72: Meeting someone..
The Truth
Chapter 73: Baron is..
Chapter 74: Ordinary Song
Hello:-)

Chapter 55:BONDING WITH MY FAM

4.8K 163 80
By aMAEzonaDragon


---

*KYLA POV*


"Waah!KUYA! STOP IT!" nagsisigaw kong saway kay Kuya Jason. Kanina pa niya ako hinahabol at binabaril gamit ang water gun.

Ang daya naman kasi, wala akong water gun, kasi nag-iihaw kami ni mama at Papa kanina este sila lang pala, taga-tikim ako. Tapos biglang sumulpot si Kuya sa likuran namin at binabaril ako, kaya napatakbo nalang ako. Huhuhu!!

"Ayaw ko. Hahaha! Ito pa!"  lalo pa niya akong binabaril. Dalawa pa hawak niya kaya basang-basa na ako.

"Waah! KUYA JAKE! HELP!"  tili ko. Saka tumalon-talon. Ang lamig kaya. Alas sais pa ng umaga.

Nandito kami sa likod ng bahay. Dito kasi nag-iihaw sina mama at Papa ng karneng baboy at isda. Kaya pumunta na ako dito na 'di pa nakapagsuklay dahil sa sobrang pagkaexcite.

"Tol!"  tawag ni Kuya Jake kay Kuya Jason. Napangisi ako nang makitang bitbit ni Kuya ang malaking hose na ginagamit ni mama pandilig sa mga bulaklak niya.

"Kuya! Walang madaya!"  sigaw ni Kuya Jason, kaya tawa ako nang tawa.

"Sino ba ang madaya kanina? Ikaw!Dalawa ang baril mo, habang si baby sis. Wala!"

"Hahahaha! Bleh! Buti nga!"  sigaw ko at sumasayawa pa.

Patalon-talon akong pumunta kina mama at Papa na tumatawa ding nanonood sa'min. Hehehe.

"Mama, tapos na?"  nakangiti kong tanong. Gutom na gutom na ako, konti lang kinain ko kagabi eh.

"Hahaha! Gutom na sweetie?"  natatawa niyang tanong.

"Opo. hehehe."

"Oh sige, tawagin mo na 'yong mga Kuya mo."

Dali-dali akong tumalikod saka patakbong lumapit kina Kuya.

"Mga Kuya! Stop it! Kakain na daw!"  tawag-pansin ko sa kanila habang nagbabarilan pa rin.

Sabay naman silang tumingin sa'kin at ngumisi, may pakindat-kindat pa. Napaatras naman ako ng dahan-dahan para humanda ng tumakbo.

"Wah! PAPA!" sigaw ko at tumakbo ng mabilis sa kinaroroonan nina Papa at mama.

Nagtago agad ako sa likuran ni Papa sabay backhug.

"Papa oh! Pagtulungan nila ako."

"Boys, enough. Kakain na."  saway ni Papa kaya umismid ang dalawa sabay lagay sa tabi ang water guns at hose.

"Ang KJ Papa. Makakaganti na kami diyan eh."  reklamo ni Kuya Jason kaya natawa nalang si Papa at nilingon ako saka inakbayan.

"Mamaya na kayo gumanti, nagugutom na raw ang alaga ng dragon ng Prinsesa eh. Baka kayo mabugahan ng apoy."

"Papa naman eh!"  reklamo ko saka lapit kay mama at umupo sa tabi niya.

"Kayong tatlo, pinagtulungan niyo na naman ang Prinsesa."  pagtatanggol ni mama kaya binelatan ko silang tatlo.

"Isip-bata!"  pang-aasar ni Kuya Jason.

"Bakit ikaw, hindi?"

"Hindi ah! Ikaw nga, may boyfriend na. Isip-bata pa rin. Naku!"  natatawang asar pa rin niya kaya sumimangot ako sa kanya.

"Atleast okay tingnan kapag babae ang isip-bata kaysa lalaki. Nagmukhang bakla. Bleeh!"  ganting-asar ko naman. Lumaki ang butas ng ilong nito dahil sa asar.

"Oy! 'Di ako bakla!"

"Defensive! Nyenyenye!"

"Oh! Tama na 'yan. Kakain na." saway ni mama kaya nanahimik na kaming dalawa. Si Kuya Jake, pangiti-ngiti lang parang may binabalak.

"Nak, lipat ka do'n sa mga Kuya mo. Upuan ng mama mo 'yan."  Utos ni papa kaya natawa ako at tumayo.

"Ahy! Hehehe. Sige po." Dapat sa gitna ako nina Kuya umupo pero umupo ako sa upuan ni mama. Ito daw ang arrangement namin dati pa. Silang dalawa ang tagasubo noon sa akin.

"Okay. Jason. Lead the prayer."  utos ni mama kay Kuya Jason kaya sumunod kaagad naman siya.

Habang nagdadasal si Kuya, maraming pumapasok sa utak ko. Kung paano ko ba sila maalala? Kung kailan ba? Dahil sa totoo lang, kokonti pa lang ang napapanaginipan ko. Iyong naglalaro lang kami pero blurred pa ang mga eksena.

Kahit gano'n, sobrang saya ko. Dahil sa wakas, nawala na 'yong parang pasan ko na mabigat palagi.

Iyong pakiramdam na parang may kulang sa'kin. Iyon pala, 'yong pamilya ko. Iyong tunay kong pagkatao, hindi ko pa pala alam. Wala pala akong naaalala.

Noong nadischarged na si Kuya Jake, pumunta ako kina nanay. Nagsorry ako sa ginawa ko kay Ate Wendy, 'di pa niya ako kinausap. Kaya hinayaan ko lang. Alam ko naman na masakit na makitang nakakulong ang anak mo. Tapos ang nagpakulong pa dito ay ang itinuring mong tunay na anak at ikaw ang nagpalaki ng ilang taon.

Until now, hindi pa ako kinakausap ni nanay. Sabi naman nina Papa, hahayaan ko nalang daw muna. Maiintindihan din daw ako.

"Amen."  napabalik ako sa realidad nang nag-Amen sila kaya nag-amen din ako at nagsign of the cross ulit.

"Kainan na!"  sigaw ni Kuya Jason at sumandok kaagad ng kanin. Ako naman, tumayo ulit saka naghugas ng kamay bago bumalik sa upuan ko. Nakalimutan ko kasi maghugas kanina.

"Nak, kain ng marami. Huwag magpasexy, bata ka pa. Saka na kapag college ka na." sabi ni mama at nilagyan ng maraming kanin ang plato ko.

"Kahit naman madami kinakain niyan ma, 'di yan tumataba."  natatawang sabat ni Kuya Jake kaya napatingin si mama sa'kin.

'Di kasi ako nakapagsalita. Kahit kasi sobrang bait ni Nanay Nena sa'kin, never niya akong pinagsandok ng kanin.

"Sweetie, why are you crying?" nag-aalalang tanong ni mama sa'kin. Nagtataka naman ako sa tanong ni mama kaya napakapa ako sa pisngi ko.

Basa. Tumulo pala luha ko nang 'di ko namamalayan.

"Ah, wala ito ma. Tears of joy po. Dahil sa wakas, nagkaroon na po ako ng totoong pamilya. Nakasama ko na rin ang totoong pamilya ko sa hapag-kainan." nakangiti kong sagot kay mama kaya niyakap niya ako ng sobrang higpit.

"Ohh! My baby."  emotional na banggit ni mama. Hanggang sa naramdaman ko na marami ng yumakap sa'kin. Niyakap na pala nila akong lahat.

"Tama na drama baby Princess. Ang hilig mong magpaiyak sa'min."

"Hehehe! Huwag ka mambintang Kuya, talagang iyakain ka lang."  natatawang sagot ko kay Kuya Jason.

"Pasaway ka talaga. Ayaw ko na nga. Palagi ka nalang may sagot sa'kin."  kunwaring nagtatampo niyang sabi saka kumalas. Kumalas naman sa yakap sina mama saka umayos ng upo.

"Tama na 'yan baby. Magmula ngayon, palagi ka na namin sabay kumain okay?" sabi ni Papa kaya masaya naman akong tumango.

Yes, lumipat na ako dito. Si Kuya Jack mismo ang tumulak sa'kin. Literal na tinulak niya ako palabas ng bahay. Kasi pumayag na ako na dito tumira, pero no'ng nakapag-impake na ako. Ayaw ko ng lumabas ng kwarto. Nang naiinip na siguro si Kuya sa kakahintay sa'kin at napansin na niyang sobrang tagal ko. Pinuntahan niya ako. Nilock ko pa ang door ko kasi ayaw ko talaga lumabas.

Nagdadrama pa ako sa kwarto ko pero kasi si Kuya, walangya! Panira ng momentum. Kinuha ang duplicate key at binuksan ang kwarto ko.

Tinulak-tulak pa ako palabas ng kwarto hanggang sa sala. Iyong mga bagahe ko, pinabitbit kina Kuya Philip at Ryan. Hanggang sa maindoor na kami, kumapit ako sa gilid nito at nagsusumigaw with paawa effect. Pero dahil si Jackson Agoncillo 'yon, in short WALANG AWA. 'Di ako pinakinggan. Bilang ganti, sinabunutan ko nalang siya. Hahaha!

Ginawa nga akong isang sakong bigas eh. Sinampay sa balikat niya. Baliw masiyado.

"Ma? Pa? Salamat po ha?"  untag ko sa sobrang tahimik ng paligid.

"For what baby?"  naguguluhang tanong ni Papa.

"Sa pagtanggap niyo kaagad sa'kin."  nakangiti kong sagot.

"Pagdududahan ka pa ba namin baby?Ang daming ebidensiya eh. Doon pa lang sa picture mo at diyan sa birthmark mo." nakangiti  sabi ni Papa.

"Sa puwet niya ba ang birthmark pa?"  nakangisi tanong ni Kuya Jason kaya itinaas ko ang kutsara ko at akmang babatuhin siya.

"Oops! Masakit 'yan baby sis ha?"  angal niya at nagtakip pa ng mukha.

"Hahaha! Kayong dalawa. Kumain na nga kayo."  saway ni mama sa'min.

"At ikaw baby, 'wag na mag-isip ng kung ano-ano. Anak ka namin, okay?"  tumango nalang ako sa sinabi ni mama at ngumuya. Puno kasi bibig ko kaya 'di na ako nakapagsalita.

Nagpatuloy kaming kumain at sobrang tahimik. Dati, noong doon pa ako kina nanay. Si nanay palagi ang kasabay kong kumakain at sobrang tahimik naman. Kapag kumpleto naman kaming kumain, sobrang ingay naman kasi pinapagalitan ako ni tatay at inaaway ako ni ate.

Speaking of tatay, galit na galit na siya sa'kin. 'Di ko pa nga nadalaw si Ate Wendy eh. Kumusta na kaya 'yon?

Saka ko nalang sila iisipin. Magsasaya na muna ako. Sa wakas, kasama ko na sina mama. At dobleng saya kasi si Kuya Jake na itinuring kong totoong Kuya ay siya din pala ang tunay kong Kuya.

Alam ko, marami pang araw na magkakasama kami na sobrang saya. Gagawin kong masaya ang buhay namin araw-araw. Babawi ako mula noong nawala ako. Kahit 'di ko pa maalala lahat, okay lang. Atleast may naalala na ako konti.

Buong araw kaming nagkakatuwaan. Si Papa, 'di pumasok sa trabaho niya. Mula noong nawala ako, nag-apply bilang police. Imbes na mataas ang ranggo niya bilang sundalo, mas pinili niya maging police nalang. Para daw kung sakaling may balita tungkol sa'kin, malalaman niya kaagad. Saka nakakauwi daw siya araw-araw kapag police siya kaysa sundalo. Ilang buwan pa bago makakauwi at mas delikado ang buhay niya.

At hindi raw niya kaya na mahiwalay kina mama ng matagal, lalo pa't nawala daw ako.

Si mama naman, pumasok bilang manager sa isang mall. Sa mga jewelries. Pinapasok siya ni Papa kaysa sa bahay lang siya na palaging umiiyak. Kapag naalala ko ang nangyari sa kanila, sumisikip ang dibdib ko. Nagiging miserable ang buhay nila mula noong nawala ako. Kaya ngayon, babawi ako.

Pagbayarin ko ang gumawa sa'kin noon. Alam kong masama ang gumanti, pero mas masama ang sadyain mong lunurin ang sariling mong kadugo.

Noong nalaman ng mga kasama ni Papa na police ang pagbabalik ko, nagsuggest sila kay Papa na magpa-Thanks Giving. Sumang-ayon naman kaagad sina mama at Kuya. Kaya sa Saturday, may Thanksgiving na magaganap dito sa bahay.

Iimbitahan ni Papa mga kamag-anak ni mama at mga kapatid niya. Sinabihan ko din sila na iinvite 'yong pinsan nina Kuya na may pakana ng lahat.

Natawa pa sila no'ng sinabi kong pinsan nila, parang hindi ko rin daw pinsan eh. Nah! Mula noong nalaman ko 'yong ginawa niya sa'kin, tinanggalan ko na siya ng karapatan na tawagin akong pinsan niya.

Wala akong pinsan na mamamatay-tao. Utot niya.

"Sweetie, papuntahin mo mga kaibigan mo ha?"  baling ni mama sa'kin.

"Opo ma."

"Boyfriend mo din." singit ni Papa.

"Opo pa."

"Mabuti 'yon at nang makilatis ko at babalatan ko ng buhay."  sabat ni Kuya Jason at sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Babalatan din kita ng buhay Kuya."  sagot ko sa kanya.

"Nagjojoke lang eh."  napatawa sina mama sa sinagot niya.

Nagharutan lang kaming tatlo o 'di kaya pagtitripan ko si Kuya Jason hanggang sa maghahabulan kami. 'Di ko masyadong pinagtripan si Kuya Jake, kasi bawal pa sa kanya ang gumalaw nang gumalaw. Kaya si Kuya Jason muna ang pinagtripan ko. Sina mama, Papa at Kuya Jake naman ang tagatawa sa pinanggagawa namin.

Kapag gagantihan ako ni Kuya, siya pa rin ang kawawa kasi doble ang igaganti ko sa kanya kaya sa huli, sumusuko nalang siya.

Sobrang saya ko ng araw na ito. First time kong sabay kumain ang pamilya ko.

First time ko silang nakabonding.

First time kong maghugas ng plato na sabay si mama.

Ang daming first time kaya sobrang saya ako.

Sobrang saya. Sana wala na itong kasunod na lungkot o sakit. Pero kung meron man, alam kong 'di na ako mahihirapan. Kasi kasama ko pamilya ko sa anumang mga pagsubok. Kasama ko silang lutasin ang problema. Sabay na magdadasal. Sabay na magsisimba.

THANK YOU LORD!

THANK YOU kasi hindi mo ako hinayaan na maging malungkot habang-buhay.

Thank you sa pamilya ko na sobrang bait.

Thank you kasi binigyan mo pa ako ng pangalawang buhay para makasama ko ulit ang tunay kong pamilya.

Thank you kina Mama Tessie at Papa Larry (Jackson's parents) dahil natagpuan nila ako. Thank you kasi binihisan nila ako at inalagaan ng maayos.

Thank you kina Nanay Nena, kasi minahal ako ni nanay kahit 'di naman dapat. Thank you kasi kahit 'di masyadong maayos ang buhay ko do'n. Pinalaki naman nila ako at pinakain.

Thank you sa mga taong pinadala mo Lord para tulungan ako.

Promise. Mag-aaral ako ng mabuti para makakahanap ako ng magandang trabaho at babalikan ko sina nanay para matulungan. Bilang ganti sa pagpapalaki at pagpapaaral nila sa akin.

Thank you so much, Lord!

---

THANKS TO:

josieevangelista AprilKristalReman SexySok sophiadiadula ArameLuta nivallud JamJumalon ailynff LilybeContante lucky_iel NicoleSasaluya5 ConcepcionAcuin AshleyMarielIlagan honeyroseestinoco bluegraeicexx NincelAngeles Priannekobe08 arahhh NicoleBarbudo6 ShaiAntonioSevalla4 edzyhanarain miss_xene LeanDoroteo4 aikagabrillo dasig_charis87 

THANKS BABIES!!

---

ENJOY READING!

- ATE MAE

Continue Reading

You'll Also Like

144K 3.5K 42
Akala niyo siguro na masarap na nag-iisang anak na babae noh? Yung feeling mo prinsesa ka sa bahay. Hindi niyo lang alam na mahirap maging nag-iisang...
11.9K 408 62
Si Astrid Smith ay isang Mabuting Anak , Kapatid sa kanyang Pamilya, gagawin ang lahat para maging Proud lang ang kanyang Pamilya sa kanya higit na a...
818K 20.3K 43
Ziana and Zavier ... PHOTOS AND RESOURCES CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER Photos and resources used for the bc aren't mine.
196K 7.2K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...