The First Kiss of My Last Lov...

By keulisyel

1.7K 144 3

Love is the singular quest we undertake. The exhilaration of a first love, the intimacy of a first kiss, the... More

Author's Note
New Book!
Panimula
Kabanata 1: Craigan
Kabanata 2: Eskuwelahan
Kabanata 3: Sorry
Kabanata 4: Burger
Kabanata 5: Library
Kabanata 6: Susi
Kabanata 7: Year
Kabanata 8: Offer
Kabanata 9: Game
Kabanata 10: Something
Kabanata 11: Topic
Kabanata 12: Silbi
Kabanata 13: Take
Kabanata 14: Magbasa
Kabanata 15: Aria
Kabanata 16: Lakas
Kabanata 17: Group
Kabanata 18: Did
Kabanata 19: Stand
Kabanata 20: Gas
Kabanata 21: Puyat
Kabanata 22: Pills
Kabanata 23: Timbre
Kabanata 24: Silver
Kabanata 25: Later
Kabanata 26: Tattoo
Kabanata 27: Humagulgol
Kabanata 28: Kawalan
Kabanata 29: Desisyon
Kabanata 30: String
Kabanata 31: Mariin
Kabanata 32: Aso
Kabanata 33: I Miss You
Kabanata 34: Lasing
Kabanata 35: Labi
Kabanata 36: Linawin Mo
Kabanata 37: Pay
Kabanata 38: Thought
Kabanata 39: Carpet
Kabanata 40: Ideya
Kabanata 41: Only
Kabanata 42: Susundan
Kabanata 43: Umiwas
Kabanata 44: Check In
Kabanata 45: Hotter
Kabanata 46: I Wanted
Kabanata 47: Malaman
Kabanata 48: Focus
Kabanata 49: Luha
Kabanata 50: Last Breath
Kabanata 51: Exist
Kabanata 52: Lost
Kabanata 53: Nagtangka
Kabanata 55: Lust
Kabanata 56: Often
Kabanata 57: Mahalaga
Kabanata 58: Depressed
Kabanata 59: Iwas
Kabanata 60: Nightmare
Kabanata 61: Hindi Na
Kabanata 62: Sinungaling
Kabanata 63: Gown
Kabanata 64: Diamonds
Kabanata 65: Noon at Ngayon
Wakas

Kabanata 54: Expecting

15 2 0
By keulisyel






Kabanata 54

Expecting

Pinagmamasdan ko ang aking mga gamit na nilapag sa aking kama. Tinititigan iyon.

"Sweetie no. Please no." Napalingon ako at nakita si Ms. Rina umiiling palapit sakin. Umupo siya sa kama. Kinuha ang bagahe kong nakapag. Binalewala ko iyon at ang tunuon nang pansin ang aking luha na natira sa mukha.

"Hindi po ako aalis. Inaantay ko lang ang permiso ninyo." Pabulong kong sabi, di makatingin sa kanya.

"Di ako papayag. Hindi ka aalis. Anak, hindi ka namin iniiwasan."

"Patawarin niyo ako sa mga nasabi ko." Mas yumuko lalo para di makita kahit anong parte nang kanyang katawan.

"Bakit pakiramdam ko mas lalo akong nagiisa? Tuwing hindi ko kayo nahuhuli. Natatawa nga ako minsan sa sarili ko, e. Kahit sarili ko, di ko maintindihan. Kapag gusto ko lumayo yung tao, nasusunod. Kapag gusto ko bumalik, hindi ganon kadali. Parang may mali, hindi, may mali talaga sakin."

"Kami ang may kasalanan dahil lumalayo kami sayo kung san ang kailangan mo nang kasama-"

"Hindi 'ho. Kasalanan ko. Dahil hindi ko binigyan nang halaga ang ginagawa niyo. Hindi ko kayo binigyan ng halaga. Hindi ako karapat-dapat halagahan."

"Anak, hindi. Hindi." Hinawakan niya ang aking palad, hinaplos niyo iyon. Parang may kumurot sakin para maiyak muli. "Mahalaga ka samin. Importante ka. Gusto ko mabigyan ka nang magandang buhay. Pa-para hindi ka magsisi na kami ang mga magulang mo na walang ginawa para sa anak. Gusto ko matuwa ka, na tanggapin kami."

"I'm sorry. I'm sorry, ma. Hindi ko kayo tinanggap. Sorry." Hindi ko na napigilan ang luha kong unting unti bumabagsak. Nahihirapan ako maghabol nang hininga dahil nakayuko ako. Natatakot ako makita ang kanilang ekspresyon.

"Emerson . . ." Tawag niya. Narinig ko ang yapak niya patungo sakin. Pumalit siya sa inuupuan ni Mrs. Ortega.

"Sweetheart?" Hinawakan niya ang aking buhok, kung saan ko tinatago ang aking mukha. Hinaplos niya iyon at naramdaman kong nilipat niya sa aking likod. "Look at me." Marahan akong umangat nang tingin.

"I'm sorry, pa." Hikbi ko.

"No. I'm sorry. Ako ang nagdesisyon na iwasan ka. Masakit sa akin dahil iniiwasan ko ang anak kong di ko kasama nang ilang taon. Umiwas kami dahil sinisisi namin ang aming sarili, dahil sa amin kaya mo 'to ginawa. Tinangka mong tapusin ang buhay mo dahil sa amin. Kung di ka lang namin iniwasan. Sana di mo to nagawa."

"Dahil sakin, sinisisi niyo ang sarili niyo. Nagsisisi ako dahil nasaktan ko kayo. I'm sorry." Yumuko muli ako.

"Sweetheart don't feel bad! We are fine, if you're fine." Tumango ako. Tumayo si Mr. Ortega at niyakap ako. Niyakap ako nang tatay ko. Napapikit ako. Pinulupot niya ang kanyang braso sakin. Tumulo muli ang luha ko at nakita ko si Mrs. Ortega, ang mama kong ngumingiti sa akin. Yumakap rin siya sa amin. "I miss you crying in my arms when you're still a baby."

Parang lahat nag bara sa puso ko ay unting unti nawala. Nawala ang bigat, parang natapon na iyon. Nawala ang pagkabigo at tuluyang nakahinga nang maayos. Hindi na ako iiyak. Ito na yung huling luhang papatak simula ngayon. Kakalimutan ko ang lahat, ang tanging aalalahin ko yung mga taong mahal ko at patuloy ako minamahal.

Nakatulog ako na walang bigat sa aking puso. Dala parin ang ngiti at saya kasabay ang pagpikit nang aking mata. Napadilat lang ako ng may nagkatok sa aking pintuan. Humarap lamang ako sa pwesto nang pinto para makita iyon.

Napadilat at nakita si Mama pagkahila ng pinto kaya umupo kahit bumabagsak na ang aking mata.

"Leanna . . . Naistorbo ba kita?"

Umiling kaagad ako. "Matutulog pa lang po, ma." Ngiti ko.

"Pwede ko bang mahalikan ang anak ko bago matulog?"

Tumango ako. Lumapit siya sa akin at naramdaman ko ang malamig na labi niya sa aking noo. Nakasuot siya nang office attire, kagagaling niya lang ng trabaho.

"Si papa po?"

"Work. Gusto mo na bang pauwiin ko na?"

Umiling ako.

"Okay. Gusto ka makausap ng papa mo bukas. Matulog ka na. Good night."

"Good night ma."

Nakatulog ako at hindi na inantay na dumating si papa. Hindi naman kami siguro ngayong gabi maguusap. Pagkabangon ay kaagad tunuon nang pansin ang pagaayos ng mga gamit. Dahil dito na ako titira.

"Sweetie where are you going?" Tanong ni Mama nang nahuli ako ang aayos. Natatakot siguro sila na lumayas ako.

"Ma, inaayos ko lang po ang mga gamit ko dahil dito na ako titira."

"Oh." Huminga siya nang malalim para makakalma. "Tulungan kita."

"Sige po." Tango ko. Tunutupi ko ang mga damit para diretso na sa kabinet. Yung mga hindi maayos ay kinuha niya para tupiin rin. Tutulungan sana ako nang kasambahay ngunit tinanggihan ko. Dahil wala naman ako ibang aabalahin kapag di ko to pinagpatuloy.

Nakangiti ako habang pinagmamasdan si mama tunutupi ang aking mga damit. Parang ayaw ko na guluhin iyon para matandaan ang takda nang pagaayos niya.

"Mali ba?" Napatigil siya at nahuli ang pagtulala ko sa ginagawa niya.

"Tama po. Natutuwa lang ako, kahit sa ganitong paraan ay nakasama kita."

"Leanna pwede mo kaming makasama, kahit anong oras. Hindi kami magdadalawang isip samahan ka. Babalewain namin ang lahat para sayo."

"Salamat . . . Paano niyo nalagpasan ang mga problema at paano kayo bumangon?"

"Ang problema parang wala lang samin. Iyon kasi ang paraan para matuto. Paano makabangon. Isang hamon na dapat labanan. Hinahamon namin ang kahirapan noon. Nag sakripisyo kaming iwanan ka. Hindi kita mabibigyan nang ganitong pamamahay kapag hindi ako nag sakripisyo. Mahirap magtagumpay, ngunit kapag nalapagpasan mo, napakadali lang pala nang lahat."

Sana ganon ako katatag gaya nila. Ang akala kong malakas ako, na kaya ko noon. Mahina pala ako. Hindi ko kaya hamunin. Hindi ko kaya harapin. Nagpatalo ako. Mas piniling gumawa nang mali. Masama gawin iyon dahil nangdadaya ako sa buhay ko. Hindi dapat ako sumuko, harapin ang problema at kalimutan.

Tinapos ko ang isang damit tupiin. Kinuha niya ang isang bagahe, binuksan niya iyon. Tiningnan niya ang laman nito. Napalunok ako nang nilabas niya ang libro galing don.

"Mahilig ka pala magbasa nang mga ganito." Sabi niya habang pinamamasdan ang nobela at binuklat ang unang pahina.

"Diyan ko minsan inuubos ang oras ko." Nagdadalawang isip ako kuhain ang bagahe dahil nakabagsak ang braso niya roon. Baka kung ano isipin niya.

Nilapag niya ang nobela sa aking damit. Yumuko siya at kinapa ang laman nang bagahe. Inangat niya ang hawak, ang pulang kahon.

"Wow. Ano 'to?" Itinaas niya ang kahon, nanlaki ang mata sa singsing. "Engagement ring? Wait? Engaged ka na?"

"Hindi ma. Hindi 'ho ako engaged. Hindi."

"Kanino 'to galing?"

Mas lalo akong napalunok.

"Binili ko 'ho yan, dahil nagagandahan ako." Ayokong malaman niya na may karelasyon ako noon. Dahil ayaw kong tanungin niya ang tungkol don. Dahil magtataka siya baka iyon ang dahilan bakit ako nagkakaganito. Dahil isa iyon sa pinamasakit na dahilan sakin.

Isinara niya muli ang kahon at nilapag sa harapan ko. "Pinapakealaman ko. Pasensya, gusto ko lang makita."

"Okay lang po, ma." Ayaw kong isipin niya na may tinatago akong sekreto sa kanya kaya hinayaan ko siyang pakealaman ang mga gamit ko. Mabuti nalang ay naitapon ko ang iba roon, gaya nang pills. Gusto ko isipin nilang maayos na talaga ako. Wala nang problema, kahit mayroon pa. Kakalimutan ko nalang iyon, mas nakakatulong ang paglimot.

Kami lang dalawa ni Mama kumain kanina. Wala parin hanggang ngayon si Papa. Hindi ko na tinanong ang tungkol don baka mapilitan pang pauwiin ni Mama. Wala parin akong ideya kung ano ang aming paguusapan.

"Miss Leanna, nasa office room na po si Mr. Ortega. Gusto daw 'ho kayo makausap." Katok nang kasambahay. Hindi na nila ako ngayon binabantayan dahil nakikita nilang maayos na ako at maligaya palagi ang aking ekspresyon.

Hinatid niya ako patungo don. Hindi ko pa naiikot ang bahay. Hindi ko alam ang bawat daan. Pinagbuksan ako nang pinto at nakita si Papa nakayuko, may suot na salamin, sa nakalapag na dokumento.

Umangat siya nang tingin. Ngumiti siya sakin kasabay ang paghawi nang salamin. Sinara na ang pinto sa aking likod. Lumapit ako kay Papa na may dalawang upuan sa harapan nang kanyang desk. Tumayo siya para halikan ako sa noo.

"How's my daughter doing?"

"Good, Pa."

"Good?" Kumunot noo niya.

"Very good. Maayos, kalmado 'ho."

"Oh. May itatanong lang ako sayo. Sana ay magsabi ka nang totoo."

Natigilan ako ngunit tumango kaagad. Nahihirapan na ako kaagad harapin ang mga mata ni Papa dahil sa seryoso niyang ekspresyon.

"About attepted suicide. Kami lang ba talaga ang rason? Pinagtatawanan ka ba sa labas, siniraan, ginamit? You can tell me."

Pinipigilan ko ang aking sarili di makagat ang labi. Di ko kayang matikom ang bibig sa harapan ni Papa. Natatakot akong maglabas ni-isang salita dahil sa sobrang kabado. Hindi ako makapagisip, sasabihin ko ba ang tungkol don? Gusto ko na makalimutan iyon, ayaw ko na magkagulo.

"Noon po, meron-"

"Noon? Nangyayare parin ba hanggang ngayon?" Mas lalong naging mariin ang kanyang tono. Napakagat ako sa aking labi, di makapagsalita. "Anak, wag kang matakot magsalita."

"Wala na 'ho akong pinoproblema. Tinigilan na nila ako ngayon." Ngiti ko.

"Okay then. Are you familiar with this?" Ginilid niya ang laptop para makita ko kung ano nasa screen. Mataas na gusali na may illang tao papasok roon. Kalahati lamang ang picture dahil masyadong malaki ang gusali.

Umiling kaagad ako.

"This is Dixon Company. Marami silang kompanya, iba't ibang pangalan. Itong kompanya na 'to ginamit ang huli nilang pangalan, na hindi totoo. Kahit ni-isang letra nang tunay nilang pangalan ay gusto nila itago."

Napalunok ako. Nagkukunwaring wala talaga akong alam.

"Marami silang kompanaya dahil nagtulungan. Sa parnership. Tunulungan sila ngunit hindi sila tumutulong."

Nilipat niya ang ibang litrato, pinakita ang ibang gusali.

"Kaya kita kinausap dahil ayokong madamay ka. Mabiktima rin nila."

"Hindi ko po maintindihan, Pa?" Tangi kong sinabi para magpatuloy siya dahil kanina pa ako tahimik.

Nilipat niya muli ang litrato at nakita ko si Craigan. Nanliit ang aking mata. Parang gusto ko na tumayo para maiwasang makita iyon. Umiwas ako nang tingin at nilipat sa kanya.

"Craigan Cliffurd Denorvan his real name. Mahilig silang mangamit nang tao para tuluyan silang makabagon. Lumabas noon ang tungkol sa pagagamit, ngunit mabilis rin nalinis ang kanilang mga pangalan. Pinalitan nila iyon para walang makaalala sa kanila. Iyon ang dahilan."

"Pero wala po akong alam sa mga ganito. Hindi ko alam bakit natin pinaguusapan 'to." Sabi ko.

"Ikaw na ang susunod magmamayari nang kompanya. Gusto kong lumayo ka sa kanya. Wag pa magpapahulog. Matagal ko nang alam ang tungkol sa kanila. Ayaw kong masaktan ka."

Tumango ako. Pero nasaktan na ako. Kaya kong iwasan hindi masaktan ulit. Mas pipiliin kong masaktan ang iba kaysa ang sarili ko.

Bumalik na ako sa aking kwarto pagkatapos namin pagusapan ni Papa ang tungkol don. Sa totoo ay hindi na ako nagulat nang nakita at tungkol sa kanya ang usapan.

Kailangan ko siyang iwasan. Kahit hindi man sabihin sakin ay iiwasan ko siya. Alam ko ngayon ay iiwasan niya na rin ako.

Tungkol sa pangagamit ay hindi iyon nagawa ni Craigan noon. Hindi niya tinanong ang tungkol sa buhay ko, kompanya, trabaho. Tinatanong niya lamang ay kung paano ko siya mapapasagot.

Pumikit ako nang mariin. Pumikit nang matagal. Hindi ko dapat siya iniisip. Dapat iniiwasan ko ang mga ginagawa niya noon. Dahil maalala ko nanaman ang dapat kong iwasan.

Ayaw kong mamahala sa isang komapanya. Hindi iyon ang gusto ko. Sa nangyayare sakin ngayon, gugustuhin ko pa ba don ko na uubusin ang atensyon ko? Hindi. Ngunit wala na akong magagawa. Dahil ako lang ang pwedeng pagiwanan non.

Kinuha ko ang nobela sa gilid nang bed side table. Ang unang libro na inabot ni Craigan sakin. Hindi ko pa natatapos 'to. Nasa page 15 palang ako. Ayaw kong magisip nang mga bagay-bagay. Gusto ko maramdaman ulit na kumakalma.

Nakaupo sa kama habang binabasa ang bawat salita. Nilapat ko iyon sa page 26. Napakurap ako nang may puting papel nakaipit don. Kinuha ko iyon at napagtanto na puting envelope. Tiniklop ko ang libro, marahan kong binuksan ang envelope. Hinila ko palabas iyon. Nakita ko ang litrato kong magisang nakaupo sa bench habang nakayuko sa aking libro. Lumakas ang pintig nang aking puso. Kinapa ko ang envelope sa kama, nang nakuha iyon nahulog ko ang litrato sa sahig. Inalis ko ang unan sa aking hita. Mayroong nakasulat sa likod, dinampot ko iyon.

"I'm sorry I'm taking you a picture, secretly. I love your eyes. Your lips. Your smile. Your voice. I don't want to describe them all. I love you. I love all of you. Bakit nandito larawan mo? Bakit nga ba? . . . page 26 right? Because I'm expecting that date . . . Expecting that . . . you're mine. I don't want to stop chasing you. Because my heart wants me to run to stole you. I hope before you read this part, you're mine now. I love you :)

- Craigan, your boyfriend, your first kiss, your last lover, your last kiss.

Tinabunan ko nang palad ang kanang mata. Marahan hinawi ang aking luha. Bakit ako umiiyak, dapat ay hindi na ako iiyak. Dahil huli na ang kahapon. Nasasaktan ako, dahil ba hindi na kami nang nabasa ko 'to? Kumikirot nanaman ang puso ko na akala ko ay magaling na. Ayaw ko na magpatuloy sa pagbabasa. Natatakot ako sa makita ko sa susunod na pahina. Binalik ko ang litrato sa envelope. Itinago sa likod nang nobela. Niyakap ko ang aking unan. Ayaw tumigil nang aking luha dahil ayaw niya tigilan ang nararamdaman ko.

Hindi parin ako nakakalimot. Ngunit kailangan. Kailangan ko makalimutan ang nakita, nabasa, at naramdaman ko.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7K 217 12
How can love change everything within a glimpse of an eye? A person with pure divinity had turn into a ruthless human being. A person who was once an...
1.9M 37.8K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
18.1K 681 11
A very short story💓 Sana kahit papano, may matutunan kayo.
173K 4.1K 54
What will you do if you end up in someone else body?