ANG NABUNTIS KONG PANGIT (fre...

By ad_sesa

23M 402K 26.8K

*Highest Rank: #1* Si ANDY... guwapo pero hindi raw gago. SI YOLLY... pangit na binu-bully ng kapwa nila est... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Part 57
Part 58
Part 59
Part 60
Part 61
Part 62
Part 63
Part 64
Part 65
Part 66
Part 67
Part 68
Part 69
Part 70
Part 71
Part 72
Part 73
Part 74
Part 75
Part 76
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Part 81
Part 83
Part 84
Part 85
Part 86
Last Part
BOOK 2
BOOK SIGNING

Part 82

225K 3.8K 104
By ad_sesa

Marahas na hinawakan ni Andy ang magkabilang-balikat ni Yolly. "Niloloko mo na naman ba ako, Yolly, hah?!" tapos ay nagngangalit ang mga ngipin niyang tanong. Ang higpit-higpit ng pagkakahawak niya sa mga balikat ni Yolly.

"Answer me!" bulyaw na niya ng pagkalakas-lakas nang hindi pa rin naimik si Yolly. Ang dilim-dilim na rin ng mukha niya. Tumataas-baba ang dibdib niya sa matinding galit.

Ngunit mga luha ang sinagot lamang sa kanya ni Yolly. Luha na nag-unahan sa pagpatak sa makinis na pisngi ng dalaga.

Si Leandro ang akmang pipigil sa ginagawa ni Andy pero pinigilan ito ni Yaya Chadeng. Takang-taka ang binata na napatingin dito

"Hayaan mo silang mag-usap at lutasin ang problema nila," pakiusap ng matanda.

Napabuntong-hininga na lamang si Leandro nang ibalik niya ang tingin niya kina Andy at Yolly.

At makikitang hindi na mailarawan ang nagiging reaksyon ni Andy. Mababakas sa mukha niya ang pait, ang sakit. Maliwanag pa kasi sa sikat ng araw na sa pangalawang pagkakataon ay ginawa siyang tanga ni Yolly. Damn it!

Naglaban ang tinginan nila ni Yolly. At sa pagkakataong iyon ay wala nang nararamdaman na anuman si Andy kahit pa tigmak na ng luha ang mga mata ni Yolly. Hindi siya naaawa or maaawa.

Galit. Tanging galit na lamang ang nararamdaman niya na paulit-ulit na ipinaparamdam sa kanya ng dalaga.

"You're an absolute liar!" tagos sa puso na bulyaw niya pa sabay patulak na bitaw kay Yolly.

Muntik nang matumba si Yolly pero pinatatag ni Yolly ang sarili. Pagkuwa'y tutop ng dalawang kamay nito ang dibdib na nag-iiyak na nagmamakaawang tumingin kay Andy.

"Andy!" Sa pagkakataong iyon ay napalapit na si Yaya Chadeng kay Andy. At si Leandro kay Yolly.

Iniwas ni Andy ang kamay niya sa yaya niya. Ayaw niyang mahawakan dahil pakiramdam niya ay sasabog siya anumang oras sa mga sandaling iyon. 'Andyang mapapamaywang siya, mapapasinghap sa hangin, mapapahilamos sa kanyang mukha tapos tatalikod pero lilingon din naman kay Yolly ng masama. Iduduro rin niya si Yolly habang habol-habol niya ang hininga. Sobrang naninikip na ang dibdib gawa ng matinding galit.

"S—sorry, hindi ko sinasadya. Hindi ko talaga sinasadya," paulit-ulit naman sinasabi ni Yolly na mas nag-iiyak pa.

"Damn you!" malutong na mura ni Andy sa dalaga sabay duro na naman dito. "Isa ka talagang dakilang... wala kang kwentang babae!"

"Teka! Sobra ka naman na 'ata!" alma na ni Leandro kay Andy nang hindi makatiis.

Maangas na lumapit si Andy kay Leandro at dito niya ibinunton ang matinding galit. "F*ck you!"

"Ay!" hiyaw ni Yaya Chadeng nang suntukin ni Andy si Leandro.

Subsob si Leandro. Sa pagkakataong iyon ay natikman ni Leandro ang napakalakas na suntok ni Andy. Sumargo agad ang dugo sa bibig nito. Pero nang makabawi ng balanse ay ito naman ang ubod ng lakas na sumuntok kay Andy. Tumba rin si Andy. Palibhasa ay nakainom ito at hindi nito inasahan iyon.

"Andy!" hiyaw ni Yolly. Sa kabila ng lahat ay si Andy pa rin ang nilapitan niya at iniyakan.

"Huwag mo akong hahawakan!" pagtataboy rito ni Andy.

"Tama na! Tama na, oh?!" Niyakap pa rin ni Yolly si Andy nang pinipilit pa ng binata na tumayo at manlalaban pa sana kay Leandro.

"G*go ka! Tumayo ka riyan!" galit na hamon ni Leandro kay Andy.

Inawat ito ni Yaya Chadeng. Humarang ang matanda kay Leandro. "Leandro, tama na! Wala siya sa sarili niya! Halika na!" tapos ay pinilit ni Yaya Chadeng na inilayo ang binata.

"Pasalamat ka dahil kahit g*go ka ay mahal ka pa rin ni Yolly! Pinagtitiisan ka niya! Masakit?! Tang *nang masakit na sinasabi mo! Hindi mo alam mas masakit pa ang nararamdaman ko kaysa sa 'yo! Pero hindi ko kailanman sinisi si Yolly!!" subalit tuloy-tuloy na sumbat na ni Leandro kay Andy habang nilalayo ito ni Yaya Chadeng.

"Hindi mo alam kung gaano ko inasam na sana ikaw na lang ako para ako na lang ang mahal ng babaeng 'yan! Hindi mo alam kung gaano ka kaswerte! G*go ka!"

Natigilan si Andy. Pero mas natigilan si Yolly sa siniwalat na iyon ni Leandro na katotohanan. Kitang-kita ni Andy ang pagka-shock ng dalaga.

Mayamaya ay dahan-dahang kumawala si Andy sa pagkakayakap ni Yolly at hindi makapaniwalang napatingin ang dalaga kay Leandro.

Hinayaan naman na ni Andy si Yolly. Napapunas na lang siya sa bibig niyang pumutok konti.

"Leandro, tama na! Halika na!" panghihila pa rin si Yaya Chadeng sa binata.

"Oo, Yolly! Mahal kita! Mahal na mahal! Kaya hayaan mo na ang lalaking 'yan! Sumama ka sa 'kin! Sa akin ka nararapat hindi sa ggong 'yan!"

Sa sinabing iyon ni Leandro ay lalong nag-iiyak si Yolly, napalupasay na ito sa semento.

Habang si Andy ay masama pa rin ang mukha na tiningnan ang nagiging reaksyon ni Yolly.

Minuto ang tinagal niyon, na nakatitig lang si Andy sa umiiyak na si Yolly. At kahit paano ay kumalma na ang pakiramdam niya.

Ilang sandali pa ay dahan-dahang na siyang tumayo. Ilang minuto ulit na nakatayo lang siya sa tabi nang nakalupasay na dalaga bago siya humakbang papasok ng bahay. Bahala na si Yolly kung anong gagawin nito.

Naiwan nga roon si Yolly na iyak pa rin nang iyak. Doble-dobleng sakit na ang nararamdaman niya dahil dalawang lalaki na pala ang kanyang nasasaktan na hindi niya namamalayan. Ang sama niya.

Hindi niya alam! Hindi niya alam na ganito pala siya kamahal ni Lendro!

Tama si Andy wala siyang kwenta dahil bakit hindi man lang niya naramdaman iyon?

Ilang sandali na iyak lamang nang iyak si Yolly. Hanggang sa makikitang tumayo na siya. Pinunas niya ang mga luha niya sa pamamagitan ng likod ng kanyang mga palad.

Gagawin na niya ang tama.

Gagawin na niya ang pinag-ugatan ng lahat ng kaguluhan. Sa tingin niya iyon lang ang makapagpapatahimik sa lahat. Tutal ito naman ang gusto nilang mangyari noon pa.

TAHIMIK din na lumuluha si Andy na kanina pa tulala. Kusang tumutulo ang mga luha niya sa pisngi niya. Ni hindi niya alam kung paano siya nakapasok sa kuwarto niya. Nakaupo siya sa gilid ng kama niya at nasasabunutan niya ang ulo niya na napayuko.

Nasasaktan lang naman siya kaya niya nagawa ang mga bagay na iyon. Nasasaktan lang siya kaya nasabi niya ang nga iyon.

Bakit ba kasi?

Bakit kailangang pagsinungalingan siya ni Yolly? Mahirap ba? Mahirap ba na maging matapat itong tao para sa kanya? Bakit kailangang lagi ito nagsisinungaling? Bakit kailangang paulit-ulit siyang pagmukhaing tanga?

Kahit lalaki siya ay patuloy siya sa pagluha. Ang sakit lang kasi talaga! Ang sakit-sakit! Sh*t!

Natigil lang si Andy sa pag-e-emote nang marinig niyang may marahang kumakatok sa pinto ng silid niya. Ayaw man niya sana dahil parang nanghihina siya ay tumayo pa rin siya mula sa kinauupuan niyang gilid ng kama para pagbuksan ang kumakatok. At napatuwid siya ng tayo nang makita niyang si Yolly pala iyon.

Nagkatitigan silang dalaga. At sa sandaling iyon ay wala na ni katiting na galit ang mababakas sa tinginan nila. Bagkus ay nagngusap ang kanilang mga mata, ng kanilang mga puso.

Mayamaya ay si Yolly ang unang kumilos. Itinulak niya ang dibdib ni Andy nang marahan papasok. Kasabay niyon ang pagtingkayad niya upang maabot ng labi niya ang mga labi ni Andy.

Nagulat man ay buong pagmamahal na tinugon naman iyon ni Andy.

Saglit pa'y makikita ang pinto na dahan-dahan iyong lumapat pasara.



*******

"BAKIT mo ginawa 'yon?" tanong ni Yaya Chadeng kay Leandro. Nasa kusina na sila at ginagamot nito ang pumutok na bibig ng binata.

"Bakit, Yaya? Anong masama sa pinagtapat ko? Hindi naman ako si Andy, eh," tulalang sagot ni Leandro.

"Pero lalo mo lang ginulo ang sitwasyon nila."

"At ako pa talaga ang nakakagulo? Baka nakakalimutan niyo, Yaya Chadeng, kayo po ang nagsabing ligawan ko si Yolly at karibalin ko si Andy. Pwes, gagawin ko na 'yon ngayon."

Hindi na umimik si Yaya Chadeng. Hindi na nito alam kung tama pa ba ang nangyayari. Nasasaktan ang mga damdamin ng mga bata at naaawa na siya sa mga ito. Kung may magagawa lamang siya. 

Continue Reading

You'll Also Like

529K 16.6K 74
Nagbago na sila, siya, lahat ng mga taong nasa paligid niya. Umalis siya sa pinas at tinakbuhan ang lahat dahil sa nasaksihan niya. Ang lalaking min...
2.5M 56.2K 47
PLEASE READ FIRST THE BOOK-1 BEFORE THIS. Thank you so much... Si Andy guwapo pa rin na hindi pa rin gago. At ngayon daddy na sa triplets niyang...
6.9M 99.3K 92
Former The Gangster's Slave (Highest rank: #2 in Humor. ) Currently Revising Fake relationship in exchange of paying all of your debts and the hospit...
20.1K 2.1K 52
Love comes with the most unexpected person, in the most unexpected time and at the most unexpected place. Mitchelle Celine Andrada is a typical nerd...