MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLE...

By aMAEzonaDragon

569K 19.2K 4.1K

Highest rank achieved #7 in Humor Thanks to @StunnLynn for making the aMAEzing Book Cover! So love it bebe! L... More

Attention!
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16.1
Meet the Characters!
Chapter 16.2
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
ANNOUNCEMENT NI AUTHOR ^_^
Chapter 26
Cover Photos of my Stories^_^
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Kalokohan ng Characters
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41:The Kidnapper
Chapter 42:Surprise
Chapter 43:MaeVin Moment
Chapter 44: Confrontation
Note ni Dragona
Chapter 45: Jake is missing
Chapter 46:J1 and J2
Pagbati ng Dragona
Chapter 47:Saving Jake
Chapter 48
Chapter 49:Life in Jail
Chapter 50:HE'S AWAKE
Chapter 51:PRINCESS JAYCA SANDOVAL
CHAPTER 52:HOW?
Chapter 53:FINALLY!
CHAPTER 54:LIPAT-BAHAY?!
Chapter 55:BONDING WITH MY FAM
Chapter 56:PREPARATION
Chapter 57.1:PARTY
Chapter 57.2:Party 2
THANK YOU!
Chapter 58:Is it Goodbye?
Chapter 59:SEE YOU AGAIN
Chapter 60:CHANGED
Chapter 61:Lara Pimentel
Please read :-)
Chapter 62:She's back!
Chapter 63:Sorry
Chapter 64: Detention Room
REMINDER:)
Chapter 65:Dream
Chapter 66: SWEET MOMENT
Chapter 67:SON?!
Next story
Chapter 68:Kent
Chapter 69:You?!
Chapter 70:Facing Joy
Chapter 71: The real culprit
Dragona's Babies
Chapter 72: Meeting someone..
The Truth
Chapter 73: Baron is..
Chapter 74: Ordinary Song
Hello:-)

Chapter 27

5.7K 213 58
By aMAEzonaDragon

*Play the video while reading.^__^*

====




**KYLA POV**

Tama ba 'yong ginawa ko? Ang sungitan sila? Huhuhu! 'Di ko naman sinasadya eh. Ayaw ko lang kasi na lumapit sila sa'kin o magiging close. Baka kasi kapag mangyari yun, iiwanan din nila ako. Ako na naman ang masasaktan, ako na naman ang iiwanan. Tama nga yung sinabi ni Cesar.

"Sorry." Napatalon ako sa kinauupuan ko dahil sa biglaang pagdating at pagsalita ng taong 'di ko iniisip na makikita ako dito.
Tiningnan ko lang siya saglit saka tumingin ulit sa harapan bago umupo sa batong kinauupuan ko kanina.

"Sorry sa mga sinabi ko kanina." Nakayuko niyang sabi at tumingin din sa harapan.

"Hah! Nagsosorry ka kasi sinaktan ka ng pinsan ko, right?" gulat naman siyang napatingin sa'kin.

"Wag ka na magtanong kung bakit ko alam. Kilala niyo lang ako bilang makulit at maingay, hindi ang kaya kong gawin o anumang ginagawa ko." Sagot ko sa nagtatanong niyang mga mata.

He chuckled. "Hindi na ako magtataka, pinsan ka nga niya." Napapailing niyang sagot.

"May kailangan ka?"

"Ah, pinapatawag ka ng pinsan mo."

"Na master niyo." Nakangisi kong dugtong sa kanya.

"Uh yeah."

"Buti nakakalakad ka pa?"

"Di naman masyadong malakas, though masakit pa rin siya."

"Ah, okay. So, let's go?" aya ko sabay pagpag ng uniform ko.

"Ah, s-sandali Ky." Pigil niya sa'kin, sabay hawak sa braso ko.

"Oh bakit?"

"Sorry talaga ha? 'Di ko sinasadya yung mga sinabi ko kanina. Kalimutan mo lahat yun, 'di yun toto--"

"Tss! Kalimutan mo na yun. Tara na." Aya ko sa kanya ng nakangiti at ngumiti din siya pabalik.

"Salamat."

"No problem. Ahm saka, 'wag na 'wag mong sasabihin sa kanila na may alam na ako ha? Pagtripan ko lang sila mamaya." Nakangisi pa ako at kumikindat sa kanya. Then I saw him blushing.

"OMG! YOU'RE BLUSHING! WAAH!" nagtatalon pa ako sa tuwa.

"No, I'm not!" sigaw niya. Napakadefensive. Hahaha! Pagbigyan na nga lang.

"Ahy hindi pala? Sayang! Akala ko pa naman, may mapapablush na ako. Haist!"

"Haist! Pasaway ka talaga. Dami mong alam." Ginulo pa ang buhok ko. Dineadma ko nalang. Hayaan na 'yang magulong buhok na 'yan. Nakakatamad magsuklay.

"Oy Cesar!" tawag ko sa kanya, medyo nauna na kasi siya eh. Ang lalaki ng hakbang.

"Oh bakit?" lingon niya saka huminto.
Patalon-talon naman akong lunapit sa kanya habang nakahawak sa strap ng bag ko. Hehehe.

"Para kang bata." Natatawa niyang sabi nung nakita niya ang ginagawa ko kaya nagpout naman ako.

"Bata pa naman talaga tayo ah?"

"Pero mas malala ka."

"Hmp! Sama mo!"

"Ano nga pala sasabihin mo?"

"Tingnan mo! Tingnan mo! Nakalimutan ko tuloy!" sigaw ko at nagpapadyak.

"Hayaan mo na nga lang. Ah wait! May itatanong pala ako." Natatawa niyang sabi at namulsa.

"Wag na. 'Di ko pa maalala yung sasabihin ko." Seryoso kong sagot. May gusto talaga sana akong sabihin sa kanya eh. kaso nakalimutan ko kung ano 'yon.

"Mamaya na yun. Ako muna." Pangungulit niya.

"Ayaw. Mamaya na 'yan."

"Isa Ky. Sige na kasi!" kumakamot na ito sa batok niya.

"Dalawa Cesar."

"Ito na nga, bahala ka. Paano mo nala---"

"Lalalalala! Wala akong naririnig! Oh lalalalala!" kanta ko habang nakatakip ang dalawang mga kamay sa tenga ko. Hehehe.

"KYLA MAE!" sigaw niya habang natatawa at tinanggal ang dalawa kong kamay na nakatakip sa tenga ko.

"WAAAAHHH! WALA AKONG NARIRINIG!" sigaw ko naman at nagtakip ulit ng tenga. Siya naman tinanggal. Paulit-ulit lang ginagawa namin hanggang sa naghahabulan pa kami dito sa gitna ng kalsada. Buti walang dumadaan na mga sasakyan. Hehehe.

"Waaah! Pangit ka Cesar! Wag mo ako habulin!"

"Wag ka kasi tumakbo! Hahaha!"

"No! Hinahabol mo kaya ako, paanong 'di ako tatakbo!" sigaw ko na naman sa kanya at mas binilisan pang tumakbo.

"Hoy! Umayos ka! Baka mapagod ka! Mapapatay na ako ng pinsan mo!" automatic naman akong napahinto at pinagsisihan ko naman yun. Huhuhu!

"Huli ka! Hahaha!" sabay kiniliti ako kaya ako todo-hampas at ilag sa kanya na tumatawa ng malakas.

"Waah! I hate you! Stop it! Hahaha!" napatigil naman siya saka ako hinila at inakbayan.

"Tama na nga. Nakakapagod. Medyo masakit pa naman binti ko." reklamo niya.

"Hahaha! Ayan kasi!" natawa naman siya at pinisil ang ilong ko.

Napagdesisyunan naming dalawa na maglakad nalang kaya ayun, masaya kasi kapag maglakad lang. Matagal makarating sa proroonan, marami pa kaming mapag-usapan.

Nagtataka kayo bakit alam ko lahat? Sekretong malupit. Saka na, malalapit niyo rin naman. Soon.




===




**STALKER POV**


I saw her laughing with the other guy. And it made me jealous. Hanggang tingin nalang ako sa kanya mula sa malayo, napapangiti habang nakikita ang mga ngiti niyang kay tamis. Sumasaya habang naririnig ko ang malakas niyang tawa. Naiiyak kapag nakikita siyang umiiyak at nasasaktan.

"Haist Kyla Mae A. Serrano, ano bang ginawa mo sa'kin? Bakit ba ako nagkakaganito sa'yo?" -kausap ko sa sarili ko.

Sinundan ko lang sila ng palihim. Nagtataka pa ako bakit naglalakad lamang mga 'to eh pwede namang sumakay? Anong trip na naman naisip nila? O baka naman, iyang isa na naman ang nakaisip niyan.

Pinanindigan ko na pagiging stalker ko, bahala na. Oh wait! 'Di naman ako pangit. So, secret admirer. Hindi stalker. Napangisi nalang ako sa mga naisip ko. Nababaliw na yata ako. Nakakahawa yata ang pagiging baliw niya.

"Hahaha! Abnormal ka Cesar! Isusumbong kita kay Donald duck. Hahaha!" rinig kong tawa niya habang nakahawak pa sa tiyan.

"Hahaha! Bakit? Totoo naman! Hahaha!" medyo naiinis ako sa mga nangyayari. Kasi siya--sila, pwede siyang patawanin, akbayan, hawakan anytime. Pero ako? 'Di ko magawa. Dahil 'di pwede. Dahil bawal. Bakit ba ako nagmahal ng isang babaeng 'di ko pwedeng makasama? Ng babaeng 'di ko pwedeng mahalin? Napakahirap!

"I miss you. I want to hug you. I want to kiss you. But----But I can't. 'Cause I don't want to hurt you." bulong ko habang nakatingin pa rin sa kanila. Saka na ako tumalikod para umuwi nung nakapasok na sila sa malaking bahay.

"Di man kita nahahawakan at nayayakap. Pero masaya na akong makitang masaya ka. Makitang safe ka. 'Di man ako malapit, atleast mababantayan pa rin kita. Mahal na mahal kita Kyla Mae. Mahal na mahal. Just wait, magpakilala din ako. Soon." bulong ko at sunulyap muli sa malaking bahay bago tuluyang umalis.


====




**KYLA POV**

Alam ko, may nakasunod sa'min kanina. No'ng nagbiro si Cesar, pagkakataon ko na 'yon na makita siya no'ng tumawa ako at humawak sa tiyan, medyo tumagilid ako at humarap kay Cesar. I saw him, biglang nagtago sa isang malaking puno at naka-cap pa kaya hindi ko maaninag mukha niya. Wala naman akong nararamdamang masama kanina kaya hinayaan ko lang.
Hindi ko siya kilala pero napakafamiliar ng kanyang tindig at pigura. Parang nakita ko na siya.

Just wait. Makikilala din kita. Wag lang ngayon, marami pa akong haharapin. Sasapakin ko pa pinsan ko na 'di pa nagpakita sa'kin. Ngayon pa lang. sabi ko sa utak ko.

Bago kami pumasok sa bahay ni kuya, nakita ko pa siya na nakakubli sa isang puno. Pero maya-maya lang, umalis na at sumulyap pa uli. Sino kaya sinusundan no'n?Ako o si Cesar? Naku! Baka itong gagong 'to. Gangster eh. Hala!

"Hoy Cesar!" tawag ko kay Cesar na medyo nauna na sa'kin.

"Bakit?"

"Wala ka bang napapansin kanina na nakasunod sa'tin?" nanlaki naman mga mata niya.

"Na-nakita mo?" gulat niyang tanong at tinuro pa ako.

"Hindi ako bulag. Saka nararamdaman ko na may sumusunod sa'tin." Sagot ko naman at nagroll eyes.

"Sinong sumusunod sa inyo?" biglang tanong ng isang lalaking may malaking boses na nasa likuran ko. Kahit 'di ko tingnan, alam kong si Kuya Jackson 'yan. Kaya ang ginawa ko, nagsmirk ako kay Cesar bago nagsalita.

"May bakulaw ba dito Cesar?" nakangisi kong tanong at na-gets naman niya kaya sumagot siya.

"Wala naman. Why?"

"May biglang nagsalita kasi eh. Ang laki ng boses. 'Di ko alam kung ano 'yan, bakulaw ba o kingkong." Nakangisi kong sagot. Naramdaman ko naman na lumapit sa likuran ko si Kuya Jackson at hahampasin na sana ako pero nakailag agad ako at sinipa siya sa tagiliran.

"Ugh! Kyla Mae!" sigaw niya sa maganda kong pangalan. I flipped my hair.

"Oops!" sabay takip ng bibig ko at ngumisi. Nakita ko naman mga tauhan niya. OMG! Ba't ang dami nila? Kanina, wala namang tao dito sa living room ah?

"How-How?" gulat niyang tanong.

"De karabaw, de batutin?" dugtong ko sa tanong niya kaya narinig ko namang tumawa mga tauhan niya.

"Haist! Hindi mo man lang ako yayakapin?" nakapout niyang tanong. Yuck! Bakla yata itong pinsan ko?

"Hindi." nakabusangot kong sagot.

"Why?"

"Why?! Ang tagal mo ng umuwi dito pero 'di mo man lang ako binisita?! Hindi ka man lang nagpakita sa'kin?! How dare you!" sumbat ko sa kanya at lalong sumimangot. Napatawa naman siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Hay naku! Nagtatampo ang baby ko. Halika nga!" 'di na ako nakaangal nang yakapin niya ako ng mahigpit.
Bigla naman nagbagsakan mga luha ko nang naramdaman ko na ang yakap niyang mahigpit.

"I miss you baby girl." Malambing niyang sabi sa'kin habang yakap-yakap pa rin ako.

"I miss you too kuya. I miss you big brother." Umiiyak kong sagot sa kanya at mas lalo siyang niyakap.

"I'm sorry, okay? Pagdating kasi ni kuya, nasa hospital 'yong lillte sister niya eh. Nasaksak kasi no'ng Acquaintance Party nila. Kaya biglaan pag-uwi niya." Paliwanag niya. Nakikinig lang ako habang nakayakap sa kanya at sumiksik sa kanyang dibdib. "Dumalaw si kuya do'n, alam mo bang ang himbing ng tulog ni little sister? Parang anghel, parang inosente at tahimik. Pero kapag gising, naku!Napakakulit." napahagikhik naman ako.
"Sinabihan ni kuya 'yong nanay ni little girl na wag muna sasabihin sa kanya na nandito na ang kuya niya kasi marami pang aasikasuhin." Kumalas naman ako sa yakap niya at nagpahid ng luha.

"Kaya pala. Pero ang daya mo pa rin." Nakapout kong sabi sa kanya. Natawa naman siya at hinalikan ako sa noo.

"Babawi si kuya, okay?"

"Promise?"

"Promise po." at pinanggigilan ang pisngi ko. "So fluffy." Pinisil niya ulit.Huhuhu!

"Pasalubong ko? hehehe." Nilahad ko pa ang kanang kamay ko sa harapan niya.

"Nando'n sa kwarto mo." Namilog ang mga mata ko sa sinagot ni kuya kaya pinupog ko siya ng halik bago tumakbo papuntang kwarto ko pero huminto ako saka humarap sa kanya.

"THANK YOU KUYA! I LOVE YOU! YOU'RE THE BEST BROTHER IN THE WHOLE WORLD!" sigaw ko at nagflying kiss pa. Napapailing naman siyang nakangiti sa'kin kaya tumalikod ulit ako at tumakbo.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan saka pinasok ang ulo ko. Pero biglang nanlaki mga mata ko, kasinglaki na yata ng mata ng tarsier.

"KYAAH! WAAH!" tili ko at nagtatalon pa nang makita kong nadagdagan na mga books ko sa shelves. Waaah! "Kyaah! May laptop din!" tili ko na naman sabay takbo sa mini table ko at tiningnan. Nakita ko naman sa screen nito na may nakatype.

Hi Kyla Mae. I am Kylee. Your pretty laptop.

Napahagikhik ako sa nabasa ko. Kalokohan talaga ni kuya. Napayakap kaagad ako sa laptop ko.

"Hi Kylee. You're so pretty. Mana ka sa'kin." Natatawang kausap ko sa laptop ko.

"Syempre. Mana talaga ako sa'yo." Lalo akong napahagikhik nang may narinig akong boses na parang iniipit sa likuran ko.

"Hehehe. Ang ganda mo nga pero bakit parang inipit 'yang boses mo?"

"Pasaway ka talaga." Napatili ako sa ginawa ni kuya. Niyakap ba naman ako tapos kiniliti ako sa tenga.

"Kuyaaa! Hahahaha! Stop! Hahaha!" tumigil naman siya at pumunta sa harap ko. Binackhug niya kasi ako kanina.

"Did you like it?"

"I LOVE IT!" sigaw ko ng nakangiti.
"Thank you so much!"

"You're welcome baby girl." Then he kiss me at my forehead.

Napakasweet ni kuya. Sobrang na-miss ko siya. Ang tagal na no'ng huling kasama ko siya. Hindi ko na matandaan. Pumunta kasi siya ng Singapore, kinuha ng kamag-anak namin at do'n pinag-aral hanggang sa nagtrabaho siya. Hindi siya umuuwi, and I don't know why. Kung 'di pa ako nasaksak, 'di pa siya umuwi. Pasaway talaga.

Kuya Jackson is my half brother. Yes. Magkapatid kami sa ina, and kay nanay na apelyedo ang ginagamit niya. Pero 'di niya tinatawag na nanay si nanay. Naiintindihan ko naman siya. Alam kong may malalim na dahilan kaya hindi na ako nagtanong. Kasi alam ko naman na 'di niya sasagutin. Kaya hahayaan ko nalang. Ang mahalaga, nandito na siya. Magkasama na kami ulit.
Itong bahay, alam ko na 'to. Matagal na, minsan nga pumupunta ako dito eh. Gusto kong tumira dito pero ayaw ni nanay. Ayaw niya akong umalis sa bahay. Kahit na alam niyang sinasaktan ako nina ate at tatay. May sama din ng loob ako kay nanay, kasi parang okay lang sa kanya na nasasaktan ako. Pero 'di bale na. Nakaraan na 'yon.

"Oh bakit?" nag-aalala niyang tanong.

"Wala po kuya. Masaya lang ako na nandito ka na. Tears of joy 'yan." natatawa kong sagot habang pinapahiran niya ang luha ko. Bigla naman niya akong niyakap at niyakap ko din siya pabalik.

"Lord. Thank you so much. Thank you kasi nandito na ang kuya ko. Magiging masaya na ako. Napakabait mo talaga Lord. Thank you so much." dasal ko ng tahimik habang yakap-yakap ang kuya ko.

====

Kyla's pasalubong ----->


Enjoy reading babies.

Vote and comment po.

--

aMAEzonaDragon

Continue Reading

You'll Also Like

2.2K 100 9
[Her Mate Is The Alpha: FILIPINO] Alpha Trevor's pack found a cub, a baby wolf, inside a cave near the fall. The baby's eyes was as cold as the winte...
83.5K 2.1K 49
(ALPHA ACADEMY #2) Matapos mawala ang kanyang pinakamamahal. Magawa pa kaya ni Kiro Minlay na buksan muli ang kanyang pusong wasak? "This time I'm t...
89.3K 2.1K 35
Boyish.That's how she describe herself.She hates wearing girly stuffs. But What will happen if she was choosen to be the running campus Queen? Zyren...
130K 5.2K 57
(COMPLETED) √Ms.Makulit Na Misteryoso Meet Mr.Masungit Book 1 Babaeng masekreto pero mapagmahal at handang magsakripisyo para sa mahal nya. Ang inaa...