ANG NABUNTIS KONG PANGIT (fre...

By ad_sesa

23M 402K 26.8K

*Highest Rank: #1* Si ANDY... guwapo pero hindi raw gago. SI YOLLY... pangit na binu-bully ng kapwa nila est... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Part 57
Part 58
Part 59
Part 60
Part 61
Part 62
Part 63
Part 64
Part 65
Part 66
Part 67
Part 68
Part 69
Part 70
Part 71
Part 72
Part 73
Part 74
Part 75
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Part 81
Part 82
Part 83
Part 84
Part 85
Part 86
Last Part
BOOK 2
BOOK SIGNING

Part 76

213K 3.9K 140
By ad_sesa

"Lalalalala!" Inaaliw na lang ni Yolly ang sarili sa pagha-hum. Kasabay nang pag-sway-sway ng ulo niyang ang gumagalaw ay pakanan at pakaliwa. Paraan niya para hindi siya ma-boring.

Hindi kasi siya talaga umalis sa taas ng hagdan. Masunurin talaga siya.

"Yolly, baka gusto mo nang bumaba r'yan?" pansin na sa kanya ni Yaya Chadeng na nagwawalis sa may gitna ng hagdanan.

"Okay lang ako, Yaya Chadeng. Utos po ni Bossing, eh."

"Suss! Grabe na talaga ang batang 'yon." Napailing-iling si Yaya Chadeng.

"Hayaan niyo na po kaysa magalit lalo sa 'kin. Eh, si Leandro po kumusta siya sa labas?"

"Ayun, nagbabantay. Nagsimula na siyang magtrabaho. Mabait din pala 'yon tulad mo."

Ngumiti siya. At least okay lang naman pala ang kaibigan niya.

"Pero matanong nga kita, Yolly." Tumigil muna sa ginagawa si Yaya Chadeng. "Alam mo bang may gusto 'yon sa 'yo?"

"Luh, wala po, Yaya Chadeng. Si Leandro ay kaibigan ko lang po."

"Eh, bakit sa pagkakakuwento niya tungkol sa inyo, eh, may special kayong ugnayan sa isa't isa."

Naningkit ang mga mata ni Andy sa mga naririnig niya. Hindi kasi alam nina Yaya Chadeng at Yolly ay naroon siya na nakasilip sa pinto ng silid niya at nakikinig sa kanila.

"G*gong 'yon! At talaga pa lang may pagtingin siya kay Yolly!" Napatiim bagang si Andy.

Nakinig ulit siya.

"Naging malapit lang po talaga kami ni Leandro, Yaya Chadeng. Alam mo po kasi ay siya po ang super hero ko noon. Noong hindi pa ganito ang hitsura ko. Alam mo na po."

"Talaga?"

"Opo, at alam niyo po ang bait niya tapos ang tapang niya. Basta para po talaga siyang super hero. Imagine, Yaya Chadeng, okay lang po sa kanya na natanggal siya sa trabaho dahil sa 'kin."

"Ow? Ay, kinilig naman ako. Alam mo bagay rin kayo niyon. Ang guwapo rin kasi ng batang iyon."

Bigla ay nagulat sina Yolly at Yaya Chadeng. Natigilan sila sa pag-uusap dahil may bumagsak na anong bagay sa likuran nila. At nang nilingon nila ay iyong malaking jar iyon na antique na naka-display sa may kanto ng kuwarto ni Andy. Basag ang malaking banga. Sinadyang tinabig kasi iyon ni Andy.

Nanlaki ang mga mata nina Yolly at Yaya Chadeng dahil alam nilang mamahalin 'yon.

"Andy, anong ginawa mo?!" Tarantang lumapit doon si Yaya Chadeng. Mangiyak-ngiyak ang ginang na pinulot ang mga piraso ng mamahaling display ni Madam Angie. Galing pa raw 'yon Germany, eh.

Masama naman ang tinging ipinukol ni Andy sa yaya niya. Inis siya rito dahil mas parang kinakampihan pa nito ang Leandro na iyon kaysa sa kanya. Pagkatapos ay bumaling siya kay Yolly sa mas masamang tingin.

Malandi din talaga, eh. May super-super hero pa talagang nalalaman. Tss!

Nag-iwas na lang si Yolly ng tingin nang hindi niya makayanan ang masamang titig sa kanya ng binata.

"Where's mom?" tanong ni Andy kay Yaya Chadeng niya. Wala siyang pakialam sa bangang binasag niya.

"Nasa room niya. May inaasikaso yata ro'n na importante."

Tumalikod na siya at humakbang patungong kuwarto ng kanyang mommy. Sa ina niyang isa ring hindi niya maintindihan. Akala niya kasi ay sinisante agad nito si Leandro, tapos madidinig niya na nasa labas pa ang gago at naka-duty na. Ayos, ah!

Umuusok ang ilong ni Andy na tinungo ang mommy niya para kausapin pero bago ang lahat ay nilingon niya muna si Yolly. "Diyan ka lang! Don't do anything stupid!"

Inismiran ito ni Yolly. Sa isip-isip ng dalaga ay, "Problema nito? Pati banga pinag-iinitan. Malala na talaga ang saltik."

Pagdating ni Andy sa kuwarto ng mommy niya ay halos mapatalon ang madam nang pabalibag niya iyong binuksan.

"Ano ba, Son! May balak ka bang sirain ang mga pinto natin, ha? Dahan-dahan naman."

Pero iba ang isinagot ni Andy. "You said you were going to fire him? Why is he still here?!" and us usual sa pagalit na namang tinig.

Lumaylay ang mga balikat ni Madam Angie. "I tried. Tinawagan ko 'yung agency niya pero hindi na pala siya pwedeng tanggalin dahil binayaran na siya ng daddy mo ng isang buong taon."

"What?!"

"You heard me clear, Son. Bayad na ang sahod ng guard na iyon sa loob ng isang taon kaya hindi na pwedeng tanggalin dahil hindi rin refundable ang sinahod sa kanya."

"This is crazy, Mom! Sino ba ang guard na 'yon at binayaran agad ni Dad ng buong sahod niya?!"

Nagkibit-balikat ang madam. "I don't know," tapos ay parang wala lang na sagot nito pero deep inside ay kinakabahan nang husto ito dahil hindi nito alam kung tama ba ang sinasabi nitong alibi.

Pwede ba 'yon? Ang bayaran na ng isang taon ang sahod ng isang guard? Ewan niya. Basta gawa-gawa lang niya iyon. At sana, pinagdadasal niya talaga na walang alam din si Andy sa mga bagay na ganoon.

At tulad nang inasahan ni Madam Angie ay tinawagan agad ni Andy ang ama. Buti na lang at nakausap na ng madam ang dating asawa kanina. Naabisuhan nito si Sir Delfin sa mga plano nito.

"Aaahhh! Mababaliw na talaga ako! This is ridicolous!" dismayadong sambit ni Andy nang matapos makausap ang kanyang daddy.

"Son, relax lang kasi. Wala namang ginagawa sa 'yong masama si Leandro. Hayaan mo na siya rito dahil kawawa naman ang tao kapag nawalan ulit ng trabaho."

"What do you mean?"

"Nasabi kasi niya sa 'kin na natanggal siya sa trabaho noon dahil kay Yolly. Napakabait niyang bata, hindi ba?"

Lalong hindi mai-explain ang mukha ni Andy sa sinabong iyon ng ina. Nagpaawa effect pa pala talaga ang Leandrong iyon! Sh*t him!

Nakamulos niya ang mukha. Hindi na mailarawan ang matinding inis niya. Napaungol na lang siya at padabog ulit na lumabas sa silid ng kanyang ina. Grabe na ang nangyayari sa world! Nakakainis na talaga!

Hindi na niya nakita ang tuwang-tuwa na mukha ni Madam Angie.

Malalaki ang hakbang na nilampasan ni Andy sina Yolly at Yaya Chadeng nanag makita niya ulit ang mga ito. Papasok na sana siya sa silid niya nang marinig niya ang sinabi ni Yaya Chadeng.

"Yolly, ang mabuti pa ay bumaba ka muna. Ikaw na lang ang magbigay ng miryenda kay Leandro. Kuha ka na lang ng kahit na ano sa ref. Kawawa naman 'yon baka hindi pa kumakain. Tapusin ko lang na iligpit itong banga."

"Sige po, Yaya Chadeng, pakibaba na lang po ako sa hagdan."

Napasinghap na naman si Andy sa hangin at napatiim bagang. Hahayaan na lang sana niya ang mga ito dahil wala naman siyang pakialam pero tila ba may kusang buhay ang mga paa niya na pumaharap kay Yolly.

"No! Hindi mo bibigyan ng miryenda ang lalaking 'yon!" at sa utos ng puso niya ay pigil niya rito.

"Pero hindi pa siya kumakain daw," maang na wika ni Yolly.

"And so? Guard lang siya rito! Kung gusto niyang kumain! Siya ang pumasok sa kusina!" malakas na pagdadahilan niya.

"Andy, hindi siya puwedeng umalis ng matagal sa guard house," sabad ni Yaya Chadeng na ang totoo ay inaasar o pinapaselos lang si Andy. Ganti nito sa pagbasag nito sa jar na ngayon ay nililinis nito tuloy. "Ang mabuti pa, ikaw na lang ang magbaba kay Yolly para mabigyan na niya ng pagkain si Leandro."

"'Ya, inuutasan mo na ako?!"

"Hindi naman. Nakikiusap lang ako."

"Puwes, ayoko!"

"Aisst! Batang 'to talaga, oo." Napilitang tumayo si Yaya Chadeng at ito na ang akmang magbababa kay Yolly sa hagdan pero bigla itong pinigilan ni Andy.

"Ano na naman?" Pinamaywangan na ni Yaya Chadeng ang nababaliw na yatang alaga.

"Hindi siya pwedeng umalis dito dahil sabi ko'y dito lang siya!" paninindigan pa rin ni Andy. Hinawakan niya ng mahigpit ang wheelchair.

Napapakamot sa ulo na lang si Yolly sa dalawang nagtatalo. Nakatingala siya sa dalawa na palipat-lipat ang tingin sa mga ito.

"Eh, sino ngang magpapamiryenda kay Leandro?" Humawak din ng mahigpit si Yaya Chadeng sa wheelchair.

"Ikaw na lang, 'Ya!" Hila ni Andy sa wheelchair.

"Hindi nga puwede." Hila rin ni Yaya Chadeng sa wheelchair. "Nakita mo 'yang binasag mo. Kailangang linisin ko pa 'yan. Saglit lang naman si Yolly. Iaabot lang niya ang miryenda."

"Saglit lang pala, eh! Kaya ikaw na lang, 'Ya!" giit pa rin ni Andy sabay hila ulit sa wheelchair.

"Ang dami ko ngang ginagawa," pero giit din ni Yaya Chadeng sabay hila rin sa wheelchair.

"Teka! Teka lang!" awat na ni Yolly sa dalawa. Paano'y nahihilo na siya sa mga ginagawa ng mga ito.

Natigil naman ang dalawa pero ang sama ng tingin sa isa't isa na parang mga bata.

"Andy, ako na lang okay? Maawa ka naman kay Yaya Chadeng. Ang dami niyang ginagawa rito," pakiusap ni Yolly kay Andy.

"Sabing dito ka lang, eh!" pero ayaw talagang saad ng binata.

"Ah, gano'n?! Ayaw mo akong pumunta?! Eh, di ikaw na lang! Wala ka namang ginagawa, 'di ba?" pagtataray na rin ni Yolly.

"Ay, tama. Mabuti pa nga ikaw na lang," ayuda naman ng mabilis ni Yaya Chadeng.

Halos magsalubong ang dalawang kilay ni Andy. Siya talaga?! Seryoso ba sila?!

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 19.1K 41
( Suplado Trilogy - Book III) We started with nothing. You're the snob guy who changed my life. In a snap, I just knew. I fell in love with you. Time...
529K 16.6K 74
Nagbago na sila, siya, lahat ng mga taong nasa paligid niya. Umalis siya sa pinas at tinakbuhan ang lahat dahil sa nasaksihan niya. Ang lalaking min...
370K 6.7K 60
Dear Zeke, magkakatuluyan rin tayo. Promise! Itago mo pa sa bato! * * * Join a feisty girl's journey on chasing her Mr. Right. Charmaine Felice Cab...
2.5M 56.2K 47
PLEASE READ FIRST THE BOOK-1 BEFORE THIS. Thank you so much... Si Andy guwapo pa rin na hindi pa rin gago. At ngayon daddy na sa triplets niyang...