MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLE...

By aMAEzonaDragon

569K 19.2K 4.1K

Highest rank achieved #7 in Humor Thanks to @StunnLynn for making the aMAEzing Book Cover! So love it bebe! L... More

Attention!
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16.1
Meet the Characters!
Chapter 16.2
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
ANNOUNCEMENT NI AUTHOR ^_^
Chapter 26
Chapter 27
Cover Photos of my Stories^_^
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Kalokohan ng Characters
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41:The Kidnapper
Chapter 42:Surprise
Chapter 43:MaeVin Moment
Chapter 44: Confrontation
Note ni Dragona
Chapter 45: Jake is missing
Chapter 46:J1 and J2
Pagbati ng Dragona
Chapter 47:Saving Jake
Chapter 48
Chapter 49:Life in Jail
Chapter 50:HE'S AWAKE
CHAPTER 52:HOW?
Chapter 53:FINALLY!
CHAPTER 54:LIPAT-BAHAY?!
Chapter 55:BONDING WITH MY FAM
Chapter 56:PREPARATION
Chapter 57.1:PARTY
Chapter 57.2:Party 2
THANK YOU!
Chapter 58:Is it Goodbye?
Chapter 59:SEE YOU AGAIN
Chapter 60:CHANGED
Chapter 61:Lara Pimentel
Please read :-)
Chapter 62:She's back!
Chapter 63:Sorry
Chapter 64: Detention Room
REMINDER:)
Chapter 65:Dream
Chapter 66: SWEET MOMENT
Chapter 67:SON?!
Next story
Chapter 68:Kent
Chapter 69:You?!
Chapter 70:Facing Joy
Chapter 71: The real culprit
Dragona's Babies
Chapter 72: Meeting someone..
The Truth
Chapter 73: Baron is..
Chapter 74: Ordinary Song
Hello:-)

Chapter 51:PRINCESS JAYCA SANDOVAL

5.1K 176 105
By aMAEzonaDragon

                                                               

---

*FLASHBACK*

"Congratulations Mister Sandoval. You have a healthy baby girl." masayang sabi ng doctora at karga na nito ang baby girl saka binigay sa Ama nito.

"Anak!" mahinang banggit ng Ama ng sanggol ngunit bakas sa mukha nito ang sobrang saya.

Lumapit ang dalawang batang lalaking anak nito at tumingin sa kanilang nakababatang kapatid na karga-karga ng masaya nilang Ama.

"Ang ganda niya papa."  nakangiting sambit ng panganay na 5 years old at hawak nito sa kaliwang kamay ang nakakabatang kapatid na lalaki na 3 years old.

"Napakaganda nga, mana sa mama niyo ang kanyang biluging mata."  nakangiti ding sagot ng kanilang Ama.

"Diba Jason,maganda baby sis natin?" tanong ng panganay sa kanyang kapatid.

"Ganda."  maikli nitong sagot pero nakangiti kaya kinurot ng panganay ang pisngi ni Jason.

Mula noong ipinanganak ang batang si Princess Jayca, lalong naging masigla ang Pamilyang Sandoval. Nagiging masayahin lalo ang magkapatid, lalo na ang mag-asawa. Dahil ang kanilang matagal ng ipinagdarasal na magkakaroon ng anak na babae, dininig na rin ng PANGINOON.

Itinuring ang sanggol na kanilang Prinsesa at isang anghel dahil sa angkin nitong ganda. May maamong mukha, palangiti kahit sanggol pa lamang ito at mahilig dumaldal kahit 'di naiintindihan ang sinasabi. Inaalagaan ng maayos. Minahal ng sobra.

Sa batang edad ng panganay at pangalawang anak, walang bahid na inggit na nararamdaman ang mga ito.

Minahal nila ng sobra ang bata. Para sa kanila, blessings ito. Anghel na binigay ng Diyos.

Masaya ang mag-asawa, ang magpamilya. Kaya dahil gusto magcelebrate ang mag-anak dahil sa pagdating ni Jayca sa kanilang buhay. Napag-isipan ng mag-asawa na magbakasyon ang mga ito sa Mindanao. Gusto lamang ng mga ito na ipagdiwang ang pagkakaroon ng anak na babae.

Napagdesiyunan ng mag-asawa na kapag 3 years old na ang bata, saka sila magbabakasyon ng Mindanao.

Habang lumalaki si Jayca, lalo itong gumanda. Lalong lumitaw ang tunay na ganda ng bata, ngunit kahit 2 years pa lamang ito. Lumabas na ang tunay na ugali. Napakakulit, laging kinukulit ang kanyang mga kapatid. Laging pinagtitripan at inaasar. Kung anong ipinagbabawal, iyon ang ginagawa. Kapag sinasaway ng nakakatandang kapatid o ng mga magulang, magpapacute lamang ito saka hahagikhik.

Imbes na maiinis ang mga ito o magagalit, matatawa nalang dahil sa kacute-an ng batang si Jayca. Wala itong nararamdaman na pagod, gusto laging makikipaglaro. Kapag ayaw ng mga Kuya niya, hinihila niya ang mga buhok nito sabay hahagikhik at tatakbo para habulin siya.

May pagkamaldita ngunit kapag nagkakamali at pinapagalitan, iiyak lamang sa tabi saka magsosorry sabay pout at hahalikan ang mga magulang at kapatid. Ito ang pinakagusto nila sa bata, napakaSOBRANG LAMBING.

Dalawang buwan bago magtatlong taon ang bata. Ito ang medyo kinatatakutan ng pamilya. Dahil noong nakipaglaro ito sa kanilang kapitbahay na kapwa niya bata at ang iba mas matanda pa sa kanya. Nagkaroon ito ng kaaway.

Naglalaro si Jayca kasama ang dalawang kaibigan nito, may lumapit sa tatlo na lalaking bata rin ngunit mas matanda sa mga ito ng dalawang taon.

Imbes na makipaglaro ang mga ito, inagaw ang laruan ng kaibigan ni Jayca. Kaya nagalit ang batang si Jayca.

"Balik mo 'yan." mahinang sabi nito sa lalaking kumuha ng laruan.

"Ayaw ko nga. Bleeh!"

Sumama ang tingin nito sa dalawang lalaki na nasa harapan nilang magkakaibigan. Ang mga magulang ng mga ito ay nanonood lamang. Natutuwa dahil kung umakto si Jayca, akala mo matanda na. Nakapamewang pa ito at masama ang tingin.

"Sabing balik mo!"  sigaw ulit nito. Kahit na 2 years lamang ito, matuwid na ito magsalita. Napakatalinong bata.

"Ayaw ko, sabi!"

Lalong natawa ang mga magulang ng mga bata nang umayos ng tayo si Jayca at itinaas ang kamao.

"Babalik mo o susuntukin kita?"  banta nito.

"Bakit kaya mo? Liit mo kaya!" pang-aasar ng batang lalaki.

Nagulat nalang ang mga magulang ng mga bata nang hinila ng batang si Jayca ang kwelyo ng batang lalaki saka sinuntok sa mukha. Natataranta naman ang Ina ni Jayca at ibang mga bata sa ginawa nito.

Pagkatpos suntukin ang lalaki, nakakuyom pa ang kamao nito at ang sama ng tingin sa lalaki, di rin ito nagsasalita. Nilapitan naman ito ng Ina at hinawakan ang magkabilang pisngi ng bata na nagpupuyos pa rin sa galit.

Samantala, iyong Ina ng batang sinuntok ni Jayca ay lihim na natatawa dahil sa katapangan na pinapakita ng bata. Imbes na magalit, natuwa pa ito at ang anak ang pinagalitan.

"Ayan! Sabing ibalik, ayaw ibalik. Nang-aasar pa. Oh ngayon, anong napala mo? Puro ka kasi kayabangan." sermon nito sa anak.

"Anak, 'wag mo na uulitin 'yon okay?" tumango naman ang batang si Jayca sa Ina.

Ngunit, sadyang maraming mga batang makukulit at matitigas ang ulo. Nakatikim din ang iba ng suntok ni Jayca at uuwing luhaan. Katulad no'ng Ina ng batang unang sinuntok, hindi sila nagalit sa batang si Jayca. Dahil kilala nila ang bata na 'di nag-uumpisa ng away.

At lalong alam nila, sa madaling salita, kilala nilang maloloko ang kanilang mga anak kaya ito ang kanilang napapagalitan.

AFTER 2 MONTHS

Ito ang araw na pinakahihintay ng tatlong bata. Ang pagbabakasyon sa kanilang kamag-anak sa Mindanao. Dahil sa wakas makakapunta na sila ng Mindanao at makikita na nila ang kanilang mga pinsan, tiyuhin at tiyahin. Ang pinakaexcited sa kanilang lahat ay ang batang si Jayca, daldal ito nang daldal.

"Mama, maliligo tayo sa dagat at ilog ha? Tapos magpeplay kami ng mga pinsan ko do'n at nina Kuya tapos—"

"Opo, opo."  natatawang putol ng Ina sa mga sasabihin pa nito. 'Di ito nauubusan ng sasabihin at ikwekwento na lalong ikinatuwa ng buong pamilya. Itong batang ito ang nagbibigay ng saya at ligaya sa buong mag-anak araw-araw.

Napakabibong bata, parang hindi nakakaramdam ng pagod sa sobrang hyper nito. Ngunit may isang bagay lang ang kinatatakutan ng mag-asawa.

Kapag ito'y magalit ng sobra.

Kapag ubos na ang kanyang pasensiya.

Hindi mo na ito mapipigilan sa kanyang gustong gawin.

Ilang bata na ang nasuntok nito.

Dumugo ang bibig ng mga batang nasuntok nito, kaya 'yong nasuntok na niya. Hindi na siya ginugulo, bagkus nakikipagkaibigan pa ang mga ito dahil sa takot na baka suntukin na naman sila.

Palakaibigan ang bata, ngunit maraming kalokohang alam kahit sa murang edad nito. Nakakagawa na ito ng mga bagay na dapat mga matatanda lang ang makakagawa.

Kahit ang mga Kuya nito, 'di pinalampas.

Pinagtripan niya din ito.

Noong minsan, nilagyan ng ipis ang bag ng kanyang Kuya Jason, dahil alam nitong takot ito sa ipis. Umiiyak ang kanyang Kuya Jason na umuwi galing sa school dahil sa takot. Galit na galit ito, pero nawala ang galit ni Jason nang inamin ng kanilang bunso na ito ang naglagay ng ipis at nagpapacute pa.Natawa nalang ang kanyang Kuya at kiniliti siya.

Hindi nila magawang magalit sa bata dahil sa amo ng mukha nito.

---

"Papa! Papa!" sigaw ng bata at patakbong lumapit sa Ama.

"Why my Angel?"  nakangiting tanong ng Ama kay Jayca.

"Mababait po ba mga pinsan namin?"

"Yes baby."

"Yey!"

Masaya itong tumalon-talon sa kinatatayuan at lumapit naman sa kanyang mga Kuya na nag-aayos ng mga gamit para dadalhin sa pagbabakasyon. Nakangiti itong umupo sa tabi ng kanyang Kuya Jake.

"Kuya, maglalaro tayo do'n ha?"

Huminto sa paglalagay ng damit ang kanyang Kuya sa bag at tiningnan ang kanyang bunsong kapatid.

"Opo naman. Maglalaro tayo doon tapos tuturuan kitang lumangoy sa dagat."

"Yey! Thank you Kuya!" sigaw nito at lumapit sa kanyang Kuya saka ito pinupog ng halik. Tawa naman ng tawa ang kanyang Kuya sa ginawa nito.

Lumapit pa ito sa kanyang Kuya Jason at ito na naman ang pinupog ng halik. Nagtawanan lang ang dalawang Kuya at sabay na kiniliti ang kanilang napakalambing at napakakulit na kapatid.

Nakangiti naman ang mag-asawang pinapanood ang kanilang tatlong anak na nagkakasiyahan. Inakbayan ng lalaki ang kanyang asawa, niyakap naman ng babae ang kanyang asawa saka nagsalita.

"Ang saya ko hon. Binigyan tayo ng mababait na mga anak."  Saad ng babae. Ngumiti ang kanyang asawa bago sumagot.

"Lalo na ako honey. Sobrang saya ko. Hindi ako nagsisisi na tinalikuran ko ang trabaho ko para sa inyo. Dahil ayaw kong nag-aalala kayo habang nasa trabaho ako."

"Salamat hon. Kahit alam kong mahirap talikuran ang trabaho mo, kahit alam kong sobrang mahal mo ang trabaho mo at pagsilbihan ang bayan. Mas pinili mo kami. Sobrang nagpapasalamat ako sa Diyos na binigay kayo sa'kin." Madamdaming sinabi ng babae habang nakatitig sa kanyang asawang si Captain Jacob Sandoval. Isa itong sundalo. Napakagaling na sundalo.

Hinalikan naman sa noo ni Jacob ang kanyang asawa na si Faith bago nagsalita.

"Hindi mo ba naalala ang sinabi ko noon? Na handa kong talikuran ang lahat para sa inyo. 'Di ko kayo ipagpapalit kahit sa trabaho."

Napangiti nalang si Faith saka niyakap ng mahigpit ang asawa at pinagmasdan ang kanilang anak na naghahabulan na dahil nakawala sa dalawa ang bunso at tumakbo palayo.

---

"Mga anak, behave kayo habang nasa byahe ha?" paalala ng ginang sa kanyang mga anak. Nasa loob na ng van ang pamilya Sandoval. Nasa gitna ang dalawang bata habang nakakandong ang batang si Jayca sa kanilang Ama.

Papunta na ng Sarangani ang mga ito. Nag-eroplano sila mula Manila to Gensan at van naman mula Gensan to Kiamba, Sarangani.

"Opo."  sabay na sagot ng tatlo.

"Oh sige, tulog muna kayo. More than 2 hours pa ang byahe bago pa tayo makarating doon." sabi naman ng kanilang Ama. Pumikit naman ang dalawang lalaki habang hawak ni Jake ang kanang kamay ni Jayca dahil ito ang katabi ng Ama. Si Jayca naman, automatic na nakatulog dahil sa tindi ng antok nito. Hindi ito nakatulog ng maayos noong gabi dahil sa sobrang excited. Si Jason ang katabi ng kanilang Ina at nakayakap ito sa kanilang Ina na inakbayan naman ng ginang.

"Hon, matulog ka na din."  utos ng lalaki sa asawa.

"Mamaya na hon."

"Sige na, 'di ako matutulog. Bantayan ko kayo."

"Okay lang ako hon. Mamaya nalang ako matutulog."

"Haist! Ang tigas ng ulo ng iba diyan." pagpaparinig nito kaya natawa nalang ang babae saka pinagmasdan ang apat na bumubuo ng pagkatao niya. Ang apat na taong hindi niya kayang ipagpalit kahit kanino at anong matetyales na bagay.

Pero dahil sa pagod nito, nakatulog din ito kaagad.

---

"Anak, 'wag mo hahayaan kapatid mo na pumunta sa malayo. Bantayan mo muna ha?"

"Opo mama."  sagot ng batang si Jake sa kanyang Ina at hinawakan sa kamay ang kapatid na babae na excited gumawa ng sand castle.

Nandito na sa isang beach ang mag-anak, kasama ang kanilang mga pinsan, mga tiyuhin at tiyahin.

"Kuya, gawa tayo ng castle. Dali na!"  excited nitong sigaw at tumalon-talon pa kaya natawa ang Kuya nito saka kinuha ang isang balde saka nag-umpisang gumawa ng castle. Tinulungan naman ito ni Jason at ibang pinsan nila.

Pero sadyang iba-iba ang ugali ng mga bata, kaya may pinsan sila na 'di makakasundo ni Jayca. Ito ay si Joy na ubod ng maldita at magkasing-edad lang ito ni Jake.

Naiinggit si Joy na nakikita niyang natutuwa ang kanyang mga kapatid at ibang pinsan kay Jayca. Nagseselos siya dahil sanay siya na nasa kanya ang atensiyon ng mga kapatid at mga pinsan niya noon pero bigla siya nitong binalewala mula no'ng dumating ang kanyang mga pinsan lalo na dahil kay Jayca.

Naiinis ito kaya minsan binabangga niya ng palihim si Jayca at magsosorry na 'di bukal sa kalooban.

Matalino si Jayca. Kahit sobrang bata pa nito. Alam niya kung ano ang mali at tama at lalong alam nito na ayaw sa kanya ng kanyang pinsan. Nakuha nito ang galing makiramdam sa kanyang Ama. Halos ugali nito, sa kanyang Ama niya nakuha, lalo na ang pagiging matapang ng bata. Ang tanging nakuha lang na ugali nito sa Ina ay ang sobrang lambing nito magsalita at ang biluging mga mata nito.

"Ate Joy, laro tayo."  pag-aaya nito kay Joy pero tinanggihan lamang ito ng huli dahil ayaw niya makipaglaro dahil naiinis siya.

"Baby, aalis muna si Kuya ha? Naiihi ako eh." paalam ni Jake sa kaptid niya kaya tumango naman ang isa at ngumiti.

"Jay, bantayan mo si Jayca. Baka aalis 'yan." Bilin nito kay Jason at tumango naman ito saka tiningnan ang kapatid na nasa bandang unahan niya at lumapit na naman kay Joy.

Nasa dalampasigan ang mga ito na nagbebuild ng sand castle.

"Sige na kasi Ate Joy, laro tayo."  pangungulit nito saka umupo pa sa harap ni Joy na na nagbebuild din ng sand castle.

"Ayaw ko nga sabi!" inis nitong sagot pero hindi siya tinigilan ng makulit na si Jayca kaya tumayo ito sa inis saka hinawakan sa braso si Jayca at sinamaan ng tingin.

"Kapag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko. Kaya 'wag mo akong storbohin!"  sigaw nito.

Napatayo si Jason at lalapit na sana sa dalawa dahil sa ginawa ng pinsan niya. Galit na galit ito kahit 5 years old pa lang, napakaprotective din nito sa kanyang nakkabatang kapatid.

Napaigik naman si Jayca dahil sa sakit ng paghawak ni Joy sa kanyang wrist.

"Masakit ate. Bitaw!"  saway nito. Pero 'di siya pinakinggan ni Joy at hinila ito papunta ng dagat. Nakakaramdam na ng takot ang dalawang magkapatid. Napatakbo na ng tuluyan si Jason at hinawakan ang kapatid sa kabilang braso saka sinamaan ng tingin ang pinsan nila.

"Bitiwan mo si Jayca!"  sigaw nito pero tinulak lamang ito ni Joy ng malakas kaya natumba sa buhanginan si Jason at mabilis nitong hinila si Jayca palapit sa dagat.

Sigaw nang sigaw ang batang si Jayca at pinipilit na tinatanggal ang mahigpit na pagkakahawak sa kanya ni Joy but she failed. Napakahigpit ng hawak nito.

Umiiyak na ang bata at tumayo ulit ang batang si Jason pero pinigilan ito ng pinsan nilang lalaki na si Leonard dahil akala niya naglalaro lamang ang mga ito. Akala niya pagtitripan at tatakutin lang ni Joy si Jayca, pero hindi niya alam na totohanin pala ito ni Joy dahil nabulag na ito dahil sa selos at inggit.

Si Jake, natagalan naman sa pagbalik dahil may pinuntahan ito sa nag-iisang cottage. Naisipan nitong kunan ng pagkain ang dalawang kapatid dahil baka gutom na ito. Medyo malayo pa naman ang cottage sa kinaroroonan ng magpipinsan at malalakas ang alon na humahampas sa dalampasigan kaya siguradong hindi nito maririnig ang sigaw ng nakakaawang kapatid.

Samantala, masayang nag-uusap ang mga magulang ng mga bata. Ilang taon din kasing 'di nakasalamuha ni Faith ang kanyang Kuya dahil sa Manila na si Faith tumira mula noong nagtrabaho ito doon at lalong 'di na nakauwi noong nagpakasal sila ni Jacob.

Wala sa isip ng mga ito na may nangyaring nang hindi maganda sa kanilang mga anak na akala nila nagkakatuwaan lang. Kaya kampante ang mga ito na iwan sa dalampasigan.

"Ate Joy! Bitawan mo na ako. Masakit na." umiiyak na sabi nito at patuloy pa rin sa pagtanggal ng kamay ni Joy sa kanyang wrist.

"Manahimik ka! Pabida ka kasi!"  galit ngunit mahina ang boses nito. Habang sina Leonard at ibang pinsan ng mga ito ay nagchicheer pa.

"Bitawan mo ako Kuya. Sinasaktan ni Joy si Jayca!"  sigaw nito pero umiling ang mga ito at patuloy na nagchicheer.

Pabalik na si Jake sa dalampasigan at nakita niyang hawak-hawak ni Joy ang kanyang kapatid kaya nagmamadali siyang lumapit sa mga ito pero 'di siya makatakbo ng mabilis dahil marami itong bitbit.

Nang nasa malapit na siya, hindi ito makagalaw dahil sa pagtulak ni Joy sa kapatid niya at kumakaway pa.

Biglang humampas ang malaking alon kay Jayca kaya 'di na ito nakita. Saka lang nakakilos si Jake at itinapon ang bitbit saka mabilis na tumakbo ang kapatid sa kinaroroonan ni Joy at tumalon sa dagat kahit malalakas ang alon.

Natutulala naman ang iba nilang pinsan at nabitawan si Jason na nagwawala na at sobrang lakas ng iyak.

"JAYCA!" sigaw ni Jake at patuloy na lumangoy. Sa batang edad nito, magaling na itong lumangoy. Nagchampion na ito sa Swimming competition.

"PRINCESS!"  sigaw naman ni Jason at sinubukang lumusong sa dagat pero mabilis itong pinigilan ni Daniel.

Saka ito binalingan ang nakakabatang kapatid na si Joy at natulala. Tila natauhan na ito sa kanyang ginawa.

Si Leonard naman ay mabilis na tumakbo sa kanilang cottage para humingi ng tulong sa kanilang mga magulang na nagkakatuwaan pa dahil sa pag-uusap.

Samantala..

Langoy nang langoy pa rin si Jake at sinubukang hanapin ang kapatid. Hilam na ng luha ang bata at patuloy na sumisigaw sa tuwing umaahon ito at ilulusong uli ang ulo, nagbabakasakaling makita ang kanilang kapatid.

"HAYOP KA! ANG SAMA NG UGALI MO!" sigaw ni Jason kay Joy saka ito nilapitan at sinuntok sa mukha. Hindi nakakilos si Joy habang natumba sa buhanginan, maging ang kanilang ibang pinsan 'di nakakilos sa ginawa ni Jason.

Tulala ang magpipinsan, hindi nila akalain na totoo pala ang sinabi ni Jason. 'Di nila akalain na magagawa ni Joy iyong bagay na iyon. Kitang-kita pa nila ang pagkaway ni Joy kay Jayca na nagpupumilit makaahon at makawala sa hampas ng alon.

---

"MAMA! PAPA! TITO! TITA!" nagulat ang mga magulang ng mga bata nang marinig nila ang sigaw ni Leonard na may kasamang iyak. Natataranta ang mga matatanda at dali-daling lumabas.

"Bakit Leo? Asan sina Jayca? Saka bakit ka umiiyak?"  malambing na tanong ni Faith sa kanyang pamangkin na anak ng Kuya niya.

"Si-si Jay-jaca po. Huhuhu!" umiiyak na sagot nito at halos hindi na makahinga sa pag-iyak.

"Bakit? Sinaktan ka ba?"  tanong naman ni Jacob.

"HINDI! Si-si Jayca! Ti-tinulak ni Joy sa sa dagat!"  pagkarinig ng mag-asawa, mabilis itong tumakbo sa kinaroroonan ng mga bata na nagsisigawan.

Si Jake, umahon na dahil halos kapusan na ito ng hininga saka napahiga sa buhanginan at patuloy na umiiyak. Sinisigaw ang pangalan ng kapatid, ng kanilang anghel, ng kanilang Prinsesa.

"PRINCESS!"

"JAYCA!"

Sabay na sumigaw ng mga magulang ng mga bata at nilapitan nila si Jake na nakahiga sa dalampasigan at humagulhol na.

"Jake! Ang kaptid mo?!"  sigaw na tanong ng Ina sa panganay na anak. 'Di ito sumagot. Humagulhol lang ito kaya ibinangon ng Ina at tinanong kung asan ang kapatid. Iling lamang ang sagot ng walong taong-gulang na si Jake.

Si Jacob naman, si Jason ang nilapitan na patuloy na nagwawala at pinagsasampal si Joy na nakahiga pa rin sa buhanginan. Wala man lang tumulong dito kahit mga kapatid niya dahil sa galit dito.

"Jason! Stop it!"  awat ng Ama at hinawakan sa magkabilang kili-kili si Jason na 'di nakikinig sa lahat. Dinaluhan naman ng mga magulang si Joy at pinapatahan.

Clueless ang mga magulang. Ngunit biglang nanigas sa kinaroroonan nito nang marinig ang sigaw ni Jason.

"TINULAK MO SI JAYCA SA DAGAT!NILUNOD MO KAPATID KO!MAMAMATAY-TAO KA! SANA MAMATAY KA!"  pagwawala nito habang hawak ng Ama ngunit nabitawan ang anak dahil sa narinig at tumakbong papuntang dagat at lumusong habang sinisigaw ang pangalan ng kanyang bunsong anak.

Hindi agad nakakilos si Faith sa narinig. Nabitawan ang panganay na anak at nanginginig ang mga kamay na ikinuyom ito habang nakayuko. Saka lang ito napaangat ng ulo nang marinig ang panganay na anak na nagsalita habang humahagulhol.

"Pa-patawarin mo ako ma. Pa-patayin mo nalang a-ko. 'Di ko nailigtas ang ka-kapatid ko. 'Di ko siya naalagaan. Sana-sana 'di nalang ako umihi para hindi siya maalis sa pa-paningin ko. Patawarin mo ako ma! Ako nalang dapat 'yon."  dahil sa narinig, napaiyak ng tuluyan ang Ina at tumayo saka nilapitan ang batang si Joy na umiiyak habang tinitigan ng mga magulang.

Walang paligoy-ligoy na nilapitan nito si Joy at sinampal ng malakas. Natulala ang lahat sa ginawa ni Faith.

"Hayop ka! Demonyita kang bata ka!ANONG GINAWA MO SA ANAK KO? HAYOP KA!" sasampalin pa ulit sana ito ni Faith ngunit pinigilan ito ng iba dahil baka mapatay niya ang batang si Joy na halos panawan na ng ulirat. Pero hindi katagalan, nawalan din ito ng malay habang nagwawala si Faith.

Si Jacob, walang tigil sa paglangoy. Umaasang mahanap ang anak, umaasang makita ang kanyang anak na babae na kanilang pinakaiingatan. Ngunit isang iglap lang, nawala ito dahil sa inggit ng pinsan ng kanyang pinsan.

Lumusong din ang lahat ng kalalakihan na nando'n upang iahon si Jacob na medyo malayo na sa dalampasigan.

---

Tahimik na lugar ang kanilang pinuntahan, minsan at kokonti lang ang naliligo dito dahil 'di naman ito dinadagsa ng mga turista. Simpleng dagat lamang ngunit malinis ang tubig. Kaya silang mag-anak lang ang tao dito ngayon.

Dahil sa bakasyon na 'yon, nawala ang isang anghel ng pamilya. Nawala ang kanilang Prinsesa. Nawalan ng sigla. Puro tulala ang mag-anak, lalo na si Jake na palaging binabangungot. Laging napapanaginipan ang kanyang kapatid na tinatangay ng alon habang humihingi ng tulong sa kanya. Palagi itong umiiyak. Hindi na kumakain, maging ang kanyang kapatid na si Jason at Ina.

Si Jason, kahit tulog. Umiiyak. Binibigkas ang pangalan ng kapatid.

Habang ang Ina ng mga bata, walang tigil sa pag-iyak. Yakap-yakap nito ang damit na huling suot ng bata bago ito nagpalit ng swimsuit.

Walang tulog at kain. Laging inaalo ng asawa na pilit pinapatatag ang loob para sa mga anak at kay Faith.

Umiiyak ito ng palihim, ayaw ipakita sa mga anak at kay Faith na mahina siya. Hindi ito tumigil sa paghahanap kasama ang mga divers.

Tatlong araw. Tatlong araw na nawawala ang kanilang Prinsesa. Ngunit walang tigil pa rin ito sa paghahanap kahit ang mga pulis at rescuers. Dahil naaawa sila sa mag-asawa na palaging tulala. Lalo pa't dating sundalo pala si Jacob.

Ang masayang pamilya. Naging sobrang lungkot. Nawalan ng anghel, ng Prinsesa, ng magpapasaya sa kanila. Nawala ang batang nagbibigay ng sigla sa kanila araw-araw.

Si Jayca, PRINCESS JAYCA SANDOVAL. Ang kanilang pinakamamahal na anak. Biglang naglaho.

Hindi alam ng bawat-isa kung paano pasayahin ulit ang kanilang mga sarili. Hindi alam kung anong gagawin para maibalik ang kanilang Prinsesa. 'Di alam kung paano magsimula ulit. Dahil ang nagsisilbing liwanag ng kanilang buhay ay biglang nawala.

Mula ng araw na iyon, hindi na makakausap ng kahit na sino si Faith, laging lang sinasabi nito sa asawa na ibalik ang kanyang anak. Na ibalik ang kanyang anghel.

Si Jake naman, walang makakausap kahit ang mga magulang nito. Tulala lang ang bata. Sinisi ang sarili dahil sa nangyari sa kapatid. Pinaparusahan nito ang sarili dahil sa pagpapabaya. Sinisisi ang sarili dahil ipinagkatiwala ang kanyang mga kapatid sa mga pinsan niya. Gayong first time lamang nila itong nakasama. 'Di pa nila ito masiyadong kilala.

Dahil sa pangyayaring 'yon, 'di na bumalik ng Manila ang Pamilyang Sandoval. Napagdesisyunan ni Jacob na sa Mindano na tumira. Nagbabakasaling nakaligtas ang kanilang anak at may nakakita nito at maibalik sa kanila.

Mula noon, nag-iba na ang ugali ng magkakatid. Ang dating masayahin na si Jake ay palagi na itong seryoso. Nakakatakot kung tumitig sa mga mata nito. Parang may galit sa mundo. Nagpapakita lamang ng emotions sa harap ng mga magulang at kapatid.

Habang si Jason ay naging mainitin ang ulo. Isang pagkakamali lamang, nagagalit na ito. Walang sinuman ang makakalapit bukod sa kanyang mga magulang at Kuya. Nagtanim ito ng galit sa kanyang mga pinsan ,lalo na kay Joy.

*FLASHBACK ENDS*

---

*THIRD PERSON POV*

Habang nagkwekwento si Jake, walang tigil ang pagpatak ng mga luha nito maging ang dalagitang nakayakap sa kanya ng mahigpit.

Humihikbi ang dalaga dahil sa sakit na nararamdaman. Walang patid ang pagpatak ng mga luha na hinahayaan lamang na bumagsak.

"Pero nong nakilala ko sina Philip, Ryan at Melvin. 'Di nila ako tinigilan hanggang sa makapagsalita ako. Ginagalit nila ako para makapagsalita. 'Di nila ako sinukuan, hanggang sa nagtagumapay sila na makapagsalita ako ulit."  hilam na din ng luha ang mukha nito pero napangiti nang maalala kung paano siya kulitin ng mga ito, lalo na ni Ryan na parang may sapak.

"Kuya?"  mahinang tawag ni Kyla sa kanyang yakap-yakap na si Jake.

"What if, what if buhay pa siya?" hindi nakasagot si Jake. Humigpit ang pagkakayakap kay Kyla.

Isang tanong.

Isang tanong na nagpalito kay Jake at naitanong sa sarili.

May alam ba ito? Kaya ba niya itinanong ang tungkol kay Jayca?

"I-Imposible 'yan baby sis. 13 Years na ang nakalipas. Kung bu-buhay pa siya. Eh di sana matagal na siyang bumalik sa amin." sagot nito sa dalagita.

"Paano kung may amnesia siya kaya 'di kayo ma-maalala?"  humihikbi pa ring tanong ng dalagita.

"Baby sis, may alam ka ba?"  naguguluhang tanong ng binata sa dalagita at tinitigan ito ng mariin. Bakas sa mukha ng binata ang pagkalito.

Dahil sa tanong ng binata, lalong humikbi ang dalagita bago nagtanong ulit.

"What if, nakilala mo na siya? What if nakausap mo na siya? What if---"

"Kyla Mae! Sagutin mo ako! May alam ka ba?!"  malakas ang boses na tanong nito at hinawakan sa balikat ang dalagita.

Samantala, papasok na sana si Melvin sa loob dahil sa boses ni Jake pero pinigilan ito ni Jackson. He knows everything. Alam na niya kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa. Alam niya kung ano ang nalalaman ni Kyla. Kahit ayaw niya ang mga nangyayari, pinipilit niya ang sarili na huwag pigilan ang dalaga sa mga gusto nitong malaman. Karapatan ni Kyla ito.

"Pero boss, parang nag-aaway ang dalawa." worried na sabi ni Melvin pero umiling lang ang binata at tinapik ang katabing inuupuan nito. Umupo naman ito sa tabi ni Jackson.

"Hayaan mo silang dalawa. Kung papasok ka sa kwartong 'yan, parang pinipigilan mo din na sumaya silang dalawa."  medyo nainis ang binata sa sinabi ng kanyang boss. Iba ang pagkakaintindi nito kaya tatayo na sana ulit ito pero mahigpit siyang hinawakan ni Jackson sa braso.

"Mali ang pagkakaintindi mo Chavez. Hayaan mo muna silang dalawa. Tiyak matutuwa ka din sa malalaman mo mamaya."  kahit naguguluhan. Umupo ulit ito at bumuntong hininga.

--

Sa loob ng kwarto kung saan sina Jake at Kyla...

"May alam ka ba?"  ulit na tanong ni Jake at mahina na ang boses nito.

Sumagot ang dalagita na nagpatulala kay Jake at nakanganga pa. Umiling-iling pa ito.

"Oo."

---

THANKS to:

KrystalTherese4 MariahMorales353 shygirlmin06 @Vien_PoGi

mmasalway itsjuliesexy AlexaAsoy RiaMaeFrediles JasColMeJcka DP_CESSIE kristineannquinones JennySanchez321 KristelaHipolan aketchzzz

THANKS FOR ADDING MY STORY TO YOUR RL GUYS. LOVELOTS!

ENJOY READING.

- ATE MAE.

Continue Reading

You'll Also Like

45K 1.1K 58
Everygirl dreams to become a princess , everygirl pretends she is a princess , no matter how little her life is like that. Ang babaeng may limang lal...
1.5K 169 26
Jaycelle Alice Villaluna || On going Nagdusa ako sa hindi malamang dahilan. Inilayo nila sa akin ang kakambal ko sa hindi malaman na dahilan. Nagisin...
11.3M 481K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
3M 84.1K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...