The First Kiss of My Last Lov...

By keulisyel

1.7K 144 3

Love is the singular quest we undertake. The exhilaration of a first love, the intimacy of a first kiss, the... More

Author's Note
New Book!
Panimula
Kabanata 1: Craigan
Kabanata 2: Eskuwelahan
Kabanata 3: Sorry
Kabanata 4: Burger
Kabanata 5: Library
Kabanata 6: Susi
Kabanata 7: Year
Kabanata 8: Offer
Kabanata 9: Game
Kabanata 10: Something
Kabanata 11: Topic
Kabanata 12: Silbi
Kabanata 13: Take
Kabanata 14: Magbasa
Kabanata 15: Aria
Kabanata 16: Lakas
Kabanata 17: Group
Kabanata 18: Did
Kabanata 19: Stand
Kabanata 20: Gas
Kabanata 21: Puyat
Kabanata 22: Pills
Kabanata 23: Timbre
Kabanata 24: Silver
Kabanata 25: Later
Kabanata 26: Tattoo
Kabanata 27: Humagulgol
Kabanata 28: Kawalan
Kabanata 29: Desisyon
Kabanata 30: String
Kabanata 31: Mariin
Kabanata 32: Aso
Kabanata 33: I Miss You
Kabanata 34: Lasing
Kabanata 35: Labi
Kabanata 36: Linawin Mo
Kabanata 37: Pay
Kabanata 38: Thought
Kabanata 39: Carpet
Kabanata 40: Ideya
Kabanata 41: Only
Kabanata 42: Susundan
Kabanata 43: Umiwas
Kabanata 44: Check In
Kabanata 45: Hotter
Kabanata 46: I Wanted
Kabanata 47: Malaman
Kabanata 48: Focus
Kabanata 49: Luha
Kabanata 50: Last Breath
Kabanata 51: Exist
Kabanata 52: Lost
Kabanata 53: Nagtangka
Kabanata 54: Expecting
Kabanata 55: Lust
Kabanata 56: Often
Kabanata 57: Mahalaga
Kabanata 58: Depressed
Kabanata 59: Iwas
Kabanata 60: Nightmare
Kabanata 61: Hindi Na
Kabanata 63: Gown
Kabanata 64: Diamonds
Kabanata 65: Noon at Ngayon
Wakas

Kabanata 62: Sinungaling

13 2 0
By keulisyel



Kabanata 62

Sinungaling

"Leanna?" Tawag ni mama sa may tapat nang pinto. Marahas ko lamang yung sinara hindi na-lock.

Bumuga ako nang hininga at nawala ang pagkatahimik nang aking isipan.

"Ma please! Kung paguusapan natin tungkol kay Craigan . . . please wag ngayon . . . o mas mabuting kalimutan niyo ang pangalan na yon please!"

Kumatok si mama sabay tulak sa pinto. Hindi ko siya sinulyapan. "Anak hindi. I know you broke up with your boyfriend. Your dad . . . didn't mean to offend him—"

"You judge him." Sabi ko.

"I know. I know. Alam kong nasa tamang edad ka na para magkagusto. Embes pagaanin namin ang loob mo, mas pinili namin sisihin ka. I'm sorry."

"You didn't blame me! Si Craigan 'ho ang sinisisi niyo."

"Emerson look what you did. Galit siya sa atin. Kausapin mo siya. Inuuna mo ang galit mo, akala mo tama ang nahuhula mong mangyayare."

"Okay! It's my fault! Dahil ayaw ko siyang makitang nasasaktan! Ayaw kong makitang nasasaktan kayo." narinig ko ang pagdabog na hakbang sa hagdan at pagsara nang pinto ni mama.

Pati sina mama ay nagaway narin. Hindi ko na alam kung ano gagawin ko. Bakit ako naiinsulto sa sinasabi nila tungkol kay Craigan? Bakit ko siya pinaglaban kung sumuko naman siya na mahalin na ako. Harapan at klaro niyang sinabi yon sakin na talagang papasok sa utak ko.

Dapat pumasok nalang ako kaysa makita sila nagaaway nang dahil sakin. Magpalit ako ng damit at kinuha ang shoulder bag. Nag desisyon na dalawin si Lola sa bagong tirahan nina Natalia. Basag pala ang cellphone ko kaya hindi ko mapapaalam na pupunta ako sa kanila.

"Ms Leanna saan kayo pupunta?" harang ng bodyguard sakin.

"Dadalawin ko si Lola at ang pinsan ko. Hindi ako pupunta mag-isa, magpapahatid ako sa inyo." tumango siya at pinasakay sa sasakyan.

Bumaba ako ng sasakyan. Nakitang bukas ang pinto. May gate na harang bago tuluyang makapasok. Nagdoorbell ako na nasa gilid lang. Lumabas si Natalia at nagmadaling pinagbuksan ako ng gate. Niyakap niya ako kaagad. Bago na ang tirahan nila, at sila rin nagaalaga ngayon kay Lola.

"Biglaan naman ang punta mo? Hindi ka man lang tumawag."

"Nasira kasi cellphone ko. Hindi na ako nakapagpaalam." Di-diretso na siya sa trabaho dahil nakasuot na niya ng uniforme.

"Papasok na ako sa trabaho. Kung alam ko lang sana hindi na ako nagaayos."

"Bakit naman? Ayos lang naman sakin, kailangan mo magtrabaho."

"Nandito kasi si mama. Baka hindi kayo magkasunduan sa loob. Wala ako dito."

"Wala mangyayare. Ako bahala. Titiisin ko, sadya ko talaga dito ikaw at si Lola." sabi ko.

Tumango siya. "Papasok na ako. Bye."

Tinanggal ko yung suot na sapatos bago humakbang papasok sa loob. Nakaupo si Lola sa wheelchair, naririnig ko sa paligid ang mga lumang kanta. Kaharap niya yon, pinapakinggan.

"Lola!" Mahina kong sabi at lumuhod sa harap. Hinawakan ko ang kanyang kamay, hindi bumaba ang tingin niya at sa radyo parin nakatingin. Hininaan ko nang kaunti ang kanta at hinarap siya. Kumunot ang noo niya dahil sa ginawa ko.

"Lola! Si Leanna 'to! Yung apo niyo na iniisip noon na maging model." nakangiti kong sabi.

"Leanna? Model? Ano yon?"

Nanghina ang tibok ng puso ko. "Yung tinuturing niyong anak noon, La?"

"Wala akong anak. Di kita kilala." sabi ni Lola at pilit inaabot ang radyo para ibalik ang lakas. Inabot ko sa kanya at pinalakasan.

"Lola—"

"Hindi ka nga niya kilala. Wag ka mapilit. Kung parati mo lang sana siya dinadalaw noon. Siguro ngayon magugulat siya kung bakit ka nandito." sambit ni tita Nira. Nilunok ko ang nagbabantang salita sa aking sikmura at hindi pinansin. Na walang narinig dahil kaharap ko yung radyo.

"Kumain na 'ho kayo Lola?" tanong ko at tumayo.

Ngumiti si Lola at umiling. "Ano sa tingin mo sa amin? Hindi namin kaya magpakain at pinapagutom siya? Porket ba marami ka na makain sainyo?" sigaw ni tita Nira.

Tumikhim ako. "Ano 'ho ang gusto niyo kainin?"

"Uhm—" naputol si Lola nang sumagot si tita Nira. "Ano na nga ba ang kaya mo ipakain, Leanna? Ngayon may pera ka na? Pera na siguro—"

"Tita." bumaling ako sa kanya. "Kung iniisip niyo dahil sa pera naging marahas na ang ugali ko, mali ka. Kahit kelan, hindi ako nauutusan ng isang bagay na porket nakuha ko ay kailangan pati ang sarili ay palitan. Naging marahas ang pananalita ko sa inyo dahil nakuha ko sa bibig niyo. Dinadalaw ko 'ho si Lolo rito, masama ba magtanong? At bakit binabaliktad mo ang mga sinasabi ko?"

Humakbang siya palapit sakin, hindi ako umatras. "Sa akin mo ngayon sinusumbat ang nakuha mong ugali? Siguro nakuha mo sa mga lalaki mo yan!"

"Wala 'ho ako dapat ituro kundi kayo. Dahil yung lalaking tinutukoy niyo, imposibleng pagsalitaan ako nang ganyan. Pero dahil may nagawa ako, nagawa niya ako masaktan. Pero tita . . . wala naman ako nagawang masama sainyo ha? Ako sana nagiging masama ang trato sainyo ngayon—"

Lumipad ang palad ni tita Nira sa pisnge ko. Ramdam ko ang pagkulo nang init roon. Umawang ang aking labi.

"Apo?" nagulat na sabi ni Lola.

"Yang bunganga mo wala nang magandang lumalabas!" sigaw niya.

"Kung gusto niyong may lumabas na magandang sagot, unahan niyo nang magandang asal."

Hinawakan ko ang aking pisnge. Tumulo ang luha ko dahil sa kirot.

Itinaas ni tita Nira muli ang kanyang palad. Pumikit ako nang mariin. Naramdaman ko ang malakas na paghila sa aking braso at pagkarinig nang sampal. Dumilat ako at umungat ng tingin. Nalaglag ang aking panga nang nakapikit si Craigan.

Bumuntong hininga si Craigan. "Stop hurting her. Please stop hurting, Leanna. Don't slapped her like this again. Don't ever do this again please! Please!" unting unti siya dumilat at sumulyap sakin.

"Hindi ko sinasadya hijo, hindi ko talaga sinasadya pasensya." natatarantang sabi ni tita.

"Uuwi na ako. May kailangan pa akong gawin." sabi ko at hinawi ang kamay ni Craigan sa aking braso. Nagmadali akong lumabas ng bahay. Bukas ang gate at nakita sa dulo ang nakapark na kotse, pumasok kaagad ako doon.

Napapikit ako. Pakiramdam ko ngayon lang muli tumibok ang aking puso. Huminga ako nang malalim. Kumikirot parin ang aking pisnge. Bakit alam ni Craigan ang bahay na yon, ano sadya niya don, dinadalaw niya ba si Lola?

Hindi nga tama na pumunta ako doon na wala si Natalia. Kahit anong pigil ko na hindi sumagot kay tita. Hindi ko magawa, dahil napupuno na ako sa mga salita niya na parang may nagawa akong sobrang mali at hanggang ngayon hindi parin ako mapatawad.

"Anak, Leanna, bakit namumula ang mukha mo?" tanong ni mama pagpasok nang bahay.

"Mainit 'ho kasi sa labas, ganito talaga ako kapag mainit."

"Saan ka galing?" taas kilay na tanong ni mama.

"Kinausap si Natalia saglit. At tiningan 'ho ang kalagayan ni Lola."

Tumango si mama. "Anong nangyare sa cellphone mo? Dahil nakita ko kanina ay basag."

"Nabagsak ko pagkatapos ko marinig yung balita kay Natalia. Hindi ko 'ho napaayos."

"Naiintindihan ko. Bibigyan nalang kita ng bago. Magpahinga ka na."

Ngumiti ako at umakyat sa taas. Bumagsak ako sa kama at nilaya ang braso. Hindi ko na iniisip ang ginawa ni tita Nira, iniinda ko lamang ang kirot sa aking pisnge. Si Craigan natamaan nang sampal at nakiusap kay tita na wag ulit gawin yon sakin. Bakit niya sinalo ang sampal? Diba dapat hayaan niya ako masaktan dahil doble ang pananakit ko sa kanya, kulang pa nga ang isang sampal sa pagsisinungaling ko.

"Leanna?"

"Ma!" umupo kaagad ako sa kama, may dala siyang cellphone at nilapag sa gilid ko. "Nilipat ko na ang sim sa bagong cellphone. Para alam ko kung nasaan ka parati."

"Salamat." sabi ko sabay kuha, pinagmasdan.

"Its september 19 today. Natatandaan mo ba kung kailan ang birthday mo?" tanong ni mama, bumaling ako sa kanya at nakikita sa kanyang ekspresyon na alam niya.

"Uhm september twen—twenty-three, ma." Napakurap ako. Halos hindi na makilala ang araw at buwan. Hindi ko na namalayan yon. Ngunit nabigo ako nang hindi magiging kompleto ang araw na yon.

"Tatlong araw nalang." ngumiti si mama. "Nag debut ka ba nung eighteenth birthday?"

Umiling ako. "Simpleng handaan lang kapag dumarating kaarawan ko, minsan ordinaryong araw lamang."

"Pwede bang humiling? Bawasan ko nang isang taon, at gawing eighteenth birthday mo ngayon. Dahil pakiramdam ko, napakatagal ng panahon. Gusto ko maramdaman sa araw na yon ay nandoon ako. Kahit isa o dalawa taon lang bawasan, anak ayos lang?"

Napaawang ang aking labi. Tumango ako. "Ma, ikaw 'ho ang bahala. Kung saan kayo mas komportable. Wala 'hong problema sakin. Pumapayag ako na paghandaan ang aking eighteenth birthday."

"Rina she is nineteen." singit ni papa na nakikinig pala sa amin kanina pa.

Bigla kong naalala si Craigan, ang kaarawan niya. March seventeen ang kaarawan niya. Totoo ba ang araw na yon, o kasinungalingan? Bakit ako biglang nagkaroon nang interesadong malaman yon?

"Emerson I know! Magiging twenty na siya soon!"

"Bakit hindi nalang natin ihanda ang pagdating nang twenty years old niya?"

"Emerson ano ba? Ako naman bahala sa lahat. Gusto ko eighteenth birthday ang ihahanda ko sa kanya. Bahala ka gumawa ulit nang sarili mong party at gawing twentieth birthday!"

"Ma, pa, wag na kayo magtalo. Pa, ayos lang yung hiling ni mama, naiintindihan ko at gusto ko rin. Kasi pakiramdam ko parang ang bilis ko tumanda."

"Fine! Then, 19 roses for debut." ani ni papa.

"Okay 19. Not twenty roses." sabi ni mama na naiirita na kay papa.

"Mag hahanda tayo para sa eighteenth birthday ko, at nineteen roses for debut dahil iyon ang edad ko ngayon. Sa susunod kong kaarawan ang hahanda ang pagdating ko ng twenty-one years old, okay?"

"No problem." ani ni mama. "Kailangan mo na maghanap ng gown para sa debut. Aalis tayo ngayon."

Tumigil ang sasakyan sa Nirvana Design & Gowns, pagkababa bumungad sa akin ang mga puting gown nakadisplay parang mga wedding gown halos lahat. Pumasok kami ni mama sa loob. Pasulyap sulyap at nagagandahan sa mga iba't ibang design ng gown.

"Mrs. Ortega?" tanong ng assistant na babae kay mama.

"Ako nga." ani ni mama. "Gown sa debut."

"Para 'ho sayo?"

"Sa anak ko . . . Leanna." tumigil ako sa pagmasdan nang mga gown at lumapit roon.

"Okay 'ho sandali... Mrs. Nirvana."

"I told you to call me Heloise!" sigaw pabalik at naglakad palapit sa amin.

Nanlaki ang aking mata. "Heloise?"

"Leanna?" Yumuko siya sa hawak niyang papel. "Oh! Hindi ko man lang nalaman kaagad na ikaw pala kasi Mrs. Ortega lang nakalagay. Halika!"

"Titingin lang muna ako nang gowns dito." sabi ni mama at hinila na ako ni Heloise.

"Ang sabi rito para sa eighteenth birthday mo. Natatandaan ko ay nineteen years old ka na, hindi ba dapat ang hinahahanda mo ang pagdating ng twenty years old. Gusto ko lang malinawan dahil ako magaayos ng event. So, ang point rito ay eighteenth birthday debut or twenty? Ilang taon ka ba talaga?"

"Gusto ni mama maranasan niya ang debut ko, dahil matagal ko siya ulit bago nakasama. Ayaw niya muna ihanda ang tunay kong edad dahil pakiramdam niya, napakatagal at nagkulang siya. Pumayag ako sa gusto ni mama, para isipin ko na sandaling taon lamang kami nagkalayo."

"Oh thank you sa pagliliwanag. Eighteenth birthday ang handaan, then, eighteenth roses—"

"Ang sabi ni papa nineteenth roses daw."

"Let me check it again. Eighteenth birthday debut. Nineteen roses. Then, how about candles. I mean, nineteen candles?"

Tumango ako. "Ganon nga."

"Noted. Favorite color, shapes or something? I'm your gown designer!"

"Designer ka?" nagulat kong tanong.

"Yes! Hindi ka siguro bumibili nang mga magazine. So tell me your favorite. I need them for my idea."

"Sky blue uhm violet? Diamond shape."

"How about, violet sa taas then sa ibaba skyblue?"

"Pwede rin."

"Gagawin ko mamaya yung design. Then, ibigay mo sa akin yung number mo para ipakita kung ayos na ba sayo yon."

"Okay—"

"Heloise!" napalingon ako sa tumawag kay Heloise.

"Freidkin leave. I'm busy. Leave me alone!" iritadong sabi ni Heloise.

"Hi Leanna! Are you here for, what?"

"Uhm.. ayaw ko kasi marami makaalam." hindi sigurado kong sabi.

Suminghap si Freidkin. "My iniiwasan ka ba? Natatakot ka malaman niya?"

Napalunok ako. Dahil alam ko isa siya sa mga malapit na kaibigan ni Craigan.

"Wala akong iniiwasan. Hindi mo maiintindihan." tangi kong nasabi.

"Freidkin just go home! Or else..." ani ni Heloise.

"Okay! Okay! I will go now." bumama muna ang tingin si Freidkin sa papel na hawak ni Heloise ngunit kinuha ni Heloise at hindi na niya klaro nakikita yon.

Bumuntong hininga na lamang si Freidkin, bigong tumalikod dahil sa pagtaboy sa kanya ni Heloise.

"Wag ka mag isip kung ano, Leanna. Wala lang yon." sabi ni Heloise umiiwas ng tingin sakin.

"Wala akong iniisip tungkol sainyo ha. Iniisip ko lang yung pwede ideas sa gown."

"Ugh whatever!"

"Are you done?" tanong ni mama.

"Tapos na 'ho. Bakit nandoon kayo dapat—"

"Gusto ko sarili mong ideya. Okay? Umuwi na tayo pagkatapos. May kailangan pa akong ayusin."

Umupo ako sa kama pagdating. Kinakabahang pumasok dahil malalagot ako kay Ms. Lacerda dahil ilang beses na ako nag ca-cut nang klase at hindi pumapasok.

"Leanna?" katok ni papa. Umupo siya sa upuan, katabi ng desk.

"Pa. Akala ko kasabay niyo 'ho si mama umalis?"

"Hindi yon ang pinunta ko rito. Umalis ka kanina diba, pumunta ka sa bahay ng tita mo. Ano ginagawa mo don?"

"Dinalaw ko 'ho si Lola, iyon lang pa."

"May ginawa ba sayo si Nira?" tanong ni papa at tumaas ang kilay.

"Si—si tita?" napakagat ako sa aking labi. "Wala 'ho. Magkaayos kami ni tita."

"Mali pala ang narinig ko na sinaktan ka niya, na pinagbuhatan ng kamay?"

Napaawang ang aking labi. Hindi ko maintindihan kung saan nakuha ni papa ang tungkol don. Dahil wala naman ako pinagsabihan ng nangyare kahit kay Natalia.

"Saan niyo 'ho narinig yon—"

"Hindi yon ang punto ko rito. Alam kong iniiwasan mo lang kami magkagulo. Pero hindi tama na tinatago mo sa amin. Hinahayaan ko masaktan ang anak ko sa kamay nang iba? Walang ideya ang mama mo dito, dahil kapag nalaman niya to hindi niya lalagpasan."

"Pa, kasalanan ko. Sumagot ako kay tita, may ginawa akong mali kaya niya ako nasaktan. Kasalanan ko. Sorry."

"Galit ako sa sinungaling."

"Kasalanan ko 'ho talaga. I'm sorry."

Nang umalis na si papa at doon ako nakahinga nang maayos.

Continue Reading

You'll Also Like

27.1M 449K 43
Shiela tried her best to be civil with Magnus, her one-night stand--after all, they have twins to take care of. But when circumstances bring them tog...
253K 14.1K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
3.7K 217 12
How can love change everything within a glimpse of an eye? A person with pure divinity had turn into a ruthless human being. A person who was once an...
358K 5.4K 23
Dice and Madisson