The First Kiss of My Last Lov...

By keulisyel

1.7K 144 3

Love is the singular quest we undertake. The exhilaration of a first love, the intimacy of a first kiss, the... More

Author's Note
New Book!
Panimula
Kabanata 1: Craigan
Kabanata 2: Eskuwelahan
Kabanata 3: Sorry
Kabanata 4: Burger
Kabanata 5: Library
Kabanata 6: Susi
Kabanata 7: Year
Kabanata 8: Offer
Kabanata 9: Game
Kabanata 10: Something
Kabanata 11: Topic
Kabanata 12: Silbi
Kabanata 13: Take
Kabanata 14: Magbasa
Kabanata 15: Aria
Kabanata 16: Lakas
Kabanata 17: Group
Kabanata 18: Did
Kabanata 19: Stand
Kabanata 20: Gas
Kabanata 21: Puyat
Kabanata 22: Pills
Kabanata 23: Timbre
Kabanata 24: Silver
Kabanata 25: Later
Kabanata 26: Tattoo
Kabanata 27: Humagulgol
Kabanata 28: Kawalan
Kabanata 29: Desisyon
Kabanata 30: String
Kabanata 31: Mariin
Kabanata 32: Aso
Kabanata 33: I Miss You
Kabanata 34: Lasing
Kabanata 35: Labi
Kabanata 36: Linawin Mo
Kabanata 37: Pay
Kabanata 38: Thought
Kabanata 39: Carpet
Kabanata 40: Ideya
Kabanata 41: Only
Kabanata 42: Susundan
Kabanata 43: Umiwas
Kabanata 44: Check In
Kabanata 45: Hotter
Kabanata 46: I Wanted
Kabanata 47: Malaman
Kabanata 48: Focus
Kabanata 50: Last Breath
Kabanata 51: Exist
Kabanata 52: Lost
Kabanata 53: Nagtangka
Kabanata 54: Expecting
Kabanata 55: Lust
Kabanata 56: Often
Kabanata 57: Mahalaga
Kabanata 58: Depressed
Kabanata 59: Iwas
Kabanata 60: Nightmare
Kabanata 61: Hindi Na
Kabanata 62: Sinungaling
Kabanata 63: Gown
Kabanata 64: Diamonds
Kabanata 65: Noon at Ngayon
Wakas

Kabanata 49: Luha

11 2 0
By keulisyel



Kabanata 49

Luha

Patuloy ako naglalakad sa daan. Yakap ko ang aking sarili sa kaunting ilaw na lugar. Walang mga dumaraan ni isang sasakyan sa kalsada. Hindi ko natandaan ang daan. Napatulala na lang ako sa paligid at nang nakita ang isang tindahan ay nag tungo ako don.

Bumili ako ng malaking coat para matabunan ang buo kong katawan. Malayo na pala ang nilakad ko. Umalis na kaagad ako doon nang nakita ang taxi na tumigil at may bumaba.

Sumakay ako roon. Alam kong wala na akong mapupuntahan. Ang tanging paraan nalang kung saan ako makakapunta sa bahay ni Natalia, kay tita.

Patuloy paring sumisigaw ang mga huling sinabi sa akin ni Craigan. Hinilig ko ang ulo ko sa salamin. Nakita ko roon kung paano nanaman tumulo ang luha ko.

Kailangan ko iyon balewalain. Kailangan ko iyon kalimutan. Kahit ngayon lang. Madaling isipin ngunit ang hirap gawin. Napakahirap gawin.

Sinabi ko sa driver na hindi na mismong sa tapat ng bahay ni tita kami tumigil. Sa isang kanto, na hindi naman kalayuan. Doon ako bumaba. Hinawi ko ang naiwang luha sa aking pisnge. Humalukipkip akong naglakad.

Nakita kong nakabukas ang ilaw sa loob. Bukas rin ang pinto. May kotseng nakatigil sa harapan nang bahay. Hinanda ko na ang sarili ko sa susumbatin ni tita pagkabalik ko.

"Where is she?"

"Sorry 'ho tita pero hindi kasi sinasagot ang mga tawag ko." Narinig kong boses iyon ni Natalia na mukhang may bisita sa loob. Mas lalo ako kinakabahan dahil nahihiya akong humarap.

Kumatok ako sa pintuan, marahan akong pumasok sa loob na hindi sinusulyapan ang nakaupo sa gilid pero nakikita ko sila sa gilid nang aking mga mata.

"Leanna!" Napatalon ang hininga ko dahil sa sigaw ni tita Nira.

Wala na akong gana makipagusap pa. "Wag 'ho kayo mag alala. Babayaran ko ang renta ko bukas. Hindi rin ako magtatagal rito."

Nakita kong nanlaki ang ang mata ni tita sa bungad ko. Napatayo yung bisita sa gilid.

"Leanna-"

"Magpapahinga muna ako." Putol ko kay Natalia. Na hindi susulyapan ang bisita.

Dumiretso na ako papunta sa taas. Nakita kong nakababa na ang dalawang kama. Binagsak ko ang katawan ko. Kinuha ko ang unan roon, pinulupot ko ang aking braso at kinuyom ang malambot na unan sa katawan. Nagsimula nanamang pumatak ang luha ko. Hindi ako sanay. Hindi ako sanay na walang katabi. Hindi ako sanay na walang kayakap. Hindi ako sanay na wala sa tabi ko si Craigan. Kumirot lalo ang puso ko nang naalala ang halik ni Craigan sa aking noo tuwing niyayakap ko siya. Hinampas ko ng mariin ang unan. Binaon ko ang aking mukha sa unan kung sakali mawala ang kirot. Pero ayaw talaga, kahit anong pigil ko ay kailangan ko ilabas. Hirap na akong huminga dahil sa patuloy na pagiyak. Parang gusto ko palitan ang puso ko dahil sa sobrang kirot, parang may naputol na ugat don dahil sobrang sakit.

Narinig kong may kumatok sa pintuan. Hindi ko iyon pinansin. Tulala ako sa bed side table na may lamparang patay ang ilaw. May pumasok na kaunting liwanag galing sa pinto.

"Leanna. May gustong maki-"

"Please hayaan niyo muna ako. Hindi rin ako magtatagal rito." Hikbi ko. Nakatalikod sa pintuan. Gusto ko muna sa mapagisa. Sa madilim. Na walang nakikita para walang parte sa akin ang maalala ko.

"Pwede ka dito magtagal. Hindi ko alam bakit ka umiiyak ngayon. Maiiwan muna kita. Nandito lang ako kung gusto mo nang makakausap."

Narinig ko ang paglabas ni Natalia nang hindi ko siya pinansin. Ayoko muna makipagusap kung kanino. Masama ang loob ko, napakasakit rin ng loob ko.

Nagising ako nang maaga ngunit hindi ako bumangon sa kama. Mariin kong niyakap ang unan. Nag simula nanaman ang luha ko dahil parang hindi sanay ang aking mga mata na hindi si Craigan ang una kong nakikita tuwing dumidilat. Binaon ko ang aking labi sa unan. Sunod-sunod bumagsak ang luha ko. Gusto ko hindi gumalaw. Gusto ko tulala lang. Tanging paghinga nalang ang ginagawa.


"Hiramin mo muna ang damit ko. Magpalit ka." Mahinang sabi ni Natalia. Hinaplos ang aking likod. "Leanna ano bang nangyare kagabi? Parang buong oras ka nalang umiiyak?"

Hinawi ko ang luha sa aking mata at marahang bumabangon. Nakita ko ang niyakap kong unan ay basa ng luha. "Ayos lang ako." Sabi ko. "Salamat dito." Sabay dampot ko ang pinahiram niyang damit at dumiretso sa banyo.


Hinubad ko ang aking damit at hinawi ang nakatabon sa salamin. Nilagay ko ang damit sa gilid. Natigilan ako sa harapan nang salamin nang nakita ang mapulang bahagi sa gilid ng aking leeg. Sinubukan ko iyon hawakan ngunit kumirot kasabay ng pagkurot sa puso ko. Ito yung naiwang halik ni Craigan sa akin. Bakit sa tuwing pilit ko siyang nilalayo sa isipan ko ay may mga bagay akong nakikita para maalala siya?

Ayokong makita ang halik niya dahil naalala ko ang labi niyang palagi kong hinahanap. Naalala ko kung paano iyon mamula. Kung paano iyon mamutla at kung paano iyon dumapo sa akin. Tinabunan ko ang salamin, umiling iling ako. Kahit anong gawin ko ay nakakatakas parin ang aking luha.

Binuksan ko ang shower at hinayaan ang tubig bumuhos sa aking mukha nang nakapikit. Ramdam ko ang lamig galing don. Nawala na ng kaunti ang init sa aking mata.

Nagbabad akong nakatingala sa shower. Pinatay ko na lamang iyon nang nakarinig ng sunod-sunod na katok.

"Maayos ka pa ba diyan? Naliligo ka pa ba?"

"Patapos na ako. Sorry." Sabi ko at nagmadaling naligo.

Mukhang sisipunan pa ako dahil sa kakaiyak ko kagabi. Lumabas na ako ng banyo. Iniwan ko ang tualya sa aking buhok. Nakita ko si Natalia na nakaupo, nagaalala ang ekspresyon. Pilit akong ngumiti at dinaanan siya. Umupo ulit sa kama. Tinaggal ko ang tualya sa aking ulo, nilagas ang buhok at pinunasan ulit iyon. Tulala ulit ako habang ginagawa iyon.


"Hindi ka maayos. Sabihin mo sa akin kung anong nangyare. Kagabi hindi kita matawagan. Nag aalala ako. May nambastos ba sayo kagabi? Nasaan si Craigan, bakit hindi kayo magkasama ngayon?"

Binaba ko sa aking hita ang tualya. "Walang nangyare kagabi."


"Bakit ka umiiyak kung wala? Nag away ba kayo ni Craigan? Wala ako ni isang ideya sa nangyare, Leanna. Naguguluhan ako. Pwede mo akong pagtiwalaan."

"Wala kang makukuhang ideya dahil walang nga nangyare kagabi. Wag mo na ipilit ang pangalan ni Craigan sa akin. Okay lang ako. Kanina ko pang sinabi na okay ako diba?" Sambit ko na hindi naitatago ang iritasyon.

"Hindi ko pinipilit. Nakikisiguro lang. Nagaalala ako, iyon, yon. Dahil hindi ka umiiyak. Ngayon ka lang umiyak nang ganyan."

"Noon pa akong umiiyak nang ganito Natalia. Pinilit ko naman maging masaya. Pinilit ko magbuo nang pangarap para mapagpatuloy ko ang buhay ko. Pero wala, e. Umiiyak parin ako, dahil ang akala kong masaya ay limitasyon lang. Hindi pwedeng palagi mararamdaman. Dapat wag abusuhin. Minsan lang naman ako magsaya, inabuso ko na. Kaya eto, umiiyak nanaman ngunit sa ibang rason. Bakit kasi pinigilan pa ako ng mama mo ipalaglag ako? Sana hinayaan niya nalang mangyare iyon. Sana! Sana Natalia!"

Masakit na ang aking mata sa kakaiyak. Hinampas ko ang tualya sa higaan ko. Tinabunan ko nang palad ang aking mukha.

"Leanna hindi iyon totoo. Alam mo naman si mama tuwing nalalasing kung anu-ano lumalabas sa bibig niya!"

"Pero yung iba don ay totoo. Hindi ko maintindihan bakit palagi nalang ako nasasaktan. Palagi nalang lumulubog ang puso ko sa sakit. Parang kahit anong gawin ko ay nalulunod parin."

"Ikaw mismong nagpapaiyak sa sarili mo. Hindi totoo ang pinagsasabi ni mama."

"Pero may parte doon na totoo. Hindi lang naman iyon ang iniiyak ko Natalia. Hayaan mo muna akong umiyak magisa. Kung sana ay dugo nalang lumalabas sa mata ko hanggang sa maubos. Matutuwa pa ako." Hinawi ko yung luhang tumigil sa baba ko. Kinuha ko ang tualya at pinunas iyon sa aking mukha.

Narinig kong may tumunog sa pwesto ni Natalia, ang cellphone niya kaya siya natigilan. Kung magtatanong man siya kay Craigan kung anong nangyare, wala na akong magagawa don. Ayoko ilabas ang sama ng loob ko sa iba. Mas gusto kong isarili ko muna lamang 'to.


"Naghanda na ako ng pagkain don sa baba. Umalis si mama. Nagsisimula na rin siyang mag trabaho. Aalis na rin ako, ikaw muna maiiwan ko dito sa bahay. Wag ka umalis." Narinig ko ang yapak niya patungo sa akin, hinalikan niya ang aking noo. "Mauuna na ako."


Bumaba ako at umupo sa mesa. Magisa ako at walang kasama sa bahay. Nanginginig ang aking kamay nang hinawakan ang kutsara. Huminga ako nang malamim at pilinit nginuya iyon.

Tanging dalawang subo lang ang nagawa ko at tulala nanaman sa paligid. Lihim'ng bumabagsak ang luha ko. Parang kahit anong gawin kong pagiyak ay nandito parin. Masakit parin. Mahirap ilabas kahit sa pamamagitan nang luha.

Umakyat na ako sa taas. Hindi ko na naubos ang pagkain sa mesa dahil wala akong gana. Humiga ulit ako roon. Nakailang patak nang luha ang aking mata bago muli nakatulog.

Nagising lamang ako nang nakarinig nang kalabog. Napabangon ako at lumingon. Nakita ko si Natalia na tinatayo ang maleta dahil sa pagbagsak. Pamilyar iyon sa akin. Nanliit ang aking mata. Sa akin iyon! Nilapag niya ang isang bag sa kanyang higaan.

"Nabagsak ko. Sorry."

"Saan galing yan?" Iyong tanong ang unang lumabas sa aking bibig.

"Nag text sa akin si Craigan. Kunin ko daw ang mga gamit mo. Nagkita kami sa Coffeehouse. Don siya inabot sakin kaya inuwi ko na. Wala siyang ni isang salitang sinabi sa akin, tahimik lang siya nung hinarap ko."

"Hindi ka nagtanong tungkol sa nangyare o ano?" Baka kung ano sabihin ni Craigan tungkol sa gulo.

"Ayoko mangealam. Kaya hindi na ako nagsalita. Hindi mo naman sinasagot mga tanong ko." Nguso niya at ginilid ang mga bagehe ko.

"Saka ko nalang sasabihin ang lahat kapag okay na ang pakiramdam ko. Kapag kaya ko na ulit ilabas. Sorry."

"Hindi. Hindi kita pinipilit. Naiintindihan ko." Ngiti niya. Gusto ko ngumiti ko pabalik ngunit ayaw ng damdamin ko mag sinungaling kaya di ko magawa.

Hinila ko ang bagahe sa tapat ng kama ko. Binuklat ko una ang maleta at nakita ang maayos nakatupi ang aking mga damit. Hirap nanaman akong makahinga. Isinara ko iyon at binuksan ang isang bag. Nakita ko roon ang mga librong para sa ekwelahan. At ang mga librong binili niya para sa akin. Nilabas ko lahat nang iyon, tumulo ang luha ko sa tapat nang libro. Kinapa ko ang loob ng bag, may nahawakan akong maliit. Hinila ko iyon at nakita ang pulang kahon. Napahawak ako sa aking dibdib kaya bumagsak ang aking hawak. Bumaba ang tingin ko roon na nabuksan, nakita ko ang singsing na hinulog ko nang gabing iyon. Ang sising na binigay niya sa akin. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko.


Bakit kailangan niya pa iyon ibalik sa akin? Bakit kailangan niya pa ipakita muli iyon? Parang kung paano niya pinaramdam ang pagmamahal niya sa akin ay unting unti bumalik ang aking alaala nang dahil sa singsing. Ibinalik ko iyon sa bag. Ayoko nang makita iyon.


"Hindi ka kumain. Inumin mo nalang 'to." Hinawi ko kaagad ang luha ko nang bumaling kay Natalia. Inabot niya sa akin ang baso na may gatas. Kumunot ang kanyang noo.

"May gustong kumausap sayo kagabi ngunit sinabi kong pagod ka. Saka ka nalang harapin kapag ayos na. Babalik sila mamayang gabi."

"Si-sino sila?"

"Mas mabuti kung sila na mismong magpapakilala."

Tumango ako. Nilapag ko ang gatas sa bedside table.

"Mas mabuting maniwala ka sa kanila kaysa sa mga naririnig mo. Kalimutan mo na iyon."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang kanyang tinutukoy.

"Wala na kami ni Craigan. Nakipaghiwalay na ako sa kanya." Kusa iyon lumabas sa aking labi. Natulala nanaman ako.

"Ba-bakit? Anong ginawa niya sayo? Parang kagabi ay maayos pa kayo dalawa."


"Nalaman ko ang totoo." Hinawi ko muna ang luha bago nagpatuloy. "Na may nangyayare sa kanila ng Ex niya dahil sa kasunduan. Nakakatawa diba? Sa unang lalaki pang minahal ko ang pinakamasakit nangyare sa-sa aki-akin." Umupo si Natalia sa tabi ko. "Nakakatawa dahil umiiyak parin ako. Parang ako lang ang niloko ng ganito. Diba dapat hindi ako iiyak kasi don naman palagi ang punta. Mahirap sabihin na magtatagal siya sayo. Hindi naman kasi masama umasa sa iniisip. Dahil iniisip mo lang naman iyon. Hindi mangyayare sa tinatakbuhan nang buhay mo."


"Ang akala ko iba siya dahil napasagot ka niya."


"Mabuti siya kapag kasama ako. Parang siya iyong hindi kaya gawin iyon sa akin. Pakiramdam mong nagbago siya para sayo. Babae lang naman ako, babae lang naman akong nahuhulog. Bakit niya gagawin iyon sa akin? Bakit niya naman susundin ang gusto ko sanang totoo. Babae lang naman ako dapat masaktan. Mas masaktan sa ginagawa niya."

"Hindi ka dapat masaktan. Pero wala tayong magagawa dahil siya mismong nag desisyon na saktan ka." Sabi ni Natalia sabay haplos sa aking likod.

"Mahirap kalimutan ang una. Napakahirap dahil parang siya yung hahanapin mo sa iba na hindi mo mahanap dahil sa kanya lang. Kung alam ko lang, sana hindi ko hinayaan ang 'Oo pumasok sa isipin ko at hinayaan patakbuhin ang 'Hindi."


"Mas mabuting ilabas mo ang nararamdaman para hindi mahirapan. Marami ka pang makikilala, Leanna. Sa edad mong yan, marami talagang pananakit mapupunta sa atin." Niyakap niya ako at niyakap ko rin si Natalia pabalik.


Puro tulog nalang ang ginawa ko buong araw. Nagpalit ako nang damit dahil may kakausap daw sa akin na wala akong ideya kung sino.

"Tatawagin ko 'ho si Leanna. Sandali." Narinig ko pagkabukas nang pinto.

Narinig ko ang yapak ni Natalia sa hagdaan. Nakangiting bungad sa akin. Hinawakan niya ang aking braso at hinala ako pababa. Nakita ko ang babaeng napatayo nang nakita ako. Nakasuot nang dark blue dress, nanlaki ang kanyang mata nang nakita ako. Lumabas ang ngiti sa maputla niyang labi. Umatras si Natalia. Napaawang ang aking labi nang wala idea kung ano nangyayare.

"Oh god. Leanna? Ik-ikaw si Leanna tama ba?"

Napakurap ako. Hindi makapagsalita. Tango nalang ang ginawa ko.

Hinawakan niya ang aking kamay. Naramdaman ko ang lambot ng daliri niya sa aking palad. Bigla niya akong niyakap. Nanlaki ang aking mata at bumagsak ang aking braso.

"I can't . . . I can't say any word. I'm speechless. You're so beautiful, Leanna. Masaya akong ginamit mo ang gusto kong pangalan."

Napasulyap ako kay Natalia na nagtataka. Nakatingin lang siya sa amin.

"Emerson come here! Your daughter is here." Nakangisi niyang sabi na hindi nawawala ang paningin sa akin.

Nanliit ang aking mata. Daughter? Anong ibig niya sabihin? Lumakas ang pintig ng aking puso.

May lalaking naglakad patungo sa amin. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. Lumapit siya at niyakap rin ako. Habang ako hindi nagiiba ang ekspresyon, nagtataka.

"Leanna, I'm your mother, Rina." Sumulyap siya sa lalaking katabi. "He is your father, Emerson." Napaatras ako, napangiwi sila sa ginawa ko.

"Paano kayo nakatitiyak na ako nga ang anak ninyo?"

"You look like your mom." Emerson said.

Nakita kong may nagbabadyang luha sa mga mata ni Rina.

"Kami yung mga magulang mo, Leanna. Anak ka namin."

Umiling ako. Hindi sila magulang ko. Dahil yung tunay kong magulang ayaw na akong makita pa. Gusto nila ako mawala.

"Hindi 'ho ako ang anak ninyo." Giit ko. "Iniwan na ako ng mga magulang ko."

"No, my daughter no. Hindi ka namin iniwan. Pinatiwala muna kita kay Nira dahil babalikan kita." Rina said. "Please anak, umuwi ka na sa amin." Sumulyap siya kay Natalia. "Yung mga gamit niya pakuha."

"Hindi ako sasama sainyo." Sabi ko at umatras ulit nang bahagya.

"We need to get a DNA sample to prove her-"


"No. Anak ko siya. Siya ang anak ko. Sinabi ni Nira siya si Leanna. Siya yung iniwan ko noon. May anak tayo. Si Leanna iyon!" Tumulo ang luha ni Rina, nag pupumilit.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagulat kanina na hinarap sila. Siguro ay sanay na ako magulat kung ano ang mga totoo.

"Leanna please. Come with us."

Binaba ni Natalia ang mga gamit ko. May pumasok na mukhang kasama nila at sila na mismong kumuha sa bagahe ko.

"Hindi ako sasama-"

"Iniwan kita kay Nira dahil mag ta-trabaho kami sa ibang lugar. Hinanap kita, Leanna. Hindi ko alam pero wala na akong nakuhang inpormasyon galing kay Nira. Wala na akong balita kung nasan kayo. Kaya hindi kita nabawi kaagad. Pakiusap anak." Hinawakan niya ang aking kamay, ramdam ko ang panginginig doon.

"Sila yung mga magulang mo, Leanna. Sumama ka na sa kanila." Narinig kong sabi ni tita Nira na nakatayo sa may tapat ng pinto.

"Sasama ako para malaman nilang hindi ako yung anak nilang hinahanap. Ipapatunay ko iyon." Sabi ko at naunang lumabas sa pinto. Nakita kong bumukas ang pinto nang sasakyan nang nakita ako. Sumakay ako don at hindi sila inantay.

Wala na ako ngayon pakiramdam. Namamanhid na ako.

Nakita ko sila na sumakay sa itim na kotse. Pinaandar nila iyon bago sumunod ang sasakyan kung nasan ako.

Wala man lang akong naramdamang saya nang naharap sila. Wala man lang ako naibigay ekspresyon na maligayang naiharap sila. Hindi ba nila naisip na baka natuluyang namatay ang anak nila? Bakit pa nila naisip na balikan ang kanilang anak? Sa kanila pakiramdam nila maswerte sila dahil nahanap na nila. Ako ayoko na maging maligaya ulit, dahil alam ko na ang mangyayare sa sunod.

Tumingin ako sa labas, tanging damo, kaunting ilaw nalang nasa paligid at tanging kami lang ang narito sa kalsada.


Bumukas ang gate at tumulak muli ang sasakyan patungo sa loob. Nanlaki ang aking mata nang nakita ang mansyon. Merong fountain sa gitna nito.


Inunahan ko na ang driver buksan ang sasakyan. Bumaba kaagad ako. Hindi makapaniwala na sumunod ang mga paa ko rito.


"Kasama ko yung anak ko. Dalhin niyo siya sa kwarto niya." Narinig kong bilin nila sa katulong. Hindi ko magawang tumingin sa kanila. Naiilang ako. Tanging pagtingin sa mga bagay ang aking ginagawa.


"Miss Ortega, dito 'ho tayo."

Tumango ako at sumunod sa kanya. Naglakad ako sa hagdanan, may sumusunod sa aking likuran kung sino may dala ng aking bagahe. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Napalunok ako nang nakita ang looban ng kwarto. Puti ang ang paligid, malaki ang kama na parang pangtatluhang tao. Merong mesa at computer sa gilid.


Pinasok ko sila sa loob para hayaan ilapag ang aking bagahe roon. Sinara ko ang pinto, umupo ako sa malambot na kama. Napatulala ako sa malaking vase sa gilid. Parang hindi parin ako nagigising. Hindi parin ako naniniwala sa nangyayare. Hindi parin ako naniniwala sa nakikita ko.


Nakarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pinto. Napakurap ako nang napagtanto na kanina pa akong tulala.


"Miss Leanna?" Katok muli.


Walang boses lumabas sa aking bibig kundi buga ng hininga. Bumubukas iyon, tumingin muli ako sa vase.

"Saan po kayo kakain, dito sa kwarto niyo sa baba, sa mesa? Pinapatanong po kasi ni Ma'am Rina."

"Wala ako ganang kumain." Malamig kong sabi, nanghihina.

"Parang hindi po kayo okay. Sa tingin ko kai-"

"Busog ako. Pakisara ng pinto." Sambit ko.

"Sige 'ho." Narinig ko ang pagsara ng pinto.

Tanging naririnig ko lamang ang aking pintig at hangin sa aking kwarto. Ni walang ingay ako naririnig. Mas gusto ko ganito, pero hindi sa lugar na 'to.


May narinig muli akong katok. Ngunit binalewala ko na iyon. Bumukas iyon nang hindi ko tinitingnan kung sino. Naglakad siya sa kwarto ko, narinig ko ang yapak niya sa aking likod. Binuksan niya ang aircon at sinara ang bukas na bintana.

"Leanna, anak?" Hindi ko siya pinansin. "Sabay ka nalang sa amin ng papa mo kumain. H'wag kang mailang sa amin. Alam kong hindi madali sayo 'to. Dahil hindi ka sanay. Hindi rin naging madali sa amin na hindi ka kasama."

Baka nga naging mas madali nang iniwan niyo ako. Siguro ay naawa sila sa kalagayan ko kaya nila ako binabawi. Hindi ko sila kailangan. Dahil buong buhay ko ay tumayo naman ako magisa. Tumayo naman ako ng kulang.

Humiga ako sa kama na hindi siya nililingon. Wala akong ganang makipagusap kung kanino, lalo na sa kanila. Narinig ko nalang ang pagbuntong hininga niya at pinatay niya ang ilaw sa kwarto. Iniwan niya akong magisa.

Bumangon ako ng maaga. Hinanap ko ang uniform ko aa bagahe. Hindi naman nagusot iyon, may kaunting gusot ngunit wala na akong pake roon. Nag ayos ako at nagmadaling lumabas ng kwarto. Nakakaramdam ko ng gutom pero hindi pinapansin.

"Miss Leanna saan 'ho kayo pupunta?" Tanong ng kasambahay, napatigil ako sa paghakbang ng hagdan. Mariin kong hinawakan ang aking libro.

"Papasok." Sabi ko at dinaanan siya. Nagpatuloy sa pagbaba.

"May nakahanda-"

"Ayoko ngang kumain." Giit ko.

Humakbang ako patungo sa pintuan at hinarangan ako nang lalaking nakaitim na suit at shades. Napaawang ang aking labi.

"Leanna saan ka pupunta?" Tanong ni Rina.

"Pupunta sa paaralan. Mag aaral."

"Ihatid niyo siya-"

"Kaya ko pumunta doon magisa." Ngunit hindi ako makahakbang dahil may nakaharang. Umalis siya kusa sa harapan ko. Pinagbukas niya ako ng pinto at nakitang may nakatigil na sasakyan sa aking harapan. May lumapit sa akin at kinuha ang librong hawak ko.

Napakagat ako sa aking labi at sumunod nalang sa loob ng kotse.

Sinabi ko kung saan pupunta at nakarating rin kaagad kami don. Bumaba ako at kinuha ang aking libro. Hindi sila umalis at nanatiling nasa parking lot. Wala ako ginawa kahapon kundi umiyak. Mag isip ng mga bagay na nanakit sa akin. Hindi ako pumasok sa iskul at trabaho. Pilit ko maging normal gaya ng palagi ko ginagawa ngunit wala. May kirot paring nagtatago sa akin na hirap kalasin.


Tumigil ako sa aking locker. Naiilang sa mga taong dumaraan. Parang nababasa nila ang problema ko ngayon. Nahihirapan ako gumalaw. Nanginginig ang buo kong katawan.


Binuksan ko ang locker at huminga ng malalim. Narinig ko rin na may bumukas malapit sa akin.

"Hey dude!" Pamilyar sa akin ang tonong iyon.

"Craigan? Hey?" Boses iyon ni Jarvis. Mariin kong hinawakan ang locker. Ang pampakalma na ginawa ko ay nawala.

"I have a good news to you huh? I know that news are you waiting for! Maybe you already know about it because you're not here yesterday."

"I'm not here yesterday because I'm busy . . .uhm what news?"

"My girlfriend broke up with me. Did you know Leanna right? You two are friends maybe more than that!" Narinig ko ang panununya sa tawa ni Craigan. Kinakabahan ako, sa pananalita palang niya.

"Yes. We are. Well that's not a good news. Sorry dude."


"For you it's not . . . Its not, right? It's a fvcking good news to you!" Mariin na sabi ni Craigan,

"What?" Nagtatakang sabi ni Jarvis.

"You're fuck!ck my girlfriend!" Sigaw ni Craigan. Kaya napasara ko ang locker. "She confessed! She fvcking confessed! She tells me-"

"I don't know what are you talking about dude? What the hell dude?" Kinakabahang tawa ni Jarvis.

"Don't play fvcking dumb. Well it's obviously. You are such a dumb. More than dumb. You're fvcking dumb! I can't believe you still doing it!"

"I'm not. Fuck!ck. Your. Girlfriend, Craigan. If you two-" nakita kong napaatras si Jarvis dahil sa suntok ni Craigan. Lumipad ang kamao ni Jarvis sa labi ni Craigan. May dugong tumulo roon. Hinawi niya iyon at hinila ang uniform ni Jarvis at sinuntok iyon sa panga. Hinawakan ni Jarvis ang kanyang braso, sinuntok niya si Craigan at natamaan sa baba. Kaya nabitawan siya.

"Craigan!" Sigaw ko. Sinigaw na nang iba ang pangalan nila. May lumapit kay Craigan na babaeng kaklase ngunit tinulak niya iyon kaya napaatras.

Tumayo muli si Jarvis. "What is your fvcking problem huh? I'm not fucking your girlfriend, Craigan! I'm not fucking Leanna!" Napapikit ako sa sigaw ni Jarvis. Nanginginig na ang sikmura ko sa takot.

"You always fucking all my girlfriend, Jarvis. You always." Nakita kong nanonood lang ang iba. Pinapanood ang away nila.

"Funny! Really do you have a prove?" Hamon ni Jarvis. Hindi ako makadaan dahil hinarangan nila ang harapan ko.


Tinulak ko ang taong nakaharang para makadaan. Humakbang siya palapit kay Jarvis. Ngunit tumakbo ako at hinaraan para hindi niya masuntok.

"Craigan please."

"Oh you here! Please what? Please don't hurt him? You're a bitch!" Tumulo ang luha ko sa sigaw niya. "You loved that guy? Fvck you! Get out of my sight!"

"Please Craig." Hikbi ko.

"She's a total bitch." Narinig kong bulong kung saan.

"Did you enjoy it? Fucking guys at school huh?" Gusto ko siyang sampalin, pero wala akong karapan dahil ako na mismong sumira ng pangalan ko sa kanyang harapan.

"I'm not fucking her, Craigan! Shut your fvcking mouth!" Sigaw ni Jarvis sa kanya.

"You shut your mouth. Leanna this is what you want right?" Umiling siya. "You hurt me. We are fair. We are doing the same thing." Dinampot niya ang kanyang bag sa gilid at tinalikuran kami.

"Anong nangyayare dito?" Narinig kong sigaw ni Miss Lacerda kung saan. Lahat sila nawala kaagad sa paligid namin.


Lumingon ako kay Jarvis na hinahawi ang dugo sa gilid ng labi. "Jarvis I'm sorry." Sabi ko at hinawakan ang kanyang braso ngunit hinawi niya ang aking kamay. Tinalikuran niya ako. Bumagsak ulit ang luha ko at nakikita ang matatalim nilang tingin sa akin.

Narinig ko ang yapak ni Miss Lacerda sa amin. Umiling na lamang siya. "Palagi nalang sila dalawa nag aaway. Nakakasawa na mag awat na gulo rito." Naiwan ako magisa sa locker. Parang hindi nangyare ang gulo kanina. Lahat sila ay walang pake at gusto na lamang marinig ang sanhi ng gulo. Sana hindi nalang ako pumasok kung alam ko lang na ganito.


Hindi ako dumiretso sa klase. Nagtungo ako sa clinic kung sakali naroon si Jarvis. Ilang hakbang na lang ang lapit ko roon ay bigla iyon bumukas. Nakita kong lumabas si Craigan. Mabilis akong tumakbo sa gilid ng hallway para hindi mapansin. Nang nakailang beses huminga ay naglakad na ako pabalik sa clinic.

Binuksan ko ang pinto ng clinic. Nakita ko si Jarvis nakayuko at nilalagyan ng panyo ang panga. Sumulyap siya sa akin, nakita kong mapula ang gilid ng labi. Ginulo niya ang kanyang buhok nang nakita ako at yumuko.

"Jarvis-"

"It's fine Leanna. Go to your class."


Magisa lang siyang nakaupo. May ginagawa ang nurse roon. May bahid na galit parin si Jarvis. Galit siya kay Craigan pero mas galit siya sa akin.

"I-I'm so-so-sorry." Nanginginig ang labi ko. Yumuko ako sa aking daliri.


"Fine." Simple niyang sinabi.

"Ako may kasalanan dahil dinamay kita. Hindi ko sinasadya. I'm sorry."


"Bakit ako palaging nasisisi sa gulo? Kahit sino ituro mo, bakit ako, kahit wala naman talaga? Kung ayaw mo madamay ang lalaking iyon sana wag mo ako idamay. Ang ganda mo pa naman." Hinawi ko ang aking luha, nagsisimula nanaman akong umiyak.

"Sorry. Hahayaan kong magisip ka, kayo, nang ano tungkol sa akin. Alam kong nagagalit . . . sa akin. Wala ka naman kasalanan, dahil nadamay ka. Kasalanan ko. Sorry talaga Jarvis."

"Leave me alone." Mariin niyang sinabi.

"Okay." Umangat ako ng tingin sa kanya, nakayuko parin siya. Inalis ko muna ang luha sa aking mata bago lumabas sa clinic.

Kasalanan ko. Sana hindi ko nalang dinamay si Jarvis. Hindi ko sinasadyang isali siya sa gulo. Napapagod na akong ipagpatuloy 'to. Napapagod na akong ipagpatuloy ang aking hininga. Napapagod na ako sa paulit ulit na problema.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7K 217 12
How can love change everything within a glimpse of an eye? A person with pure divinity had turn into a ruthless human being. A person who was once an...
65.4K 5.8K 45
when you choose not to hurt someone..... you're choosing to bear all the pain..... when you choose to take all the pain..... you're choosing to die e...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
8K 65 3
She let him go to finally make her dreams come true: becoming a princess. He vowed to work hard so that someday he could finally make his dreams come...