MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLE...

Por aMAEzonaDragon

569K 19.2K 4.1K

Highest rank achieved #7 in Humor Thanks to @StunnLynn for making the aMAEzing Book Cover! So love it bebe! L... Más

Attention!
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16.1
Meet the Characters!
Chapter 16.2
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
ANNOUNCEMENT NI AUTHOR ^_^
Chapter 26
Chapter 27
Cover Photos of my Stories^_^
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Kalokohan ng Characters
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41:The Kidnapper
Chapter 42:Surprise
Chapter 43:MaeVin Moment
Chapter 44: Confrontation
Note ni Dragona
Chapter 45: Jake is missing
Chapter 46:J1 and J2
Pagbati ng Dragona
Chapter 47:Saving Jake
Chapter 48
Chapter 49:Life in Jail
Chapter 50:HE'S AWAKE
Chapter 51:PRINCESS JAYCA SANDOVAL
CHAPTER 52:HOW?
Chapter 53:FINALLY!
CHAPTER 54:LIPAT-BAHAY?!
Chapter 55:BONDING WITH MY FAM
Chapter 56:PREPARATION
Chapter 57.1:PARTY
Chapter 57.2:Party 2
THANK YOU!
Chapter 58:Is it Goodbye?
Chapter 59:SEE YOU AGAIN
Chapter 60:CHANGED
Chapter 61:Lara Pimentel
Please read :-)
Chapter 62:She's back!
Chapter 63:Sorry
Chapter 64: Detention Room
REMINDER:)
Chapter 65:Dream
Chapter 66: SWEET MOMENT
Chapter 67:SON?!
Next story
Chapter 68:Kent
Chapter 69:You?!
Chapter 70:Facing Joy
Chapter 71: The real culprit
Dragona's Babies
Chapter 72: Meeting someone..
The Truth
Chapter 73: Baron is..
Chapter 74: Ordinary Song
Hello:-)

Chapter 10

7.7K 327 15
Por aMAEzonaDragon

Dedicated to @blueskies_07
Bhe, di kita mamention. But I will dedicate this chapter to you. Thank you so much for reading, voting and comment to my story.😊

****

**KYLA MAE POV**

"WHAT THE?" sigaw ko pagpasok ko ng bahay.

Silang lahat nandito. Sina Melvin and Kuya Philip pala, wala. Si Ryan, nandito rin. May pasa din sa mukha pero 'yong ibang members wala. Ano itoo? Silang apat lang nakipagbugbugan?

Iyong kaninang maingay, ngayon tahimik na. Sobrang tahimik.

Nilingon ko si Kuya Jake sa likuran ko.

"Kuya? Ano ba talaga ang nangyari? Bakit kayo lang dalawa ang may pasa? Iyong ibang members, wala naman ah?"  naguguluhan kong tanong kay kuya saka nakakunot-noo pa at namewang.

Napakamot siya sa kanyang ulo saka umupo at tinapik ang katabing upuan niya, lumapit ako dito at umupo din.

"Spill it!" naiinis ko ng sabi saka pinandilatan ng mata 'yong iba na nakatingin sa amin. Nagkanya-kanya naman silang iwas ng tingin.

"Kaninang umaga, nasa paaralan na si Melvin at nauna pa nga sa amin eh. Ang nakapagtataka lang, no'ng nasa pathway na kami, nasalubong namin siya na masama ang aura. Binati pa nga namin eh pero 'di niya kami pinansin." Umpisa ni kuya saka huminga muna saglit bago nagpatuloy. Nakinig naman ako ng mabuti. "Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad at parang wala sa sarili. Susundan sana namin, kaya lang tinawag kami ni Ma'am Riza at inutusan kaya 'di namin siya nasundan."

Huminga na naman ito ng malalim saka nakatingin sa unahan.

"No'ng recess time, may lumapit sa amin na dalawang second year students. Sinabi nila na nakita nilang dumaan sa likod ng paaralan si Melvin kung saan tayo dumaan kanina,"  saka ako tiningnan at yumuko saka ipinatong ang dalawang siko sa kanyang tuhod.
"Sabi nila, bumalik sa dati si Melvin, nasaktan pa nga niya 'yong isa eh. Kaya napagdesisyunan namin na lumabas upang sundan siya. Nagpasalamat muna kami sa dalawa bago umalis. Alam mo naman kapag may problema 'yon, wala sa sarili at naghahamon ng away. Buti nalang naabutan namin, sobrang dami ng nakalaban niya at pinagtulungan sya. 10 vs 1? Nagdilim paningin ko no'ng nakita ko siyang halos 'di na makatayo kaya 'di na kami nagkaroon ng oras para tawagan ang iba, sumugod na rin kami. Kaya ito, marami kaming pasa at bugbog sa katawan. Mas malala nga lang kay Melvin."

Ako? Ito nakatulala. Pilit pinapasok sa utak ko lahat ng sinabi ni kuya.

"So, you mean, si Melvin ang humamon sa mga kaaway niya na makipagbugbugan?" tanong ko nang mahimasmasan na ako. Tumango naman si kuya. Tumayo ako pagkatapos niyang tumango.

"Saan siya?" itinuro nila ang kwarto na kung saan sina Melvin. Pinuntahan ko naman agad ito saka tinulak ng malakas ang pintuan. Walang katok-katok. Naiinis ako eh, sarap hampasin ng pintuan 'yong taong nagsimula ng gulo.

Nagulat pa ang mga ito dahil sa lakas ng pagbagsak ng pinto. Nanlaki mga mata niya nang makita ako. Nilapitan ko kaagad siya saka sinuntok sa tiyan.

"Ahh!" daing niya at napapikit sa sakit.

"Anong dinadaing mo diyan? Gusto mo dagdagan ko 'yang pasa mo ha? Ang lakas ng loob mong manghamon sa kanila? Nag-iisip ka ba? Ginamit mo ba utak mo? Kung gusto mong magpakamatay, sana sinabi mo nalang at nang ako na 'yong sumaksak sa'yo! Saan mo ba nilagay utak mo ha? Pinahamak mo lang sarili mo! Ano bang nakain mo ha? ANO?"  galit na galit kong pagbunganga sa kanya habang nakapamewang pa. Si Kuya Philip, hindi nakaimik. Nakatitig lang sa'kin na nasa tabi niya nakaupo habang siya nakahiga at nakahawak sa tiyan na sinuntok ko at nakangiwi pa.

"A-anong ginawa mo dito?" tanong niya. Mas lalo akong nainis. Sinagot ako ng tanong?

"Wow! Ang haba ng sinabi ko pero 'yon ang sinagot mo, patanong pa at wala pang kwenta na tanong?"  nanggalaiti kong sagot sa kanya.

Umalis ako sa harapan niya at kinuha ang medcine kit sa bag ko saka pumasok ulit sa kwarto at hinagis sa tabi niya.

"Ayan! Gamutin mo sarili mo! Gamutin mong mag-isa! Tutal, ikaw naman ang humamon 'di ba? Kaya gamutin mo din sarili mo!"  saka nagmartsa palabas ng kwarto niya.

Nagtinginan naman silang lahat sa'kin nang nasa pintuan na ako. Nabwebweset talaga ako. Anong pumasok sa utak niya? Magpakamatay? Tapos nadamay pa mga kaibigan niya. Kagaguhan niya eh! 'Di ginagamit ang utak!

Nagdadabog akong umupo sa upuan kung saan ang bag ko inilagay.

"Bili niyo 'ko ice cream." Usal ko habang kinakalikot ang cellphone. Naramdaman ko naman na nagsitayuan silang lahat.

"Tol, ako na bibili." Saad ni Vrex

"Sama ako tol." Mabilis na tumayo si Arwin at tumabi kay Vrex.

"Ako din tol." Sabad naman ni Larry at lumapit sa dalawa. "Kayo, dito lang kayo."  Baling nito sa iba saka sila umalis. Narinig ko pa isa sa kanila na may sinabi, sarap nga batuhin ng sapatos.

"Nakakatakot pala talaga si Kyla ano? Kaya pala sinabi kanina ni Melvin na huwag ipaalam kay Kyla nang sinabi ni Kuya Jake na pupuntahan niya si Kyla."

Hindi ko na narinig sinagot no'ng kasama niya, bahala sila diyan. Nag-iisip na naman ng kung ano-ano, 'di naman ako nakakatakot. Like seriously? They scared of me but sa rival nila, hindi? Pagsasapakin ko sila eh! Tsk!

"Y'all scared of me, pero sa rival niyo hindi?"  napaigtad pa ang iba sa biglaan kong pagsalita. Mga duwag! Paano kaya 'to sila nakasali sa group ni kuya kung mga duwag? I'm a girl pero takot sila?

"What? Ba't parang nakakita kayo ng multo ha? 'Di ako ghost ha!"  reklamo ko. Pero 'di pa rin sila nagsasalita. Napatayo naman ako sa takot nang may naisip ako. "OMG! Don't tell me may multo dito?"

Natataranta kong tanong saka lumapit sa kanila at umupo sa gitna nina Ryan and Sandro.

5 seconds and,

"BWAHAHAHAHAHA!"  sabay-sabay nilang tawa pati si Kuya Jake na kakabalik lang galing kusina nila.

"What? Bakit kayo tumatawa?"  nagtataka kong tanong. As I remembered, wala naman akong sinabi na nakakatawa. Mga baliw yata mga 'to eh!

"Hoy! Sasagot kayo o sasagot kayo? Pili lang!"  naiinis kong dugtong.  Natahimik sila bigla at 'yong iba napatikhim lang, si Ryan tumatawa pa rin ng mahina kaya nabatukan ko.

"Aray naman Kyla Mae! Masakit ha!"  reklamo niya sabay himas ng kanyang ulo.

"Puro kayo tawa eh, wala namang nakakatawa. Iyong totoo, naalog ba mga utak niyo no'ng nakipagsuntukan kayo? Ha?"  naiinis kong tanong.

"Oy hindi ah! Kasi naman, ang tapang-tapang tapos takot sa multo. Hahaha! Aray!" binatukan ko nga si Sandro. Feeling close eh. Hihihi! Joke lang.

"Aba! Bakit? Ikaw, 'di ka takot sa multo? Mukha mo!"  sagot ko naman sa kanya.
"Saka, bakit ka naman matatakot sa multo eh kamukha mo na 'yong multo na napanood ko. Hehehe!"  saka ako tumayo at patakbong tumabi kay Kuya Jake saka nagbelat.

"Sama mo sa'kin Ky ah! Hindi naman kita inaano. Huhuhu!"  kunwari pang iyak nito. Hahaha!

"Bakla talaga! 'Di bagay!" Pang-aasar ko sa kanya. Si Sandro kasi, isip-bata kaya magkasundo kami.

"Sinong bakla ha? Sino?" tanong niya saka tumayo.

"Ikaw! Kasasabi ko lang eh! Subukan mong lumapit sa'kin, sasapakin kita. Baka gusto mo magkapasa?"  banta ko sabay taas ng kamao ko.

Minsan kasi,  binabatukan niya ako.  Kung makabatok,  akala niya lalaki ako.

"Woah! Hindi na! Lagi naman eh! Huhuhu! You hurt my feelings Ky, you're so madaya!"  pag-aarte niya at nagboses-bakla pa.

"Hahahaha! Bweset ka talagang Sandro ka! Hahaha!"

"Hahaha! Baka mamaya niyan, matuluyan na 'yan." Napapailing na sabi ni kuya Jake habang kami nagtatawanan pa rin.

"Hoy! Wag naman sana!" sabay katok sa kinauupuan niya. Hahaha! Siraulo talaga ito!

Kulitan lang kami nang kulitan at asaran. Hahaha! Ang saya, sobra. Si Kuya Philip, lumabas naman nang natapos na siguro niya gamutin si Melvin.

Dati kasi, ako 'yong gumagamot sa kanila kapag may mga sugat sila. Saka palagi akong may dalang gamot, para kung sasakit ulo nila sa kakaisip kahit wala namang utak. Hahaha! Joke! May iinumin silang gamot. Girls scout to noh! Always ready to fight.

Pero ngayon,  hindi ko siya ginamot dahil sa inis ko. Ang lakas ng loob eh at feeling niya si Hulk siya.  Psh!

Medyo natagalan pa sina Larry bumalik, akala ko nga naligaw na eh kasi medyo malapit lang naman ang tindahan. Iyon pala, kinausap pa daw sila ng tindera. Naku! Akala ko ba, tindera lang 'yon? Reporter din pala, nakikitsismis saka nagrereport na may rambulan daw kanina. And I guess, sina Kuya Jake 'yong tinutukoy niya.

Pagdating nila, nilantakan ko kaagad ang ice cream. Akala ko nga, ako lang binilhan nila pero 'di pala. Binilhan din pala 'yong iba, I mean lahat kami binilhan. Kaya lang mas lamang sa'kin.

Magsasaya muna ako ngayon, bukas ko na kakausapin si Melvin saka pati si Ma'am Riza. Tiyak pagagalitan ako no'n.

Magtatanong na naman 'yon kung bakit ako nawala ng last period? Bahala na, masaya naman dito kaysa doon, sasakit lang ulo ko.

*********

Hello Gangster babies, thank you for reading my story, for voting and comment. Hope, basahin niyo po ito hanggang sa matapos. Love y'all.😊😘😘

- Ate Mae

Seguir leyendo

También te gustarán

3.2M 82.6K 67
A girl who's seeking for revenge. ___ Watch: https://www.youtube.com/watch?v=-pPak8rx1_0 to know the characters.
3.1M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
81K 1.2K 21
[TAGALOG STORY] Natsumi Fuentes, hindi siya ordinaryong studyante na makikita mo sa isang paaralan. Punong puno ng misteryo ang buong pagkatao niya...
508K 13.9K 30
Sandra Kang, ang babaeng gangster noon na gusto na lamang maging simpleng babae. Palaban at matapang noon ngunit naging iba na dahil sa pagkamatay ng...