ANG NABUNTIS KONG PANGIT (fre...

By ad_sesa

23M 402K 26.8K

*Highest Rank: #1* Si ANDY... guwapo pero hindi raw gago. SI YOLLY... pangit na binu-bully ng kapwa nila est... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Part 57
Part 58
Part 59
Part 60
Part 61
Part 62
Part 63
Part 64
Part 65
Part 66
Part 67
Part 68
Part 69
Part 70
Part 71
Part 72
Part 73
Part 74
Part 75
Part 76
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Part 81
Part 82
Part 83
Part 84
Part 85
Part 86
Last Part
BOOK 2
BOOK SIGNING

Part 41

226K 4K 101
By ad_sesa

Tahimik na umupo si Andy sa katabing silya ni Yolly. Hindi na kasi talaga pumasok pa si Cristine kaya tabi na talaga sila. At aakalaing kung sinong matinong estudyante na ito na nakatutok ang sarili sa pakikinig sa prof nila.

Si Yolly, tahimik na lang din habang napapangiti kay Andy. Buti na lang at nakapag-isip din ito ng matino dahil kung hindi ay baka sisisihin niya ang sarili niya kung ayaw na ngang mag-aral ni Andy. Hindi niya siguro mapapatawad ang kanyang sarili.

"B*tch!" hindi maka-move on na mahinang angil pa rin naman ni Cindy. Hindi maitago ang inis sa dalawa. Umuusok pa rin ang ilong nito at tumataas-baba ang dibdib gawa ng matinding galit habang nakatitig kay Yolly.

"Don't worry, Cindy, gaganti tayo sa babaeng 'yan," bulong ni Karen dito.

"How?" badtrip na tanong ni Cindy. Malakas iyon dahil hindi nakontrol ni Cindy ang boses gawa nga ng matinding inis.

"Cindy Dela Paz, could you please provide an explanation for this?" Na nakaagaw sa atensyon ng prof nila.

Napakunot-noo si Cindy dahil hindi siya prepared at hindi niya alam ang dini-duscuss ng kanilang prof. Paano ba naman siya makikinig kung punong-puno ng galit ang dibdib niya para kay Yolly. Duh!

"Miss Dela Paz?"

Mataray na tumayo ang dalaga. " I apologize, Miss, but I am not familiar with the subject you are referring to. Ang boring mo kasing mag-explain ng lesson kaya wala kaming naiintindihan sa mga pinagsasabi mo."

Napatingin ang buong klase sa dalaga. Hindi mga ito makapaniwala sa inasal nito.

Gayunman ay taas-noo lang si Cindy at humalakupkip pa talaga. Ipinakita na talaga ang pagiging bratinila nito.

"Miss Dela Paz, baka nakakalimutan mo na–" Tumaas agad ang boses ng kanilang prof dahil sa pambabastos dito ni Cindy. Pero dahil biglang walk out si Cindy sa klase nila ay hindi nito naituloy ang panenermon. "Cindy Dela Paz!"

Napamaang lahat nang dire-diretso pa rin ng labas si Cindy, lalo na ang prof nila.

"Sana all," sabi ng pinakapasaway sa klase. Inidolo pa talaga ang inasal ni Cindy.

Napatingin sa isa't isa naman sina Yolly at Andy. Alam nila parehas na dahil sa kanilang dalawa kaya ganoon ang naasal ni Cindy.

"Hayaan mo siya." Susundan pa nga sana ni Yolly si Cindy pero pinigil siya ni Andy.

"Pero–"

"Don't do anything stupid," sabi pa ni Andy.

"Miss, excuse me," si Karen. Ito ang sumunod sa kaibigan.

Naginhawaan naman si Yolly. Hindi na siya nagpilit na susundan si Cindy.

"It's alright," alo sa kanya ni Andy. Tinapik siya sa balikat.

"Ano bang nangyayari sa generation na ito?! Mga wala na ngang natututunan, wala pang mga modo. Patawarin." Animo'y masakit ang ulo ng prof nila na napaupo. Nawalan ng lakas. First time na may nambastos na isang estudyante sa tulad nitong professor ng Sanchi College, at ng isang transferee pa.

Na-guilty naman ang mga estudyante nito, lalo na ni Yolly. Mangiyak-ngiyak siyang napakagat-labi.

"Miss, kami na humihingi ng tawad sa ginawa ni Cindy," dikawasa'y sabi ni Patrick sa prof nila.

"Why? What's the problem to her?"

"Basta po malala ang pinagdadaanan niya ngayon, Miss."

"Is that so?"

"Yes, Miss."

"Pero hindi pa rin tama iyon. Ire-report ko ito sa mga nakatataas," medyo nakahinga na nang maluwag ang prof nang sinabi iyon.

Mabuti na lang talaga at si Miss Mondejar na maunawain na prof nila ang natyempuhan ni Cindy, kundi lagot na sana ang dalaga. Sabagay anak mayaman kasi si Cindy kaya walang kinakatakutan.

Itinuloy na ng prof ang klase. Natapos iyon na parang walang nangyari.

Si Karen ay hindi na nakabalik. Hinayaan na nila dahil alam nilang kailangan ngayon ni Cindy ng karamay o makakausap.

"Kain tayo?" lakas-loob na anyaya ni Yolly kay Andy. Bumabawi siya, na tama lang naman siguro dahil ang laki na naman ngayon ang ginawang pabor ni Andy para sa kanya. Hindi iyon biro.

"Pupunta ka ng canteen?" Manghang napatingin sa kanya si Andy.

"Oo naman. Wala tayong baon, 'di ba? Kasi hindi mo nadala?"

"Kaya mo ba?"

Ngumiti siya. "Sasamahan mo naman ako, 'di ba?"

"But what if—"

Hindi niya pinatapos ang sinasabi ni Andy. Ipinakita niya ang headset at sinuot sa tainga niya. "Hindi ko ulit tatanggalin?"

Matagal na nag-isip pa si Andy. Alanganin pa rin.

"Halika na kasi." Dahil gutom na siya ay hinila na lang niya ito. Ang arte, eh!

SA CANTEEN, as usual masasamang tingin ang sumalubong sa kanila. Pati na si Andy ay iniirapan na rin ngayon ng mga estudyanteng nadismaya rito. Wari ba'y may nagawa silang malaking kasalanan.

"Akala ko pa naman astig siya! Hindi naman pala!"

"He's so stupid!"

"Sayang ang kagwapuhan niya napunta lang siya sa panget!"

"Ew! Hindi sila bagay as in!"

Mga iba't-ibang reakasyon nila.

"May naririnig ka ba?" nabahalang tanong ni Andy kay Yolly.

Walang naging sagot si Yolly. Malakas na sounds na lang kasi mula sa headset ang naririnig na lang ng dalaga. Buti na lang talaga at naka-headset ulit si Yolly.

Naginhawaang bumuntong-hininga si Andy. Sanay naman na siya, sanay na siyang mandedma ng mga tao kaya mistulang hindi rin niya naririnig ang mga ito.

"Okay na 'yan?" senyas ni Andy kay Yolly dahil pansit at tubig lang kasi ang in-order ng dalaga.

"Oo!" malakas na sagot ni Yolly.

"Are you sure?" senyas ulit ni Andy.

Tumango si Yolly. Kahit hindi niya naririnig ay iyong buka ng bibig ni Andy ang binabasa niya.

Sumenyas sa kamay si Andy ng 'Okay' pero um-order pa rin siya ng softdrink para sa dalaga.

"Thank you," pasalamat ni Yolly nang iabot iyon sa kanya ni Andy. And as usual, pasimple na naman sana na ibabag niya ang tansan ng softdrink pero pinandilatan siya ni Andy.

"Remembrance ko sana," nakalabi niyang sabi. Nasa pangdalawahang lamesa na sila nakaupo kaya wala na siyang suot na headset.

"You don't need to do that. Para kang basurera." Ayaw pa rin ni Andy.

Wala siyang naging choice, kamot-batok na lang siyang ibinalik sa lamesa ang tansan. Pagkatapos ay tahimik na silang kumain. Wala silang naging pakialam sa bulong-bulongan ng mga kasama nilang kumakain. Wala silang pake!

After class ay pinilit siya ni Andy na mag-taxi na lang sila pauwi. Ayaw na ulit mag-jeep ng binata. Natakot na.

"Ang mahal mag-taxi," kontra pa rin ni Yolly kahit na nakasakay na sila. Guwardyado pa nga ang metro ng taxi. "Tingnan mo, oh. Eighty pesos na agad."

"Mag-relax ka nga lang. Akong bahala diyan, okay?"

"Parang wala kang hinayang sa pera, ano?"

"Meron naman pero hayaan mo na. At least komportable tayo dito kaysa sa jeep. Magkano lang naman 'yan kaysa maiinitan ka pa doon sa jeep."

Inismiran niya ang binata. Ang yabang! Porket mayaman ayaw ng mag-jeep! Eh, di sheng!

Naalala niya si Cindy. Hindi niya napigilang huwag magtanong. "Kumusta na kaya si Cindy? Alam mo, tingin ko dapat kayong mag-usap."

"For what reason?"

"Para magkaliwanagan kayo. Sabihin mo sa kanya na pinakikisamahan mo lang ako dahil sa anak natin."

"Ayoko."

"Pero kawawa naman siya. Lumipat nga siya sa Sanchi College para makasama ka tapos ganito naman ang nangyari. Nakaka-guilty kaya."

"Wala kang dapat ika-guilty dahil ginusto niya iyon. Isa pa noon ko pa naman sinasabi sa kanya na wala siyang mapapala sa 'kin. Siya lang naman itong nagpapaasa sa sarili niya."

"Bakit nga ba? Eh, maganda naman siya at parehas mo pa na anak mayaman. Bakit ayaw mo sa kanya?"

"I don't know. Hay, puwede ba huwag siya ang pag-usapan natin? Change topic tayo, okay?"

Napalabi siya. Hindi na lang siya nagsalita kaysa iba ang pag-usapan nila. Naiisip pa rin niya si Cindy. Naaawa talaga siya sa tao.

Pagdating nila sa bahay ay sumalubong agad sa kanila si Aling Yolanda. "Kumusta ang school, mga anak?"

"Okay lang po, 'Nay," sagot ni Andy.

Walang ganang nagmano sila sa nanay na nila parehas.

"Sige, saglit lang. Gagawan ko kayo ng miryenda." Iniwan sila ni Aling Yolanda.

Ang hitsura nila ay pagod na pagod na umupo sa sopa nang sila na lang dalawa. Nakaka-stress naman kasi ang nangyari ngayong buong araw.

Si Yolly nga ay parang nabingi na yata kaka-headset niya. Panay ang kalikot niya sa kanyang tainga.

Bukas ano na naman kaya ang mga mangyayari sa kanila? Hay!

Continue Reading

You'll Also Like

1M 3.4K 6
Paano kung hindi mo alam na badboy pala ang na message mo? Minura mura mo pa at kung ano ano ang sinabi mo sa message nayon? At paano kung ang lalaki...
435 93 21
An intrapersonal dialogue communication between me and myself. Just thoughts. Own monologue conversation with oneself.
90.3K 5.2K 19
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.2M 19.1K 41
( Suplado Trilogy - Book III) We started with nothing. You're the snob guy who changed my life. In a snap, I just knew. I fell in love with you. Time...