MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLE...

By aMAEzonaDragon

569K 19.2K 4.1K

Highest rank achieved #7 in Humor Thanks to @StunnLynn for making the aMAEzing Book Cover! So love it bebe! L... More

Attention!
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16.1
Meet the Characters!
Chapter 16.2
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
ANNOUNCEMENT NI AUTHOR ^_^
Chapter 26
Chapter 27
Cover Photos of my Stories^_^
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Kalokohan ng Characters
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41:The Kidnapper
Chapter 42:Surprise
Chapter 43:MaeVin Moment
Chapter 44: Confrontation
Note ni Dragona
Chapter 45: Jake is missing
Chapter 46:J1 and J2
Pagbati ng Dragona
Chapter 47:Saving Jake
Chapter 48
Chapter 49:Life in Jail
Chapter 50:HE'S AWAKE
Chapter 51:PRINCESS JAYCA SANDOVAL
CHAPTER 52:HOW?
Chapter 53:FINALLY!
CHAPTER 54:LIPAT-BAHAY?!
Chapter 55:BONDING WITH MY FAM
Chapter 56:PREPARATION
Chapter 57.1:PARTY
Chapter 57.2:Party 2
THANK YOU!
Chapter 58:Is it Goodbye?
Chapter 59:SEE YOU AGAIN
Chapter 60:CHANGED
Chapter 61:Lara Pimentel
Please read :-)
Chapter 62:She's back!
Chapter 63:Sorry
Chapter 64: Detention Room
REMINDER:)
Chapter 65:Dream
Chapter 66: SWEET MOMENT
Chapter 67:SON?!
Next story
Chapter 68:Kent
Chapter 69:You?!
Chapter 70:Facing Joy
Chapter 71: The real culprit
Dragona's Babies
Chapter 72: Meeting someone..
The Truth
Chapter 73: Baron is..
Chapter 74: Ordinary Song
Hello:-)

Chapter 28

5.8K 200 78
By aMAEzonaDragon


---

*JELINE POV


After 2 months...

 Two months. Two months na siyang iniiwasan ng mga kaibigan niya. Ang saya hindi ba? Hahaha! At 'yong ibang kaibigan niya, nakipagkaibigan na sa'kin. Hindi niya alam, nakipagplastikan lang pala sa kanya. Aww! Poor Kyla Mae Serrano. Iisa nalang ang totoong kaibigan na natira sa kanya. Ang pareho niyang loser, named Mary Jane Santos. Hahaha! Mga walang kwenta!

 Yeah, bestfriends kami dati. DATI. Pero dahil naging boyfriend niya si Baron, galit na ako sa kanya. Malandi siya! Mahal ko si Baron, pero siya ang niligawan? Siya ang nagustuhan? Mas maganda naman ako sa kanya! Nilandi niya lang si Baron kaya naging sila. Sino naman ang papatol sa katulad niyang boring kasama 'di ba? Puro pa kalokohan ang alam, nakakahiyang kasama.
Pinagsisihan ko tuloy kung bakit naging bestfriend ko 'yan. Nakakasuka pagmumukha niya.

 Nandito kami sa classroom, nakatingin lang ako sa kanya ng matalim. Paano siya nakakatawa ng ganyan habang 'di niya alam kung sino ang tunay niyang kaibigan? Paano siya nagiging masaya eh iniwan na siya ng mga kaibigan niyang lalaki? Abnormal talaga siya at tanga pa. 

Napangisi nalang ako sa mga nangyayari. Nakakatuwang isipin nawala na siyang kakampi. Pero nabebweset ako do'n kina Arvin and his friends. Nakipagkaibigan na naman sa kanya. Leche talaga!

"Hoy! Kanina pa kita kinakausap."  Napapitlag tuloy ako at inirapan si Jeralyn.

"What is it?"

"Sabi ko, kung may laser lang 'yang mata mo. Kanina pa yan na-dead."  Nakangisi niyang sagot at tiningnan din ang babaeng kinabwebwesetan ko.

"Sana nga meron eh! Para mawala na siya sa landas ko."  Inis ko namang sagot sa kanya at matalim na tiningnan ang babaeng malandi.

"Kaya nga eh! Pero hayaan mo, mawawala din 'yan."  She said saka nagsmirk.Nakita ko naman na tumayo siya. Paalis yata? Kaya tumayo din ako ako at binangga siya.

"Aww!"  tiningnan naman niya ako saka suminghap nang nakita niya ako. Ngumiti naman ako ng matamis sa kanya.

"Grabe! Nagulat ako! Akala ko aswang!"  sigaw niya. Napakuyom naman ako ng kamao ko. Leche talaga itong babaeng 'to. Talagang inuubos niya pasensya ko.

"Kung aswang ako. Eh ano ka?"  nakangiti ko namang tanong sa kanya.

"Oh great! Inamin mo din na aswang ka! Oh my God!"  parang natutuwa niyang sagot at pumapalakpak pa. Susugurin ko na sana siya pero may dinugtong siya at tiningnan ko siya ng matalim. "Me? You asked me if who I am? God! My dearest Jeline .Ako lang naman ang bestfriend mong tinraidor mo. Poor you! Ulyanin na."  Nang-aasar niyang dugtong na lalong nagpagalit sa'kin.

Ngumisi naman ako bago sumagot sa kanya. "Kaya ka iniiwan ng mga kaibigan mo dahil sa ugali mo!"

"No, you're wrong. Kaya ako iniiwan ng mga KAIBIGAN ko. Dahil ayaw nila sa mga katulad ko. Ang gusto nila, ang mga KATULAD mo!"  pinagdiinan talaga niya ang 'kaibigan at 'katulad' ha? Bweset talaga!  "Saka 'di ako iniwan ng mga kaibigan ko. Nandiyan sila oh! Nasa likod mo. Naka-white lahat at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa inyo. Awoo!" naramdaman ko namang kumapit sa'kin si Jeralyn. Duwag!

"Ahh! I HATE YOU!"  sigaw ko.

"Ahh! I HATE YOU TOO! Mukha kang pato!"  nakangisi niyang ganti at nagsipagtawanan naman mga classmates namin na nakikiusyuso. Nilibot ko paningin ko, ang dami palang andito pati taga kabilang section. Sina Jake nandito din. Sasampalin ko na sana siya dahil sa pamamahiya niya pero itinaas niya ang kamao niya.

"Subukan mo! Sisirain ko lalo 'yang pangit mong mukha!"

"Bweset ka! Makakaganti din ako sa'yo!"

"Mas bweset ka! Hihintayin ko 'yang araw na 'yan!"  ganting-sigaw niya at sinamaan ko muna siya ng tingin bago hinila si Jeralyn palabas ng classroom. Leche siya! Mamatay na sana siya! "Kung makakaganti ka nga."


--


 *KYLA POV

"HAHAHAHAHA!!"  tawa ko nang nasa malayo na sina Jeline. Napikon ang abnormal.

"Nice one Ky. Hahahaha!"

"Napahiya siya. Hahaha!"

"Oo nga. Hahaha!"

Iba't ibang reaction ng mga classmates namin. Napapahawak pa ako sa tiyan ko. Ang sakit dahil sa kakatawa.

"Nakita niyo 'yong mukha niya? Hahaha! Parang kakainin na niya ako ng buhay. Hahaha!" hinahampas ko pa si Jeric na natatawa din. Hahaha!

"Oo nga eh! Pasaway ka talaga. Lalo mo ginalit. Hahaha!" --- Jeric.

"Hayaan na. Buti nga hindi siya sinaktan eh. Hahaha!" --- Mary Jane.

"Hay naku! Gaganti daw siya. Eh di hintayin. Hahaha!"

"Mag-iingat ka. Gangster na 'yon ngayon."  Dinig kong sabat ni Ryan at tiningnan ko naman siya ng seryoso.

"Ano ngayon? Diyos ba siya para katakutan ko?"  seryoso kong sagot sa kanya at umiwas na ng tingin.

"Nag-aalala lang kami sa'yo M-mae. Baka kung anong magawa niya sa'yo." Napatingin uli ako sa kanila nang si Melvin na naman nag nagsalita.

"Ano ngayon sa inyo kung may gagawin siya sa'kin? Nakakatawa namang isipin na nag-aalala pala kayo, gayong kayo mismo ang lumayo sa'kin at nagtulak kay Jeline para gawan ako ng masama."  Mapakla kong sagot sa kanya. Nakita ko naman sa mga mata niya na nasasaktan siya at malungkot. Pero binalewala ko nalang at padabog na umalis ng classroom.

"Hah! Nag-aalala niyong mukha niyo."  Naiinis kong bulong at sinipa ang maliit na bato na nasa harapan ko.

"Woah! Muntik na ako do'n ah! Buti may lahi akong ninja."  Napatingin ako sa harapan ko at nakitang nakangisi si William kasama ang apat na zombies. So, bale limang zombies na sila.

"Lahing ninja ka diyan. Utot mo!"  angal ko saka umupo sa malaking bato. Maraming malalaking bato kasi dito sa school namin. Lalo na sa mga puno ng mangga at acacia. Maraming puno dito eh kaya fresh ang hangin at 'di masyadong mainit.

"What happened to you dear? Bakit parang galit ka?"  natatawang tanong ni Kevin Allen sa'kin.

"As usual, dahil sa mga taong walang magawa sa buhay kundi bweseten ako."  nakasimangot kong sagot saka bumuntong-hininga.

"Ah! Iyong snake slash witch."  Natatawang sabi ni Cesar.

"No! Snake slash slut." --- William.

"Hahaha! Tama! 'Yon!"  tumatawang sang-ayon ni Kevin Allen.

"Mga loko!"  at pinagbabatukan sila ni Arvin.

"Aww!" --- Kevin.

"Shit!" --- Cesar.

"Tol naman!" --- William.

"Hahahaha! Buti nga sa inyo!"  'yong mga itsura nila, parang nalugi. Hahaha!

"Hayaan mo na 'yon KyMae. Insecure lang 'yon sa'yo." Nakangiting sabad ni Arvin saka tinapik-tapik ako ng mahina sa ulo ko.

"Ahy naman! Bakit ulo ko pa?!"  reklamo ko at inalis kamay niya sa ulo ko. Natatawa naman siyang namulsa at tumayo sa harapan ko.

"Ayaw mong tinatapik ka?"  seryosong tanong ni Donald kaya tumango naman ako ng nakangiti. Pero biglang naglaho iyon ng ngumisi siya.

"I don't like th---!"  'di ko natuloy 'yong dapat kong sabihin nang ginulo niya buhok ko. "Waah! DONALD DUCK!"  sigaw ko habang sinasalag ang kamay niya.

"Hahaha! Ayaw mong tinatapik eh! Kaya guluhin nalang!"  tumatawang sagot niya.

"Kaya nga. Hahaha! Sugod!"  sigaw ni Kevin at napatili naman ako.

"Waah! No! Help!"  sigaw ko at sinabunutan si Cesar. Siya kasi nasa harap ko. Bahala siya kung magalit. Ako ang kawawa  eh.

"Hahaha! Walang tutulong sa'yo. 'Di ka makakawala."  Sagot ni William at lalong ginulo ang buhok ko habang hinahawakan ni Donald mga kamay ko kaya 'di na ako makakaganti.

"Wah! Stop! Mukha na akong mumu! Huhuhu!"  pero 'di pa rin sila tumigil kaya tinadyakan ko si Donald. Nakaiwas naman ang loko at tumatawa pa.

"Arvin! Help!"  sigaw ko pero binelatan lang ako ng loko! "Waah! Ayaw ko na sa inyo! Isusumbong ko kayo sa kuya ko!"  sigaw ko ulit at automatic naman silang tumigil.

"Aha! Kay kuya lang pala kayo takot ha?! Hahaha!"  parang demonyo kong tawa saka kanila kaya naman biglang hinila ni Kevin ang magulo kong buhok. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Nakakainis kayo! Ayusin niyo 'to!"  nagpapadyak kong reklamo sa kanila. Natatawa namang lumapit si Donald sa'kin at inakbayan.

"Tara! Hatid ka na namin sa classroom mo at aayusin natin buhok mo." Napangiti naman ako at hinawi 'yong buhok ko na tumabing sa'king mukha.

"Tara! Ayusin niyo ha? Hindi guguluhin."  Paglilinaw ko kaya tumango naman siya at sumunod sa'min ang lima.

"Anong nangyari sa buhok mo?! Napaaway ka ba?!"  naghehesterical na tanong ni bestfriend kaya 'di ko napigilang tumawa. "Hoy! Nag-aalala ako kaya huwag mo akong pagtawanan. Sagutin mo din tanong ko!"  nakapamewang niyang sabi sa'kin kaya sumeryoso naman ako.

"Hindi best. Hihihi! Pinagkatuwaan lang ng mga loko ang buhok ko."  Natatawa kong sagot saka umupo sa'king upuan. Narinig ko naman na nagbuntong-hininga siya bago umupo sa tabi ko.

"Suklay mo, KyMae?" --- Kevin Allen.

Yes KyMae tawag nila sa'kin. Para unique daw at dapat sila lang tatawag sa'kin niyan. Hinayaan ko lang, I find it cool naman. Hehehe.

"Nasa bag."  Tinatamad kong sagot at naghalumbaba.
Binuksan naman niya ang bag ko at saka hinanap ang suklay.

"Ayos ka ng upo. Susuklayan kita." Umupo naman ako ng maayos at umupo siya sa arm chair ko.

"Hoy bawal 'yan!"  sigaw ng isa naming classmate. Bawal kasi ang umupo sa arm chair.

"Sa inyo bawal, sa'min hindi."  Sagot niya kaya 'di nalang nakipagtalo classmate namin.

"Aww!"  hiyaw ko nang nag-umpisa na siya magsuklay. Sadista!

"Sorry. Hehehe."  Nagsuklay ulit. Pero naulit na naman. Parang may galit sa'kin eh.

"Aray!"  sadista talaga 'to. Masakit eh. Huhuhu!

"Alis nga diyan, ako na!"  hindi pa nakasagot si Kevin, tinulak na niya ito. Buti nalang nakahawak sa isang upuan.

"Langya ka tol! Balak mo pa yatang pahalikin ako sa sahig."  Naaasar niyang tugon kaya napatawa naman ako.

"Hahaha! Namiss ka daw ng sahig. Namiss niya mga yakap mo't halik!"  pang-aasar ko sa kanya at tumawa naman sina Donald. Hahaha!

"Loko 'to!"

'Di nalang ako sumagot.Tinatamad ako makipagtalo eh at nag-umpisa na si Arvin na suklayan ako. Napakagentle ng pagsukaly niya. Inaantok pa nga ako habang sinusuklayan eh.

Ang bilis ng araw, parang kailan lang kami tumakas at nagnakaw sila ng manok. Hahaha! Ngayon close na kami. Two months ko na silang kaibigan. Two months ko ng tinitiis mga kalokohan nila. At 2 months ng 'di ko kinakausap sina Kuya Jake. Akala ko 'di ko kakayanin na hindi sila kasama, kaya ko pala. Pero 'di ko maiwasang malungkot kapag naaalala ko 'yong mga masayang pangyayari no'ng close ko pa sila. May mga times pa na umiiyak ako sa gabi, dahil sa sobrang pagkamiss ko sa kanila. Iyong feeling na gustong-gusto ko sila mayakap, makakwentuhan at makatawanan. 

Pero 'di ko na magawa dahil sila na mismo ang umiwas sa'kin. Tinry ko silang lapitan last month at kausapin, pero 'di ko natuloy. Dahil sila mismo ang umiwas, parang pinandidirihan nila ako. Kaya mula no'n, 'di na ako nag-attemp na lumapit sa kanila. Iniiwasan ko na din sila kapag magkakasalubong kami. Pinapakita ko sa kanila na kaya ko na wala sila, kaya 'di ako maungkot kahit na ang totoo.

Nasasaktan pa rin ako. Dahil hanggang ngayon, 'di ko alam ang dahilan kung bakit nila ako nilayuan. Sa pagkakatanda ko, wala naman akong ginawa, wala naman akong sinabi na nakakasakit sa kanila .Buti nalang dumating 'tong limang zombies na lagi akong pinapasaya. Pero minsan napapagalitan kami ni Kuya Jack, lalo na sila. Kasi kung ano-ano raw tinuturo sa'kin na kalokohan. Hehehe.

Ang saya kaya mantrip. Lalo na kung si kuya ang pagtitripan. Ako lang nakakagawa no'n sa kanya, kaya proud na proud ako sa sarili ko. Pero ang nagtuturo, sina Cesar. Hehehe.

Gumaganti sila kay kuya sa pamamagitan ko. At okay lang 'yon, 'di naman ako kayang saktan ni kuya. Hahaha!

 Masarap at masaya silang kasama, 'di ka malulungkot. Hindi nauubusan ng kwento at pang-asar sa'kin. Lagi pa nila akong pagtulungan. Pero 'di naman ako nasasaktan, gumaganti naman ako sa kanila eh. 

Thanks God! Kasi may binigay siya sa'kin na mga loko-loko ngunit overprotective and caring friends. Wala na akong mahihiling pa, kasi nandito na din naman ang kuya ko.


===


*SOMEONE POV


"Humanda ka Kyla Mae Serrano! Akala mo ba tuloy-tuloy 'yang saya mo? Ha! No way! Gaganti ako sa'yo! Ang tanga lang no'ng sumaksak sa'yo! 'Di ka pa pinuruhan! Napakatanga! Walang kwenta!"  sigaw ko sa isipan ko habang nakatitig sa picture ng babaeng 'yon na nakadikit sa dingding ng bodega na 'to!

Nanggigigil na ako sa kanya. Nangangati na mga kamay ko. Gustong-gusto ko ng tapusin buhay niya. Pero 'di ko magawa dahil sa nakapalibot sa kanyang limang lalaki. Nawala nga 'yong apat dahil sa kagagawan ko, may dumating naman na lima. Mga peste talaga! At may nakita pa akong lalaking kasama niya no'ng linggo. At doon siya nakatira sa bahay ng lalaki.

Hmm? Sino kaya 'yon? Boyfriend? Live-in? Hah! Posible 'yon! Ang sweet-sweet kasi nila. Hahaha! Humanda siya! Kapag may makakakuha ng pictures nilang dalawa. Tiyak masisira ang image niya sa school. Sekretong malandi pala ang gaga! Just wait dear. Malapit na ang kalbaryo ng buhay mo.  Humahalakhak ako sa mga naisip ko. May maipanlaban na ako sa kanya.

Nakakabweset siya! Lahat nalang ng lalaking gwapo, lumalapit sa kanya. Ano bang meron sa kanya? 'Di naman siya maganda! Tang-ina! 'Di nga marunong mag-ayos eh! Tapos lalapitan pa nila at lalambingin? Shit siya! Malandi talaga!

"Aahh!"  sigaw ko at tinarget ang dart sa picture niya pero lalo akong nabweset nang hindi tumama sa noo niya. Kundi sa tenga niya lang banda. Bweset!




===

Wew! First time magka-POV ni Jeline. Hehehe. So, anong say niyo? Hehehe.

Sino naman itong SOMEONE na 'to? Hulaan niyo.

Enjoy reading guys.


- ATE MAE

Continue Reading

You'll Also Like

744K 24.1K 79
May isang babae pero mas kilala s'ya bilang nerdy. Nabuhay s'yang normal na tao at mabait. Pero ano kayang mangyayari sa kan'ya kung isang araw nag b...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
3.1M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
508K 13.9K 30
Sandra Kang, ang babaeng gangster noon na gusto na lamang maging simpleng babae. Palaban at matapang noon ngunit naging iba na dahil sa pagkamatay ng...