MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLE...

By aMAEzonaDragon

569K 19.2K 4.1K

Highest rank achieved #7 in Humor Thanks to @StunnLynn for making the aMAEzing Book Cover! So love it bebe! L... More

Attention!
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16.1
Meet the Characters!
Chapter 16.2
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
ANNOUNCEMENT NI AUTHOR ^_^
Chapter 26
Chapter 27
Cover Photos of my Stories^_^
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Kalokohan ng Characters
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41:The Kidnapper
Chapter 42:Surprise
Chapter 43:MaeVin Moment
Chapter 44: Confrontation
Note ni Dragona
Chapter 45: Jake is missing
Chapter 46:J1 and J2
Pagbati ng Dragona
Chapter 47:Saving Jake
Chapter 48
Chapter 49:Life in Jail
Chapter 50:HE'S AWAKE
Chapter 51:PRINCESS JAYCA SANDOVAL
CHAPTER 52:HOW?
Chapter 53:FINALLY!
CHAPTER 54:LIPAT-BAHAY?!
Chapter 55:BONDING WITH MY FAM
Chapter 56:PREPARATION
Chapter 57.1:PARTY
Chapter 57.2:Party 2
THANK YOU!
Chapter 58:Is it Goodbye?
Chapter 59:SEE YOU AGAIN
Chapter 60:CHANGED
Chapter 61:Lara Pimentel
Please read :-)
Chapter 62:She's back!
Chapter 63:Sorry
Chapter 64: Detention Room
REMINDER:)
Chapter 65:Dream
Chapter 66: SWEET MOMENT
Chapter 67:SON?!
Next story
Chapter 68:Kent
Chapter 69:You?!
Chapter 70:Facing Joy
Chapter 71: The real culprit
Dragona's Babies
Chapter 72: Meeting someone..
The Truth
Chapter 73: Baron is..
Chapter 74: Ordinary Song
Hello:-)

Chapter 2

25.2K 646 116
By aMAEzonaDragon

---

***KYLA MAE POV***


"Maglinya ka na doon bata." Sabi ni Kuya Black sabay tulak sa'kin. Pero imbes na umalis, hinawakan ko laylayan ng damit niya at kay Kuya Gray sabay hila sa kanilang dalawa.

"Maglilinya tayong lahat. Ano kayo sinisuwerte? Dali!" Saka ko sila kinaladkad. Reklamo pa sila nang reklamo pero wala akong pakialam. Hahaha! Alam ko 'to eh, tatakas mga 'to para 'di makasali sa flag ceremony.

"Aish! Kung 'di ka lang pinsan ni John, naku! Pasalamat ka nalang."  Iritang sabi ni kuya sabay gulo ng buhok niya.

"Salamat kuya." Napailing-iling naman 'yong tatlo habang nakatingin sa unahan. 'Di ko nga alam kung bakit tinitingnan kami ng ibang students, eh 'di naman mga gwapo 'tong kasama ko. Ang papangit nga eh.

Siguro, nagtataka sila kung bakit hila-hila ko 'yong dalawa. Well, I don't care. Mehehehe.

Pagdating namin sa quadrangle, hinanap ko kaagad ang section namin saka dinala silang apat doon sa pila ng mga boys at saka ako pumunta sa pila naming mga girls. Ang nakakainis lang, maraming bakla sa school namin. Ang daming mga lalaking nakipila sa aming mga babae. Omo! Lagot! Sayang! Ang popogi pa naman.

"Hoy hoy hoy!" Sabi ko sabay turo sa mga lalaking nagsipilahan sa pila naming mga girls. Ang iingay pa nila, mamaya niyan kami pa ang maparusahan.

"Oh bakit?!" Maangas na tanong no'ng isa na akala mo gwapo. 'Di naman sa nilalait ko siya ha? Pero kasi ang angas eh.

"Umalis kayo dito sa pila namin, alis!"  Taboy ko with tulak.

"Oo nga, ang titigas pa naman ng mga ulo nila Kyla. Kanina pa namin sinasaway eh. Ayaw makinig. Hmp!" Sabat ni Jenalyn.

"Bakit ba?! Dito namin gusto pumila eh!" Sabat naman no'ng isa.

"At bakit?! Ang iingay niyo kaya, madamay pa kami. Kaya tsupi!" At tuluyan ko na silang tinulak papunta sa pila ng mga boys. Saka 'di ko naman mga classmates mga' yon, star section sila eh. Section B lang kasi ako.

Matiwasay na sana buhay ko kaya lang, may biglang tumulak sa'kin. Wengya! Muntik pa ako masubsob, buti nalang nasalo ako ni Mary Jane. Oh! Bestfriend ko po siya, Mary Jane Santos is her name.

Lumingon ako sa likuran at tiningnan ng matalim 'yong mga lalaki na tinulak ko, bumalik pala 'tong mga 'to. Grrr!

"Sinong tumulak sa'kin?!" Medyo pasigaw kong tanong, mahirap na baka matawag ako sa Guidance Office kung sisigaw ako ng malakas.

"Siya!"

"Siya." Nalilito ako kung sino kasi nagsituruan sila. Pumikit ako ng mariin sabay napakuyom bago dumilat ulit.

"Sino ang tumulak sa'kin?" Mariin at dahan-dahang kong tanong sa kanila. Natahimik naman bigla banda sa likuran ko at sa harapan ko. 'Yong mga nakarinig, biglang nagsitahimik. 'Di sila sumagot after 2 minutes may nagsalita.

"Ako!" Sabat no'ng lalaki na itinulak ko kanina.
Tinitigan ko ito ng maayos at nilapitan sabay hawak sa kwelyo niya at sinuntok ko siya sa dibdib.

"Tang-ina!"  sigaw niya sabay inambaan ako ng suntok pero naunahan ko siya, tinampal ko bibig niya.

"Oh?! Gaganti ka? Gaganti ka?!" natahimik naman siya pati mga nakakakita sa ginawa ko sa kanya.  Napahawak siya sa kanyang dibdib  at ang sama ng tingin sa'kin. Hindi naman sana ako magagalit pero naramdaman ko kanina na may tumapik ng puwet ko.

"Pasalamat ka, babae ka! Shit!"

"Salamat. Kaya umalis ka na. Sampalin kita eh. Mura ka ng mura, ang mamahal kaya ng mga bilihin ngayon."  Natawa ang mga nakarinig. Hala! Nababaliw na ba sila? 'Di naman ako nagpapatawa ah? Bahala na nga sila.

Sasabat pa sana si Kuya--- Si Kuya White, naka-white kasi siya. Pero nagsalita na 'yong naka-assign sa harapan. Mag-uumpisa na ang flag ceremony.

Ayon! Umawit na kami ng Lupang Hinirang, nag-Panatang Makabayan at nag-Panunumpa na kami. And now, tentenen----huhuhu!

Bakit nandito si Ma'am Principal? Akala ko 'di siya papasok? Mag-announcement number 1 na naman 'yan hanggang number 10, mabibilad kami sa araw. Magiging daing na yata kami nito o kaya uling. Huhuhu! Pero okay lang, maitim naman ako. No! Scratch that, kayumanggi balat ko.

"Good morning students. How are y'all?!" bati ni Ma'am Principal.

"GOOD MORNING MA'AM! WE'RE OKAY!" sigaw nila. Yes, sila lang. Hindi ako sumali. Nakakapagod kaya sumigaw. Saka ang init-init.

"Announcement number 1 blah blah blah----" huhuhu! Ayan na naman siya. Ang tagal na naman namin nito makapasok ng classroom.

"Announcement number 1 blah blah blah--" napahagikhik ako nang ginaya siya ng schoolmate namin na lalaki. Ang sama ng ugali, lagot 'yan kapag nahuli siya. Nasa bandang unahan pa naman siya.

Talagang ginagaya niya ang Principal habang nagsasalita kaya nawala pagkabagot ko at 'di ko na ramdam 'yong init dahil sa pinanggagawa niya. Muntik pa nga kaming mapagalitan eh. Bakit daw kami tumatawa? May nakakatawa ba raw ba sa sinabi niya? Sinagot ko nalang ng, "Wala po ma'am, may umutot po kasi." kaya ayun! Mas lalong lumakas ang tawanan. Pero 'di naman ako clown eh. Buti nalang 'di ako napagalitan.

Nakipaghigh five pa 'yong si Kuya na gumagaya kay ma'am kasi ang galing ko raw. Aww! I'm proud of myself. Hihihi!

"Kuya Blue!" Tawag ko kay kuya no'ng dinismiss na kami. Lumingon naman siya kaya hinila ko si Jane papunta sa kanila saka tumalon sa kanilang harapan.

"Oh bakit?" Nakangiting tanong ni Kuya Blue.
Buti pa si Kuya Blue at Kuya Black ngumingiti, si Kuya Pink at Kuya Gray, hindi. Hmp!

"HI! Wala lang po. Hihihi"

"Ewan sa'yo na bata ka. Bakit ka kaya naging pinsan ni Johnrey?" tanong ni Kuya Black.

"Nagtataka ka pa kuya? Kasi cute ako, siya pangit. Weew! Hihihi!"

"Ikaw cute? Hmm, sabagay. Cute ka naman talaga kasi bata ka pa." Sagot ni Kuya Black at nagkunwari pang napaubo.

" Hindi nga ako bata! HINDI!" reklamo ko habang nagpapadyak. Sila naman tawang-tawa saka nagpatuloy sa paglalakad. Pati bestfriend ko tumatawa, kaya napasimangot naman ako saka siya hinila papuntang classroom namin.

---

First subject namin, English. Second subject Filipino. Okay naman first subject namin, Introduce yourself then sulat ng name sa 1/8 then isusulat daw namin 'yong mga nangyari no'ng bakasyon. I was stunned. Anong isusulat ko? 

I wrote my name and section. Magsusulat na sana ako pero naalala ko na naman 'yong nangyari last month. Kailangan ko bang isulat 'yon? Lahat ng 'yon? Kasi 'yon lang naman ang nangyari last month eh.

"Best?" dinig kong tawag sa'kin ni bestfriend.

"Okay ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong sabay punas ng mga luha ko. Luha? Umiyak na pala ako nang 'di ko namamalayan. Kailan ba mauubos luha ko? Hanggang kailan ko siya iiyakan? Ilang years pa ba bago ko siya makakalimutan? Pero parang ayaw ko siyang makalimutan. 'Di ko kaya.

"Best? Anong nangyari?" umiling lang ako saka tipid na ngumiti sa bestfriend ko para 'di na siya mag-aalala. Ayaw kong magsalita, baka 'di ko na makayanan. Tumayo nalang ako saka nagpaalam sa aming teacher.

"Ma'am? M-may I go out?"  mahinahon kong tanong saka yumuko kasi babagsak na naman luha ko.

"Okay." Dali-dali akong lumabas no'ng narinig kong nag-okay si maam. Nakayuko lang ako habang palabas pero ramdam ko na may mga matang nakatingin sa'kin pero binalewala ko nalang. Dumiretso ako sa likod ng classroom namin at 'di na pinigilan ang mga luha ko at saka humagulhol.

"Bakit kailangan mo pa kaming iwan? Ang sakit-sakit! Bakit 'yon pa ang nagiging topic? Bakit ikaw pa? Parang 'di ko na kakayanin. Sana 'di nalang ikaw, sana 'yong iba nalang. I miss you so much. I miss you,

Ate."

**********

Pagbalik ko ng classroom, nag-aabang bestfriend ko sa may pintuan.

"Sino hinihintay mo best?" tanong ko agad sa kanya.

"Ikaw, sino pa ba?"

"Ah, halika na." Bago pa sya makasagot, hinila ko na siya papasok sa loob.

Ang iingay na naman ng mga classmates namin. Haist! Kailan ba sila magsitahimik? Napabuntong-hininga nalang ako habang pabagsak na umupo sa upuan.

"Napa'no ka kanina?"

"Ahy kabayo!" napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. Saka tiningnan siya ng masama.

"Sorry. Napa'no kanina?" seryosong tanong ulit ni Kuya Black.

"Ah wala kuya, sumakit lang tiyan ko." Pagdadahilan ko sabay iwas ng tingin.

"Sigurado ka?"

"Opo naman. Hihihi." Syempre, ayaw ko sabihin ang dahilan. Ayaw ko muna pag-usapan. 'Di ko pa kaya eh. Napabuntong-hininga naman siya saka tinatapik ng mahina ang ulo ko.

"Kuya naman!" reklamo ko at tinanggal kamay niya sa ulo ko. Natawa naman siya sa aking reaction.

"Bata ka talaga." Pang-aasar niya.

"Matanda ka talaga." Ganti ko.

"Bata."

"Matanda."

"Bata."

"Matanda."

"Ba----"

"Hep hep hep! Tama na! Ang iingay niyong dalawa." Pag-aawat ni bestfriend sa'min. 'Di ako papatalo ano. Ano siya, siniswerte?
Magsasalita na sana ako, kaya lang dumating na 'yong Filipino teacher namin. Late na nga siya eh, naku! Pagalitan ko nga 'to.

"Magandang umaga sa lahat." Bati niya.

"Magandang umaga po guro."  'Di ako nakisali, bahala siya diyan.

"Magsiupo na kayo." Umupo naman mga classmates ko pero ako hindi.

"May problema ba Kyla?" Nagtataka niyang tanong.

"Ma'am late ka po. Bakit 'di ka pinagalitan? Pero kung kami ang ma-late, pinapagalitan." Nakasimangot kong sabi sa kanya.

"Ikaw talaga. Umupo ka na nga." Nakangiti nitong sagot. Kaya umupo naman ako na nakasimangot.

"Totoo naman. Napakaunfair." bulong ko. 'Di ko alam na naririnig pala ako ni bestfriend kaya napahagikhik ito. Naku!

------


Wew! Uwian naaaaaaaaaaa!!!

"Jak en poy! Hale-halehoy! Ex ni Baron mukhang unggoy."

"HAHAHAHA!! SIRAULO HAHAHAHA TALAGA 'TONG HAHAHAHA BATANG 'TO!! HAHAHAHAHA!"  Kuya Black.

Pahawak-hawak pa siya sa tiyan niya pati iba naming classmates. Bakit sila tumatawa? May nagpapatawa ba? 'Di ko alam ah? Ang selfish nila, sila lang tumatawa. Pero mas nakakatawa naman 'yong mukhang unggoy ang ex ni Baron ah? Nakakainis kasi siya. Mag-ex na nga sila, nilalandi pa niya ang Baron ko. 'Di niya yata tanggap na 'di na siya mahal. Na ako na ang mahal ni Baron pangit.
Hala! 'Di ko pa na-open phone ko, patay ako do'n. Baka tumawag 'yon kanina. Huhuhu! Hinanap ko naman kaagad phone ko sa bag.

"Asan na ba 'yon?" bulong ko habang hinahalungkat ang bag ko.

"Bata."  'Di na ako nakaangal dahil hinila na ni kuya ang bag ko. Alam niyo na kung sino ang tumatawag ng bata sa'kin.

"Kuya naman!" angal ko habang 'di binibitawan ang bag.  "Saglit lang, hahanapin ko pa phone ko. Baka may message ng boyfriend ko."  Bigla naman ito napahinto sabay lingon sa'kin.

"May boyfriend ka?" Parang gulat na gulat na tanong nito. Napatango naman ako. Nagtataka kasi silang tatlo, nakatitig pa habang si Kuya Pink walang pakialam.

"Pambihira! May pumatol sa bata? Hahaha!" Pang-aasar nito sabay tawa ng malakas. Pati 'yong tatlo tumatawa din at saka bestfriend ko, isama pa mga tsismosa kong classmates. Napasimangot naman ako.

"Bakit? Cute naman ako ah? Saka 'di nga ako bata. 'Di ako BATA!" Pagdidiin ko. Nakakainis si kuya. 'Di nga kasi ako bata.

Hinablot ko nalang bag ko saka naunang umalis na nakasimangot. huhuhu! 'Di naman ako pangit ah? Bakit pa sila nagtataka kung may boyfriend ako? Nakakasakit na sila ha?




***

Continue Reading

You'll Also Like

83.5K 2.1K 49
(ALPHA ACADEMY #2) Matapos mawala ang kanyang pinakamamahal. Magawa pa kaya ni Kiro Minlay na buksan muli ang kanyang pusong wasak? "This time I'm t...
82.9K 3.5K 109
Zavier Yutsuko a girl, no scratch that a boyish girl. Having a simple life is her dream, just goofing around have fun, entering a boys fight, that's...
11.9M 284K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
572K 18.1K 59
Being the only child is boring, right? Hihilingin mong magkaroon ng kahit isang kapatid. Pero ang hinihiling mong isa eh naging apat and lahat sila a...