MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLE...

By aMAEzonaDragon

569K 19.2K 4.1K

Highest rank achieved #7 in Humor Thanks to @StunnLynn for making the aMAEzing Book Cover! So love it bebe! L... More

Attention!
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16.1
Meet the Characters!
Chapter 16.2
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
ANNOUNCEMENT NI AUTHOR ^_^
Chapter 26
Chapter 27
Cover Photos of my Stories^_^
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Kalokohan ng Characters
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41:The Kidnapper
Chapter 42:Surprise
Chapter 43:MaeVin Moment
Chapter 44: Confrontation
Note ni Dragona
Chapter 45: Jake is missing
Chapter 46:J1 and J2
Pagbati ng Dragona
Chapter 47:Saving Jake
Chapter 48
Chapter 49:Life in Jail
Chapter 50:HE'S AWAKE
Chapter 51:PRINCESS JAYCA SANDOVAL
CHAPTER 52:HOW?
Chapter 53:FINALLY!
CHAPTER 54:LIPAT-BAHAY?!
Chapter 55:BONDING WITH MY FAM
Chapter 56:PREPARATION
Chapter 57.1:PARTY
Chapter 57.2:Party 2
THANK YOU!
Chapter 58:Is it Goodbye?
Chapter 59:SEE YOU AGAIN
Chapter 60:CHANGED
Chapter 61:Lara Pimentel
Please read :-)
Chapter 62:She's back!
Chapter 63:Sorry
Chapter 64: Detention Room
REMINDER:)
Chapter 65:Dream
Chapter 66: SWEET MOMENT
Chapter 67:SON?!
Next story
Chapter 68:Kent
Chapter 69:You?!
Chapter 70:Facing Joy
Chapter 71: The real culprit
Dragona's Babies
Chapter 72: Meeting someone..
The Truth
Chapter 73: Baron is..
Chapter 74: Ordinary Song
Hello:-)

Chapter 17

6.8K 244 40
By aMAEzonaDragon

**THIRD PERSON POV


 Natulala ang lahat sa nangyari, lalong-lalo na ang mga kaibigan ni Kyla.

 Biglang bumagsak ang katawan ni Kyla habang yakap-yakap ni Melvin na umiiyak. Si Jake, 'di makakilos habang hawak sa kwelyo ang lalaking kalaban niya. Si Philip, 'di makakilos at natulala na nakatingin din sa dalawa. Si Ryan, nakaawang ang bibig habang tumutulo na ang luha at ito agad ang natauhan. Bigla itong napasigaw.

   "TANG-INA MO!"  sigaw nito at pinagsusuntok ang lalaking kanina pa niya kasuntokan. 'Di niya ito tinigilan hangga't gumagalaw pa. Saka niya lang tinigilan sa kakasuntok no'ng naliligo na ang lalaki sa sariling dugo nito. Basag ang mukha. Gano'n din ang kalaban nina Philip at Jake.

   "No no no! Princess! Bakit mo ginawa 'yon? Sa akin yun!"  sigaw ni Melvin habang yakap-yakap ang dalagita na nakangiti pa at naluluha. 

   "Ok-okay l-lang 'yon. Ang ma-halaga. L-ligta-s ka." Nauutal nitong sagot habang tumutulo ang luha at hinawakan ang pisngi ni Melvin.

 Si Ryan naman, tinakbo ang lalaking may hawak na kutsilyo pero natulala nang makita ang mukha ng dalagita. Na animo'y kilala niya ito.

 Sinuntok agad ito ni Ryan ng malakas sa mukha at saka tinadyakan sa tiyan. 'Di ito inexpect ng lalaki kaya natumba agad ito at 'di agad nakatayo. Medyo nanginig ang katawan ng lalaki sa kanyang nakita. Ang kutsilyong hawak nito, tumilapon kung saan, hindi namalayan ni Ryan kung saan. Ang mahalaga sa kanya, mapatay ang lalaking sumaksak sa babaeng mahal nila. Sa babaeng itinuring na niyang kapatid. Sa babaeng pinakaiingatan niya maliban sa ina at mga kapatid na babae.

    "GAGO KA! BAKIT MO SIYA SINAKSAK? BAKIT"  sunod-sunod na tanong nito at sunod-sunod din ang suntok na pinapakawalan. Wala siyang pakialam kung mapatay niya ito, ang mahalaga maiganti niya si Kyla. Maiganti niya ang babaeng pinakamamahal nila.

 Sa kabilang banda, nawalan ng malay si Kyla at do'n parang binuhusan ng malamig na tubig si Melvin. Doon niya naalala na mahina ang puso nito kaya napasigaw ito saka binuhat ang katawan ng dalagita na walang malay.

  "NO!"  patakbo itong bumalik sa pinanggalingan nila habang buhat ang dalagita.

"HELP!"  sigaw nito kahit alam niyang walang makakarinig.

 Takbo lang ng takbo ang binata habang naluluha pa. Nang 'di nagtagal, may nakita itong paparating na sasakyan kaya humarang ito sa gitna ng kalsada.
Nataranta naman ang driver at bigla itong napapreno.

  "Manong, tulong! Tulong!"  sigaw nito na nagmamakaawa.

 Bumaba naman kaagad ang driver pati ang mga pasahero nito at natataranta nang makitang duguan ang lalaki pati na rin ang dalaga. 'Di na nagdalawang-isip ang mga ito sa pagtulong at dali-daling inakay si Melvin papasok ng tricycle.

   "Sino mga kasama niyo? Saan may gawa niyan?"  tanong ng isang lalaking pasahero kay Melvin.

  "Naiwan sila! Doon!"  sabay turo kung saan sila nanggaling at patakbong pumunta doon ang apat na lalaki upang tumulong sa mga kasama nina Melvin.

   "Manong! Bilisan niyo! BAKA MAUBUSAN SIYA NG DUGO!"  sigaw nito sa driver kaya nagmamadali ang driver at saka pinaharurot ang tricycle nito.




--

 
*MELVIN POV


 Diyos ko! Sana walang masamang mangyari kay Mae. Kasalanan namin 'to, kung 'di sana kami nakinig sa kanya na maglalakad lang. Eh 'di sana ligtas siya ngayon. Eh 'di sana 'di siya nasaksak ngayon. Shit! It's all my fault. 'Di ko napansin ang lalaki.

   "I'm so sorry.  I'm so sorry."  Bulong ko sa kanya habang tumutulo ang mga luha ko. Wala akong pakialam sa mga makakakita at sasabihan akong bakla. Buhay ng mahal ko ang nasa kritikal na kondisyon.

   "Manong, malayo pa ba?"  medyo malakas kong tanong. Nanginginig na ako sa kaba at takot. Takot na baka mawala ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng unang minahal ko.

   "Malapit na. Tanaw ko na ang hospital. Konting tiis nalang."  Sagot ni Manong na halatang nag-aalala din.

 Bumaba agad si Manong at saka kinuha si Mae sa'kin at patakbong pumasok ng hospital. Patakbo rin akong nakasunod na parang wala sa sarili.

  "Doc! TULONG! NASAKSAK ANG BABAE!"  sigaw ni Manong kaya sinalubong kami ng nurses na may dalang stretcher saka inilapag si Mae ni Manong.

 Nilapitan ko ang doctor na tumutulo pa rin ang luha.

   "Doc, please! Save her! PLEASE!"  sigaw ko habang niyuyugyog ang doctor.

  "Sir, kami na po bahala. Magdadasal po tayo."  Sagot nito saka nila tinulak ang stretcher papasok ng emergency room.

 Napasandal naman ako sa pader na malapit sa pintuan ng emergency room saka padausdos na napaupo sa sahig.

 "Kasalan ko 'to! Kasalanan ko 'to!"  bulong ko habang nakasabunot sa buhok.

  "God, please save her. Maawa ka po. 'Di ako nagdadasal, pero ngayon, pakinggan niyo po ako. Iligtas niyo ang babaeng pinakamamahal ko. Iligtas niyo po siya."  Bulong kong dasal na nakayuko. Ipinatong ko ang braso ko sa aking tuhod at nakayuko pa rin. Naramdaman kong may tumapik sa'kin kaya iniangat ko ang mukha ko.

  "Huwag kang mag-alala. May awa ang Diyos. Ililigtas niya ang girlfriend mo." --- Manong.

 Ngumiti naman ako ng mapait sa sinabi niya. Napatango lang ako saka yumuko ulit, tumabi naman si Manong sa'kin saka nagbuntong-hininga.

 Alam ko, she's brave and strong. Pero ngayon, natatakot ako. Paano kung? Paano kung 'di siya maliligtas? 'Di ko alam kung ano ang gagawin ko. Paano kung aatakehin siya? Mahina ang puso niya at 'di ko alam kung malalim ba o mababaw lang ang sugat niya. Sana makaligtas si Mae. Sana.

 I will haunt them. I will kill them all. Kulang ang pagpatay sa kanila sa ginawa nila kay Mae.

 Lord, mali ba na nakipagkaibigan kami sa kanya? Kami ang naglagay sa kanya sa panganib. Kung 'di sana kami nakipagkaibigan sa kanya, baka sakaling 'di siya nasaksak. Baka sakaling tulog na siya sa bahay nila ngayon at naghihilik pa. Mali ba Lord, mali ba ginawa namin?

  "Hindi ko alam kung tama ba na magtatanong ako pero gusto ko pa ring malaman kung ano ang nangyari?"  dinig kong tanong ni Manong. Sa tantiya ko, nasa edad apatnapu si Manong.
 'Di ko inangat ang mukha ko. Nakatitig pa rin ako sa sahig at sinagot siya.

  "P-pauwi na kami. Naglalakad at masayang nag-uusap at nagtatawanan. Pero 'di namin akalain na-na sa oras na 'yon, may nag-aabang pala sa madilim na parte ng kalsada na 'yon. Nag-aabang sa'ming lalaki. Pero...Pero nadamay siya. Sinabihan ko po siya na 'wag aalis do'n sa dinalhan ko sa kanya, pero umalis siya. Niyakap niya ako no'ng nakita niya na may patalim 'yong lalaki. At hinampas niya ng bato. P-pero, 'di ko akalain. 'Di ko akalain na makakatayo pa 'yong lalaki at 'yon, 'yun ang sumaksak kay Mae. Ako sana 'yon, ako sana 'yon Manong. Pero nakaharap siya sa lalaki no'ng niyakap niya ako kaya bigla siyang umikot. At siya ang nasaksak. Siya ang nasaksak! Kasalanan ko! Kasalanan ko!"




--







*THIRD PERSON POV




 Biglang bumuhos na naman ang mga luha ni Melvin pagkatapos niya ikwento sa driver ang nangyari. Medyo natulala ang driver pero bigla rin itong natauhan at inakbayan ang binata saka tinatapik sa balikat. Awang-awa ito sa nangyari sa mga batang ito pero wala siyang magagawa. Pero kung kakailanganin ng mga ito ang tulog niya, handa siyang tumulong.

   "Kilala mo ba mga 'yon?"  tanong nito sa binata at tumango naman ito bilang sagot. Tila nawalan ng lakas si Melvin sa mga nangyari. "Sino?" tanong ulit ng matanda.

   "Christopher Forteza, ang leader. Gangsters sila Manong. Pero iyong sumaksak kay Mae, 'di ko kilala. Pero iyong iba, kilala ko. Sina Mark Ramirez, Jason Delgado at Luis Mendiola."

  "Maaari ko bang malaman kung bakit kayo kinalaban? Gangster ka din ba?"  binulong lang nito ang huling tanong nito.

 'Di naman agad nakasagot ang binata, humagulhol lamang ito. Pero no'ng sasagot na sana siya, biglang dumating sina Jake, Philip, Ryan at iyong apat na pasahero ng matanda.

   "TOL! ASAN NA SI MAE? KUMUSTA NA SIYA?"  sigaw na tanong ni Jake pagkarating sa harapan ni Melvin na nakayuko. Pero nag-angat ito ng paningin bago sumagot.

  "D-di pa lumalabas ang doctor."  Garalgal ang boses nito na sumagot.

 Bigla naman napaupo ang mga ito saka sumandal din sa pader. Tila nawalan lahat ng lakas.

  "Kasalanan ko 'to mga tol. 'Di ko namalayan yung lalaki."  Saad nito na nakatitig sa harapan.

  "Hindi tol, 'di mo kasalanan. Walang may kasalanan sa'tin. Nagkataon lang na kasama natin si Mae, mga hayop mga 'yon! 'Di ko sila mapapatawad!"  sagot ni Jake na may diin at bahid ng galit ang mga salitang binitiwan nito.
 

 Pagkatapos sabihin ni Jake ang linyang 'yon, wala ng nagsalita kahit na isa man sa kanila. Nakahilera silang nakaupo sa labas ng emergency room. Naghihintay na lumabas ang doctor upang malaman ang kalagayan ng dalaga.

 Tahimik na nagdadasal ang apat, pati na rin ang limang lalaki na kasama nila, kasama na ang matandang tricycle driver. Tahimik itong pinagmamasdan ang mga binata at palihim din na nagdadasal na sana okay lang ang dalagita. Kung titingnan mo sila, nakakaawa ang kanilang mga kalagayan. May mga dugo ang damit, lalong-lalo na si Melvin dahil siya ang bumuhat sa dalaga. May mga putik ang damit, ang mga mukha may bahid din ng dugo. Magulo ang buhok at gusot na gusot ang damit. 'Yung apat na pasahero ng matanda, 'di masyadong magulo ang mga suot ngunit may mga sugat din ito sa mukha. Dahil no'ng dumating sila sa kinaroroonan ng tatlo, nagulat ang mga ito dahil sampu pala ang nasa kabilang panig kaya 'di nagdalawang-isip ang apat na tumulong.

 Kitang-kita ng mga ito ang galit na nakarehistro sa mukha ng apat na sina Jake, Philip at Ryan. Lalo na si Ryan, naabutan pa nila na wala itong tigil sa pambubogbog sa isang lalaki. Na sa tingin ng apat na ito ang sumaksak sa dalaga.

 Kahit pito lamang sila, alam nilang kaya nilang talunin ang sampung kalaban. Dahil malalakas pa naman ang tatlo at 'di pa pagod. Lingid sa kaalaman ng tatlo at ng kalaban na mga magagaling sa martial arts ang apat. Ang isa sa apat ay blackbelter ng Taekwondo, kaya kampante silang mapapatumba nila ang kalaban.

--

 Ramdam na ng apat ang pagod pero walang balak ni isa man sa kanila ang matulog o magpahinga, hinihintay nila na may lumabas kahit nurse lang mula sa emergency room.

 Nagsipaglingunan ang mga ito nang bumukas ang pintuan ng emergency room at dali-daling tumayo ang apat lalo na si Melvin.

   "Nurse, kumusta na po siya? Kumusta na si Mae?"  tanong agad nito sa nurse.

  "Kayo ba ang kamag-anak no'ng babaeng nakalong sleeve ng pink at black skirt?"  tanong ng nurse.

  "Opo, kami po. Ano po? Kumusta na siya?" --- Jake.

  "Sir, sino ang Blood type O sa inyo? Kailangan masalinan ng dugo ang pasyente."  Bigla naman sila natigilan.

"Ako/Me." Magkasabay na sagot ni Philip at isa sa mga tumulong sa kanila.
Tiningnan naman sila ng nurse bago nagsalita.

  "Kailangan po kayong itest para masalinan agad ng dugo ang pasyente. Marami pong dugo ang nawala sa kanya." --- Nurse.

  "Ano pang hinihintay mo nurse, dali na! Kailangan maligtas siya!"  medyo malakas na ang boses ni Philip kaya nagmamadaling umalis ang nurse at dinala ang dalawa.

  "Shit!" biglang sigaw ni Melvin saka sinuntok ang pader at tumulo na naman ang luha nito.
 Nagulat naman ang mga kasama nito pero sina Ryan at Jake, biglang nanghina at 'di makapagsalita.

  "She will be okay. 'Wag kayo panghinaan ng loob."  Anas ng isang lalaking tumulong sa kanila na si Carl.

  "Yeah. He's right. And don't worry, nasa kulungan na 'yong sampu."  Sagot naman ni Marvin.
Napatango naman ang dalawa pero si Melvin ang sobrang apektado. 'Di mapakali, paroon-parito ito. Ang mga kasama naman niya ay nahihilo na sa kakasunod ng tingin sa kanya.

 "Tol, umupo ka muna. 'Di siya pababayaan ng doctor. Maliligtas si Mae. Maliligtas ang prinsesa natin."  mahinang sabi ni Ryan. Natigilan naman si Melvin saka umupo sa tabi nito.

  "Manong, maraming salamat po sa pagdala niyo dito sa kanila."  Baling ni Jake sa matanda.

  "Walang anuman. Saka 'wag niyo na iisipin ang ibabayad niyo. Magdasal tayo. Dito lamang din ako para kung kailangan niyo ng driver o may pupuntahan, may masasakyan kayo kaagad."  Tugon naman ng matanda na mababakas sa mukha nito ang pag-aalala sa dalagita.

  "Maraming salamat po."

  "Maraming salamat din sa inyo mga tol."  Baling ni Jake sa tatlo.

  "Walang anuman. Kung may kailangan kayo, tulong o kung ano pa 'yan.Nandito lang kami. Wag kayo maghesitate na lumapit sa amin."  Nakangiting sagot ni Harvey.

  "Oo nga pala, napulot ko 'tong pouch. I think, sa kasama niyo 'to."  Napatingin naman ang tatlo sa pouch na inabot ni Carl.

"Salamat."  Kinuha agad ito ni Jake at binuksan ang pouch para tingnan ang cellphone ni Mae para makatawag sa pamilya nito.
Nakita naman niya ang cellphone saka in-on at tinawagan ang tita nito.

Ring

Ring

Ring

Rin---

"Hello?"  sagot ng nasa kabilang linya na halatang bagong gising.

  "Hello, tita?"

"Sino 'to? Bakit nasa sa'yo ang cellphone ng pamangkin ko?"  halatang natataranta ang boses nito at kinakabahan.

  "Tita, si Jake po ito."

"Jake? Bakit? Nasaan si Kyla? Bakit 'di pa rin nakakauwi? Anong---"

  "Tita, makinig ka po muna."

"Ano 'yon? Bakit kinakabahan ako?"

  "Tita, pumunta kayo dito sa Hospital."

"Bakit? Anong nangyari? Jake?!"

  "Basta po, dito na namin ipapaliwanag. Ngayon din tita."

"O-oh sige! Pupunta na kami diyan. Bye."

 Pinatay agad ng babae ang cellphone bago pa makasagot si Jake dahil sa pagmamadali nito.
Napabuntong-hininga naman si Jake saka binalik ang cellphone sa pouch ng dalagita.

 "Princess, pakatatag ka. Kaya mo 'yan. Wag kang susuko ha? Andito lang kami and I'm sorry princess. Sorry kung napahamak ka dahil sa'min."  Saisip nito at biglang tumulo ang luha ng binata. Pinahid niya naman agad ito bago pa mapansin ng iba.

  "Sir, pwede ko ba kayong makausap?"  'di nila namalayan na may nurse na pala sa harapan nila.

 "Ano po yun?"  si Ryan na ang sumagot sa nurse.

  "Kailangan po kasing malaman ang pangalan ng pasyente, address, edad at birthday."

  "Kyla Mae V. Serrano, Sampaguita St., 15 years old, September 8, 2001."

  "Salamat po. Bukas po, I mean mamaya. Ililipat na siya sa isang kwarto but for now, 'di pa pwede. Pwede niyo na po siyang dalawin mamaya."  Nakahalf-smile na sagot ng nurse. Tinanguan lamang ito ni Ryan bago umalis ang nurse. 'Di nila napansin ang sinabi ng nurse na 'di pa pwedeng ilipat ang pasyente ngayon. Dahil sa ang lalaim ng mga iniisip ng mga ito.

 Ang pinagtataka lang nila, bakit 'di pa rin lumalabas ang doctor? Bakit mga nurses ang kumakausap sa kanila? Narinig naman nilang nagbukas ang pintuan ng emergency room kaya tiningnan nila ito.

  "Kayo ba ang kamag-anak ng pasyente?"  tumango naman sila para 'di na humaba pa ang usapan.

 "Natagalan kami dahil sa sugat niya, medyo malalim kasi."  Napamura naman ng mahina ang tatlo sa sinabi ng doctor. "Saka, medyo bumagal ang heartbeat niya kanina ."  Dugtong nito.

  "Shit!/Tang-ina."  magkapanabay na mura ng tatlo.

  "K-kumusta na siya doc? Okay na ba siya? 'Di naman siya mawawala diba?!"  tarantang tanong ni Melvin at hinawakan pa sa balikat ang doctor.

  "She's stable now. Naagapan naman namin agad kanina. Kaya kumalma na po kayo sir."  Malumanay na sagot nito kahit medyo nasaktan sa paghawak ni Melvin ngunit ininda lamang niya dahil alam niya ang nararamdaman ng binata.

Tila nabunutan naman ng tinik sa dibdib ang mga lalaki sa kanilang narinig.

  "Maraming salamat doc."  Tinapik naman ito sa balikat ng doctor at nagpaalam sa mga binata bago umalis.
 Ang dalawang kinunan ng dugo, umupo sa mahabang upuan na nasa tapat ng mga binata na nakasalampak sa sahig.

 Pumasok naman ang nurse sa loob at inasikaso ang pasyente. Isinalin na kaagad nito ang dugo sa dalaga na sobrang maputla dahil sa dami ng dugong nawala dito at naka-oxygen pa. Natataranta silang lahat no'ng bumagal ang heartbeat ng dalaga, buti nalang naagapan ng doctor at kinabitan kaagad ng oxygen no'ng sinabi ng isang nurse na mahina ang puso ng dalaga. Isa sa mga nurse ay nurse din sa paaralan nina Kyla kaya alam niya kung ano ang sakit ng dalagita. Noong una, 'di pa niya ito napansin dahil sa ayos ng dalaga pero no'ng natitigan niya, do'n niya lang nalaman na si Kyla pala ito.
Isa ito sa naiwan sa loob at inasikaso ang dalagita.

  "Nurse Jenny, paano mo nalaman na mahina ang puso ng bata?"  tanong ng kakapasok lamang ng kapwa niya nurse na may bitbit ng bag na may lamang dugo.

 "Diba, doon ako minsan sa M****** National Highschool? Ako ang nurse ng school na 'yon. Kaya alam ko. Minsan na ito naisugod sa clinic."  Paliwanag ng nurse.

  "Kaya naman pala. Ang 'di ko lang maintindihan, bakit nasaksak 'yan?"

  "Hndi ko rin alam. Tatanungin ko sina Jake mamaya."  Sagot naman nito.

--

***NURSE JENNY POV***

 Inayos ko ang higaan ni Kyla no'ng lumabas na si Nurse Ainna. Nakasuot na ito ng hospital gown. Umupo ako sa tabi niya saka hinawi ang buhok na tumabing sa kanyang mukha.

  "Bebe girl, ano bang nangyari? Dapat natutulog ka na ng maayos sa kwarto mo ngayon. Pero hindi, nandito ka. Haist! Pinag-alala mo ako. Sobra." Kausap ko sa kanya kahit na tulog na tulog siya. Kanina no'ng nalaman ko na siya pala, nanginginig ako. Sobrang natatakot ako, baka 'di namin siya maligtas. Pero sadyang bait ng panginoon at nakaligtas si Kyla.

 Sobrang putla niya kanina, ang daming dugo ang nawala. Siguro kanina pa siya nasaksak at 'di nadala agad dahil sa walang sasakyan.

 Acquaintance nila kagabi. Wala naman akong nabalitaan na nagkagulo sa gym. Maybe nasa labas na mga ito. Haist! Kakausapin ko sina Jake mamaya. I know, sila ang kasama nito.

Napatingin ako sa pintuan no'ng biglang bumukas. Nakita ko si Doctor Drake, kaya tumayo agad ako.

  "How is she?"  bungad niya nang makalapit na siya at pumunta sa left side ni Kyla.

 "She's okay doc. Bumalik na ang dating kulay niya."

Tumango naman ito saka inayos ang dextrose at chineck ang heartbeat.

  "Pwede na siya ilipat sa kwarto niya Nurse Jenny. Room 108."

  "Okay po."

Tumango naman si Doc Drake at nginitian ako nang matamis. Medyo nagulat pa ako sa pagngiti niya, kilala kasi si doc na tahimik at 'di palaimik.

 Napatingin ulit ako sa pintuan no'ng bumukas ulit at pumasok ang dalawang lalaking nurse.
Lumapit sila kay Kyla saka inayos ng isang nurse ang oxygen tank para madala na si Kyla sa kwarto niya. Ako naman at 'yong isang nurse pati si doc ang tumulak sa stretcher palabas.

 Paglabas namin, sabay na nagsitayuan ang siyam na lalaki na nasa labas ng Emergency Room. Medyo nagulat pa ako nang makita ko iyong kapatid ko na si Carl. Tiningnan ko lang sila saka nagpatuloy sa pagtulak sa stretcher. Sumunod naman ang mga ito na kita sa mga mukha at mata na sobrang nag-aalala.

 'Di pa nagsipagpalit at naghilamos. Haist! Kating-kati na akong malaman ang katotohanan kaya no'ng nakapasok na kami sa kwarto ni Kyla. Lumabas agad si doc pagkatapos ayusin ang dapat ayusin pati 'yong dalawang nurses.
Hinarap ko kaagad silang apat. I think 'yong lima nasa labas. And 'yong isa, alam ko driver 'yon kasi ilang beses na akong nakasakay sa pampasaherong tricycle niya.

 "What happened?"  mahina kong tanong.
Nagsipagyukuan naman ang apat bago sumagot.

  "I'm sorry Nurse Jenny. It's all my fault."  Melvin answered still bowing his head.

  "Hindi po. Walang may kasalanan. Aksidente lang po."  Sagot naman ni Jake.

  "Bakit nasaksak si Kyla? Care to tell me the whole story?" tanong ko ulit ng mahinahon.
 Sasagot na sana si Jake pero bigla kaming nagulat ng may bumukas ng pintuan. Medyo malakas pa pagtulak nito kaya nagulat talaga kami.

  "KYLA! ANONG NANGYARI SA KANYA?"  sigaw ng kararating lamang na babae. I think nasa 40+ na 'yong edad niya. Maputi, maganda at sexy pa. And I'm sure na 'di ito ang nanay ni Kyla.

  "BAKIT 'DI KAYO MAKASAGOT? ANONG NANGYARI SA PAMANGKIN KO? BAKIT NAKA-OXYGEN YAN? JAKE?"  sigaw pa rin nito na naluluha na at lumapit sa dalagita saka ito niyakap. "Kyla anak? Anong nangyari? Akala ko ba mag-iingat ka?"  umiiyak ng sabi nito habang yakap pa rin ang dalagita. Iyong asawa niya naman, hinahaplos ang ang likod at inaalo siya.

  "Jake, bakit? Bakit naka-oxygen si Kyla?"  mahina ngunit madiin nitong tanong and I sensed na galit na siya.

  "Sorry tita. Kasalanan ko po."  Mahinang sagot ni Melvin.
Kanina pa yan,sinasabi niyang kasalanan niya.
Biglang lumingon naman tita ni Kyla kay Melvin na may luha pa rin ang mga mata.

  "Anong sabi mo?"  mahina niyang tanong.

  "Ako po, ako po ang may kasalanan."  Sagot naman ni Melvin. Lumapit naman kaagad ang tita ni Kyla dito saka ito sinampal ng malakas.
God! Bakit kailangang manampal agad? Hindi ba pwedeng pakinggan muna ang explanation?
 Walang nakapagsalita sa amin, si Melvin, nakayuko lang at halatang umiiyak na naman. 
Ano bang nagyayari? Bakit sinasabi ni Melvin na siya ang may kasalanan? Pero sabi ni Jake, wala namang may kasalanan. Ang gulo.



--


DO VOTE AND COMMENT. Thanks!

Enjoy reading.

Continue Reading

You'll Also Like

81K 1.2K 21
[TAGALOG STORY] Natsumi Fuentes, hindi siya ordinaryong studyante na makikita mo sa isang paaralan. Punong puno ng misteryo ang buong pagkatao niya...
82.9K 3.5K 109
Zavier Yutsuko a girl, no scratch that a boyish girl. Having a simple life is her dream, just goofing around have fun, entering a boys fight, that's...
83.5K 2.1K 49
(ALPHA ACADEMY #2) Matapos mawala ang kanyang pinakamamahal. Magawa pa kaya ni Kiro Minlay na buksan muli ang kanyang pusong wasak? "This time I'm t...
52K 2.5K 43
[COMPLETED] "Love is one of the most weapon" Princess,She's a Princess of Moon kingdom,She have an obligations and responsibilities to her kingdom. A...