The First Kiss of My Last Lov...

By keulisyel

1.7K 144 3

Love is the singular quest we undertake. The exhilaration of a first love, the intimacy of a first kiss, the... More

Author's Note
New Book!
Panimula
Kabanata 1: Craigan
Kabanata 2: Eskuwelahan
Kabanata 3: Sorry
Kabanata 4: Burger
Kabanata 5: Library
Kabanata 6: Susi
Kabanata 7: Year
Kabanata 8: Offer
Kabanata 9: Game
Kabanata 10: Something
Kabanata 11: Topic
Kabanata 12: Silbi
Kabanata 13: Take
Kabanata 14: Magbasa
Kabanata 15: Aria
Kabanata 16: Lakas
Kabanata 17: Group
Kabanata 18: Did
Kabanata 19: Stand
Kabanata 20: Gas
Kabanata 21: Puyat
Kabanata 22: Pills
Kabanata 23: Timbre
Kabanata 24: Silver
Kabanata 25: Later
Kabanata 26: Tattoo
Kabanata 27: Humagulgol
Kabanata 28: Kawalan
Kabanata 30: String
Kabanata 31: Mariin
Kabanata 32: Aso
Kabanata 33: I Miss You
Kabanata 34: Lasing
Kabanata 35: Labi
Kabanata 36: Linawin Mo
Kabanata 37: Pay
Kabanata 38: Thought
Kabanata 39: Carpet
Kabanata 40: Ideya
Kabanata 41: Only
Kabanata 42: Susundan
Kabanata 43: Umiwas
Kabanata 44: Check In
Kabanata 45: Hotter
Kabanata 46: I Wanted
Kabanata 47: Malaman
Kabanata 48: Focus
Kabanata 49: Luha
Kabanata 50: Last Breath
Kabanata 51: Exist
Kabanata 52: Lost
Kabanata 53: Nagtangka
Kabanata 54: Expecting
Kabanata 55: Lust
Kabanata 56: Often
Kabanata 57: Mahalaga
Kabanata 58: Depressed
Kabanata 59: Iwas
Kabanata 60: Nightmare
Kabanata 61: Hindi Na
Kabanata 62: Sinungaling
Kabanata 63: Gown
Kabanata 64: Diamonds
Kabanata 65: Noon at Ngayon
Wakas

Kabanata 29: Desisyon

23 2 0
By keulisyel





Kabanata 29

Desisyon

Nakatulog ako sa pag desisiyon-desisyong ang gusto ko mangyare ngayon, at ayaw ko na patagalin pa. Alam kong masasaktan ako dito, hindi talaga para sakin ang pangarap ko. Hindi para sakin ang ginugusto ko.

Hindi talaga para sakin ang gusto ko maranasan. Nakapagdesisyunan ko nang tumigil ang pagaaral. Hindi sapat ang trabaho ko ngayon para doon, at ayaw ko na rin iyon pagipunan pa. Makikiusap ako bukas, tatapusin ko ang araw ng natitirang trabaho ko.


Wala na ako lakas ng loob para tumuloy, lahat ng salitang nagpapalakas sakin, nagtutulak para sa gusto kong pangarap ay nawala na isang iglap. Masama ang loob ko, hanggang ngayon, hindi ko alam kung mawawala ang nararamdaman ko. Minutong mawawala, ngunit bumalik kapag naalala na ang mga gusto ko mangyare sakin, lahat ng planong gusto.


Dahil sa salitang binaggit ni tita Nira, nawalan na ako ng loob, nanghina na ako, nawalan na ako ng lakas lumaban sa gusto kong pangarap. Gusto ko kalimutan iyong narinig ko, pero hindi ko magawa dahil napakasakit parin sakin ang tungkol don. Nakahilig parin ako sa dibdib ni Craigan, alam kong tulog na siya dahil sa mahaba kong pagiisip at iyon na ang huli kong desisyon.


Nag desisyon na rin akong uuwi sa probinsya, hindi para mag aral, kung sana pwede ko doon maalis ang sama ng aking loob. Doon muna ako nina Lola at Lolo, sila nalang ang tangi kong makakasama. Tumulo ang isang patak kong luha sa kanyang balat bago ko binagsak ang aking mga mata para matulog na rin.


Naramdaman kong may buga'ng hininga saking noo. Maaga akong nagigising pero sasanayin ko ang aking sarili na hindi na ganitong oras magiging-kahit anong oras na lang dahil wala na ako magagawa sa buhay ko ngayon.


Natigilan ako nang naramdaman ang aking palad na-nasa gitna ng pants ni Craigan roon. Nanlaki ang aking mata nang ngayon ko lamang naramdaman ang kanyang umbok doon.


Halos gusto ko nag mura, nanlamig ang aking sikmura at inalis ko ng dahan dahan ang aking kamay. Naramdaman ko ang kamay ni Craigan nanatiling nasa likod ko-hanggang ngayon ay mahimbing parin siyang natutulog.


Marahan kong binagsak ang aking kamay sa kanyang dibdib. Napalunok ako. Nahirapan ako gumalaw dahil sa kamay niya, lumipat iyon saking bewang.

Nanliit ang aking mata, ito yung una kong may makasama sa kwarto-makasama sa ibang taong kwarto, at sa mismong lalaking kwarto pa. Ito rin ang unang lalaking, iniyakan ko ng mga problema ko. Napakagat ako ng labi sa mga narealize ko. Kung nakadamit siya ngayon, siguro ay bakat ang mga patak ng luha ko roon.


"Craigan." Tinapik ko ang kanyang dibdib, hindi siya umimik. Nanatiling tulog. "Craigan, gising na." Tinapik ko ang kanyang collar bone.


"Leanna matulog ka lang!" Iritado niyang sabi. Gusto ko umangat ng tingin para tignan siya. Hindi ko alam bakit gusto ko pa humiga, sa katawan niya, inangat ko ang aking ulo at hinawi ang kanyang kamay saking likuran.

Nanatili parin siyang tulog. "Craigan may pasok tayo-" hindi na pala ako mag aaral. "May pasok ka pa." Pagtatama ko.


"Just sleep okay." Kinuha niya ang kumot at nilapag iyon sa kanyang katawan.


Bumuntong hininga na lang ako at kinuha ang susuoting damit sa bagahe, halos lahat nang iyon ay magulo saka ko na ayusin ang mga gamit ko kapag unting unti na humupa ang problema ko, ngayon ko lahat tatapusin iyon, at doon na ako sa probinsya para makasama na rin sina Lolo at Lola.


Naaala ko nang umalis ako doon-ang pilit na ngiti ni Lola Linda. Ang pagiiwas ng tingin ni Lolo Pab sa amin at hindi pa araw iyon ng alis namin. Nag aayos pa kami non, bago ako umalis ay pinilit kong hindi ma miss sila. Sabi ni Lola ay uuwi pa naman ako doon at wag ko siya laging aalalanin dahil mawawala ang focus ko sa ibang bagay kapag sila lang inaalala ko, ngunit sa kalagayan ko ngayon, sila na lang ngayon ang inaalala ko.


Wala na akong balita sa kanila nung umalis ako. Ayaw rin nila makabalita tungkol sa kanila. Hindi ko alam kung bakit, pero iisa lang ang rason ni Lola Linda ay; para hindi siya alalanin. Malalakas pa sila kaya alam kong may uuwian pa ako doon, at sana ganoon rin ako kalakas ngayon.


Dumiretso ako sa banyo, wala akong sabon para makaligo kaya't hilamos at nag bihis lamang ang ginawa ko. Una kong pupuntahan ang Redbrewfield University-ang eskwelehan pinangarap ko pa noon pa makatungtong nung high school palang ako. Walang masama mangarap sa gusto mong lugar maranasan, at naranasan mo rin maapakan ang lugar na iyon, pero ngayon ay huli ko ng apak doon.


Alam kong masyado pang maaga, marami akong bagay na dapat tapusin at kapag maagang nagawa, makakauwi na ako ng maaga roon.


Nakasuot ako ng; pale pink halter top, sky blue jean at jacket-na nadala ko dahil sa pagmamadaling itago iyon. Hindi na ako babalik doon sa bahay para lang iaabot kay Natalia ito.


"Hey . . hey where you going?" Nag madaling bumangon si Craigan galing sa pagkakahiga, nahulog yung kumot sa sahig at napahawak siya sa kanyang ulo. Yung kanang mata niya ay nakapikit habang ang kaliwa ay nakatitig sakin nang natapos ako mag bihis. "Aww my head. Damn!" Pinilig niya ang kanyang ulo.


Kinuha ko ang puting kumot sa sahig at nilapag sa kama, umupo muna ng sandali. "Bakit ka kasi nag madaling bumangon?"


"Fuck Leanna! You're fucking hot! Fuck . . . change your clothes." Bulyaw niya at dumadaing habang hawak ang kanyang ulo.


Lumapit ako sa kanya at umiling. "Uminom ka nalang ng gamot sa sakit sa ulo. Aalis na ako." Tumalikod siya sakin at dinampot ang kanyang cellphone na nasa kama. Umalis siya sa kama at tumayo ng matuwid, hinawakan niya ang kanyang pants, umiwas ako ng tingin roon-yung kamay ko kanina ay naroon. Napalunok ako, nang nararamdaman ko sa aking palad iyon kapag naiisip.


"Leanna maaga pa, forty-five minutes pa bago mag simula ang klase. Damn napakaaga pa." Umangat ako ng tingin sa kanya, hawak niya ang cellphone at malalim siya bumubuntong hininga, pasekretong sumusulyap sakin. Yumuko ako at napansin na nakikita ang looban ng aking dibdib kapag nakayuko, tinabunan ko ng jacket ang aking dibdib at humalukipkip. Gusto ko bumuntong hininga pero umasta akong wala, walang napapansin. Shit . . . tumabi ako sa kanya.


Tumayo ako nang nakatalikod sa kanya. "Sorry dahil maaga kita ginising, di kasi ako makabangon kanina dahil sa braso mo. Kaya ginising nalang kita . . . uhm marami rin ako aayusin ngayon kaya't napaaga."


"Gusto ko lang mapatagal ang yakap sa'yo. Gusto kita maramdaman ng matagal sa tabi ko, kasabay matulog kaya ayaw ko munang bumangon. Gusto ko maramdaman ang balat mo sa katawan ko, malayang hinahaplos."


Nanliit ang aking mata. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Hinahaplos? Wait . . . ginawa ko iyon kagabi?


"Hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihing haplos." Naramdaman kong unti-unting umubos ang dugo saking mukha. Nag martsa ako, ayokong sumulyap sa kanya. Hindi ko alam kung totoo iyong tinutukoy niya.


"Katawan lang ang hinaplos mo sakin, okay lang sakin iyon."

"Ginigising kita Craig, tapik iyon, hindi haplos." Ayokong mainis ngayon at ayokong ipakita na naiinis ako, pwede niyang isipin na tinanggihan ko iyon at nahihiya dahil sa pananalita ko.


"Yung kagabi tinutukoy ko, Leanna." Naramdaman ko ang pagyelo ng aking likod, parang nakangisi siya sakin.

"Bahala ka. May kama ka at dito ka tumabi sakin, akala mo hindi ako makulit matulog."

"Nanatili ka nga lang sa tabi ko, e. Sana nga gano'n palagi, na nanatili ka parin . . . basta, masarap ang haplos mo." Tumawa siya.

Umiling ako at nag martsaa palabas ng kwarto. Mukhang lasing 'to, a? Wala akong matandaan na hinaplos ko siya, 'Oo tulog ako ngunit hindi haplos nag tawag don sa bawat galaw ng aking katawan. Inaasar niya lang ako.


"Hey! Leanna! Kumain ka na?" Pahabol siyang sigaw. Naramdaman kong sumunod siya sakin at napagtanto na naiwan ko pala ang shoulder bag ko sa kwarto. Paglingon ko nakita ko si Craigan na nakangisi, hindi parin nagbibihis.

"Magbihis ka na nga . . . sa labas na ako kakain, Craig." Dinaanan ko siya at dumiretso sa kwarto, nag madaling nag tungo at sinabit ang bag sa balikat nang nakuha.


"Lagi ka nalang galit . . . sinasabi ko lang naman ang tungkol sa haplos." Sabi niya at sinundan ako sa kwarto. "Kumain muna tayo, ano gusto mo . . . beef stew, carrot salad, cereal or what?"

"Cereal. Aalis na ako pagkatapos."


"Hindi ka papasok ngayon?" Bumaba ang tingin niya sa katawan ko saka umanngat para titigan ako.

"Hindi muna." Ayokong sabihin sa kanya ang mga desisyon ko. "May importante pa akong aayusin."

"Alright. Anong aayusin mo?"

"Maguusap nalang ba tayo?"

"No no. Cereal right." Nauna na siyang lumabas ng kwarto.


Sumunod ako sa kusina, may kinukuha na siya sa itaas ng counter, sa dark brown cabinet. May nilabas siyang rectangle box, niyugyug niya muna ang kahon para alamin kung may laman. Marahan niyang sinara ang kabinet saka nilabas iyon sa counter, kinuha niya ang dalawang asul na mangkok kasama ang gatas.


Kinuha niya ang mangkok at sunandan ko siya ng tingin, nilapag niya iyon sa bar counter. Nag martsa ako patungo doon nanatiling nakahalukipkip, umusog niya ng bar stool at sumulyap sakin. "Hey cereal." Nauna na siyang umupo.


Umupo na ako doon, nang umangat ako ng tingin, may mga ilang dosenang alak na nakatagilid, merong nakasuporta para hindi iyon mahulog. Sunundan ko ng tingin hanggang saan iyon patungo, napalunok ako nang nakitang hanggang dulo ang alak.


Napakurap ako sa nakita bago ko hinawakan ang kutsara para kainin ang cereal. Bumaling ako sa kanya nang narinig ang pag hinga niya ng malalim. Sumulyap siya sakin pati rin sa mga alak sa itaas.


"Uhm . . . wow. Mahilig ka pala uminom, kaya pala ang dami huh." Sabi ko, at parang nahihiya siyang makipagusap sakin dahil tulala na siya ngayon at iniikot ikot ang kutsara sa cereal.


"Yeah . . . I'm not an alcoholic. Minsan lang uminom kapag may dapat i-celebrates . . . ahmm . . . hindi sakin la-lahat ng iyan, pinalagay lang ng nga kaibigan ko . . . kasi ayaw nila may makakita . . . damn pero parang ako ang nalagot."


"Gan'on ba . . . lakas niyo palang uminom."


Suminghap siya, nakita ko siyang napalunok. Sumulyap pa ako sa cereal at nag simulang kainin iyon.


"Si-sila lang, Leanna. A-ayaw mo ba sa la-lalaking umiinom?" Nahimigan ko ang panginginig at kaba sa kanyang pananalita.


"Ayaw ko sa lalaking gusto akong nililigawan."


Natahimik siya at hindi na ako dinugtungan. Nang natapos na kaming kumain ay siya lamang ang nakauniform. Inaayos niya ang kanyang polo sa harapan ng salamin.


"Hindi ka ba talaga papasok o magpapalit manlang ng damit?"


"Craig, kung ayaw mo sa damit ko, mauuna na akong aalis para di mo makita at mawala ang inis mo." Kanina ko pa kasi napapansin na naiirita siya, dahil ba sa hindi ako papasok o sa pananamit kong wala namang mali. Anong problema ng mata niya, kinulang nga 'to ng tulog. Kung sana doon siya sa kwarto niya, diretso ang kanyang tulog at wala siyang problema.


Nang patungo na ako sa pinto ay nauna na siyang nakarating sa harapan ko. Binuksan niya iyon at nauha na akong lumabas. Maliwanag na ang waiting area at ang ganda pagmasdan ang labas.


Tahimik parin siya hanggang sa nakarating na kami sa loob ng kanyang sasakyan.


"Saan kita ibababa?" Nag simula na siyang mag salita nang nasa gitna na kami ng kalsada.


"Sa parking lot ng school, iyon din ang una kong pupuntahan."


"Pupunta ka rin pala ng school at hindi ka nakauniform huh?"

"Hindi rin kasi ako magtatagal doon."

"Why? Ano pa pupuntahan mo?"

Hindi ko siya pinansin. Hindi ako sigurado pero ramdam kong mag po-protesta siyang sundin ako kapag sinagot kung saan pa ako tutungo.


Nang nakapasok na sa gate ng school, nag park si Craigan ng kotse at madali akong lumabas doon.


"Leanna!" Isang pamilyar na tono ang aking narinig, kaya luminga linga ako sa paligid hanggang sa nahagip ko ang tumatakkbo na parating sakin.


Niyakap niya ako ng mariin. "Natalia?" Kumalas siya sa pagkakayakap nang tinawag ko ang kanyang pangalan.


Nakasuot siya ng itim na jacket, hinila ko kaagad siya palayo sa kotse ni Craigan. Napansin ko ang pamumula ng kanyang labi.


"Na miss kita . . . sa-saan ka na ngayon nakatira . . . okay ka ba do'n?" Hinawakan niya ang braso ko.


Narinig ko ang pagsara ng pinto ng kotse, sumulyap ako ng isang beses do'n at nakitang nakatayong nakatingin na sa amin si Craigan. Kaya hinila ko pa ng isang beses palayo si Natalia at kumunot na ang noo sakin dahil sa pagtataka.


"Bakit mo'ko nilalayo, sino iniiwasan mo?"

Binalewala ko ang kanyang tanong. "Sa kaklase ko muna ako nakitira, sa condo ni Craigan. Balak kong umuwi ngayon ng probinsiya."


Nalaglag ang panga ni Natalia. "Uuwi ka? I-ikaw lang magisa? Pa'no ang pagaaral mo . . . 'yung pangarap mo, Leanna?"


"Kalimutan mo na 'yon. Hindi ko na mapapagpatuloy ang pag aaral ko. Wala na akong ipon at nakapagdesisyon na akong . . . hindi na magaaral ulit. Kaya kong umuwi mag isa ngayon. Gusto ko rin makasama sina Lola doon."


"Pero . . . sayang Leanna." May namumuo ng luha sa kanyang mata, hindi ko alam kung para saan, dahil ba sa pangarap ko o yung aking pagalis. "Na simulan mo na 'yon. Mag hanap ng trabaho . . . ulit, tutulungan kita."


Umiling ako at pilit ngumiti. Ayokong umiyak dahil baka isipin ni Natalia ay pinipilit ko ang aking sarili, at hindi ko talaga kaya. Kakayanin ko mabuhay mag isa. Na magkalayo muna kaming mag pinsan.


"Para sa'yo 'yon. Mabuti rin na pumunta ka dito, dahil 'yon nga, sasabihin ko ang pag alis ko." Sumulyap ulit ako sa kotse ni Craigan. Nakita ko siyang nakapamulsa, nakatayo. Palapit ng palapit sa'min.


"Pa'no ako makakabalita sa'yo . . . wala kang cellphone."


"Bibili nalang ako kapag may sobrang pera, gagamitin ko ang binigay mo sa pangbili ng ticket para makauwi." Hininaan ko na ang tono ko dahil naramdaman ko malapit na si Craigan.


"Leanna," luminga ako at ilang hakbang na lamang ang pagitan ni Craigan sa amin.


"Craig. Mauna ka na sa loob. Maguusap pa kami ni Natalia."


"Basta. Leanna. Kapag nakabili ka ng cellphone, tawagan mo'ko." Nilabas ni Natalia ang cellphone niya, may papel siyang dala at pen, sinulat niya ang numero saka inabot sakin. Niyakap niya ako ulit ng sandali. "Mag iingat ka do'n. H'wag mo kong kalimutan tawagan."


Tumulo na ang luha ko, hinawi ko iyon. Hindi ko mapigilan dahil sa nakikitang ekspresyon ni Natalia. Tumango ako. "Tatawagan kita kapag nakabili na ako." Kinuha ko ang papel sa kanyang kamay at ibinulsa iyon.

"Nat, pwede mong i-save ang inyong number dito." Nanliit ang aking mga mata. Ang akala ko ay umalis na si Craigan, ang akala ko ay mga ibang taong dumadaan rito. At binalewa lang.


Bumaling si Natalia don na gulat. "Pasensya na, narinig ko yung usapan niyo. Yung tungkol lang naman iyon sa cellphone, dito mo nalang tawagan si Leanna para makapagusap kayo."


No. Alam ko ang pwede niyang plano. Pwede siyang magtanong kay Natalia ang pinagusapan namin ngayon o kung ano pang tungkol sakin. Ayokong mangyare iyon.

"Craig, okay na. Bibi-"


"No! Dito na." Lumapit siya samin at inabot ang kanyang IPhone kay Natalia. "Save your number."


Matalim kong tinitigan ni Natalia. Sinesenyasang tanggihan iyon, nakita kong nag dadalawang isip siya. Kinuha niya ang cellphone kay Craigan at nanlaki ang kanyang mata bago nag simula ng mag type roon.


Napaawang ang aking labi. "Natalia ang pangalan ko." Ngumiti si Natalia at binalik ang cellphone kay Craigan, tinanggap naman niya iyon, at nakita ko sa gilid ng kanyang labi ang pangpilit na hindi ngumiti.


"Thank you . . . Natalia." Sabi ni Craigan saka bumaling sakin. "Here. Use this." Inabot ni Craigan ang cellphone niya sakin.


Umiling ako. "Bibili ako mamaya."

"Hey, don't worry. Hindi 'to kasama sa pangliligaw." Ngumisi siya, ang kanina niya pang pinipigilang lumabas.


Nalaglag ang panga ni Natalia. "Manliligaw mo Leanna?"


Mabilis akong umiling. "Matagal na siyang busted sakin, at manahimik ka Natalia kung gusto mo tawagan kita."

Kinagat ni Natalia ang kanyang labi, lihim'ng gustong tumawa. Tumingin ako kay Craigan na umiigting ang kanyang panga-na ngayon ko lang ulit nakita.


"Craig, thank you na pinatira mo si Leanna, at masaya akong okay siya. Wala pa nagiging boyfriend si Leanna, halos lahat ay busted at sumuko na sa pangliligaw sa kanya."


"Natalia . . . Natalia." Pagbabanta ko.


"Hindi ko kayang sumuko. Hindi ako susuko hanggang hindi niya ako sinasagot. Hindi ko siya susukuan. At pipilitin ko siyang sukuan ang salitang 'hindi' at ang pagtanggi."


"Sana di ka nga mag suko. Leanna, uuwi na ako." Niyakap ako ng isang beses ni Natalia bago umalis.


"Subukan mo lang magtanong kung ano kay Natalia . . . burahin mo yung number niya diyan."


"Leanna, look. I know the word privacy. Hindi pa naman ako gano'n ka desperado para maangkin ka."

Ayoko na makipagtalo kaya tinalikuran ko siya. Nag lakad ako sa hallway, pero ramdam ko ang pagsunod niya at ang mga titig sa paligid.


Bunuksan ko ang pinto ng Accounting Offine. Lumingon ako pagkapasok, walang sumunod sakin. Dumiretso ako roon sa may counter.


"Leanna. Mag do-down ka ulit?"

"Uhm . . . hindi na po, titigil na muna ako sa pagaaral." Sinabi ko na ang rason ko, ayoko ng patagalin pa 'to.


"Titigil . . . bakit? Nasimulan mo na. Tapusin mo muna ang unang semester mo."

"Gugustuhin ko man po, ngunit may problema ako ngayon. Babalik nalang ako kapag okay na ang lahat."

"Sugurado ka sa desisyon mo?"

Tumango ako. May inabot siyang kailangan kong permahan na nag desisyon na akong tumigil. Lumabas na ako sa Accounting Offine pagkatapos. Huminga ng malalim, 'wag kang maiyak, Leanna.


Nakita ko si Craigan na nagaantay sa tabi ng pinto, na nakasandal lamang sa pader. Tiningnan ko lamang siya at dumiretso na ako sa locker ko para kunin ang natitirang gamit ko.


Marahas kong nabuksan ang locker at pinagkukuha ko ang lahat ng aking mga libro. Marahas ko rin iyon inisa isang kuha.


"Hey, what happened? Papasok ka ngayon?" Nakasandal na si Craigan sa locker.


"Hindi ako papasok." Sabi ko at patuloy parin ang paghalungkat.


"Then, ano gagawin mo sa mga libro. Lilipat ka ng locker?"


"Hindi." Tangi kong sinabi saka sinara ang locker nang nakuha ang lahat ng gamit.


"Then what?"


"Leanna . . . oh!" Nakita kong bumaba ang tingin ni Heloise at ang nasa gilid niya ay si Aljaee. Nakaawang ang kanilang labi, nagtataka sa bitbit ko.


Nagkatinginan pa sina Heloise bago ako hinarap. "Hindi ka nakauniform ngayon, hindi ka nakalaba?"


Umiling ako. "Aalis na ako." Sabi ko saka dinaanan lang sila. Nahihirapan ako sa pagbitbit ng mga libro, mabibigat.


Nauna pa si Craigan nag martsa sa harapan ko. Nag lahad siya ng braso para kunin ang mga libro pero nagpatuloy ako sa paglalakad at dinaanan lang siya.


Nang nakalabas sa hallway ng school, nakita ko ang waste basket sa labas, dumiretso ako roon, wala pang mga basura at halatang bagong palit lang. Mabilis kong hinulog yung mga libro ko.


"Fuck! What the fuck are you doing . . . why did you throw them away . . .what the fuck is wrong with you?" Hindi ko pinansin ang pagsisigaw ni Craigan, at alam ko ang tono ng pananalita niya at siya lang ang nag wawala doon.


Lumayo ako sa waste basket at naramdaman kong may humila sakin, kaya ako napaharap, at napagtanto na si Craigan ang gumawa non. Nakita ko ang galit, iritado, pagkayamot, pagkabigo ng kanyang ekspresyon. Ngunit napigilan niyang hindi mariin ang pagkakahawak sakin.


"What's wrong . . . please tell me. Mapapagtiwalaan mo'ko. Bakit mo tinapon iyon?"


"Craig . . ." Sa tingin ko kailangan ko na sabihin sa kanya pero wag rito. "Doon tayo sa parking." Sabi ko saka humalukikip nang napansin na wala masyadong tao doon.


Sumandal siya sa kanyang sasakyan, nakatayo lang ako sa kanyang harapan. Gan'on parin ang kanyang ekspresyon, dahil sa ginawa ko kanina.


"Then, tell me now. I'm not going to judge you. I won't judge you."


Bumuntong hininga ako. Nahihirap kung paano ko sisimulan, kung paano wag biglain. "Ti-tinapon ko yung mga libro, da-dahil hindi ko na 'yon magagamit."


"Why?" Nahimigan kong gusto niya na talaga ang tunay kong rason.


Lumunok ako. Kinagat ang aking labi bago siya hinarapan. "Hi-hindi na ako mag aaral, Craig. Titigil na muna ako."


Kumunot ang kanyang noo at napatayo ng matuwid galing sa pagkakasandal. Napaawang ang kanyang labi, hinaplos niya iyon at umiwas ng tingin sakin.


"Bakit hindi ka na mag aaral?" Kalmado ang kanyang tono, pero alam kong pinipigilan niya iyon para mapagpatuloy namin ang aming paguusap.


"Personal problem, Craig."


"Ako ba 'yung problema?" Umangat siya ng tingin sakin.


Umiling ako at napakurap. "Hindi, problema ko iyon. Hindi ikaw yung problema.


"Leanna . . . Leanna . . . please! Nanliligaw ako, 'Oo. Alam kong naiirita ka na sakin . . . please damn . . . don't leave! Di mo kailangan lumayo sakin para tigilan ka. Sorry! Di na ako mangliligaw, hindi na ulit. Promise . . . titigilan ko na ang pangliligaw sa'yo. Don't fucking leave." Nakatingin siya sa kawalan, umigting ang kanyang panga. Tinalikuran niya ako at nakita kong hinilamos niya ang kanyang mukha, nakita ko sa reflection ng salamin sa kanyang sasakyan. Sinandal niya ang kanyang ulo sa taas ng sasakyan, hindi na siya nagsalita pa.


Parang sumikip ang aking dibdib nang nakita siyang gan'on. Nahihirapan akong huminga at kailangan ko maiyak para makahinga ng maayos.



"Craig, hindi rason ang pangliligaw mo kaya ako aalis. May mga problema na isasarili muna. 'Wag mong isipin nang dahil sa'yo ito ang nagiging desisyon ko."


Lumapit ako sa kanya nang di parin siya nag sasalita. Hindi ako sanay, hindi ako sanay na may nag aalala sakin. Si Natalia kanina, parang gusto akong pigilan kung kaya niya ay maari. Si Craigan, hindi ko alam bakit siya nabigo, ayokong iniisip nila na dahil sa kanila ang rason kung bakit ko 'to nagawa.


Hinawakan ko ang braso niya. Nakaangat ang kanyang braso at nanatili parin ang kanyang ulo nakasandal do'n. Tangi kong naririnig ang kanyang malalim na hininga.


Umamba akong ibaba ang kanyang braso ngunit umusog siya ng isang beses para hindi ko siya mahawakan.


"Craigan, hindi yung pangliligaw mo ang rason."


"Gu-gusto mo kapag nililigawan kita?"

Ayoko siyang mabigo lalo. Bumuntong hininga ako.

"Oo, Craig. Gusto."

"Napipilitan ka lang, Leanna. Napipilitan. Damn! Just don't hurt me. Fuck!"

Hinawakan ko ang kanyang braso at nagawang ibagsak iyon. Umalis siya sa pagkakasandal at nilayo niya ang kanyang mukha sakin. Ayaw niyang nakita ko ang kanyang ekspresyon.


"Craig, alam kong nasasaktan ka dahil sa pangliligaw sakin. Pero ilang beses kong sabihin sa'yo na hindi iyon ang rason. Dapat sinampal na kita t'wing nanliligaw ka."


"Parang sinasampal na ako sa bawat pagtanggi mo." Bigo ang kanyang tono. Bakit parang siya ito ang aalis.


Kinagat ko ang aking labi. Paano ko ba 'to papakalmahin?


"Hindi ko alam, Leanna . . . bakit hindi parin ako nadadala. Pinipigilan ko naman talaga hindi mangligaw sayo, ngunit, nahihirapan ako kapag di ko nagagawa . . . kapag di ko nagagawa paghirapan makuha ang magiging akin . . . pero ngayon, hindi na kita liligawan . . . basta h'wag ka lang umalis."


Hindi ko alam kung maiirita ako sa kanya o maawa. Ilang beses ko pa ba dapat sabihin na wala nga siyang kasalanan at ayaw ko naman ulit ulitin iyon. Mahirap siyang makaintindi.


"Ilang kabanata na kaya ang storya natin Leanna huh . . . kung ako isa sa mga nagbabasa . . . Fuck! Magsasawa na ako sa kakaantay. Masasawa na ako sa paulit ulit mong tangi . . . pero pasalamat ka, sa bawat kabanatang dumarating ay kasama mo ako, hindi ako nag sasawang basahin ang gusto mo at hindi ako titigil basahin kung paano makuha ang 'Oo mo!" Galit niyang bulyaw saka nag matsa, tinalikuran ako at sa ibang daanan siya dumiretso, hindi ko parin nakikita ang kanyang ekspresyon.

Nalaglag ang aking panga.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7K 217 12
How can love change everything within a glimpse of an eye? A person with pure divinity had turn into a ruthless human being. A person who was once an...
917K 31.3K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
169K 4K 54
What will you do if you end up in someone else body?
72.7K 1.8K 21
This is a sad love story. Hindi man nagkasama ng matagal pinatunayan pa rin nila na may FOREVER.