The First Kiss of My Last Lov...

By keulisyel

1.7K 144 3

Love is the singular quest we undertake. The exhilaration of a first love, the intimacy of a first kiss, the... More

Author's Note
New Book!
Panimula
Kabanata 1: Craigan
Kabanata 2: Eskuwelahan
Kabanata 3: Sorry
Kabanata 4: Burger
Kabanata 5: Library
Kabanata 6: Susi
Kabanata 7: Year
Kabanata 8: Offer
Kabanata 9: Game
Kabanata 10: Something
Kabanata 11: Topic
Kabanata 12: Silbi
Kabanata 13: Take
Kabanata 14: Magbasa
Kabanata 15: Aria
Kabanata 16: Lakas
Kabanata 17: Group
Kabanata 18: Did
Kabanata 19: Stand
Kabanata 20: Gas
Kabanata 21: Puyat
Kabanata 22: Pills
Kabanata 23: Timbre
Kabanata 24: Silver
Kabanata 25: Later
Kabanata 26: Tattoo
Kabanata 27: Humagulgol
Kabanata 28: Kawalan
Kabanata 29: Desisyon
Kabanata 30: String
Kabanata 31: Mariin
Kabanata 32: Aso
Kabanata 33: I Miss You
Kabanata 34: Lasing
Kabanata 36: Linawin Mo
Kabanata 37: Pay
Kabanata 38: Thought
Kabanata 39: Carpet
Kabanata 40: Ideya
Kabanata 41: Only
Kabanata 42: Susundan
Kabanata 43: Umiwas
Kabanata 44: Check In
Kabanata 45: Hotter
Kabanata 46: I Wanted
Kabanata 47: Malaman
Kabanata 48: Focus
Kabanata 49: Luha
Kabanata 50: Last Breath
Kabanata 51: Exist
Kabanata 52: Lost
Kabanata 53: Nagtangka
Kabanata 54: Expecting
Kabanata 55: Lust
Kabanata 56: Often
Kabanata 57: Mahalaga
Kabanata 58: Depressed
Kabanata 59: Iwas
Kabanata 60: Nightmare
Kabanata 61: Hindi Na
Kabanata 62: Sinungaling
Kabanata 63: Gown
Kabanata 64: Diamonds
Kabanata 65: Noon at Ngayon
Wakas

Kabanata 35: Labi

17 2 0
By keulisyel



Kabanata 35

Labi

Nakahilig ako sa tattoo ni Craigan, sa may kanyang dibdib. Ang kanyang kanang braso ay sinandalan ko.

Nakayap ako sa kanyang katawan, hinaplos iyon pababa at pataas, mahimbing parin siyang natutulog. Maaga nanaman akong nagising, hinawakan ko ang aking labi nang naalala ko ang labing dumapo sa akin kagabi.

Pumikit ako ng mariin nang naramdamang gumalaw ang braso ni Craigan, tumigil ang aking kamay sa kanyang dibdib, hinawakan niya ang aking likod, naradamang kong unting unti niya binabawi ang braso sa aking likod.

"Oh fuck! Fuck! Fucking no! Oh damn it!"

Nilapat ko ang aking palad sa aking mukha, bumangon kunwaring bagong gising.

Tumingin ako sa kanya, hindi ko alam kung ano nanamang bagay ang pinagmumura niya ngayon. Lasing parin ba siya hanggang ngayon?

Hawak niya ang kanyang buhok, ginugulo iyon, nakatitig siya sakin, kumurap kurap ang kanyang mata, mabilis ang kanyang hininga.

"Craigan okay ka lang ba?" Kumunot ang noo ko dahil sa itsura niya, umiwas siya ng tingin at parang sinasabunutan na ang sarili.

"Leanna . . . lasing ka rin ba kagabi . . . fuck wala ako masyado maalala. Damn . . . naalala ko lang yung labi mo."

Napatulala ako sa kanya.

Bumuntong hininga siya. "May nangyare ba kagabi?" Sabay yuko niya sa kama, na parang may hinanap saka umangat ng tingin. "Sorry. Wala ako maalala." Ginulo niya muli ang kanyang buhok." Fuck! Pananagutan na lang kita, sorry, sorry, sorry."

Gusto ko matawa pero mas pinili ko iawang ang aking labi. Shit lasing na lasing nga siya kagabi!

"Craig-"

"Yeah bubulyawan mo na ako, sorry please. Hayaan mo akong panagutan kita. Dapat hindi ka tumabi sakin, damn, wala ako maalala, nakapagbihis pa tayo?"

Hindi ko mapigilan ngumisi dahil naguguluhan siya.

"Damn! What are you smirking about?" Umiwas siya ng tingin. "Magaling ba ako?" Ngumisi siya nang napangiwi ako sa kanyang sinabi.

"Craigan . . ." Hindi ko mapigilang matawa. Nanlaki ang kanyang mata na parang naiinis dahil hindi ako nag seseryoso. "Wala nangyare kagabi. Na sobrahan ka lang sa alak."

Hinilamos niya ang kanyang palad. Naguguluhan, na parang hindi pa sapat na paliwanag ang sinabi ko.

"Pe-pero may sinabi ka kagabi at hinalikan kita . . . oh shit wrong move. Dapat di ko na binanggit." Tumayo siya sa kama, hindi umalis, nakatalikod sa akin.

Huminga ako ng malalim. "Uhm . . . masakit parin ulo mo?"

"Sa tingin mo pagkatapos ko magpigil kagabi ay hindi parin sasakit?"

Nanliit ang aking mata . . . what? Isa lang naman ang ulo, ah? Ano ibig niyang sabihing masakit? Anong pipigilan niya? Ano yung iba niyang tunutukoy?

"Gano'n ba? Magpahinga ka muna dito sa kwarto. Bilhan nalang kita ng gamot."

"Leanna, 'di ka galit nung hinalikan kita? Nahalikan ba kita? Bahala ka kung awayin mo ako, basta gusto ko malaman."

Kinagat ko ang aking labi. Naamoy ko galing don ang alak na hininga ni Craigan kagabi. Damn! Bakit ayaw iyon kalimutan ng labi ko? Tuwing naalala ko iyon ay nararamdaman ko paulit ulit.


"Lasing ka, na sobrahan ka, 'Oo. Hinalikan mo ako. Naghalikan tayo." Pumikit ako ng mariin sa aking pag amin na parang ako nito ang unang sumugod sa labi niya.

"May mga nabanggit ba ako nung lasing ako?"

Nalaglag ang aking panga. Marami kang binanggit nung lasing ka, lalo na yung nakaraan mo ngunit wala ako nakuhang masyado inpormasyon don. Kapag sinabi ko iyon, pwede siya magalit, o umiyak o maglasing ulit. Baka tanungin niya ako kung paano iyon nalabas sa kanyang bibig, dahil tinanong ko rin siya.

"Meron. 'Leanna hates me' iyon lang." mariin kong pinisil ang aking labi sa labi pakiramdam ko mali yung binigay kong sagot. "Paulit ulit."

"At hinalikan mo ako?"

Naramdaman kong gumapang lahat ng dugo sa aking pisnge, uminit at ramdam ko na pumupula. Mabuti na lamang ay nanatili parin siyang nakatalikod nang tinanong iyon, bakit namumula na ang pisnge ko sa kanya?

"Bakit ko naman hahalikan labi mo at Craigan, hindi ako marunong humalik. Wala akong nahahalikan. Kaya ikaw yung humalik sakin, pinigilan kita pero-" shit! Lumingon siya kaya naputol ako, umiwas ako ng tingin dahil parang naging doble ang init ng aking pisnge. Baka mahalataan niyang nag sisingungaling ako, dahil hindi ko siya pinigilan, hindi ko siya tinulak, hinayaan ko siya, hinayaan ko siya iparanas iyon sakin, kapag sinabi niyang sinungaling ako, may dahilan ako, di niya iyon maalala dahil lasing siya.

"Nahihilo ka na rin sana ngayon at hindi na nakatayo kung hindi mo ako pinigilan. Pinigilan mo ako, Leanna."

Napalunok ako, napaawang ang aking labi, ang dobleng dugo sa aking mukha ay parang naubos at namumutla na dahil sa narinig.

"Ano yung karugtong ng pero mo, na hindi mo ako napigilan? Titig palang ng mata mo alam ko na ang gusto mo mangyare. Kaya hindi ko tinuloy."

Matalim ko siya tiningnan. "At wala kang karapatan ituloy iyon dahil hindi naman tayo."

"Ano yung sinabi mo sakin na 'hindi mo ako pinagbawalang halikan ka' hmm ano?"

"Craigan, magkaiba ang halik sa gusto mo mangyare! At bakit ba natin 'to pinaguusapan? Takot ka makabuntis kaya ka nagtatanong kung may nangyare ba o wala?"


"What the fuck? Ano . . . ako . . . natatakot . . . natatakot na mabuntis ka? Halos gusto nga kita buntisin kagabi tapos ibulyaw mo saking duwag ako? Gagawa ba ako ng bata kung takot ako? Gaya ng sabi mo, hindi naman tayo kaya wala akong karapatan gawin iyon. At tatandaan mo, hindi ako duwag." mapang-uyam siyang tumawa, mapang-uyam siyang ngumiti sa akin, umiling siya nang natahimik ako.


"Kahit subukan mo pa ako, Leanna. Kahit subukan mo pa ngayon."

Kumuha siya ng itim na sando, madali niya iyong sinuot at lumabas ng kwarto. Tinatalikuran niya ako at kung makapagsalita parang ako ang may kasalanan kung bakit siya nanghalik. Ano pinaglalaban niya? Ang aga, umiinit ang ulo ko.

Papahirapan kita.

Kinuha ko ang malaking tshirt at puting maikling shorts, ang binili sa akin ni Natalia noon. Tinanggal ko ang damit at nanatili ako nakabra, naghahanap sa kabinet ng klaseng tshirt.

May kumatok sa pintuan, hindi ko pinansin iyon at nagpatuloy ako.


Kinuha ko sa kama ang tshirt para palitan, umangat ako ng tingin at nakita si Craigan; may hawak na plastik sa kaliwa, at nasa kanan niya ang pandesal. Nakalaglag ang kanyang panga pinagmamasdan ako, umiwas siya ng tingin. "Damn!"

Wala na akong naramdamang hiya dahil naiinis ako sa kanya. Nakita kong paano tumulo ang kanyang pawis. Nakatingin sa kawalan, hindi siya makatingin sa akin, hindi na gumalaw sa tinatayuan.

"Craig magbibihis ako."


"Maglock ka ng kwarto sa sunod, kung ayaw mo ako mismo mag lock na kasama ka dito. Dahil hindi ko alam kung magugustuhan mo ang mangyayare." sumulyap siya ng isang beses, sa katawan ko. Kinagat ang pandesal, saka lumabas ulit ng kwarto.


Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa pagtulo ng pawis niya kanina.


Lumabas na ako ng kwarto, tinanggal na ang ngiti sa labi, mag isa lang siyang kumakain sa lamesa, nasa labas sina Lolo at Lola nang sumulyap ako sa labas na madalas nilang tinatambayan. Nahuli kong bumaba ang tingin ni Craigan sa hita ko, kinuha niya ang tubig sa harap niya, ininom niya iyon, umungat siya ng tingin sakin. Umiiwas nanaman ng titig.


Umupo ako sa harap niya, kumuha rin ng pandesal don, hindi kami nag tititigan. Hindi ako sumusulyap sa pwesto niya.

"Are you trying to seduce me? Ginagalit mo nanaman ba ako?"

Napakurap ako sa biglaang niyang pagsalita. Tumingin ako sa kanya. Ano nanaman nakita niyang problema sakin na bakit mukhang galit siya.


"Excuse me?" sabi ko.

"Don't act so innocent. Mukha ka lang inosente, pero hindi mo mamumukha sa akin yan ngayon." mariin niyang sabi, nagseseryoso.

"Uhm . . . may problema ka ba sakin?"

"Sinusubukan mo ba kung hanggang kelan ko kaya magpigil? Wag mo subukan ang bagay na iyon. Wag na wag." Dagdag niya ng mas mariin.

Marahan akong tumayo na hindi nababanga ang titig ko sa kanya, iniiwasan. Sa kusina ko nalang kainin ang pandesal, at mag hihilamos para tandaan kung ano nagawa kong mali sa mesa para ikagalit niya.


What?! Nanliit ang aking mata. Nanatili ang pandesal sa aking kamay na parang wala na akong balak kainin iyon. Napapaisip ako sa kanyang mga sinabi. May alak pa siguro 'to sa utak, dahil ako lang naman nakikita niya dito ay pinagiinitan niya.


Nag hilamos ako ng isang beses, hindi parin umaalis sa harapan ng lababo. Sumusulyap ako sa kanya, mabilis na sulyap. Tahimik siyang nakatingin at pinagmamasdan ang kawalan, nang sumulyap siya sakin at hinilamos ko muli ang tubig.


Nang natapos ko ipahid ang panyo sa aking mukha ay bumungad sa akin ang nakahalukikip na si Craigan.


"Nasaan na ang sising na binigay ko sayo?" Titig na titig niyang tanong. Iyon ba ang kinakagalit niya o bukod don?


"Yung sising . . . uhm . . . nasa loob ng kabinet. Bakit hindi mo natanong?"

"Bakit hindi mo na sinusuot? Iyon ba ang babala kapag wala iyon sa daliri mo ay wala na talaga akong pagasa?"


Bakit siya nag mamadali mapasagot at may naiisip na nanaman siya kung ano, na ginagawang babala. "Craigan susuotin ko iyon mamaya, baka kasi mawala ko dahil marami ako ginagawa pa. Pero susuotin ko iyon."


"Leanna! Bakla!" Narinig kong tawag ni Ron sa sala.

Dumiretso ako sa sala, nalaglag ang kanyang panga na tumingin sa aking likod, at alam ko na nakita niya doon si Craigan.

"May sasabihin ako, kaya pala ikaw nag bakasyon . . . naalala mo ba? Siguro?"

"Hindi kita maintindihan." sabi ko, dahil wala ako maalala.

"Kasi may palaro bukas, dito. Parang fiesta, hindi mo na ba naalala? Palagi nga tayo nanonood non! Kasi ayaw mo sumali! May bagong laro siguro para sa atin!"

"Uhh . . . sige manonood ako bukas."

"Ron right?" Singit ni Craigan sa aming usapan. Sumulyap si Ron kay Craigan at nakita ko ang gulat sa ekspresyon niya nang tinawag siya, namula pa ang kanyang mukha.

"Tawag mo ako?"

"Yeah! Pwede ba tayong mag usap . . . tayong dalawa lang?"

Nanliit ang aking mata, nakatingin lang ako kay Ron na parang gusto niya takasan ang titig ni Craigan sa kanya ngunit di niya magawa dahil kinakausap pa siya. Hindi ako makalingon, inantay ang tungkol sa paguusapan nila.


"A-ako ba o si Le-Leanna?" Tinuro ni Ron sa sarili niya, hindi makapaniwala na pinansin siya.


"Ikaw. Ron. Hindi si Leanna."

"Su-su-sure! Tungkol sa-sa-saan?" Nanginginig ang boses ni Ron, parang pakiramdam niya mag nagawa siyang mali at malalagot siya ngayon.


"It's private." Simpleng sinabi ni Craigan, walang binibigay na ideya sa akin.

"Sige. No problem po." Humina ang tono ni Ron, nakita kong dinaanan lang ako ni Craigan. Pumasok siya sa kwarto ko at marahang sinara ang pinto.

Bumaling ako kay Ron, nilagay niya ang kanyang daliri sa kanyang leeg, at ginawang kutsilyo na parang hinihiwa. "Patay! Parang galit sakin. Wala naman akong ginawa masama sayo, a?"

"May sasabihin lang siguro. Gano'n lang yon, seryoso talaga ang ekspresyon niya, palaging seryoso."

"Private daw. Kinakabahan ako bakla. May nasabi ba ako na hindi nagustuhan ng mangliligaw mo? Galit talaga siya!"

Gusto kong sabihin na may pinagusapan lang kami ni Craigan na walang kwenta kaya siya nagagalit sa maliit na bagay. Pero hindi ko babanggitin iyon.

"Sabihin mo nalang sakin kung ano pinagusapan niyo." sabi ko.

Nang dumating ng hapon ay nasa sala lang ako magdamag, hindi man lang pumasok sa kwarto dahil iniiwasan ko ang titig ni Craigan. Nanonood lang kami ng tv ni Ron, may sinabi kanina sa kanya si Craigan na hindi ko nadinig kaya umuwi ng saglit si Ron, bumalik sa bahay na nakaayos na.

Lumabas si Craigan, may tualya sa kanyang balikat.

"Nasaan yung banyo dito?" Tanong niya.

Nakatitig lang ako sa TV. "Sa may kusina, may pinto diyan sa gilid, pumasok ka, dumiretso ka sa kaliwa, kapag may nakita kang pinto iyon na ang banyo. Kapag walang tubig, kumuha ka nalang sa bakuran."

"Noted. Okay. Ikaw hindi ka pa maliligo?"

"Pagkatapos mo." Paano ako makakaligo kung hindi ka lumalabas ng kwarto?

Hindi na siya nag salita, at alam kong dumiretso na siya don.

Narinig kong tumikhim si Ron, sinulyapan ko lang siya. Alam kong nagtataka siya sa akin dahil sa pananalita ko palang kay Craigan.

Nang natapos na siya magbihis dahil madali siyang naligo ay tumayo na ako inuupuan ko nang lumabas siya ng kwarto, hindi tinintignan kahit anong parte ng kanyang katawan. Dinaanan ko lang siya, ang akala ko ay lumabas ngunit sinundan rin ako sa loob.

"Leanna, uhm . . . aalis lang ako, magpapasama ako sa kaibigan mo kung okay lang sayo?"


"Okay . . ." Tumango ako. Ayoko na malaman kung saan, hindi ako interesado at gusto ko rin mapagisa.


"I love you." Malamig niyang sabi. Gusto mapaawang ng aking labi, parang lahat ng parte ng katawan ko ay binuhusan ng tubig na bigla na lamang nanginig dahil sa kanyang sinabi.

"Okay." tango ko ulit.

Hinawakan niya ang aking braso at madiing hinila patungo sa kanyang katawan. Naamoy ko ang mint sa kanyang katawan - na mukhang paborito niyang amoy. Umiwas ako ng tingin, hindi ko kaya tumitig. Hindi ako umatras kahit alam ko ang pwede niyang gawin.


Hinawakan niya ang aking pisnge. Hinaharap sa mata sa mata, na gusto makititigan. Matigas ang kanyang mga mata nang tinintigan ako, na parang may binasa siya sa akin na kailangan pagmasdan ng ilang segundo.


Ang kanan niyang kamay ay nasa mukha ko parin. Ramdam ko ang init at parang pinapasa lahat ng init niya sa akin.

Hinawi niya ang isang takas na buhok sa aking mukha, ginapang niya ang kanyang hinlalaki sa aking ilong, papunta sa aking labi, napapikit ako, tumigil ang kanyang kamay sa aking baba. Dumilat ako nang wala naramdamang dumapo sa akin.

Ngumisi siya, tinagilid niya ang ulo ko, marahan niyang pinagdikit ang kanyang labi. Hindi gumalaw ang kanyang labi, hindi kinagat, tanging pinagdikit, pinapakiramdaman niya - at pinapakiramdaman ko rin.


"Hinahayaan mo akong halikan ka. Bakit? Mas pipiliin kong hindi ka mahalikan kaysa hindi makuha ang 'Oo mo."


Oh damn wala ka makukuhang 'Oo kung hindi mo man lang ako hahalikan. Pero hindi ko kaya banggitin iyon sa kanyang harapan, dahil parang may iniwan siyang mainit sa aking labi na napaso para hindi makapagsalita.

Napalunok siya at hinawi na ang kamay sa aking pisnge.

"Your lips was cold and wet." Tumawa siya.

Kinagat ko ang aking labi, sa tingin ko hindi, uminit na dahil sa haplos ng kanyang labi.

Tumalikod ako sa kanya, nakita ko ang kalat na kumot at kinuha ko iyon, binagalan ang pagtupi para hindi makalingon sa kanya.

"Aalis na ako, Leanna."

"Sure. Ingat ka."

"I love you." Pag ulit siya

Shit! Bakit tuwing naiisip sasabihin iyon pabalik ay parang babagsak ako at manghihina, na parang gusto bumagsak sa kanyang katawan kapag balak babanggitin iyon.

Narinig ko ang pagsara ng pinto sa aking kwarto, napagtanto na lumabas na siya.


Dumating ng tanghali ay wala parin si Craigan, wala rin si Ron ang kasama niya. Hindi ko nga siya nabilinan na bantayan si Craigan dahil bago lang siya sa lugar na 'to, baka maligaw, magisa lang akong kumakain, kaunti lang kasi kumain sina Lola at Lolo, at si Lolo na bumili ng ulam.


Natulog ako pagkatapos kumain, wala ako magawa, wala makausap, alam kong pwede ko na tanungin si Lolo tungkol sa magulang ko, ngunit nag dadalawang isip ako hanggang sa nakatulog.

Nagising ako ng 3:55 PM. Wala parin sila, hanggang sa natapos na ako maligo. Sa kwarto na ako tumambay, habang ang susuklay ng buhok. Habang sina Lola ay nasa labas, nasa sala.

Napatalon ako nang narinig ang sunod-sunod na katok sa kwarto ko. Tumayo ako at bumungad sa akin si Ron na tumalon talon. Ano nanaman tinatalon talon nito?

"Anong tinalon talon mo? Ano meron?"

"Sandali! Kakalma muna ako!" Hinawakan niya ang kanyang dibdib at bumuntong hininga ng ilang beses.

"Nasaan si Craigan?" Tanong ko.

"Basta!" Sumulyap siya ng isang beses sa labas, at humarap sakin. "May nangliligaw sayo!"

Hindi na ako nagulat, dahil naririndi na ako tuwing naririnig iyon.

"Paano naman nila nalaman na nakauwi na ako? Sabihin mo nalang wala ako dito." Sabi ko, umambang tatalikuran ngunit pinigilan niya ako.

"Bakla! Basta! Panoorin mo nalang!"


Hinila niya ang braso ko, tamad akong nag lakad, nalaglag ang aking panga nang nakita si Craigan ay nakatayo na may hawak na gitara.

Kumunot lang ang noo ko, hinila niya ako palapit sa pinto, tumigil na ako, tatlong hakbang na lamang ang layo.


Narinig ko ang tunog ng gitara don, napalunok ako. Alam niya gumamit non?

"Bakit ba hindi pwede maging tayo . . .

. . . Ang nais mo lang ay kaibigan lang ako..."

Nalaglag ang aking panga nang narinig siyang kumanta. Tumayo sina Lola sa narinig, lumapit sila banda sa pintuan para malaman kung sino ang kumakanta sa labas.

"Dinamdam ko ng lubos ang mga sinabi mo . . .

. . . Wala na ba akong pag-asa sa puso mo?"

Nakatingin lang siya sa amin, kasabay ang pagtugtog niya sa dark brown na gitara. Hindi ako makatingin, nahihirapan ako tumitig sa kanya.

"Pag nakikita ka, ako'y nangangamba . . .

. . . Lagi kang umiiwas sa tuwing lalapitan kita...."


Shit! Ngayon lang ako umiwas ulit sa kanya. Hindi ko alam, bakit ito kinakanta niya, bakit tinatamaan ako sa bawat salitang kinakanta niya! Shit! Shit!


"Ba't 'di mo pagbigyan ang pag-ibig ko? . . . Tapat naman ang puso ko sa 'yo

"Bigyan sana ako kahit konting pagkakataon . . . Ba't 'di mo pagbigyan ang pag-ibig ko?

Lahat ay gagawin para sa 'iyo . . .

. . . Nakikiusap sa konting pagkakataon..."


Unting unting bumagsak ang kanyang mata.

"Mahalin mo . . ."

Ayoko na ang kantang 'to! Ayoko na! Bakit sa dami ng kanta at iyon pa ang napili! Bakit ba 'to? Tamang tama na ako!

"Sana ay magbago ang damdamin mo. At dinggin mo ang pakiusap ko . . ."

Yumuko siya sa kanyang gitara at sumulyap sa akin, umiwas ako ng tingin.

"Makasama ka kahit saglit ay tatangapin ko . . .

. . . Patutunayan ko sayo mahal kang totoo... Ngunit pag nandyan ka na . . . Ako'y walang magawa. Lagi kang umiiwas sa t'wing lalapitan kita."


Sumandal na ako sa pader, sa gilid ng pinto. Naramdaman ko ang lakas ng aking pintig na parang pwede na isama sa pagkanta para makagawa ng tono dahil sa sobrang lakas.


Sinenyasan ako ni Ron na pumunta don, para panoorin si Craigan. Ngunit umiling ako. Nasasaktan ako at tagos na tagos na. Parang gusto ko matulog ulit. Ewan ko bakit ako yung nasasaktan, nasasaktan ako dahil nasasaktan ko ang taong malapit na ako mahulog. Shit! Kailangan ko muna kilalanin ang nararamdaman ko.

Sinenyasan niya si Craigan na nandito lang ako, nagtatago, dahil muntik na lamang tumigil si Craigan sa pagtutog dahil sa ginawa ko, ngunit nag patuloy siya nang nalaman.

"Mahalin mo . . ."


Umalis na ako sa pagkakasandal nang natapos na ang kanta. Parang dalawang parte kumikirot sakin, ang aking tainga o yung puso! Shit! Malalagot ka talaga sakin, sa dami ng kanta at iyon pa ang na desisyunan niyang kantahin?

Napalunok ako nang lumapit siya sa akin na may dalang tatlong mapulang roses.

"Patuloy parin ako sa pangliligaw, hindi kita titigilan." Wala ako masabi at tinanggap ang inabot niya. Naramdaman ko ang pagpula ng aking pisnge.

Nakasuot siya ng puting buttoned down shirt, may silver infinity logo sa gitna. Hindi gaano na butones sa itaas ng parte, kaya nahagip sa kanyang dibdib ang kalahating infinity na tattoo.

Walang salitang lumabas sa aking bibig, nahihiya, parang nasa kanta lahat ng sekreto ko at binuking lahat kaya wala na ako masabi.



Lumapit pa siya lalo sa akin, hinalikan niya ang noo ko. Narinig ko ang munting tili ni Ron sa aking likod, habang sina Lola ay tahimik, pero ramdam ko ang ngiti nila.

"Hindi na ako magtatanong. Aantayin ko nalang kusa kang magsabi sa akin." Pabulong na sinabi ni Craigan.

______

Song used:

- Ba't Di Mo Pagbigyan

By: King

Continue Reading

You'll Also Like

69.5K 1.6K 58
How if you are to see your ex-boyfriend with someone else? Will you be hurt? Well of course. Will you move on? If only I can. Will you get your reve...
130K 3.8K 57
LOVE OR CAREER? Let's witness the another journey of Evo, Enzo as Husbands and Nicholle and Lexie as Wives. Evo and Enzo had successful businesses b...
169K 4K 54
What will you do if you end up in someone else body?
1.5M 3.6K 6
[I don't believe in love SEQUEL] Si Ella, ang BITTER na BIDA. Ang Cinderella na walang Prince Charming ang drama. Uubra ba ang pagkabitter niya sa la...