ANG NABUNTIS KONG PANGIT (fre...

By ad_sesa

23M 402K 26.8K

*Highest Rank: #1* Si ANDY... guwapo pero hindi raw gago. SI YOLLY... pangit na binu-bully ng kapwa nila est... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Part 57
Part 58
Part 59
Part 60
Part 61
Part 62
Part 63
Part 64
Part 65
Part 66
Part 67
Part 68
Part 69
Part 70
Part 71
Part 72
Part 73
Part 74
Part 75
Part 76
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Part 81
Part 82
Part 83
Part 84
Part 85
Part 86
Last Part
BOOK 2
BOOK SIGNING

Part 49

194K 3.4K 164
By ad_sesa

Laylay ang mga balikat ni Andy na pumasok sa silid ng ama niya. Ewan niya kung bakit, pero parang ang sakit ng dibdib niya o mas tamang salita ay ng puso niya. Nakita niya ulit na closeness nina Yolly at Leandro at selos na selos siya.

Marahas na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Huwag lang talagang makaporma-porma ang Leandro na iyon kay Yolly. Makikita niya.

"Son?" Nagulat siya nang marinig niya ang boses ng kanyang Daddy. Gising na pala at mukhang kanina pa siya tinitingnan.

"Dad?" Lumiwanag konti ang mukha niya. Thank God, gising na nga pala talaga ang ama niya at igtas na sa kapahamakan.

"What's bothering you, Son? Ayos ka lang ba?"

"Dad?" He was surprised. Why was his dad asking him if he was okay? Baliktad yata?

Lumapit sa kanya si Kara. "Kanina ka pa kasi namin tinitingnan. Pumasok ka kasi na parang ang lalim-lalim ng iniisip mo."

Napa- "Ah" siya. But he didn't mention the reason. "It's nothing, sir," instead he simply replied.

Bahala na nga si Yolly. Makipaglandian siya do'n hangga't gusto nito. Damn, Leandro!

"How are you, Dad?"

"I'm okay now, Son. And I'm glad you visited me," madamdamin at parang nahihiya na sagot ni Sir Delfin.

Hinila ni Andy ang isang upuan at paharap na umupo para mas maganda ang pag-uusap nila ng dad niya. "Huwag po muna kayong masyado magsalita. Mahina pa po kayo."

But it seems that his dad wanted to discuss something else. "Are you still angry with me, Andy?"

Hindi siya agad nakaimik sa bagay na iyon sa halip ay napasulyap siya kay Kara.

"Mabait siyang babae, Andy."

Napailing siya. "Huwag na po muna nating pag-usapan 'yan, okay lang ba?"

Isang mahinang tapik ang ginawa ng dad niya sa kanyang balikat. "Siya nga pala may pabor sana ako sa 'yo, Son," pag-iiba na nga nito ng usapan.

"What is it, Dad?"

"I want you to find the girl who saved my life, is that okay?"

Napakunot-noo siya. "Girl who save you? Who is she?"

"I don't know, pero kung hindi dahil sa babaeng iyon ay malamang wala na ako ngayon. Basta kapag nakita ko siya ay makikilala ko siya. May eyeglass siya at—"

Natigil sa pagsasalita si Sir Delfin nang magbukas ang pinto at iniluwala roon ang babae na idini-describe nito.

"Ikaw?" Hindi makapaniwalang turo nito kay Yolly.

Gulat na gulat din si Yolly pero nang makilala niya ang lalaking nakahiga sa kama, "Kayo po?" ay turo niya rin dito.

"Wait." Naguluhang tumayo ni Andy. "Do you know each other?" at takang tanong niya sa dalawa habang palipat-lipat ang tingin.

Pati si Kara na nasa tabi lang ay nagtataka.

"Son, she's the girl I'm referring to. She's the one who saved my life," Sir Delfin said.

"Naku! Naku po! Hindi po! Ang totoong nagligtas sa inyo po ay 'yung mga tao ro'n," pagtatama ni Yolly rito.

"Yes, I know, hija. Pero kung hindi ka humingi ng tulong para sa akin ay hindi ako matutulungan, right?" ngiting-ngiti na pagtatama pa rin ni Sir Delfin.

Napangiti ulit si Yolly rito. Sabagay nga naman. Pero teka lang, bakit ba hindi niya napansin agad ang pagkakahawig nito kay Andy noon?

Hay, ang sarap naman dahil natulungan niya pala ang daddy ng magiging ama ng anak niya. Mali, hindi pala, kasi hindi nga pala siya buntis.

Nalungkot ulit si Yolly na napatingin kay Andy.

"Salamat sa 'yo, hija. Pero bakit ka nga pala nandito?" usisa na ni Sir Delfin sa kanya.

"Dad, siya po si Yolly. Kasama ko po." Si Andy na ang sumagot sa ama.

"Kasama mo?"

"She's my fiancée, Dad."

Ang naging reaksyon ng mukha ni Yolly ay parang 'yung nakakakita ng multo. Ano daw? Fiancée? Patay tayo riyan!

"

Really?" Kabaliktaran iyon sa naging reaksyon naman ni Sir Delfin. Hindi makapaniwala ang mayamang ginoo pero naroon ang tuwa nito sa mukha.

"Yes, Dad. Siya po Ang Nabuntis Kong Panget na sinasabi nila, pero hindi naman. Magkaka-apo na po kayo ni Mommy," nakatingin kay Yolly na sagot ni Andy sa daddy niya. Bahala na kahit alam niya gulat na gulat si Yolly sa mga sinabi niyang iyon. Tingnan lang niya kung makakapaglandi pa ito sa Leandro na iyon.

"Congrats to both of you, then," bati na nga sa kanila ni Sir Delfin, na wari ba'y lalong lumakas pa dahil sa nalamang magkakaapo na ito. Para na itong walang sakit.

Ngumiti lang si Yolly pero ngiting pilit na nga lang. Ano ba itong sinabi na ito ni Andy? Grabe. Hindi man lang nang-o-orient.

"Narinig mo 'yon, Kara? Magkaka-apo na tayo," masayang anunsyo pa ni Sir Delfin sa bagong kinakasama. Excited na talagang maging lolo.

"Congrats sa inyo," mahinhin at walang kaplastikan na bati rin sa kanila ni Kara. Totoo kasing mabuting tao ito. Ang pagkakamali lang sa buhay nito ay ang umibig ito sa lalaking may asawa, na hindi naman nito sinasadya. Basta mahabang kuwento.

Gusto nang maglupasay ni Yolly sa sahig.

Kainis pa si Andy dahil hindi man lang matingin sa kanya. Ang loko, mas pinahirapan pa siya ngayon na aminin ang katotohanan.

Mayamaya ay saya-saya na ng mag-ama sa kwentuhan nila tungkol sa baby. Wala silang kaalam-alam na mas nakokonsensiya siya.

Ang grabe pa ay pati pangalan ng magiging baby nila ni Andy ay napag-usapan na rin nila.

May Jody.

May Yoldy.

At ang malala may Andy Jr pa.

Ayayayayayayay! Kung alam lang sana nila ang katotohanan, na walang baby! Wala!

Gusto na namang umiyak ni Yolly. Pinipigilan lang niya ang sarili.

Noong pauwi na sila ay saka lang siya nakareklamo kay Andy.

"Why? Is there anything wrong with what I said?" Kaso ay si Andy pa ang parang galit. Naman, oh.

Ilang lunok siya. Ano na? Sasabihin na ba niya ang totoo? Pero hindi niya talaga kaya, eh.

"Dahil ba may gusto kang iba?" sabi pa ni Andy na parang may pinupunto. Galit nga.

"Hindi naman pero kasi–" Ginusto niyang magpaliwanag.

"Pwede ba, Yolly, huwag ka nang maarte!" Subalit dahil tumaas na ang boses ni Andy ay hindi niya nagawa. "Magoasalamat ka na lang at pinapanagutan kita tapos pakakasalan pa!"

"Pero kasi, Andy, hindi ako–"

"Shut up! Huwag ka nang magsasalita or else magagalit na talaga ako sa iyo!"

Hindi na nga siya nagsalita pa. Nagyuko na lang siya ng ulo. Nagtaka na lang siya nang mapansin niyang hindi pa pala pauwi ng bahay ang binabagtas nilang daan kundi papuntang mall.

Gusto niyang magtanong pero shut up daw siya, eh. Saka kita niya parang badtrip na talaga si Andy sa hindi niya alam na dahilan. Baka may dalaw rin tulad niya? Char!

"Follow me!" seyoso pa rin nitong utos sa kanya nang maka-park na ito.

"Anong gagawin natin dito?"

Dire-diretso lang ito. Hindi man lang siya sinagot. Ngunguso-nguso na sunod lang naman siya rito. Sa isang jewelry shop sila ng mall nag-stop.

"Good morning, Sir Andy," at halos lahat ng staff doon ay bati kay Andy.

Na-amaze si Yolly. Kilala si Andy?

"Where's mom?" kaswal na tanong ni Andy sa isang babae na manager yata ng shop.

"Hindi pa po siya nagpupunta rito, Sir."

"Gano'n ba." Napahimas sa baba niya si Andy sabay napatingin kay Yolly.

Maang lang naman si Yolly na nakatayo na nakatingin din sa binata. Alam na niya, gets na niya na pag-aari ni Madam Angie ang jewelry shop. Saka ayun, oh, nabasa na niya ang signage ng shop na ANGIE'S JEWELRY SHOP.

Bongga! Ang yaman nga pala talaga nina Andy!

Mayamaya pa'y kumilos na si Andy. Tumingin-tingin na ito sa mga singsing.

Continue Reading

You'll Also Like

2.5M 56.2K 47
PLEASE READ FIRST THE BOOK-1 BEFORE THIS. Thank you so much... Si Andy guwapo pa rin na hindi pa rin gago. At ngayon daddy na sa triplets niyang...
6.1M 84K 86
Paano kung may biglang kumatok na artista sa pintuan ng bahay mo, at sinabing siya ang ASAWA mo. Maiinis ka ba? Maguguluhan? o maiinlove? :">. NO...
1M 3.4K 6
Paano kung hindi mo alam na badboy pala ang na message mo? Minura mura mo pa at kung ano ano ang sinabi mo sa message nayon? At paano kung ang lalaki...