ANG NABUNTIS KONG PANGIT (fre...

By ad_sesa

23M 402K 26.8K

*Highest Rank: #1* Si ANDY... guwapo pero hindi raw gago. SI YOLLY... pangit na binu-bully ng kapwa nila est... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Part 57
Part 58
Part 59
Part 60
Part 61
Part 62
Part 63
Part 64
Part 65
Part 66
Part 67
Part 68
Part 69
Part 70
Part 71
Part 72
Part 73
Part 74
Part 75
Part 76
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Part 81
Part 82
Part 83
Part 84
Part 85
Part 86
Last Part
BOOK 2
BOOK SIGNING

Part 12

312K 5.9K 450
By ad_sesa

"Oh, di ba ang sarap sa pakiramdam?" Maaliwalas ang mukhang tanong ni Yolly kay Andy. Ngiting-ngiti silang dalawa na lumabas sa simbahan. Patungo na sila kung saan nakaparada ang sasakyan ni Andy.

"Salamat, ha? I somehow feel better."

"Okay lang 'yon. Basta kapag may problema ka o may gumugulo sa isip mo ay dito ka lang pumunta kasi ganito lagi ang ginagawa ko."

"At ano naman ang mga problema mo sa buhay?"

Napalabi si Yolly sa tanong na iyon ni Andy. Gusto niyang sabihin na love life niya ang problema niya sa buhay kaya lang ay naunahan siya ng hiya.

"Basta marami rin pero mga simpleng problema lang naman," kung kaya sabi na lang niya.

"Ah, buti ka pa," bulalas lang din ni Andy.

"Kuya, Ate, bili na kayo banana cue ko?" Isang batang naglalako ang nagpatigil sa kanila sa paglakad at pag-uusap.

Nagkatinginan sila.

"Sige na po, Ate, Kuya, bili na po kayo para maubos na ito para makauwi na ako upang mapakain ko na rin po ang nanay ko," nakakaawang pilit sa kanila ng bata.

"Okay, pabili ako ng isa." Naawang pagpapaunlak ni Yolly sa bata. Kinapa niya ang kanyang bulsa pero pinigilan siya ni Andy.

"Ako na," anito.

Napatanga siya sa naka-side view na mukha ni Andy. Ililibre ulit siya? Hindi nga? Kilig naman.

"Dalawa bata," sabi ni Andy sa bata sabay bigay sa isang libong papel.

Tuwang-tuwa namang inabutan sila ng bata ng tig-isang banana cue. Kaya lang ay napalabi ito nang makita ang isang libo. "Barya lang po, Kuya. Wala akong panukli niyan. Wala pa akong benta masyado, eh."

"Wala akong barya kaya sa 'yo na lang 'yan. Umuwi ka na."

Halos magtatalon sa tuwa ang bata. "Salamat, Kuya. Pagpalain ka po sana ni God ng—" Natigil ang bata at tumingin kay Yolly ng pataas-pababa saka balik ding tingin ito kay Andy. Tapos ay may ibinulong. "Pagpalain ka po sana ni God ng mas magandang girlfriend, Kuya."

Narinig iyon ni Yolly kaya naningkit ang mga mata niya. Subalit bago pa man siya makaalma ay mabilis na nagtatakbo na ang bata palayo.

"Salbaheng bata 'yon, ah!"

Natawa si Andy. "Hayaan mo na akala lang niya siguro ay girlfriend kita."

"Hmmp!" Iningusan niya pa rin ang nagtatakbong bata. Pagkuwa'y hinipan niya ang kanyang bangs. Pati mga bata ngayon ay panlabas na anyo na ang tinitingnan. Nakakadismaya! Tsk!

"Halika na." Bahagyang siniko ni Andy ang kanyang tagiliran.

Narating na nila ang kotse. Pinagbuksan siya nito na akala mo'y isa siyang prinsesa. Naks!

"Salamat dito," pasasalamat niya na ipinakita ang banana cue.

Ngumiti si Andy saka umikot sa may bandang driver seat. Pero bago sumakay ay kinain muna ng binata ang banana cue nito. Dalawang subuan lang. Puno ang bibig nito ng banana cue na pinaandar nito ang sasakyan.

Napahagikgik tuloy si Yolly sa hitsura ng binata. Hindi niya napigilan.

Nginuya at nilunok ni Andy ang laman ng bunganga. "Bakit?" at saka tanong nito nang sulyapan siya.

"Hindi ko kasi alam na kumakain ka rin pala ng mga ganitong pagkain?"

"Anong akala mo sa 'kin? Alien?"

Umiling siya na natatawa. "Mayaman ka kasi, eh. Rich kid ba."

"At kung rich kid na ay hindi na kumakain ng banana cue? Grabe ka naman."

Tuluyan nang natawa si Yolly. "Akala ko lang."

Nginitian siya ni Andy.

"Astig ka nga pala talaga. Tama lang pala na idolihin ka ng mga kapwa nating estudyante. Guwapo na ay mabait pa at wala pang kaarte-arte," papuri niya ulit.

"Naks, lumaki naman ang puso ko sa sinabi mo." Madramang kinapa ni Andy ang dibdib.

"Totoo naman, eh," paninindigan niya sa mga sinabi.

"Thanks. Ikaw nga rin, eh. The best ka rin pala. Akala ko noon suplada ka, eh, kasi hindi ka man lang namamansin."

Napalabi siya. "Nahihiya kasi ako sa 'yo."

"Oo nga pansin ko 'yon."

"Pero ngayon hindi na kasi friend na kita," bigla ay sabi niya na balik-maliksi ang boses. Ayaw niyang sayangin ang sandali na masaya sila ng binata.

"Talaga?"

"Ouhm!" Tumango siya sabay kindat.

Nagtawanan sila. Ang saya-saya nila.

Naihiling tuloy ni Yolly na sana ay wala nang magiging katapusan ang pagkakaibigan nila ni Andy. Kahit ganoon na lihim lang ay okay lang. Ang mahalaga ay nadagdagan ang kanyang kaibigan. Hindi na lang si Cristine.

"Gusto mo miryenda muna tayo bago umuwi?"

"Nagmimiryenda na tayo, ah?" aniya na pinakita ang banana cue na hawak.

"Don't tell me busog ka na r'yan?"

"Medyo?" tugon niya na may ngiti saka ipinagpatuloy ang pagkain niyon.

"I insist. Daan muna tayo roon." May itinuro si Andy.

Sinundan niya iyon ng tingin at sa isang sikat na fast food chain pala. Agad naman siyang natakam. "Sige, sige. Gusto ko yum burger tapos jolly hotdog tapos spaghetti tapos sundae," at sabi niya kahit mas madami pa ang laman ng isip niya na gusto niyang kainin.

Napangiwi si Andy. "Medyo hindi ka nga gutom 'no?"

Malakas na tawa ang itinugon niya. At hindi na 'yun natapos hangga't natapos sila sa paglamon. Ang nakakaloka'y naubos nga niya lahat ang in-order nila.

Iyong fries talagang nilalamon pa rin nga ni Yolly hanggang sasakyan. Sayang, eh.

Tinatawanan tuloy siya ni Andy hanggang kotse.

"Umuwi ka na. Ayusin mo ang problema mo. Kausapin mo ang mommy at daddy mo," pero syempre nagseryoso ulit sila habang on the way na sila pauwi.

"I'll try," malungkot na saad ni Andy.

"Huwag mong subukan. Gawin mo para hindi lumala ang sitwasyon nila. Alam mo na baka—" Sinadya niyang hindi itinuloy ang sensitibong paksa.

Napabuntong-hininga lang si Andy habang nagmamaneho.

"Oy?"

"Oo, sige na."

Natuwa naman si Yolly dahil kahit ilang araw pa lang silang magkaibigan ay sumusunod na si Andy sa kanya. Masaya siyang natutulungan niya ito. Hashtag feeling proud!

"Oh, ba't mo nilagay sa bag mo 'yon?" pansin ni Andy sa ginawa niya.

"Ano, eh... bawal magtapon ng basura, 'di ba? Doon ko na lang itatapon sa bahay," palusot niya. Ubos na niya ang fries pero dahil wala siyang balak itapon 'yung pinaglagyan niyon ay inilagay niya sa kanyang bag. Tulad ng gatorade na bote ay itatago niya rin iyon. Hindi naman niya inasahan na makikita ni Andy. Ang linaw talaga ng mata. Tss!

"Wow, ha? Ang bait mo naman."

"Syempre, dapat protektahan natin ang environment."

Natawa na lang si Andy sa kanya habang napapailing. Sana lang ay hindi siya pinagkamalang baliw.

Hindi katagalan ay nasa tapat na sila ng bahay nila. Hindi na bumaba si Andy.

"Thanks for the wonderful time, Yolly."

"Salamat din. Ingat ka sa pag-uwi mo."

"Oo sige. Pasok ka na," sabi ni Andy bago nito pinaharurot ang kotse nito paalis.

Ilang minuto nang wala si Andy pero naroon pa rin sa may gate nila si Yolly na ngiting-ngiti. Panaka-naka ay natatapik niya ang kanyang mga pisngi. Hindi pa rin siya kasi makapaniwala na nakakasama niya ngayon si Andy. Parang panaginip lang.

"Saan na naman kayo nanggaling?" Bahagyang nagulat tuloy siya sa biglang sulpot ng nanay niya.

"Sa simbahan, 'Nay." Nagmano siya sa ina.

"Sa simbahan?"

Naglakad sila papasok sa bahay nila. "Opo, kasi may problema po si Andy. Tungkol sa parents niya."

"Gano'n ba. Eh, buti naman at tinuruan mo kung saan siya dapat pumunta kung may problema siya at hindi sa inuman."

Ngumiti siya sa nanay niya. Kitang-kita na proud ito sa kanya, pero mas proud siya sa sarili niya kasi alam niya na kahit paano ay natulungan niya ang bago niyang kaibigan, na kahit paano ay napagaan niya ang loob ni Andy.

"Sana nga po ay maayos na ang problema ng parents niya, 'Nay."

"Bakit? Ano pala ang problema ng mga magulang niya?"

"Lagi raw po nag-aaway, eh."

"Ay, ganoon talaga kapag mayayaman. Ang hilig nilang magsabi ng 'I want an annulment!'. Ganoon sa mga drama na napapanood ko."

Natawa siya kaunti. "Oo nga po, eh. Kaya lang kawawa po si Andy kapag naghiwalay ang parents niya. Ngayon pa nga lang ay parang apektadong-apektado na po siya."

"Wala tayong magagawa sa bagay na iyan," sabi na lang ng nanay niya.

Bumuntong-hininga siya. Pagkuwa'y naisip niyang maligo. Nagpaalam siya sa nanay niya. Doon natapos ang pag-uusap nilang mag-ina.

******

SA BAHAY nina Andy, hindi pa man nakakarating ay tinigil na ng binata ang kanyang kotse sa di-kalayaun. Natanawan na kasi niya ang palabas na kotse ng daddy niya at ang humahabol naman na mommy niya sa kotse.

Tears streamed down his mother's face.

Kitang-kita rin niya na napaluhod sa kalsada ang mommy niya. Inaalalayan ito ng kanyang Yaya Chadeng na umiiyak din.

Humigpit ang hawak ni Andy sa manibela kasabay ng pagtiim-bagang. Para siyang nanonood ng pelikula na live, at ang eksena ay hiwalayan ng mag-asawa. Heck!

Sa tingin niya ay huli na para maayos pa niya ang sigalot ng kanyang mga magulang. Wala na. Maghihiwalay na ang mga ito nang tuluyan, and there's nothing he can do about it anymore.

Napabuga siya ng hangin sa bunganga. Pagkuwa'y marahas na pinaikot niya ang manibela. Imbis na dumiretso siya ng uwi ay ini-u-turn niya ang kanyang sasakyan.

Ayaw na niyang umuwi! Damn them all!

*********

TAPOS NANG maligo at magbihis si Yolly. Pinapatuyo na lang niya ang buhok niya sa tuwalya. Nang makita niya ang bote ng gatorade niya ay napangiting naalala niya ang lagayan ng fries sa bag niya. Excited na kinuha niya iyon at itinabi sa bote ng gatorade.

Masayang-masaya siyang napatitig sa mga iyon. Mga simpleng bagay man, basura nga sabi ng nanay niya, pero para sa kanya ay ang mga iyon na ang pinakamahalagang bagay para sa kanya. Mga bigay sa kanya ng bagong kaibigan niya, eh.

"Anak? Yolly?"

"Po?"

"Buksan mo nga iyong gate. May kumakatok, eh. Nagbibihis ako rito."

"Sige po." Nagtatakbo siya patungong pinto. May taong kumakatok nga. Agad niya iyong binuksan at anong gulat niya nang makitang si Andy pala ang kumakatok sa may gate nila.

"Andy?"

"Samahan mo ako ulit, Yolly."

"Saan naman?"

"Gusto ko sa magulo namang lugar."

Napangiwi siya. Ano ba 'yan?!

Continue Reading

You'll Also Like

5.9M 112K 57
[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 1] Anong gagawin mo kapag nalaman mo na ang new Math Professor mo ay yung ex-boyfriend mo na matagal mo ng iniiwasan? Anong...
343K 5.4K 81
Naghahanap ka ng best friend pero ang dumating sayo ay isang bully? LOL. Kawawa ka naman. >:D HeyMisseii Wattpad 2013
65.8K 3.9K 16
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
311K 6.5K 36
Him Series #1: Sabihin mo nga, paano ka makakamove-on kung binabalandra na mismo ng Tadhana ang Ex mo sa harapan mo?