ANG NABUNTIS KONG PANGIT (fre...

By ad_sesa

23M 402K 26.8K

*Highest Rank: #1* Si ANDY... guwapo pero hindi raw gago. SI YOLLY... pangit na binu-bully ng kapwa nila est... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Part 57
Part 58
Part 59
Part 60
Part 61
Part 62
Part 63
Part 64
Part 65
Part 66
Part 67
Part 68
Part 69
Part 70
Part 71
Part 72
Part 73
Part 74
Part 75
Part 76
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Part 81
Part 82
Part 83
Part 84
Part 85
Part 86
Last Part
BOOK 2
BOOK SIGNING

Part 23

258K 4.5K 227
By ad_sesa

Grabe ang ngawa ni Yolly. Buntis siya. Buntis nga siya. Ang mga pangarap niya wala na. Animo'y salamin na nabasag at naging mga bubog na parang imposible nang mabuo pa kahit kailan.

"Yolly, Anak? Halika na!" tawag na naman ng nanay niya sa kanya.

Sa halip na lumabas ay nagmadali niyang ini-lock ang pinto ng silid niya para hindi muna makapasok ang ina. Hindi siya puwedeng makita ng nanay niya na umiiyak. Siguradong magtatanong iyon kung bakit at hindi siya titigilan. Lalong hindi pupuwede na malaman nitong buntis siya. Ayaw niyang masampal o makalbo. Hu-hu!

Halu-halo na ang nararamdaman niya pero nangunguna pa rin ang matinding takot. Nasa kamay pa rin niya ang PT, mahigpit niya iyong hawak. Ni ang ilapag saglit o bitawan ay hindi niya magawa dahil sa sobrang takot.

Anong gagawin niya?

Si Andy! Oo, si Andy! Dapat malaman ito ni Andy!

Natarang kinuha niya ng cellphone niya kaso ay wala pala siyang number ng binata kaya napangiwi na naman siya.

Sa Facebook! Oo, sa Facebook! Puwede na doon niya ipapaalam sa binata na dinadala na niya ang anak nila. Tama!

Sa kasamaang palad, noong nabuksan na niya ang Facebook Account ni Andy ay hindi rin naman niya nagawang sabihin sa binata na buntis siya dahil unang bumungad sa paningin niya ang mga larawang naka-tag rito. At ang gagandang mga babae iyon, ang se-sexy, tapos ay mga mukhang mayayaman pa. Kasama roon si Cindy, 'yong bagong nilang kaklase, saka si Karen na dating nobya ni Andy.

Bigla siyang nanliit sa sarili. Walang-wala siya sa mga babaeng mga iyon na kasama ni Andy sa mga picture

.

Sa huli ay kagat-labi na niyang inilapag ang cellphone. At muli ay rumagasa ang mga luha niya sa kanyang mga mata. Kung sasabihin niya kay Andy na buntis siya sa tingin ba niya ay pananagutan siya ng binata? Siguradong malaking HINDI.

Kaibigan. Kaibigan lang ang gusto sa kanya ni Andy kaya napakaimposible ang gusto niyang mangyari. Baka mapahiya lang siya.

"Anak, bakit mo ba kinakandado ang kuwarto mo?" Ang nanay niya ulit.

Taranta siyang pinunas ang mga luha niya at itinago ang PT sa kanyang bag. Nang sa tingin niya ay okay na ang kanya hitsura ay saka lang niya binuksan ang pinto.

"Nay?"

"Umiyak ka ba?" tanong agad ng nanay niya. Napansin pa rin nito ang pamumula ng kanyang mga mata. Nagtatakang nakatitig ito sa kanya

"H-hindi po, 'Nay. Napuwing lang ako kanina," syempre ay pagsisinungaling niya.

"Gano'n ba? Sige, halika na't magmiryenda muna tayo. Hindi ba't sabi ko ay huwag mong pinaghihintay ang pagkain? Bata ka talaga, oo."

"Sige po." Malungkot na malungkot ang hitsura niyang sumunod sa nanay niya. At wala siyang imik habang pinagsasaluhan nilang mag-ina ang tinapay at softdrink. Ang daming kuwento ng nanay niya habang siya ay ang dami namang tanong sa isip niya.

Paano kaya niya sasabihin sa nanay niya na buntis siya?

Titigil na ba siya sa pag-aaral?

Paano niya bubuhayin ang kanyang magiging anak?

Magtratrabaho siya?

Anong trabaho naman ang papasukin niya?

"'Nak, okay ka lang ba?" untag sa kanya ng nanay niya. Napansin na ang kanyang pananahimik.

"O-opo. Okay na okay po. Bakit po?"

"Eh, ang dami ko na kasing sinabi pero wala ka man lang reaksyon diyan. Iniisip mo si Andy, ano?"

Napaubo siya nang wala sa oras.

"Sabi ko na nga ba. Ay naku, huwag mo nang isipin iyon dahil hindi ka niyon magugustuhan. Ang guwapo ng batang iyon kaya."

Napalabi siya. Eh, di wow! Kung makapagsalita naman ang Nanay niya ay parang hindi siya anak. Ang sakit, ah? Kanino ba siya nagmana ng pagmumukha? Tss!

Tumayo na lang siya. Hindi nakakatulong ang nanay niya, eh.

"Saan ka pupunta na naman?"

"Sa labas lang po. Magpapahangin."

"Hindi ka pa tapos kumain?"

"Busog pa po ako. Saka hindi naman masarap 'yang tinapay na 'yan," pambabasag niya rin sa ina.

"Kuu, ang sarap nga, eh. Hindi mo lang talaga alam ang masarap at hindi."

Hindi na siya sumagot. Lumabas na siya ng bahay. At doon napansin niya agad ang kotse ni Andy sa labas ng gate nila.

Kunot na kunot ang noo na lumabas siya.

Si Andy ang hindi agad nakapansin kay Yolly. Kanina pa ang binata sa labas ng bahay nina Yolly. Nagdadalawang-isip lang kung kakatok o hindi. Actually, niyaya siya ng gimik nina Patrick pero tinanggihan niya. Ewan kung bakit mas gusto talaga niyang mas kasama si Yolly.

Si Yolly naman habang nakatitig sa guwapong binata ay hindi niya napigilang maging emosyonal. Kusang tumulo ang mga luha sa mga mata niya. In fairness, ang guwapo talaga ng ama ng magiging anak niya.

Sa pagkakataong iyon ay gulat na napatingin na si Andy sa kanya. Naramdaman na nito ang presensya niya. At mas nagulat ito nang makitang umiiyak siya.

"Hey, why are you crying?" nabahalang tanong ni Andy sabay lapit sa kanya.

"Andy..." Tila ba may mga buhay ang mga kamay niya na kusang pumulupot sa tiyan ng guwapong binata. At sa dibdib ni Andy ay doon naman siya umiyak.

Gulat na gulat si Andy. Namilog talaga ang mga mata nito sa ginawang iyon ng dalaga.

Pero kung meron mang mas nagulat ay sina Karen at Cindy iyon na nakasakay sa loob ng isang kotse. Na ngayon ay magkaibigan na agad at lihim nilang sinundan si Andy.

Natutop ni Karen ang bibig nito sa sobrang gulantang. Habang si Cindy ay hindi naman mailarawan ang mukha. Napakapit ito nang husto sa manibela. Hindi niya akalain. Hindi niya akalain na ang pangit na babaeng iyon pala ang kinahuhumalingan ngayon ni Andy.

"Oh my god! This is insane! Yuck!" animo'y diring-diri na react na ni Karen sa nakikita. "That ugly girl! Ang kapal ng face para yakapin si Andy!" maarte pa nitong sabi.

Tahimik na pinaandar naman ni si Cindy ulit ang kotse paalis.

"Hey! Saan tayo pupunta? Hahayaan mo na lang sila?" Nagtaka si Karen, ang inaasahan kasi nito ay susugurin nila si Yolly dahil sinundan talaga nila si Andy para malaman kung may kinalolokohan na nga itong ibang babae.

"Shut up!" pero singhal ni Cindy kay Karen habang nagda-drive.

Natameme si Karen.

"You did see the girl, didn't you? Do you truly believe that Andy is interested in her? Sa ganoong hitsura niya?" Maarte rin na na napangiwi si Cindy. "I'm not stupid to believe what I saw right away. Baka may dahilan. Ayokong magpadalus-dalos dahil baka lumayo lamang lalo ang loob sa akin si Andy."

"Nakita mo rin na niyakap ni Yolly si Andy at gumanti si Andy. Hinding-hindi iyon magagawa ni Andy sa ibang babae, and I guess even you ay hindi ka pa nayayakap ni Andy. At least ako naging kami kaya nayakap at na-kiss ko siya," pagtataray ni Karen na hinalukipkipan pa ang bagong kaibigan.

Doon biglang naapakan ni Cindy ang preno ng sasakyan. Muntik tuloy masubsob sa harapang salamin si Karen.

"Ano ba!" singhal nito kay Cindy sa pagka-reckless. Ngunit natigilan din ito dahil napansin niyang parang nagliliyab na sa galit si Cindy. Ang dilim-dilim ng mukha ni Cindy, naniningkit ang mata nito na nakatitig sa harapan habang tuwid na tuwid ang likod nitong hawak ang manibela.

Nahintakutan si Karen sa hitsura ni Cindy. Parang kakain ng buhay ang dalaga o sa tamang salita ay parang makakapatay na ito ng tao!

Continue Reading

You'll Also Like

371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
4.6M 47.9K 54
Kara Charlotte and her Boyfriend, Lukas Simeon just broke up, and the Heartbreaking thing here is he broke up with her on the line! on the other hand...
1M 3.4K 6
Paano kung hindi mo alam na badboy pala ang na message mo? Minura mura mo pa at kung ano ano ang sinabi mo sa message nayon? At paano kung ang lalaki...
23.2K 377 73
Akira Ross Marie Zamora Montefalco, one of the seven children of Alba and Adam Montefalco. A ruthless, fierce and a cold lady that can devour someone...