MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLE...

By aMAEzonaDragon

569K 19.2K 4.1K

Highest rank achieved #7 in Humor Thanks to @StunnLynn for making the aMAEzing Book Cover! So love it bebe! L... More

Attention!
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16.1
Meet the Characters!
Chapter 16.2
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
ANNOUNCEMENT NI AUTHOR ^_^
Chapter 26
Chapter 27
Cover Photos of my Stories^_^
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Kalokohan ng Characters
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41:The Kidnapper
Chapter 42:Surprise
Chapter 43:MaeVin Moment
Chapter 44: Confrontation
Note ni Dragona
Chapter 45: Jake is missing
Chapter 46:J1 and J2
Pagbati ng Dragona
Chapter 47:Saving Jake
Chapter 48
Chapter 49:Life in Jail
Chapter 50:HE'S AWAKE
Chapter 51:PRINCESS JAYCA SANDOVAL
CHAPTER 52:HOW?
Chapter 53:FINALLY!
CHAPTER 54:LIPAT-BAHAY?!
Chapter 55:BONDING WITH MY FAM
Chapter 56:PREPARATION
Chapter 57.1:PARTY
Chapter 57.2:Party 2
THANK YOU!
Chapter 58:Is it Goodbye?
Chapter 59:SEE YOU AGAIN
Chapter 60:CHANGED
Chapter 61:Lara Pimentel
Please read :-)
Chapter 62:She's back!
Chapter 63:Sorry
Chapter 64: Detention Room
REMINDER:)
Chapter 65:Dream
Chapter 66: SWEET MOMENT
Chapter 67:SON?!
Next story
Chapter 68:Kent
Chapter 69:You?!
Chapter 70:Facing Joy
Chapter 71: The real culprit
Dragona's Babies
Chapter 72: Meeting someone..
The Truth
Chapter 73: Baron is..
Chapter 74: Ordinary Song
Hello:-)

Chapter 39

4.6K 190 22
By aMAEzonaDragon

       

---     

 *JAKCSON POV

"Shit!" mahinang mura ko nang napanood ko na 'yong video na binigay sa'kin ni Mike.

Akala ko, hinala ko lang kung sino ang nasa likod ng lahat ng 'yon. Pero hindi, tama ang hinala ko. Siya nga may pakana ng lahat.

How dare her? Paano niya nagawa 'yon?Wala na ba siyang konsensiya? I wanna kill her! I want to send her in hell!

Galit kong bulong. I can't believe it! Talagang magagawa niya ang mga bagay na 'yon. Walang agam-agam. Shit!

Kinuha ko ang phone ko at idinial ang number ni Jake.
Nakadalawang ring pa lang, sinagot na niya.

"Hellow bot." napakunot-noo ako sa pagsalita niya. Ba't parang bulol ito?

"Anong nangyari sa'yo?"

"Ti Kyla, shit bot. Pinakain ka---!"

"Hahahahaha!" napahagalpak ako ng tawa sa sinabi niya. Ngayon ko lang naalala na may ginawa palang kalokohan ang kapatid ko.

"Okay-okay. Pfff! Hahaha! Huwag na magsalita." pagpipigil ko sa pagtawa. Natatawa na naaawa ako sa kanila. Pero sumeryoso naman ako agad at sinulyapan ang video sa harapan ko na nakaplay sa laptop.

"Pumunta kayo dito mamaya. We need to talk."  at napatikhim pa ako sa kakapigil tumawa. "Bye."  then I ended the call and laugh so hard.

Shit! 'Di ko mapigilan. Kalokohan talaga ng babaeng 'yon, pero hindi ko na mapigilan. Hindi magpapaawat kaya hinayaan ko nalang. Diyan siya masaya eh. Kaya hayaan na.

"Haist!"  napapabuntong-hininga ako at pinatay ang laptop kung saan nakaplay ang video na ibedensiya namin.
I can't believe it. Yes, I can't! I thought ibang tao, siya lang pala. 'Di ko maintindihan kung bakit nagawa niya 'yon o naisip niyang ipagawa. Wala namang ginawang masama si Mae sa kanya.

Ganyan ba ang nagagawa ng mga taong punong-puno ng inggit? Makakagawa ng masama? Makakapag-isip ng masama?Why? Gayong ginagawan nila ng masama, nanahimik naman sa tabi?

Sumasakit ulo ko. Because until now, 'di ko lubos-maisip na siya ang may kagagawan ng lahat ng iyon.

"Pasok."  Saad ko nang marinig ko ang mahihinang katok at umayos naman ako ng pagkakaupo. Dahan-dahang pumasok ang tatlo, wearing their serious expression.

---

            *THIRD PERSON POV*

Dahan-dahang pumasok ang tatlong member ng DAG(Dark Angel Gang) sa office ni Jackson, wearing their serious expression. They know na may problema. If what is it? Iyon ang hindi pa nila alam.

Maayos na makapagsalita ang mga ito, dahil medyo nawala na ang pamamaga ng kanila mga labi. Ang mas malala, ang kay Ryan dahil sa kanilang apat, ito ang pinakamatakaw. Si Philip naman ang medyo okay, dahil konti lang nakain nito.

"Master!"  seryosong bati ni Jake kay Jackson na seryosong nakaupo sa swivel chair nito.

"Sit." -maikling sabi nito sa tatlo at tumalima naman kaagad.

Aso lang kami, gano'n? saisip ng loko-lokong Ryan. Sa tatlo, siya lang ang 'di makapagsalita ng maayos kaya sa isip lang ito nagsasalita.

"Bakit master? Anong problema?"  tanong agad ni Philip pagkaupo niya.

"Watch this." -pinlay ng kanilang master ang video record na nasa laptop at hinarap sa tatlong prenteng nakaupo sa kanyang harapan.

"What is that?"  Jake asked. 'Di ito sinagot ni Jackson, kaya nanahimik nalang ito at tutok na tutok sa laptop.

"Shit!"

"What the!"

"Hell!"

Iba't-ibang sinabi ngunit magkapareho ng facial expression. Makikita mo ang gulat, galit, at poot sa kanilang mga mukha.

"How?!"  hinddi makapaniwalang tanong ni Ryan na nakatitig pa rin sa laptop. Nando'n pa rin ang mukha ng babae na may kausap na isang lalaki.

"Bullshit! Hindi ako makipaniwala!"  Jake cursed at napakuyom ng kamao.

"Me too." Jackson said and he massage his temple.

"Alam na ba ni Baby Kyla, master?"  tanong ni Philip na shocked pa rin.

"Hindi pa."

"Why?" --Ryan.

"Dahil---!"

"Dahil alam ko na." biglaang sabat ng isang babaeng hindi nila inaasahang darating. Rumehistro sa mukha ng apat ang gulat pagkakita sa babae.

"What?!" balewalang tanong ng babae at tiningnan ang video na nakaplay sa laptop at dali-daling kinuha ito ni Jackson.

"Too late kuya. I watched it already."  nakaismid na saad nito.

"Kanina ka pa ba?" seryosong tanong ng kapatid.

"Hmm, medyo? Narinig ko kasi mula umpisa eh."  nakangising sagot nito saka nagdekuwatrong umupo. Napatampal naman sa noo si Jackson at umiling-iling.

"So?"  nakataas ang kilay ni Jackson at mariing nakatitig sa kapatid.

"Anong so? Uuwi ako. Duhh!"  nagkukunwaring maarteng sagot nito sa kapatid.

"Hindi bagay."  nakairap na sabat ni Philip.

"Haist! Where's Melvin?" tanong ni Jackson.

"Wala na, nilunod ko sa dagat. Pinakain sa pating."  nakaismid na sagot ni Kyla pero napaigtad ito nang may humawak sa magkabilang pisngi niya na mula sa kanyang likuran pero naamoy naman niya ang pabango nito kaya alam niya kung sino.

"Ang sama mo Princess. Anong nilunod at pinakain sa pating?"  seryosong tanong nito.

"Tse! Alis nga."

"Kayo na ba?"  sabad ni Jackson.

"Hindi pa noh!"  biglaang sagot ni Kyla kaya napangisi naman si Melvin.

"Hindi pa? So, kailan Princess?" -mapang-asar na tanong nito.

"Tumahimik ka! Kung ayaw mong isubo ko sa'yo ng buo itong laptop."  naiinis na saad nito ngunit namumula ng konti ang mukha.

"Asus! Kunwari pa 'to. Patatagalin pa, doon din naman papunta." pang-aasar naman ni Ryan kaya tumayo ang dalagita saka hinawakan ang laptop ni Jackson.

"Hep hep hep! Not my laptop." -awat nito at binawi ang laptop sa dalagitang naaasar.

"Isang beses lang naman kuya." ungot nito at nagpacute pa.

"No.

"Damot! Hmp!"  dabog nito saka akmang lalabas na sa office si Kyla pero bumalik ito saka binatukan si Ryan.

"ARAY!"  sigaw nito at hinawakan ang ulo saka masamang tiningnan ang dalagita pero binelatan lamang siya nito sabay takbo palabas at nagpa-slide sa hagdan gamit ang skate board niya na iniwan sa labas ng office ng kanyang kuya.

"Wohooo!" sigaw ng dalagita at nakataas pa ang dalawang kamay sa ere.

Pagdating sa sala, nakita naman nito si Travis at Leo na natutulog kaya napangisi ang dalaga dahil sa naisip na kalokohan.

Dahan-dahan itong bumaba sa kanyang skate board at inilagay ito sa likod ng sofa saka tiningnan ang dalawa na mahimbing na natutulog at nakanganga pa.

Umalis ito at pumuntang kitchen upang may kunin na gagamitin para sa dalawang binatang mahimbing na natutulog sa sala.

"Psst!" sutsot niya sa apat at sumenyas na manahimik saka itinaas ang bitbit nito saka ngumisi. Napangisi naman ang apat sa nakita at tila alam na ang balak ng babae.

"Hawakan mo Vin." Utos nito nang makalapit na sa apat. Hinawakan naman ni Melvin ang isang pack ng datu-puti na vinegar.

"Sana mabusog kayo." nakangiting saad ng dalaga saka nilagyan ng kanin ang nakangangang si Travis. Ngumuya pa ito kaya napahagikhik ang dalaga, samantalang ang apat ay nagpipigil na tumawa upang hindi magising ang mahimbing na natutulog na mga binatilyo.

Inabot ni Melvin ang suka kay Kyla saka nito binuhos sa bunganga ni Leo. Nilunok naman nito ng huli kaya bago pa ito magising, nilagay nito ang kanin sa kamay ni Leo at ang isang pack ng suka ay nilagay sa tabi ni Travis.

Sinenyasan nito ang mga kasama na umalis na kaya mabilis na tumakbo silang lima palabas ng bahay. Narinig pa nila ang sigaw ni Leo bago tumawa ng malakas at mabilisang lumabas ng gate bago pa sila makita ng dalawa.

"AH! ANG ASIM!"  dumagundong ang boses nito sa loob ng bahay ni Jackson dahil sa kalokohan ng nakababatang kapatid.

---

Enjoy reading and God bless.


Continue Reading

You'll Also Like

11.9M 284K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
103K 4.8K 63
Section D, isang section na puro lalaki, magulo, maingay, puro pala-away. Mga siga at barumbado, pero maasahan mo. Paano kung mapunta ka sa Section'g...
144K 3.5K 42
Akala niyo siguro na masarap na nag-iisang anak na babae noh? Yung feeling mo prinsesa ka sa bahay. Hindi niyo lang alam na mahirap maging nag-iisang...
572K 18.1K 59
Being the only child is boring, right? Hihilingin mong magkaroon ng kahit isang kapatid. Pero ang hinihiling mong isa eh naging apat and lahat sila a...