A House With A Brown Tape (Ro...

De itsmepaet

874K 19K 2K

Nagsimula ang lahat sa isang bahay na may brown tape. Ang brown tape na naghahati sa bahay sa dalawa. Dito na... Mai multe

Chapter 1: Ang Paglipat ng Tirahan
Chapter 2: Asaran to the Max
Chapter 3: Pati Ba Naman sa Trabaho?
Chapter 4: Nang Dahil sa Kaarawan
Chapter 5: Alam na!
Chapter 6: Surprise Revelation Party?
Chapter 7: Alam na naman!
Chapter 8: Ang Bagong Lalaki sa Buhay ni Asra?
Chapter 9: Ang Pagtatapat at Paglipat
Chapter 10: Unang Araw na Magkalayo
Chapter 11: Usapang Lalaki sa Lalaki
Chapter 12: Ang Pagtibok ng Puso ay Di Mapipigilan
Chapter 13: Ang Paglabas ng Mapagpipilian
Chapter 14: Ang Pagsisimula ng Plano
Chapter 15: Paano Ba Sasabihin?
Chapter 16: Brown Tape, Andyan Ka na Naman?
Chapter 17: Akala ko ba Walang Iwanan?
Chapter 18: Ang plano ni Mr. Cheng
Chapter 19: Ang Pagka-ungkat ng Nakaraan
Chapter 20: Malaya na ba ang Puso?
Chapter 21: 'Til We Meet Again
Chapter 22: Ang Lihim ni Asra
Chapter 23: Ang Ipinangako at Ang Kalabaw?
Chapter 24: Ang Katotohanan at Ang Bagong Kalaban
Chapter 25: Ipaglalaban Ko Ang Aking Pag-ibig
Chapter 26: Bagong Umaga
Chapter 27: Ang Pagbabalik
Chapter 28: Ang 'Di Inaasahan
Chapter 29: Here Comes Avery
Chapter 30: Is It Misunderstanding Or What?
Chapter 31: Another Heartbreaking Moment
Chapter 32: Sinusukat Na Pag-ibig
Chapter 33: Nababaliw na Karibal
Chapter 34: Bagong Pagsubok
Chapter 35: Imposibleng Plano
Chapter 36: Pagkakilanlan sa Ama
Chapter 38: Unang Hakbang Papuntang Altar
Chapter 39: Ang Inaakalang Ordinaryong Araw
Chapter 40: Kaalaman sa Pag-iisa'ng Dibdib
Chapter 41: Heto Na Ang Ulan
Chapter 42: Malapit Na Ang Araw ng Kasalan
Chapter 43: Hey Monday
Chapter 44: He Who Gives Up & He Who Comes Back
Chapter 45: Hindi Mapakali'ng Puso
Chapter 46: Mahuhulog ba'ng Muli Ang Puso?
Chapter 47: Oh No! Asra?
Chapter 48: Goodbye Superhero
Chapter 49: Ang Pagkikita't Pagtatapat
Chapter 50: The Choice
Chapter 51: Love Will Find A Way
Chapter 52: Ang Paglayo ng Isa ay Ikakapamahak ba ng Isa?
Chapter 53: Bagong Babae sa Buhay ni Kari?
Chapter 54: Ang Hindi Inaasahang Halik
Chapter 55: She's A Girl Like Asra
Chapter 56: Napamahal Na Ba?
Chapter 57: Hangga't Maaga Pa
Chapter 58: The Painful Surprise
Last Chapter: Will There Be Forever?
Teaser

Chapter 37: Pagtanggap

8.6K 197 12
De itsmepaet

Namalayan ni Alexis ang nakatitig na mga mata ni Kari at ang dahan-dahan'g patak ng luha nito sa mesa na tila ba bumagal ang pag-ikot ng oras na nagpapabagal sa lahat ng galaw sa paligid niya. Kinabahan din siya sa magiging reaksyon ng anak niya pag nalaman nitong siya pala ang ama nito.

Gusto niya'ng sabihin kay Kari na siya ang ama nito pero nagdadalawa'ng isip siya. Marahil tama si Leonora, baka umasa lang ang bata na mabubuo'ng muli ang kanyang pamilya.

Malabo na'ng mangyari yun dahil may pamilya na si Alexis. May tatlo na rin siya'ng anak na nakatira ngayon at kasama niya sa Amerika.

Nasa dulo na ng dila ni Alexis ang salita'ng anak pero parang pilit binabaluktot ng konsensya niya ang dila niya'ng gustong magsalita. Ayaw niya'ng umasa ang anak nito, masasaktan lang ito ng sobra.

Ngunit tila ang mga mata ni Kari ay kumakausap sa kanya, na nagsasabi'ng heto ako, ang anak niyo, yakapin niyo po ako.

Hindi namalayan ni Alexis na tumulo na rin ang kanyang mga luha habang tinitingnan ang nakaka-awa niya'ng anak. Nadama niya ang pananabik ng anak na s'yang nadarama din niya bilang isang ama na nananabik na mayakap ang nag-iisa niya'ng anak na lalaki.

"Sino po talaga kayo", maluha-luhang tanong ni Kari kay Alexis.

"Eto na ba? Magpapakilala na ba ako", mga katanungan ni Alexis sa kanyang isipan.

Tinakpan ni Kari ang kanyang bibig dahil ayaw niyang marinig ng nasa paligid ang kanyang iyak. Ipinikit niya ang kanyang lumuluhang mata na dinadama ang di ma-ipaliwanag na nararamdaman sa mga oras na'to.

"Mr. Alexis, kayo po ba ang papa ko", walang pagdadalawang isip na tanong ni Kari kay Alexis.

Tila talagang parang tumigil ang oras sa pagtakbo. Ito ay marahil sa nakakakabang paghihintay ni Kari sa sagot ng bisita sa katanungan niya.

Sasagot na sana si Alexis nang dumating si Leonora dahil tinawagan ito ni Jared na nag-aalala sa kaibigan, at kasama nito si Asra.

Agad na lumapit si Leonora at niyakap ang anak, ganun rin si Asra na hinahawakan ang kanang kamay ng fiance.

"Anak, bakit ka umiiyak", tanong ni Leonora.

"Mr. Alexis, kayo po ba ang papa ko", ulit na tanong ni Kari sa bisita.

"Anak, hindi siya ang papa mo. Ano ba'ng iniisip mo ba't nasabi mo yan sa investor mo", sabat ni Leonora.

"Kwinento ni lolo sa'kin kung pa'no niya kayo inalagaan. Ang pagpunta sa Japan, Hong Kong, Amerika, at New Zealand. Naalala niyo po yung, yung nagpapabili kayo kay lolo ng baka sa New Zealand (sabay pahid sa kanyang luha) dahil gusto mo'ng dalhin sa Pilipinas at alagaan, pero hindi pumayag si lolo kaya nagkulong ka sa kwarto at ayaw kumain? Kaya binilhan ka na lang niya ng kabayo nung naka-uwi na kayo rito sa Pilipinas", tanong ni Kari sa ama.

Napapikit na lang si Alexis sabay hingang malalim, "pasensya na, pero tama ang mama mo, hindi ako ang papa mo. Ang kapatid ko ang papa mo. Nakwento lang niya sa'kin. Wala na kasi siya kaya nung makita kita naalala ko yung mga sinabi niya sa'kin. Pasensya nadala lang ako", sagot ni Alexis at tumayo para umalis sana nang magsalita si Kari.

"Teka po, wala po kayong kapatid. Nag-iisa lang po ang anak ni Lolo Sander".

"Anak ako sa labas. Yung tunay na anak ng lolo't lola mo, yun ang papa mo", rason ni Alexis.

"BAKIT", galit na tanong ni Kari. "Bakit kailangan niyo pa'ng itago sa'kin", dagdag pa ng binata na napatayo habang di napigilan ang paglabas ng emosyon. "Ma? Ano ba? Bakit kailangan niyo'ng ilihim sa'kin", tanong pa ni Kari sa ina.

"Wala kaming tinatago anak", sagot ni Leonora na umiiyak na.

"Buhay 'naman oh! Di naman ako galit sa inyo e. Tatanggapin ko po kayo ng bukal sa aking loob. Ama ko kayo e. Kahit ano'ng mangyari, ama ko ka'yo. Matagal ko'ng ninais na makumpleto ang pamilya'ng 'to, pero bakit kailangan niyo pa'ng itago? Hanggang kailan niyo ko gustong maghintay", maluha'ng sabi ni Kari sa ama.

"Anak, tama na. Umuwi na muna tayo", sabi pa ni Leonora na humahagulgol sa iyak.

Hindi na humarap si Alexis sa anak, nahihiya na siya'ng harapin 'to.

"Pa", tawag ni Kari.

"Patawarin mo 'ko. Patawarin niyo ko ng mama mo. Sana hindi na lang ako nagpakita", sabi ni Alexis.

"Bakit", tanong pa ni Kari.

"May pamilya na'ko sa Amerika", sagot ni Alexis sa anak.

Hindi nakapagsalita si Kari. Gumuho ang kanyang pangarap na mabubuo pa ang kanyang pamilya. Naramdaman niya ang bigat ng katotohanan'g hindi na sila pwede maging kumpleto. Bukod sa pagkawala ni Cherry, mawawala na rin sa buhay niya ang haligi ng tahanan. Napa-upo si Kari habang hindi maintindihan ang nararamdaman.

Akap-akap naman ang binata nina Leonora at Asra na umiiyak din.

At dumeritso na sa pag-alis si Alexis. Pumara ng taxi na pabalik sa kanyang hotel.

Na-videohan ni Tina ang eksena at iuupload niya sana sa youtube para ma ishare sa twitter pero napansin ito ni Jared.

"Burahin mo 'yan", saway ni Jared sa babae.

"Bakit"?

"Burahin mo 'yan o ikaw ang buburahin ko", tanong ni Jared kay Tina.

"Ito oh! Nabura na po", sagot ni Tina sabay alis papuntang kusina.

Habang patuloy pa rin ang malungkot na eksena sa mesang kina-uupuan nina Kari.

Sinuway rin nina Jared at Avery isa-isa ang mga customer na nakapagvideo sa nangyari sa loob ng restaurant.

"Respeto po! Tumigil po sa showbiz si Kari para magbalik bilang isang pribadong mamamayan. Sana idelete niyo po yung mga video'ng nakuha niyo. Makonsensya po kayo, kung may konsensya pa po kayo", saway ni Jared sa mga nagbabalak ipost sa social media ang kaganapan sa loob ng restaurant.

Habang pauwi ng hotel si Alexis ay dama'ng dama niya ang sakit na dinadama ngayon ng anak dahil sa pagkakilanlan niya bilang isang ama na hindi kayang gampanan ang pagiging ama sa anak.

Masakit sa kanya ang iwan ang anak na matagal ng nawalay sa kanya, ngunit hindi niya pwede'ng paasahin si Kari. Hindi'ng hindi na talaga mabubuo ang pamilya'ng pinapangarap ng anak.

Ilang oras ang lumipas, nagising na lang si Kari sa lungkot nang makatulog ito pagdating sa bahay na may brown tape. Nasa kwarto ito nina Asra at doo'y tinabihan siya ng fiancee.

"Ano'ng ginagawa mo rito", tanong ni Kari.

"Ayaw mo 'kong katabi", tanong naman ni Asra.

"Hindi naman sa ganun. Syempre, babae ka, lalaki ako. Alam mo na", paliwanag ng binata.

"Loko ka! Pero okay ka na", tanong pa ng dalaga.

"Wala na 'kong magagawa. May pamilya na si papa", sagot ni Kari sabay ngiti, "Pinangarap ko talaga nun na makasama si mama, si papa, si ate. Nung nawala si ate, mas ninais ko'ng mapadali ang pagbuo sa aking pamilya, dahil nakita ko, life is short. At habang maaga, take the chance. Take the opportunity if there is. Pero ang saklap ng pagkakataon'g yun. The opportuniy that I want to take was already sold", dagdag pa ni Kari.

"No, Kari. It wasn't sold. The opportunity that you want to take is still there. You can't own it, but seize it. Gawin mo'ng masaya ang mga sandali'ng yun. Kahit sandali lang, make it memorable", sabi ni Asra sa binata.

At nang marinig ng binata ang mga salita'ng sinabi ni Asra sa kanya ay biglang lumiwanag ang kanyang pag-iisip. Tama si Asra, may pagkakataon siya'ng hindi dapat sayangin. Yun ang pagkakataon na sa kahit sandali ay mabigyan ng makulay na ala-ala ang minsan'g pagkikita nila ng ama.

Hinawakan ni Kari ang kamay ng kanyang fiancee sabay sabi, "hindi ako nagkamali na ipaglaban ka. Marami'ng salamat at andiyan ka".

"Kari, ano ba? Responsibilidad kita. Responsibilidad na mahalin, alagaan, at gawin'g laging masaya. Asahan mo, andito lang ako", sabi naman ng fiancee sa binata.

Binigyan ni Kari ng isang halik si Asra, isang halik ng galak.

Pagkaraan ng isang oras, naghintay si Kari sa isang mall matapos makontak ang ama kanina sa bahay na may brown tape.

Ilang minuto pa'y nakatanggap ng isang tawag si Kari sa ama.

"Hello, anak"?

"Pa"?

"Asan ka"?

"Nasa Portia Cafe pa, sa third floor kaharap ng McDonalds", sagot ni Kari.

"Sige, paakyat na 'ko", at ibinaba na ang telepono.

Tinawag ni Kari ang waiter para bigyan siya ng dalawang mainit na tsokolate. Hawak-hawak ni Kari ang isang card na may sulat niya. Kinakabahan siya sa kung ano ang mga mangyayari sa pagkikita nila ng ama'ng matagal na nawalay sa kanila.

Tumayo muna si Kari at pumasok ng banyo. Umihi, naghugas ng kamay, at nag-ayos sa salamin.

Matapos nito ay bumalik na siya at dun ay nakita niya ang ama'ng papasok na ng cafe. Bumilis ang tibok ng kanyang dibdib, kabado'ng kabado siya sa paghaharap nila'ng muli.

Lumapit si Kari sa kanyang mesa sabay anyaya sa ama na umupo.

Sa pag-upo nila'y nabigla si Alexis ng magmano sa kanya si Kari.

"Pasensya na ho. 'Yan po talaga ang gusto ko'ng unang gawin pag nakita ko ho ang ama ko. Sorry kung hindi ko 'to nagawa nung una nating pagkikita", sabi ni Kari.

Napangiti na lang si Alexis.

At dumating na ang waiter dala ang dalawang maiinit na tsokolate.

Tinanggap nina Alexis at Kari ang mga maiinit na tsokolate na isinerve ng waiter.

"Mainit na tsokolate po. Uminom po tayo", sabi ni Kari at inihipan ang tasa sabay higop, ganun rin si Alexis. Matapos makahigop ay nagsalita ulit si Kari, "sabi ni lolo, naiinggit ka raw pag umiinom siya ng kape. Gusto mo ring uminom ng black water, yun ang pagkakilala mo sa kape", at napatawa si Alexis ganun rin si Kari, "tapos ang ginawa ni lolo, nagpabili siya ng tsokolate at itinimpla ni Nanay Lucita. Ayun kapag nagkakape si lolo, umiinom ka rin ng mainit na tsokolate", dagdag pa ni Kari na nagpatawa ulit sa kanilang dalawa.

"Anak, parang kilala'ng kilala mo na ako", sabi naman ni Alexis.

Napangiti naman si Kari.

"Parang kilalang kilala mo na ako na pati mga bagay na nangyari sa akin nung bata pa 'ko memorize mo. Kaya sana makilala rin kita, at sana ikwento mo lahat mula nung pagkabata mo. Para fair", sabi pa ng ama.

"Oo naman po, bakit po hindi", sabay ngiti ni Kari. Napangiti rin si Alexis at tumahimik ng saglit.

"Anak, patawarin mo 'ko sa...", naputol na salita ni Alexis ng magsalita si Kari.

"Ako rin po. Patawarin niyo po ko kung may nasabi man akong hindi maganda kanina", paumanhin ni Kari.

"Mas malaki ang kasalanan ko sa'yo. Iniwan na kita nun, maiiwanan pa kita ulit ngayon".

"Okay lang pa, ngayo'y naiintindihan ko na at tanggap ko na 'to agad. May mga bagay talaga na kahit ipilit mo, hindi talaga pwede. Pero kung may kaunti ka'ng pagkakataon, imbes na ipagpilitan'g humaba ang kaunting pagkakataon na 'yun, bakit hindi nalang ito sulitin, diba po", sabi ni Kari sa ama.

"Tama ka, anak. Ahm... Matanda na ata ako. Gusto kong makasama ka at makabawi. Napag-isip-isip ko, at napagdesisyunan ko ngayon lang, dalhin kaya kita ng Amerika. Para makilala mo naman mga kapatid mo dun", alok ni Alexis sa binata'ng anak.

"Wag na pa. Ayaw ko rin ho naman'g iwan sina mama at Asra", sabi pa ni Kari.

"Asra? Yun ba yung babaeng kasama ng mama mo kanina"?

"Opo, pa".

"Yung napapabalita sa TV nun dahil sa'yo"?

"Haha! Opo pa".

"Maswerte siya, siya ang pinili mo", sabi pa ni Alexis. "O' sige, rerespetuhin ko ang desisyon mo'ng hindi sumama. Pero sa susunod bibisitahin nalang namin kayo ng pamilya ko rito", dagdag pa niya.

"Sure po. Asahan ko po 'yan pa".

"Anak, masaya ako na pinalaki ka ng lolo mo ng mabuti", sabi ni Alexis sabay tingin kay Kari. "Ang tagal ko'ng ipinaglaban ang mama mo. Pero ayaw talaga ng lolo mo kay Leonora. Kesyo mahirap daw, nangangarap lang daw yung mama mong makapag-asawa ng isang katulad namin'g may kaya sa buhay. Nang isilang ng mama mo ang ate mo, laking tuwa ko dahil buong akala ko matatanggap na ng lolo mo ang mama mo na maging kabiyak ko. Pero mali ako. Kinuha ng lolo mo ang ate mo at inilayo kami sa mama mo. Nang makabalik ako rito, malaki na ate mo nun. Nagkita kami ulit ng mama mo. Sabik na sabik kami sa isa't isa nun kaya nung magkita kami'ng muli nagbunga ito ng isang batang lalaki, at ikaw 'yun. Nang malaman ng lolo mo na buntis ulit si Leonora at ako ang ama. Inilayo niya 'ko. Naiwan sa kanya ang ate mo. Yung mama mo kinupkop ng lolo mo hanggang sa ma-isilang ka. Pagkatapos na ma-isilang ka, kinuha ka ng lolo mo't inilayo si Leonora sa inyo. Tanging si nanay Lucita lang ang tagapagbalita sa mga nangyayari nun, hanggang sa wala na, wala na talaga akong narinig na balita. Nasa Amerika na'ko nun, sapat lang ang pera ko, ayaw akong padalhan ng lolo mo ng malaking halaga dahil sa takot na baka umuwi ulit ako ng Pilipinas at makipagkita na naman kay Leonora. Naging food server ako dun sa isang cafeteria. Nag-ipon para maka-uwi, pero mahirap ang buhay sa 'tate. Nagkasakit kasi ako nun, hindi ko sinabi kay papa dahil galit na galit ako sa kanya nun. Kinalimutan ko na ang lahat. Hanggang sa nakapag-asawa na'ko, nagka-anak kami, guminhawa ng kaunti ang buhay ko. Isang araw binuksan ko yung TV, nakita kita. Nabasa ko rin bio mo sa wiki. Dun ko nalaman, wala na pala ang lolo mo. Nung nagdecide ka na magtayo ng negosyo, hinintay kong malaman ang pangalan ng negosyo mo. Nang malaman ko ay agad na niresearch ko ang website mo. Dun ko nahanap contact number mo", kwento ni Alexis sa anak at pinahiran ang maluha-luha'ng mga mata.

"Pa, naiintindihan ko po kayo. Alam ko naman'g mahal niyo po kami. Kami ni ate, kami ni mama. Pero naiintindihan ko po na may pamilya ka ng iba. Mas kailangan ka nila. Ako, kaya ko na po ang sarili ko. Huwag ka rin'g mag-alala tungkol kay mama. Aalagaan ko po siya ng mabuti. Hinihiling ko lang, sana, ingatan mo po ang sarili ninyo. Kailangan ka ng mga anak mo. Kailangan ka ng asawa mo", sabi ni Kari na may ngiti sa kanyang mga labi.

Agad na inakbayan ni Alexis ang anak, "anak, pwede ba kita'ng mayakap"?

"Ako dapat ang magtatanong niyan e", at tumulo ang mga luha ni Kari, "mahal na mahal kita pa", sabay yakap sa ama.

"Ako rin, anak", sabay yakap kay Kari.

Dama'ng-dama ng paligid ang masayang pagkikita ng mag-ama. Ang unang masakit na tagpuan ay natabunan na ng pagmamahalan, pagpapatawad, pagtanggap ng bukal sa damdamin, at kapayaan nang pangalawa nilang pagtatagpo.

(Dedicated to all broken families: mahirap man'g tanggapin na may mga bagay talaga na sadyang di natin kayang buuin. Masakit man ay dapat natin'g tiisin. Kung hindi talaga kaya, bakit pa natin pipilitin? Subukan nalang kaya nating intindihin at unawain at baka dun mo makikita na kaya pala nating ibahin ang lungkot ng tuwa at saya sa damdamin. Mas piliin sana natin ang lumigaya kesa malugmok sa kalungkutan. Hiwalay man ang mga magulang o iniwan ka man ng kay tagal, wag mo'ng ipagdadamot ang pagmamahal, lalo na't wala po'ng bayad 'yan.)

Continuă lectura

O să-ți placă și

8.9K 335 48
ito ay story about powers. matutunghayan nyo dito ang pagpapahalaga sa responsibilidad na naka-atang sa bawat isa sa atin. si Mary Angel Smith o si M...
2.7M 170K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.8M 27.6K 36
Katropa Series Book 4 [Completed] Language: Filipino [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel G...