The First Kiss of My Last Lov...

By keulisyel

1.7K 144 3

Love is the singular quest we undertake. The exhilaration of a first love, the intimacy of a first kiss, the... More

Author's Note
New Book!
Panimula
Kabanata 1: Craigan
Kabanata 2: Eskuwelahan
Kabanata 3: Sorry
Kabanata 4: Burger
Kabanata 5: Library
Kabanata 6: Susi
Kabanata 7: Year
Kabanata 8: Offer
Kabanata 9: Game
Kabanata 10: Something
Kabanata 11: Topic
Kabanata 12: Silbi
Kabanata 13: Take
Kabanata 14: Magbasa
Kabanata 15: Aria
Kabanata 16: Lakas
Kabanata 17: Group
Kabanata 18: Did
Kabanata 19: Stand
Kabanata 20: Gas
Kabanata 21: Puyat
Kabanata 22: Pills
Kabanata 23: Timbre
Kabanata 24: Silver
Kabanata 25: Later
Kabanata 26: Tattoo
Kabanata 27: Humagulgol
Kabanata 28: Kawalan
Kabanata 29: Desisyon
Kabanata 30: String
Kabanata 31: Mariin
Kabanata 32: Aso
Kabanata 33: I Miss You
Kabanata 34: Lasing
Kabanata 35: Labi
Kabanata 36: Linawin Mo
Kabanata 37: Pay
Kabanata 38: Thought
Kabanata 39: Carpet
Kabanata 40: Ideya
Kabanata 41: Only
Kabanata 42: Susundan
Kabanata 43: Umiwas
Kabanata 44: Check In
Kabanata 45: Hotter
Kabanata 46: I Wanted
Kabanata 47: Malaman
Kabanata 48: Focus
Kabanata 49: Luha
Kabanata 50: Last Breath
Kabanata 51: Exist
Kabanata 52: Lost
Kabanata 54: Expecting
Kabanata 55: Lust
Kabanata 56: Often
Kabanata 57: Mahalaga
Kabanata 58: Depressed
Kabanata 59: Iwas
Kabanata 60: Nightmare
Kabanata 61: Hindi Na
Kabanata 62: Sinungaling
Kabanata 63: Gown
Kabanata 64: Diamonds
Kabanata 65: Noon at Ngayon
Wakas

Kabanata 53: Nagtangka

15 2 0
By keulisyel




Kabanata 53

Nagtangka

Kumuha ako ng tissue sa bed side table, pinunas ko iyon sa aking mata. Katabi nito ang mga bagong damit at sapatos. Suot ko parin ang gown, kinuha ko ang bagong damit at nagpalit sa restroom. Nilagay ko sa plastik ang uniform at gown. Nakita ko sa gilid ng kama ang heels naroon.

Inaayos ko ang aking sarili bago binuksan ang pinto. Nabuga ko ang aking hininga nang nakita ang dalawang suit nagaabang sa tapat.

Lumapit sila dalawa sa harapan ko. Mabilis kinuha ang kaliwa kong braso. Naramdaman ko ang malamig na metal roon at tunog nang pagkandado.

"You need to go home right now. Your mom is waiting for you."

"Sasama ako. Bakit kailangan-"

"Your mom know what you did."

Humakbang ako kasabay ng kanyang paghakbang. Sinusundan ko ang isang nakasuit kung saan ang daan.

Pumasok kami sa sasakyan at saka niya kinalas ang posas saking braso.

Walang kaba saking dibdib habang nagmamanehong pauwi. Kung galit ang bubungad nila saking harapan, at papalayasin nila ako ay matutuwa ako. Sana nga gawin nila iyon at hindi ako magsasayang nang segundo makawala doon.

Pinagbuksan nila ako ng kotse at bumaba. Humakbang ako papasok sa loob. Hindi sila sumunod at sinara nila ang pinto galing sa labas.

"What are you thinking? Ha? What?" Lumakas ang takbo ng aking puso dahil sa bungad nang malakas na sigaw.

Nakatayo siya sa aking harapan. Gulong gulo ang ekspresyon. Tanging kami lamang nasa loob ng bahay.

"Wala akong ginagawang masama." Sagot ko.

"Wala? Ang akala mo ay hindi ko malalaman ang ginagawa mo doon? Nakatanggap ako nang tawag na tinangka mong magpamatay? Bakit?" Sigaw niya muli at napapikit ako sa lakas.

Bumaba ang tingin ko. Narinig ko ang bukas nang pintuan saking likod.

"What is happening here?"

"Your daughter . . . your daughter Emerson. Nagtangka magpakamatay!"

"Hindi ako magpapakamatay!" Sigaw ko.

"Leanna!" Suway ni Mr. Emerson.

"Wag kayong umasta na nagaalala kayo sa akin. Diba ang bubungad sana sakin ay panghihinayang? Siguro kaya nagagalit kayo dahil hindi ako natuluyan? Diba kaya galit kayo." Sambit ko.

"Leanna nagagalit ako dahil sa ginagawa mo! Hindi ako natutuwa!" Hikbi ni Ms. Rina.

Lumapit ang kanyang asawa dahil sa pagiiyak ni Rina. Niyakap siya nito, pero nanatili paring akong hinahaharap.

"Diba noon ay gusto niyo ako mawala? Bakit ngayon ay gusto niyo ako makasama? Dahil ba wala akong maayos na matirhan? Hindi nakakakain ng masarap? Hindi mabibili ang gusto? Naawa kayo, hindi ko kailangan may mag alaala sakin. Gusto ko binabalewa ako!"

"Anong ibig mong sabihin na gusto kita mawala? Leanna ano?" Sigaw niya. Tinutulak si Mr. Ortega para maharap ako. Umatras nalang ang kanyang asawa.

"Gusto niyo ako mawala. Gusto niyo ako tanggalan ng buhay. Gusto niyong hindi ko malanghap ang hangin dito sa lupa. Gusto niyo akong mamatay. Gusto niyo akong ipalaglag!" Bumagsak ang mga luha ko. Bumabalik nanaman ang alaala ko kung bakit ko tatapusin ang aking buhay.

"Walang may gusto mamatay ka Leanna!" Sigaw ni Mr. Ortega kaya napaatras ako at nanginig.

"Sinasabi mo bang kami nang papa mo may gustong mawala ka?"

"Rina don't!" ani Emerson.

"Oo. Kayo ang tinutukoy ko." Mariin kong sambit.

"Maaga akong nabuntis sayo, Leanna."

"Rina please." Pigil muli sa kanya.

"Please let me . . ." Naging klaro na ang kanyang tono at bumuntong hininga. "labing-walo ako nang dumating ka sa buhay ko. Pero hindi pumasok sa utak ko na mawala ka. Walang pagsisisi akong nakuha nang nalaman may laman ang tiyan ko. Sinabi ko kay mama ang tungkol sa pagbubuntis ko. Galit na galit siya nang nalaman iyon. Sinabi nilang ipalaglag kita. Iyon ang unang pagkakataon na nagkaroon ako nang matinding galit sa magulang ko. Hindi ko sila sinunod. Parehas kami ni Emerson na hindi nakapagtapos. Tinulungan ako ni Nira sa babayaran para maayos kita mapanganak. Iniwan kita sa kanya. Dahil hindi ka namin kaya buhayin. Kulang ang pera kinikita ng tatay mo. Napagdesisyunan naming umalis at sumama para tulungan kami. Unang araw palang nang trabaho ay hinahanap ko na ang paiyak mo sa aking braso. Hinahanap ko na ang haplos mo. Hinahanap ko na ang anak ko na mas gusto ko alagaan kaysa sa kompanya na tinuro sakin. Maswerte kami dahil tinulungan kami, pero hindi. Dahil hindi kita kasama. Nilalakasan ko lang ang loob ko na ipagpatuloy iyon. Para sayo. Para may maiharap ako sayo. Na matutuwa ka dahil pinaghirapan namin 'to para sayo. Nagsisi ako ngayon. Nagsisi ako bakit ako lumayo sayo. Sana naghanap nalang kami nang ibang paraan. Siguro ay hindi ka nagkakaganito. Sana ay masaya akong naririnig ka na tinatawag mo kaming magulang."

Hinawi ko ang aking luha. Hindi makatingin sa kanila. "Kung nahirapan ka. Dahil pinaniwala mo ang sinabi nang iba. Mas nahirapan kami. Parang pinatay ang mga pangarap ko kapag nalaman kong hindi ka maayos. Ikaw ang pangarap ko. Ginawa ko 'to para sayo. At nagagalit ka dahil hindi ko nagawa ang pangarap mo. Kasalanan ko, sana hindi kita iniwan . . . . . . . Emerson, I want to rest. Now . . . Plea-please watch her..." Narinig ko ang yapak paakyat sa hagdanan.

Nanigas ako sa aking tinatayuan. Napasandal sa pinto. Pakiramdam ko bumabagsak na ang puso ko. Puno nang pagkakasala ang nararamdaman ko. Sila Lola at Lolo ang may gustong mawala ako. Parang ang hirap tanggapin na sila. Dahil naramdamang kong minahal nila ako. Na sila ang mga magulang ko.

Nakayuko akong humakbang patungo sa hagdan. Nanginginig ang buong katawan nag tutungo sa aking kwarto.

Humiga ako sa kama. Tumutulo ang mga luha sa unan. Mabilis ako maniwala. Kaya mabilis ako nasasaktan. Mabilis nadadala.


Galit ako sa aking magulang dahil sa kasinungalingan na pinanindigan ko. Hindi totong gusto nila ako mawala. Minahal nila ako ngunit hindi ko sila hinayaan iparamdam iyon sa akin. Ginawa ko silang hangin sa aking paningin.

Ngayon, dahil nalaman nila ang kinakagalit ko sa kanila ay malamang galit sila sa akin. Hindi ko sila masisisi, hindi lang naman sila ang taong galit sa akin. Marami pa. Dahil pakiramdam ko ay isa akong kasalanan na dapat mahawi.

Bumukas ang pintuan, sumulyap ako doon at nakita ang kasambahay.

"Miss Leanna inutusan akong bantayan ka. Pasensya 'ho pero kailangan kasama niyo ako."

Tinalikuran ko siya. Ngayon ay mas binabantayan na nila ako. Dahil sa nagawa ko kanina.

"Miss Leanna nandito 'ho yung doctor. Kung ayos lang sainyo na maharap siya."

"Anong kailangan?" Tanong ko.

"Titingan daw 'ho yung sugat ninyo." Marahan akong umupo sa kama. Nakita ko sa labas ang doctor kasama si Ms. Rina. Umiwas kaagad ako nang tingin sa kanila.

Tumango nalang ako. Naramdaman ko ang pagupo niya sa aking kama.

"Leanna, hija. Kamusta ka?"

"Good." Mahina at malamig kong sabi. Hindi makatingin sa kanya. Tulala sa kawalan.

"Wala kang nararamdamang kirot sa parte nang katawan mo? Bukod sa braso?"

Umiling lang ako.

"Maari ko bang makita ang inyong sugat?"

Huminga ako nang malalim, humarap ako sa kama. Maayos umupo sa kama at inabot ang kaliwa kong braso. Nakalapag sa kama ang aid kit.

Tinanggal niya ang telang nakabalot roon. Dahan dahan at mas lalong kinabahan nang nakita ang yapak nang sapatos tumigil sa aming harapan, si Mr. Ortega.

Iniwasan ko tingnan iyon. Tumingin sa aking braso at nakita ang tahi sa mabang sugat. Narinig ko ang mura ni Mr. Emerson.

May nilagay siya sa aking sugat kaya mas nanginginig ako. Hindi ko inakalang mahaba pala ang sugat.

"Kalma lang hija."

Nilagyan niya iyon ng bagong tela. Pinulupot niya iyon at binawi ko ang aking braso. Umatras ako, natatakot dahil nasa harapan ko siya. Pumatak ang aking luha dahil sa panginginig.

"Mr. Ortega maari bang maiwan niyo muna kami?"

Narinig ko nalang ang hakbang paalis sa amin. Kaya nakakalma ako.

"Hija pwede mo bang masabi kung gaano ka kaayos?"

"Maa-maayos nga ako." Giit ko, nanginig ang labi.

"In the past two weeks, how often have you felt down, depressed, or hopeless?"

"I'm not depressed or hopeless. Nothing. I'm good." Sa bawat saling sinasagot ko ay tumutulo ang aking luha.

"Kamusta ang pagtulog mo?"

"Good." Sagot ko. Kahit hindi ako nakakatulog ng maayos.

"Mas nakakaluwag nang damdamin kapag nailalabas mo ang problema."

"I'm good. Wala akong problema. I want to rest." Humiga ako sa kama at naramdaman ko ang pagtayo galing don.

Alam kong nanatili parin bukas ang pinto at nanatili parin sila don.

"Mr. and Mrs. Ortega. Depressed po ang anak ninyo. Nararamdaman nito ang guilty at wala ng pagasa. Hindi natin pilitin ang pasyente magsalita. Maikli lamang siyang magsalita. Tulala, palaging umiiyak. Wag natin siya itulak o pilitin. Dahil mas lalo siyang mahihirapan. Hayaan natin siya o sundin ang kanyang desisyon, gusto. Kailangan niyo siyang bantayan. Iparamdam niyo sa kanya na hindi siya nagiisa."

"Hindi ko sinasadyang masigawan siya kanina dahil sa galit ko. Nabigla."

"Naiintindihan ko, dahil magulang ka. Kapag hindi pa maayos ang kalagayan niya sa mga susunod na araw, tawagin niyo lang ako."

Hindi ko nadinig ang pagsara ng pinto. Naririnig ko ang maliliit nilang boses. Nanatili parin nila akong binabantayan.

Parang kailangan ko nang hangin dahil hindi parin ako makakalma. Umiiyak parin ako, na parang isang bata na hindi nasunod ang gusto.

"Leanna?" Sumulyap ako at nanlaki ang aking mata nang nakita si Natalia palapit sa akin. Niyakap ko kaagad siya at tumulo ang luha sa kanyang balikat.

"Tinawagan ako ni tita. Ba-bakit mo ginawa yon?" Kumalas ako sa pagyakap. Pinupunasan ang luha sa mata.

"Mahirap banggitin. Nalulunod na ako. Parang iyon nalang ang lunas sa pinagdadaanan ko."

"Tungkol ba 'to kay Craigan o sa mga magulang mo?"

Unting unti ako tumango habang iniiwas ang mata sa kanya.

"Saan sa dalawa?" Naguguluhan niyang tanong.

"Gusto ko na magpahinga. Napapagod na ang mga mata ko."

Bumalik ako sa kama at humilig muli don. Ilang minuto akong dilat hanggang sa kusa na pumikit. Kahit diretso ang aking tulog ay hindi ko masasabing maayos, dahil maraming tumatakbo at gumugulo sa aking isipan.

"Uhm Leanna?" Bumaling ako sa aking likod. Nakita ko si Natalia marahang nilapag ang tray sa bed side table. "Sorry naistorbo kita. Pinapadala kasi ni tita, kumain ka na daw."

"Kakagising ko lang. Salamat."

"Nagaway ba kayo ni tita kanina?"

Tumango ako. Kinuha ko ang tray, umupo ng maayos at nilapag sa aking binti. Wala ako ganang kumain ngunit pipilitin ko, natatakot ako na mapagalitan nila.

"Tungkol ba-" Bumuntong hininga si Natalia. Parang hinahanap muna ang hininga bago dumugtong. "Tungkol ba sa sinabi ni mama sayo?"

Pumatak ang aking luha at nasalo iyon nang tissue kung saan nakabalot ang kubyertos.

"To-totoong sinabi iyon. Balak gawin. Hindi mga magulang ko ang gusto mawala ako. Ewan ko, bakit pakiramdam ko ay nabigo ako. Siguro ay mali ako nang inakala. Sana nga ay natutuwa ako kasi mahal pala nila ako. Pero kung sino yung mas minahal ko, mas nanakit sakin."

"Hindi ko maintindihan."

Kinagat ko ang aking labi. "Sina Lola ang may gustong mawala ako. Hindi parin ako naniniwala. Siguro ay sinisiraan nila ako kasi mas minahal ko sila at naging magulang ang turing. Naguguluhan ako, sobrang gulo. Sana huling tulog ko nalang ngayon. Nahihirapan na ako. Gusto ko sumaya parang iyon nalang ang tanging paraan para magtagumpay, tapusin ang buhay? Hindi ko alam."

Natahimik siya, parang nasagot na ang gumugulo sa kanya sa nangyare. Ngunit ako ay gulong gulo, naguguluhan sa nararamdaman.

Pinilit kong nguyain at linunok ang pagkain. Habang si Natalia ay pinagmamasdan ako, hindi parin nagsasalita.

"Nabigla lang siguro sina Lolo . . ." Saka siya nagsalita kung saan huling subo ko na nang pagkain.

"Siguro. Kaya pala hindi niya masabi ang tungkol sa magulang ko, noon. Natatakot siguro siya malaman ko yung gusto nila mangyare. Noon, nagagalit ako dahil gusto nila ako mawala. Ngayon, nagagalit ako sa kanila dahil hindi nila ako hinayaan mawala."

"Leanna, nagagawa mo ang mga bagay dahil galit ka. Galit ka sa kanila. Napuno ka na nang galit. Nabuhay ka, dahil pinili iyon nang magulang mo. Kaya ka nandito." aniya.

"Nawawala na ang galit ko . . . sa mga magulang ko. Nagagalit ako sa sarili ko bakit nasasaktan parin ako." Sabi ko, iba na ang tinutukoy. Ako ang nagutos mawala ang nararamdaman niya sakin. Sana kaya ko rin utusan ang aking sarili mawala rin ngunit di ko kaya.

"Tungkol kay Craigan?"

"Normal lang naman sa lalaki bumalik sa dati niyang karelasyon kapag naghiwalay sila ng bagong girlfriend niya diba?"

"Ibig mo bang sabihin babalik sa Ex-gf niya?"

Tumango ako.

"Depende. Paano kung parehas sila may nararamdam parin sa isa't isa, Oo. Pwede sila magkabalikan ulit."

"Kung pwede lang sana balikan. Balikan yung normal mong nararamdaman. Yung hindi ka nahuhulog, parang kaibigan lang talaga turing mo sa kanya."

"Depressed ka ba dahil sa nagawa ni Craigan?"

"Siguro? Dahil hindi naman ako masasaktan nang ganito. Galit ako sa sarili ko dahil hindi ko maturuan kung paano makalimot kaagad."

"Si Craigan ang unang minahal mo. Alam kong bago ka lang pumasok sa relasyon. Hindi mo talaga maiiwasang maramdaman ang sakit. Pero kailangan mo pag aaralan kung paano siya makalimutan."

"Pagaaralan ko kung paano. Paano hindi masaktan kapag nalaman ang tungkol o ginagawa niya. Parang wala lang siya sakin." sapilitan akong ngumiti.

Nakatulog muli ako pagkatapos namin magusap ni Natalia. Gumaan ang aking pakiramdam dahil nailabas ko ang kaunting sakit sa damdamin ko. Masarap sa pakiramdam ngunit kailangan ko pilitin ang aking sarili sumaya.

Nakakulong ako buong araw sa kwarto. Ako mismo nag desisyon non. Kahit pilitin ko man tumakas ay alam kong hindi nila akong hahayaang gawin iyon. Hindi ako pumasok. Tanging ginawa ko lang buong oras ay kumain, maligo at matulog.

Wala si Natalia dahil may pinapasukang trabaho. Madalas akong tulala sa bintana na hindi nalalagpasan umiyak. Parang hindi ko kaya dumaan nang susunod na araw na walang naiilalabas na luha.

Kapag naiisip ko si Craigan ay naalala ko ang pinarinig sa akin ni Aria. Ang hirap kalimutan. Habang ako nasasaktan, hinayaan ko siyang magpaligaya sa iba.

Tuwing natitiklop ko ang aking labi, naalala ko ang haplos niya. Naalala ko ang lamig at kung paano uminit ang halik niya sakin. Kung paano niya ninanakaw ang aking labi at inangkin.

Tuwing binabalutan ko nang kumot ang aking katawan ay ang init niya ang hinahanap ko. Hinahanap ko ang yakap niya. Ang paghaplos niya sa aking buhok habang dinadama ko siya.

Gusto ko siya mahalikan. Pero hindi ko hahayaan ang sarili ko masaktan ulit.

"Miss Leanna nandito na daw 'ho yung resulta nang DNA test."

Lumapit sa akin ang kasambahay. Hindi ko siya tiningnan ang aking mga mata ay nasa bintana parin. Pinagmamasdan ang liwanag roon. Inilapag niya iyon sa gilid ko.

Yumuko ako at binuksan iyon. Hindi na ako nagulat sa resulta. Dahil sa sinabi nang magulang ko kagabi ay alam ko na, na sila na ang aking mga magulang.

Binalik ko iyon sa kama. Alam kong nasaktan sila dahil mismong anak nila ay tinanggihan sila. Tinaggihan ko sila pagbigyan nang pagkakataon.

"Sa baba, sa mesa ako kakain mamaya. Sa-sabihin niyo nalang ako. Salamat." Bilin ko sa kasambahay. Palit-palitan sila nagbabantay sa akin. Kahit maligo, ay kasama ko sa loob. Malaki ang bathroom sa kwarto kaya nababantayan ako. Hindi ako pwedeng gumawa nang masama sa aking sarili.

"Miss Leanna nagugutom na po ba kayo? Mayroon na nakahandanag pagkain?"

Tumango ako sa kanya.

Nauna akong lumabas nang kwarto. Tanging yapak lamang ang aking naririnig. Iginigiya ako habang naglalakad palapit sa mesa. Napansin ang lalaking naksuit. Nakatayo sa mga sliding doors. Nakaramdam ako nang pagkabigo nang nakitang ako lang mag isang kakain sa mesa. Gusto ko sila maharap para makausap. Dati ay sila ang iniiwasan ko. Ngayon, iniiwasan na siguro nila ako.

Pinagmamasdan nila ako habang kumakain. Nasasanay na rin naman ako na nasa akin ang kanilang mga mata.

"Nasaan sila?" Tanong ko, pinapakitang maganang kumakain ngunit hindi ako nagtagumpay. Ginagalaw ko lamang ang kubyertos.

"Sino po? Sina Mr and Mrs Ortega?"

"'Oho. Nasa kwarto ba?"

"Umalis ho sila dalawa. Uhm tawagan ko?"

Nanliit ang aking mata. Ayokong maistorbo sila nang dahil sakin.

"Hindi. Wag. Tinanong ko lang."

"Binilin po kasi ni Mr. Ortega na tawagan sila kapag hinahanap ninyo."

"Tinanong ko lang talaga. Tapos na akong kumain." Umamba akong tatayo ngunit napatigil. "Uhm Miss Leanna pasensya po. Pero tinatanong kasi ni Mrs. Ortega kung nauubos mo yung pagkain sa pinggan. Kailangan niyo kumain."

Pinilit ko nalang ubusin ang pagkain ko. Doon ko naramdaman ang pagkabusog. Nadamihan ako nang kain kanina.

Bumalik ako sa kwarto at nakatulog kaagad.

"Miss Leanna nakahanda na po ang pagkain sa baba." Sabi sakin kinaumagahan.

Bumama ako doon at walang bumungad sakin. Ako nanamang magisa kakain sa mesa. Maraming nakahanda. Sila siguro ang nauunang kumain o doon na sila kumakain sa trabaho.

"Gusto ko lang makahagip nang hangin." Sabi ko nang bigla ako hinarangan nang umamba akong lalabas.

Pinayagan ako makalabas basta may kasama ako. Madamo, puro naka berde ang paligid. Nakita koo ang bench roon, umupo ako. Dinadama ang hangin sa paligid.

Bawat hakbang nila ay nakasulyap sa akin. Kung may balak man akong tumakas ay di ko magagawa dahil sa bantay sarado nila sa akin.

Narinig ko ang makina nang kotse sa aking likuran. Dahil nakatalikod ako sa front porch. Nandito na sila, ngunit wala akong balak lingunin.

Ilang minuto nakalipas bago ako nagdesisyon na bumalik sa loob. Dumiretso sila sa kanilang kwarto pagkadating dahil nawala sila sa aking paningin.

Bumagsak ako sa kama. Mariin niyakap ang unan.

"Kamusta si Leanna . . . kumakain na ba siya nang maayos, umiiyak, tulala? Hindi ako makatawag kanina."

"Mrs. Ortega tulala po siya kanina sa bintana, umiiyak. Kumakain naman siya nang maayos."

Pumupunta lang si Mrs. Ortega dito sa kwarto kung nasan ang kasambahay para tanungin ang mga ginagawa ko.

"Miss Leanna dito po ba kayo kakain o sa baba, uhm kumakain na kasi sina Ma'am at Sir sa baba."

Hindi ko na siya sinagot at nagmadaling nagtungo sa baba. Nilabanan ko ang aking takot, kaba, bago sila harapin.

Nakayuko, seryosong kumakain sa mesa. Nakikita kong tinitingnan nila ang kanilang cellphone sa bawat subo nang kutsara. Tumikhim ako bago nag martsa palapit sa kanila.

Sumulyap si Mrs. Ortega sakin. Walang ekspresyon binigay. Hinarap muli nila ang pagkain. Nakita ko si Mr. Ortega na nagpupunas na nang tissue sa labi. Iniiwasan tumingin sakin. Kinuha niya ang cellphone at tumayo.

"Hindi niyo po kailangan magmadali. A-alam kong iniiwasan niyo ako. Dahil mabilis ako naniniwala sa iba. Nasaktan ko kayo, parehas lang tayo nasaktan. Pero wala kayong kasalanan. Ako mismo nanakit sa sarili ko. Hindi niyo ginusto mawala ako. Nahirapan kayo. Nahirapan rin ako. Dahil magisa lang ako palagi. Ngayon, ang pakiramdam ko ay ako nalang ang tanging tao sa mundo. Nawawala ako sa aking sarili. Nagawa ko ang bagay na iyon, parang iyon ang paraan para makaahon. Gusto ko lang malaman niyo na . . . ayos lang ako. Maayos lang ako. Hindi niyo kailangan magtiis. Hindi niyo kailangan umiwas, kahit ang anino ko ay hindi niyo na mahahagip. Kung gusto niyo ako umalis na dito, para di kayo maghirap. Maiintindahan ko. Anak niyo lang naman ako na mabilis maniwala, mabilis magtampo, masaktan. Kaya pasensyahan niyo na. Ganito talaga. Sorry. I'm sorry. Dahil nagalit ako sa inyo na hindi dapat. I'm sorry." Tinikom ko ang aking bibig. Hinahawi ko ang aking luha sa bawat malalim kong hininga. "Sorry, ma, pa. Hindi ko kayo natawag ni-isang beses nang ganyan. Dahil hindi ako ang dapat sabihan niyong anak."

Umangat nang tingin si Mr. Ortega sakin. Namumula ang mata, may kauting patak don. Natigilan din si Mrs. Ortega at hindi gumagalaw, tulala na sa mesa.

Bahagya akong umatras. Hininga ko lamang ang aking naririnig. Bumalik ako sa taas, dito ko sa kama tatapusin ang aking luha.

Continue Reading

You'll Also Like

72.7K 1.8K 21
This is a sad love story. Hindi man nagkasama ng matagal pinatunayan pa rin nila na may FOREVER.
2.6M 163K 55
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
4.8K 89 9
~Jovial Boys Republic Series~ Book 2 Si Lorraine ay isang babaeng PALABAN at WAIS. Gagawin niya ang lahat ma-impress lamang ang kanyang ama kahit pa...
3.7K 217 12
How can love change everything within a glimpse of an eye? A person with pure divinity had turn into a ruthless human being. A person who was once an...