ANG NABUNTIS KONG PANGIT (fre...

By ad_sesa

23M 402K 26.8K

*Highest Rank: #1* Si ANDY... guwapo pero hindi raw gago. SI YOLLY... pangit na binu-bully ng kapwa nila est... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Part 57
Part 58
Part 59
Part 60
Part 61
Part 62
Part 63
Part 64
Part 65
Part 66
Part 67
Part 68
Part 69
Part 70
Part 71
Part 72
Part 73
Part 74
Part 75
Part 76
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Part 81
Part 82
Part 83
Part 84
Part 85
Part 86
Last Part
BOOK 2
BOOK SIGNING

Part 48

202K 3.6K 118
By ad_sesa

Pagkatapos ng klase nila saka nagpunta ang dalawa sa ospital kung saan naka-confine ang daddy ni Andy.

"Kanina ka pa tahimik, ah? No, kagabi pa pala. Is there something wrong?" at hindi na napigilang tanong ni Andy kay Yolly habang nagmamaneho. Totoong kagabi pa niya napapansin ang pananahimik at kawalang gana ng dalaga, ngayon lamang siya naglakas-loob na alamin kung bakit.

Actually, sinabi na niya ito sa Nanay Yolanda nila paggising niya kanina ang napansin pero sabi naman ng ginang ay normal lang ang ganoon sa buntis. Pakisamahan na lang daw niya si Yolly at unawain. Ang kaso nag-aalala pa rin siya.

"Okay ka lang ba?" tanong pa niya sa dalaga.

Tumango lang si Yolly bilang sagot kay Andy, kahit na ang totoo ay hindi siya okay talaga. Nanahimik siya dahil iniisip niya ang kanyang problema. Ano na? Sasabihin na ba niya kay Andy na hindi siya buntis? Pero paano?

"Don't worry, you'll get through it. It's said that this type of pregnancy fatigue can last from three to four months. Mawawala rin 'yan. At huwag kang mag-alala dahil nandito lang ako lagi. Sabihin mo lang ang gusto mong gagawin o kaya kakainin," sabi pa ni Andy na ngiting-ngiti.

Ayaw sana pero napatingin na si Yolly sa binatang katabi. Ang sarap sa pandinig ang sinabi nito. Nakakataba ng puso.

Kahit sinong babae gustong-gusto na inaalagaan siya ng isang lalaki, na pinoprotektahan siya, lalo na syempre sa kanya na ngayon lang nakaranas ng ganitong special na pagtrato ng isang lalaki.

Ang kaso mas gumulo naman yata lalo ang isipan niya. Parang mga wire nang nagkabuhol-buhol ang laman ng utak niya. Mahal na mahal talaga ni Andy ang anak nila. Diyos ko, mapapatay talaga siya nito.

Grabe ang kanyang pagkakangiwi nang ibaling niya ang tingin sa labas ng bintana. Kailangan na talaga niyang sabihin ang totoo bago pa lumala ang sitwasyon.

"Pero ayoko nang maging mag-isa pa," subalit ang nausal niya sa sarili kasabay nang pagngilid ng mga luha sa kanyang mga mata. Parang hindi na kasi niya kaya na mag-isa ulit. Tiyak na mahihirapan na siyang magbalik sa dati ang lahat na walang pumapansin sa kanya. Iyong parang hindi siya nag-e-exist sa mundo. Ang lungkot lungkot niyon, eh.

Simula naging kaibigan niya si Andy ay parang nabuo ang pagkatao niya. Parang muli siyang isinilang na ibang tao rito sa mundo. Itinuring siyang tao ng binata. Tinuruan din siya nitong harapin ang lahat. Hindi na siya naging loner. Hindi na siya natakot. Hindi na siya nahiya. Kaya ngayon, sabihin niyo sa kanya kung paano niya pakakawalan pa ang isang taong tulad ni Andy?

"Anong nangyayari sa 'yo? Are you crying?" pansin na naman na sa kanya ni Andy nang suminghot siya.

Sunod-sunod ang naging iling niya. At para ipakitang hindi siya umiiyak ay nilinga niya ito. Nginitian niya ito nang matamis na matamis.

"Namumula ang mga mata mo, eh," ngunit pansin pa rin nito nang sulyapan siya.

"Napuwing lang ako," kaila niya sabay kusot sa kanyang mga mata.

"Sure ka?"

"Oo."

Nagtataka man ay humugot ng isang tissue si Andy sa tissue box na laging nasa harapan ng kotse nito at iniabot sa kanya. "Huwag mong kusutin baka ma-infect. Use this."

Kinuha niya iyon at ipinunas sa mata na kunwa'y napuwing talaga. Kaso ay hindi na niya talaga napigilan ang sarili dahil mas napaiyak pa talaga siya, as in napahikbi na. Iniisip pa lang niya na maghihiwalay na ang landas nila ni Andy ay parang sasabog na ang kanyang puso. Bakit ba kasi ang bait nito, eh?

"Oh, eh, bakit naiyak ka na talaga?" puno ng pag-alalang tanong ulit sa kanya ni Andy.

"Wala. Nakakaiyak kasi 'yang tissue," pagsisinungaling niya na itinuro ang tissue box na may design na mukha ng unggoy. "Ba't kasi ganyan 'yan? Ang panget! Huhuhu!"

"Huh?"

"Wala. Sige na. Sige lang mag-drive ka lang at baka mabangga tayo." Mas naiyak pa siya. Nag-unahan na talaga sa pagpatak ang kanyang mga luha. At nang hindi na kasya 'yong isang tissue ay kinuha na niya 'yong tissue box.

"But you're crying—"

"Hindi nga. Okay lang ako. Masakit lang talaga ang pumuwing sa mata ko. Bato yata, eh," inunahan niyang sabi.

Napakunot-noo na lang si Andy na napapangiwi. Isang malaking question mark kasi kung paano napuwing si Yolly sa loob ng kotse. Gayunman ay hinayaan na lang ni Andy ang pagtataka niyang iyon. Inisip pa rin niyang kagagawan ng pagbubuntis kaya ganoon ngayon si Yolly.

Saglit lang ay tumigil na rin sa pag-iyak ni Yolly at saktong nakarating na rin sila sa ospital.

"Sana gising na si Dad para makilala mo siya," sabi ni Andy habang tinatanggal nila ang mga seatbelt nila.

Muntik-muntikang ngumawa na talaga si Yolly. Sayang talaga, eh. Ito na, oh, ipapakilala na siya sa tatay tapos malalaman nitong hindi siya buntis. Woaaaahhhh! Ang saklap!

"Let's go?"

Hinolding hands din siya ni Andy. Iyong feeling na yata niya ay mag-asawa na sila. Sayang talaga ang mga moment na 'to kapag nagkataon kung papatayin din siya ni Andy sa huli.

Dire-diretso sila sa VIP room ng daddy ni Andy, pero saglit silang tumigil. Hindi agad sila pumasok dahil tiningnan muna siya kasi ni Andy. Sinipat o chineck muna siya mula ulo hanggang paa. Pagkuwan ay parang asawa na niya talaga ito na inayos pa ang tumikwas sa buhok niya sa salamin niya sa mata.

"Perfect," at sabi rin nito na para bang nagandahan sa hitsura niya.

Iningusan niya ito. Gano'n pa rin naman din ang hitsura niya ngayon. Baduy, pangit, manang, lumang tao, etsetera.

"Just be yourself, okay?" bilin din ni Andy sa kanya bago nito pinihit ang doorknob ng pinto.

Kaso na-stop sila sa pagpasok nang may tumawag sa kanya.

"Yolly?!" malakas na sigaw ng boses lalaki sa pangalan niya.

Napalingon siya at anong liwanag ng mukha niya nang makita at makilala kung sino iyon.

"L-Leandro?" tawag din niya sa binata. Hindi niya namalayan na napabitiw siya sa kamay ni Andy gawa ng labis-labis niyang at katuwaan na muling makita ang binatang nagparamdam din sa kanya ng tunay na kaibigan. At siya pa talaga ang lumapit kay Leandro. Tuwang-tuwa talaga kasi siya. Siguro ay dahil nakita niya muli ang tagapagtanggol niya sa ganitong pagkakataon na kailangan niya ng karamay. Saktong-sakto.

"Kumusta? Anong ginagawa mo rito?" bati niya kay Leandro.

"Ito okay lang. Nagpapa-medical ako para sa pinapasukan kong bagong trabaho. Ikaw, kumusta ka?"

Sasabihin niya sanang okay siya pero naalala niyang hindi nga pala siya okay. Natauhan na rin siya na kasama pala niya si Andy kaya napalingon siya rito.

Seryoso ang mukha na nakatingin lang naman sa kanila si Andy. Babalik sana siya ulit dito pero biglang pumihit na si Andy, pumasok na ito sa silid. Pabalibag na isinara ang pinto

Umawang ang mga labi niya. Nabahala siya.

"May problema kayo?" At napansin iyon ni Leandro.

Napayuko siya ng kanyang ulo. Muli pumatak na naman ang mga luha niya.

"Kaya pala nagkita na naman tayo dahil kailangan mo na naman ako, tama ba?"

Hindi na siya nahiya. Tumango siya sa tagapagtanggol niya.

"Tsk! Akala ko pa naman ay okay na kayo."

Mapait ang naging ngiti niya sa binata saka pinunas na rin ang mga luha niya. "Puwede ko bang makuha ang number mo?"

"Sige ba."

"I-te-text na lang kita. Okay lang ba?"

"Oo naman." Si Leandro ang unang naglabas ng phone at inabot sa kanya. "I-save mo na rito ang number mo. Tatawagan na lang kita mamaya para mapuntahan mo na si Andy."

"Sige," aniya na mabilis na tinipa ang number niya sa cellphone ng binata. "Tawagan mo ako, ah?"

"Oo. Sige na pumunta ka na ro'n."

Medyo may buhay na ang naging ngiti niya sa binatang tagapagtanggol niya.

"Ingat ka," sabi pa sa kanya ni Leandro.

Tumango siya't lumakad na patungong room ng daddy ni Andy. Kahit paano ay medyo gumaan na ang pakiramdam niya dahil nakita na niya ulit si Leandro, ang kakampi niya.

At isang sulyap muna siya sa binata, kinawayan naman siya nito. Matapos niya itong ngitian ay nahihiya na siyang pumasok sa kuwarto na iyon ng ospital.

Agad na nagtama ang tingin nila ni Andy na nakaupo na ngayon sa tabi ng kama ng pasyente na malamang ay iyon na ang daddy nito. Kaya lang ay anong kunot ng noo din nila ng lalaking pasyente na iyon nang magtama ang tingin nila sa isa't isa.

"Ikaw?" sambit ng daddy ni Andy nang may masiguro.

Continue Reading

You'll Also Like

627K 14.6K 113
I slept. I woke up. I'm married. I'm not happy.
1.1M 17.2K 52
(Completed*No Softcopies) This is Spying My Future Fiance Book 2
1.7K 101 74
When I started to love my husband, my memories started to reccured in a doubtful way. The blurry vision of one person keeps on invading my mind. What...
1M 20.2K 32
( Suplado Trilogy - Book II) He's now my Boyfriend. But why so snob? Siguro dahil siya nga si Seth, Seth Anthony Monteverde... "Ang Suplado Kong Boyf...