The First Kiss of My Last Lov...

By keulisyel

1.7K 144 3

Love is the singular quest we undertake. The exhilaration of a first love, the intimacy of a first kiss, the... More

Author's Note
New Book!
Panimula
Kabanata 1: Craigan
Kabanata 2: Eskuwelahan
Kabanata 3: Sorry
Kabanata 4: Burger
Kabanata 5: Library
Kabanata 6: Susi
Kabanata 7: Year
Kabanata 8: Offer
Kabanata 9: Game
Kabanata 10: Something
Kabanata 11: Topic
Kabanata 12: Silbi
Kabanata 13: Take
Kabanata 14: Magbasa
Kabanata 15: Aria
Kabanata 16: Lakas
Kabanata 17: Group
Kabanata 18: Did
Kabanata 19: Stand
Kabanata 20: Gas
Kabanata 21: Puyat
Kabanata 22: Pills
Kabanata 23: Timbre
Kabanata 24: Silver
Kabanata 25: Later
Kabanata 26: Tattoo
Kabanata 28: Kawalan
Kabanata 29: Desisyon
Kabanata 30: String
Kabanata 31: Mariin
Kabanata 32: Aso
Kabanata 33: I Miss You
Kabanata 34: Lasing
Kabanata 35: Labi
Kabanata 36: Linawin Mo
Kabanata 37: Pay
Kabanata 38: Thought
Kabanata 39: Carpet
Kabanata 40: Ideya
Kabanata 41: Only
Kabanata 42: Susundan
Kabanata 43: Umiwas
Kabanata 44: Check In
Kabanata 45: Hotter
Kabanata 46: I Wanted
Kabanata 47: Malaman
Kabanata 48: Focus
Kabanata 49: Luha
Kabanata 50: Last Breath
Kabanata 51: Exist
Kabanata 52: Lost
Kabanata 53: Nagtangka
Kabanata 54: Expecting
Kabanata 55: Lust
Kabanata 56: Often
Kabanata 57: Mahalaga
Kabanata 58: Depressed
Kabanata 59: Iwas
Kabanata 60: Nightmare
Kabanata 61: Hindi Na
Kabanata 62: Sinungaling
Kabanata 63: Gown
Kabanata 64: Diamonds
Kabanata 65: Noon at Ngayon
Wakas

Kabanata 27: Humagulgol

19 2 0
By keulisyel


Kabanata 27

Humagulgol

Nang nakauwi, sinabi ko kay Natalia ang tungkol sa voting kahit ay wala pa ako ideayang doon.

"Mag celebrate tayo!" Ngisi niya at madaling dumiretso sa kanyang kabinet para mag halungkat ng damit.

"Uhm . . . Diba sinabi kong, hindi pa malalaman at wala kaming clue. At isa pa, may pasok ako sa trabaho mamaya."


Lumingon siya sakin at napatigil sa paghalungkat. "Kailan ba dayoff mo?"

"Hindi ko pa alam," kibit balikat ko. "At ayoko rin pumunta kung saan, dahil nag iipon ulit ako, baka kasi magastos ko nanaman."


Bago ako dumiretso dito kanina ay tinago ko sa bag iyong singsing, kinuha ko yung bag at isinabit iyon saking braso. Mamaya ay magulat iyon kapag nakita niya at lalong hindi pwede malaman ni tita Nira.

Umirap sakin si Natalia. "Di naman porket niyaya kita ay ikaw na ang gagastos, nag yaya pa kung walang pera diba?"

"May trabaho ako ngayon." Giit ko.


"Di kita pipilitin ngayon. Kapag nalaman kong dayoff mo at di mo ako sinabihan . . . malalagot ka sakin." Madalas niya iyon pagbabanta sakin.


Lumabas ng kwarto si Natalia nakasimangot, hinayaan niyang nakaawang ang pinto. Lumuhod ako sa tapat ng kabinet, binuklat ko iyon at tinahak ko ng aking palad ang dulo ng kabinet, merong nakaawang sa dulo at kinuha ko ang lumang wallet ko roon.

Nakarinig ako ng yapak galing pinto at halos muntik na akong matumba nang nakita ang titig ni tita Nira sa akin. Marahan kong binagsak ang wallet at itinago iyon sa akin tuhod, nakatingin lang ako sa kanyang mga mata, yumuko siya nang napansin ang ginawa ko, napalunok ako.

"Tita bakit po?" Sabi ko at umupo ng maayos. Kinuha ko ang kalat na damit sa sahig at pinagpag iyon. "Hinahanap niyo po si Natalia?"

Tumango siya at may bahid na iritasyon sa kanyang mukha. "Nasaan siya?"

"Kakalabas niya lang dito sa kwarto, may pinuntahan po siguro saglit." Sagot ko.

Umirap lang siya at nawala na sa pintuan. Tumayo ako at sinara ang pinto, nilock ko iyon at nag madaling nag ayos saka tinago muli ang wallet doon.

"Mamaya na malalaman ang resulta kung sino ang napili." Sabi samin ni Heloise at nasa canteen kami ngayon.

May bahid na excitement at saya ang kanilang ekpresyon, e ako, nagtataka at iniisip si Craigan. Dahil kagabi ay wala nanaman siya sa Coffeehouse, at ngayon ay di ko siya napansin sa paligid. Hindi pa ako pumupunta sa silid, siguro ay nandoon siya, nakatambay magdamag.

Tahimik lang akong kumakain, e habang sila ay nag uusap sa ine-expect na mangyayare sa pageant. Napansin ko ang pagtataka ni Heloise nang sumulyap ako sa kanila.

"Leanna may problema ka ba . . . kanina ka pa tahimik, a?" Tanong ni Heloise.

"Medyo pagod lang sa trabaho kaya di nanaman masyado nakatulog kagabi." Dahilan ko, palagi sa mga nagtataka sakin.

"Mamaya ay broken ka diyan?"

"Di ko nasubukan naramdaman iyon at isa pa, wala ako boyfriend."

Nang natapos na kami mag usap tungkol sa pinapaalala ni Heloise sa pageant ay dumiretso na ako sa silid. Luminga ako sa mga silya at napagtanto na wala pa si Craigan.

Hindi ko sinuot ang binigay niyang singsing, dahil pwedeng marami makahalata non at magtaka sa akin.

Nang sumulyap ako sa pinto ay halos manginig ang buong katawan ko, ilang beses ako napalunok at napapabuntong hininga nang nag simula na siyang luminga. Huminga ako ng malalim at kumalma, umatkong normal.

Hindi ko alam bakit bigla ako kinabahan nang nakita siya. Dahil kahapon at parang nakakahiyang humarap pa ulit sa kanya.

Yumuko ako, hindi ko alam kung ano iyon paglalaruan ko at aabalahan, ang aking mga daliri?

Ang awkward!

Kinuha ko yung bag at hinalungkat ang libro, ngunit bigla iyon nagkahulog hulog sa sahig. Madali akong lumuhod at pinagdadampot iyon, nag kalat ang kaunting buhok saking harapan nang hinawi ko iyon ay nakita ko si Craigan na nakaluhod ang kanang tuhod at nalaglag ang aking panga nang nakitang hawak niya ang lalagyan ng singsing iyong, pulang kahon!

Napalunok muli ako nang nakita ang kanyang titig. Umiwas ako ng tingin at tumayo dala ang mga libro, dimampot ng isa kong kaklase na lalaki ang bag kong nahulog rin at nilapag sa desk ko.

"Bakit mo tinanggal sa daliri mo 'to?" Nahihimigan ko ang pagtitigil ng galit sa kanyang tono. Lumingon ako sa kanya at nakitang nakabuklat ang pulang kahon, naroon ang singsing.


Parang lahat ng dugo ko ay nawala sa isang iglap dahil naramdaman ko ang mga titig sa paligid. Nahagip ko iyon sa kanyang palad at madaling binulsa, pero huli na dahil halos yung iba ay nakita na iyon.

Tumahimik ang paligid parang nakatuon na samin ang pansin. Bumalik ako sa upuan nang di sumusulyap sa kanila.

Dumaan si Craigan sa harapan ko at umupo sa tabi. Parang gusto ko munang dumiretso sa rest room o sanang may tumawag sakin para makalayo muna dito.

Tumikhim si Craigan sa tabi ko ngunit hindi ako bumaling sa kanya.

"Bakit hindi mo sinuot?" Tanong niya.

"Susuotin ko na sana kaso nahulog yung mga gamit ko." Sabi ko at nawala na yung kaba ko, mabuti na lang ay mabilis ako makaaktong normal.

"Bakit nahulog?" Nanghahamon ang kanyang tono.

"Kasi hindi ko nasalo." Diretso kong sabi.

"Bagay naman yung nahulog hindi ba . . . bagay naman tayo pero di mo ako sinalo. I think it's unfair . . . it's fucking unfair . . . damn unfair!" Marahan niyang bulong at nakita ko sa gilid ng aking mga mata na umiiling siya nang binabanggit iyon.

"Hindi kita maintindihan." Tangi kong sinabi.

"Intindihan mo muna sarili mo bakit di mo nararamdaman bago mo ako intindihin."

Gusto ko siyang irapan dahil sa panghahamon niyang tono pero mas pinili ko lalamang kumurap kahit gusto ng aking mga mata umikot na sa inis.

Nang harapan na ako tumingin, tamang tama na pumasok na si Miss Lacerda at ang nakasunod sa kanya ay si Heloise na may hawak na folder. Pinagmamasdan na kami ni Heloise at nang ilang sandali ay bunukat ni Heloise ang folder at may binulong siya kay Miss Lacerda.


"So . . . hello," panimula ni Miss Lacerda. "Ipapaalam na namin ni . . . ni Heloise kung sino ang napili para lumaban sa pageant . . . Leanna Damara Ortega. Hindi na kailangan mahabang speech, Leanna, pagkatapos ng klase, kung may gusto kang itanong mamaya, pagusapan, dumiretso ka sa office ko."

Nalaglag ang aking panga at hindi napaniwala na ako yung napili. Lumingon lamang ang kaklase ko sakin, yung iba ay nag thumb up, at pumalakak nang walang ingay. Hindi sila nag hiyawan, iyon ang kinagulat ko, dahil lagot sila kay Miss Lacerda kapag ginawa nila iyon.

Pero sa sikmura ko, hindi ko alam ko sisigaw ba ako sa sobrang saya o sa kaba dahil ito palang ang una ko sumali sa pageant. Huminga ako ng malalim at ngumiti, kapag nagawa ko iyon, makakapagtapos ako dahil malaki talangang tulong iyon.

Nang lumabas si Miss Lacerda sa silid narinig ko na ang hiyawan nilang lahat. Halos silang lahat ay lumapit sakin.


"Congrats! Sabi ko na nga ikaw mapipili!"

"Di kami nag ingay kanina dahil nung ginagawa namin iyon ay pinarusahan kami, congrats talaga Leanna!"

"Thank you." Iyon lang ang nasabi ko sa sinasabi nila. Kahit hiyang hiya na ako at kailangan ko ng masanay na, hindi nahihiya kapag nasa harapan.


Bumalik ako sa upuan ko, hindi ko pa nakukuha yung mga gamit ko dahil pinalibutan na nila ako kanina. Nanatiling nakaupo lang si Craigan, kinuha niya yung bag at sinabit sa kanyang balikat habang ako ay binabalik pa sa loob ang mga gamit.


"Congrats!" Matabang niyang sabi. Kahit ramdam kong galit na galit na siya sakin.

"Thanks!" Sabi ko ng umiiwas ang mga mata ko, kinuha ko yung bag at humakbang.


"Iniiwasan mo na ba ako . . . may masama ba akong nagawa . . . hindi naman ako nakipagaway ngayon o bukod don . . . yung sa tattoo ba . . . ito yung una kong tattoo."


"Nagmamadali ako kasi sabi ni Miss Lacerda ay maguusap kami ni Heloise."

"Tinalo mo pa ako sa magaling mong pangdadahilan!" Mariin ngunit mahina ang kanyang pagkabigkas na parang nag pipigil na magalit.

"Iba ako . . . iba sila, mas mabuting mag aral nalang tayo ng mabuti nang makagraduate ay . . . edi congrats sa atin!"

"Okay Leanna Okay! I get your point! Ano kinatakutan mo sakin . . . attitude . . . style . . . porma, pananalita ano?"

"Wala! Wala Craigan! Wala akong pakealam sa mga issue mong ganyan. Hindi ko inaabalahan yan at hindi ako nangangarap magkaroon ng boyfriend!"

Umiling siya at napalunok. "Nakakasawa na! Tangina!" Marahas niyang hinampas ang desk saka tinalikuran ako.

Bumuntong hininga ako. Mabuti naman kung ganoon, mabuti naman ay nasawa na niya.

Sinalubong ako ni Heloise sa may tapat ng locker nang nakalabas. Sabay kaming nagtungo dalawa sa office ni Miss Lacerda. Pinaguusapan namin ang tungkol sa pageant kung sino gagastos. Sina na daw ni Aljaee ang bahala sa susuotin ko at sa mga pangmakeup kaya wala ako gagastusin don. Gusto ko sanang tanggihan dahil masyadong magastos iyon ngunit wala ako magagawa dahil lahat ng gastusin ko ay para lamang sa pagaaral ko at sila rin nag pumilit sakin na sumali kaya okay lang daw sa kanila iyon.

Nang nakauwi ay hinila ko sa kwarto si Natalia para balitaan ang tungkol sa pageant. Sinara ko ang pinto at naiinis na siya dahil paalis na siya pero hinila ko.

"Ano ba yon . . . aalis na ako!"

"Natalia ako yung napiling lumaban sa pageant!" Dineretso ko nang sabi dahil naiinip na siya.


Nalaglag ang kanyang panga at tinakpan niya ang kanyang labi dahil gusto niya sanang tumili ngunit tulog pa si tita Nira.


"Totoo? I-ikaw yung lalaban? Kailan? Congrats! Papanoorin kita!" Masaya niyang sambit, nawala yung pangiinip ng kanyang ekspresyon.

"Babalitaan nalang kita kung kailan! Walang sinabi, sinabi lang kung sino!"

"Kaya naman kita tulungan sa tution mo pero tinatanggihan mo!" aniya.

"Pangdagdag na rin iyon, kinakabahan ako, paano kung hindi ako manalo, pero may trabaho naman kaya hindi na ako maroroblema kapag di iyon nangyare."


"Mananalo ka! Maganda ka! At kaya ka nga napili diba? Oo nga pala . . . kailangan ko na umalis, a! Good luck!" Nag madali siyang lumabas ng kwarto.

Mamaya pa ang trabaho ko kaya tatambay muna ako rito. Dumiretso ako sa kabinet kung saan ko tinago iyong pera. Kinapa ko iyon nang naramdaman ay kinuha ko agad. Natigilan ako nang naramdaman na parang numipis ang hawak ko. Lumakas ang pintig ng aking dibdib at binuklat ang wallet, halos masabunutan ko ang aking sarili nang nakitang walang laman iyon. Nanikip ang dibdib ko, kinapa ko ulit ang kabinet, marahas kong pinaghihila ang nakaharang na gamit. Sana, sana kumalat lang iyan dito.

Hinalamos ko ang aking palad at naiiyak. Wala ang pera sa kabinet. Wala yung pera kung saan ko banda tinago. Paano iyon nawala e nang tiningnan ko ito may laman pa! Hindi naman ako ganoon kagrabe gumastos.

Gusto ko magmura! Sumisikip ang dibdib ko habang binabalik ang gamit. Lumabas ako sa kwarto at nakita si tita Nira na nasa sala nag kakape.

"Tita." Panimula ko. Bumaling siya sakin at hinilamos ko ang palad saking mukha. Tumaas lang ang kilay niya sakin.

"Na-nakita niyo po ba yung pe-pera ko dito?" Sabay taas ko ng wallet kahit naiiyak nanaman ako.

"Pera? Aba malay ko, hindi ko nga alam kung kanino yan wallet." Umiwas siya ng tingin at sumimsim ulit sa kape.


"Wallet ko po 'to, may pera pa 'tong laman kahapon. Pa-pang bayad ko po iyon ng tution fee." Tumulo ang luha sa gilid ng mata ko at mabilis ko iyon hinawi.


"Ano yung pinapalabas mo? Na ninakaw ko ang pera mo!" Bulyaw niya at hindi na ako natatakot sa sigaw niya, dahil siguro ay sanay na ako.


"Hindi po tita. Nagtatanong lang 'ho ako!" Di ko mapigilan ang pait saking tono. "Pang aral ko po yon. Gusto ko makapagtapos, kaya ko tinatanong kung nasaan dahil bukas magbabayad ako ng kulang sa tution fee ko. Mabuti na lamang ay pumayag silang bayaran ko iyon paunti unti. Gusto ko makaranas dito, gusto ko man lang maranasan ang maynila bago pa ako magkatrabaho, at gusto ko kayo mabigyan ng magandang buhay. Gusto ko makapagtapos." Bumagsak na ang mga luha saking mga mata. Natigilan ako nang narinig ang halakhak ni Tita Nira saking sinabi.


"Oh baka naman kasi kung saan-saan mo nilalapag! Kaya kung sino ang makita mo, e tinuturo mo na! Hindi ako magnanakaw Leanna! Pasalamat ka dahil pinapatira pa kita dito! At sinabi ko sayo una palang, wag ka na mag aral! Bakit kasi ang dami po pang ARTE!" Sigaw niya sakin.


"Baka nga lang nalapag ko kung saan." Humina ang tono ko at tinalikuran siya. Tumulo ang luha ko at huminga ng malalim habang naglalakad patungo sa kwarto.


Paano ako makakapagaral? Kailangan ko yon bayaran. Tanging sa pageant nalang ang pagasa ko. Alam kong di ako sigurado, nilalakasan ko lang ang aking loob. Kahit kailan hindi ako nag iisip, dapat dinala ko nalang yung pera at dapat ay binayaran ko na iyon kahapon, e sana wala akong problema ngayon.


Si tita Nira lamang ang nakakita kung saan ko banda itinago iyon. Napansin ko ang pagtataka niya doon.

Habang naliligo di parin tumitigil ang pagtulo ng luha ko. Humupa na lamang iyon nang patungo ako sa trabaho. Parang pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako kahit wala pa ako isang oras rito. Minsan tulala kapag walang costumer, gusto ko sila ngitian pero masama ang loob ko ngayon.

Hanggang sa nakauwi ay hindi ko napansin si Craigan na pumasok dito Coffeehouse. At pansin ko, hindi na siya pumupunta dito.

Kinabukan, parang gusto ko nalang matulog magdamag, nadidismaya at nag sisi parin ako. Ilang beses ko sinabi sa sarili ko na; mababawi ko iyon, mas hihigit pa ang mababawi ko doon. Para lang lumakas ang loob ko, parang di na ako natitig kapag sinasabi iyon sa sarili.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Natalia na nagtataka sakin.

"Pagod lang." sabi ko. Tapos na ako maligo at nag aayos na ako para makapasok.

"Okay ka lang ba, nag away ba kayo ni mama kagabi?" Tanong niya pa.

"Okay lang ako." Wala akong gana makipagusap. "Mauuna na ako." Pagod kong sabi at lumabas na ng kwarto.

Hanggang sa nakarating sa labas ay hindi ako tumitingin kay tita Nira.

Nang nakarating sa school ay sinalubong na ako nila Aljaee at Heloise sa labas. Pilit akong ngumiti at hindi ko alam bakit nila ako inaabangan.

"Sabado o Linggo mag practice tayo sa pageant. Madali lang iyon. May schedule naman." Sabi ni Heloise habang nag lalakad kami.

Tumango na lang ako. Umiiwas rin ng tingin sa kanila dahil pwede sila magtaka sa ekspresyon ko.

"Uhm . . . napagusapan naman natin yung tungkol sa pageant diba uhm . . . mukha di ka okay?" Ani ni Heloise.


"Okay ako. Okay na ako sa napagusapan." Sabi ko at mas binilisan pa ang lakad. "Kakain muna ako." Hindi ko sila nilingon at nag madali akong mag lakad.

Nag order ako ng pagkain mabuti na lamang ay may sobra pa akong pera. Ayoko maalala na nawala yung ipon ko dahil maiiyak nanaman ako.


Nang umabot ng sabado, tatlong araw na ako iniiwasan ni Craigan. Hindi na kami nag uusap, hindi na rin kami magkatabi. Pero sa mga araw na iyon ay nahuhuli ko siyang sumusulyap sakin. Kahit hindi araw ng sabado, kapag may vacant, doon kami nag pa-practice. Tinuturuan nila ako kung paano mag lakad ng maayos, tumingala at pumewesto.

Ngunit saglit lang iyon para sakin. Dahil sabado, buong oras kami nag practice. Doon kami sa volleyball court ng school nag practice. Tanging kami tatlo lamang ang tao dito, dahil halos lahat ay nandoon sa basketball court para manood ng laro nila Craigan. Hindi na nga ako pumunta doon.

Dumating ng hapon, natutuo na ako sa paglalakad at hindi pa masyado sa pananalita at pagsagot dahil doon ako kinakabahan. Umupo muna ako sa bench at tinanggal na ang heels saking paa, minuto lang kasi ang pahinga ko at paulit ulit pa.

"Kumain ka muna at last practice nalang ngayon at bukas naman. Umuwi ka na mamaya para mag pahinga. Masakit ba paa mo?"

"Medyo." Sagot ko dahil kumikirot.

"Kaya mo pa?" Tanong ni Heloise.

Tumango ako. "Oo naman." Importante 'to sakin dahil yung tution fee ko ang nakasalakay rito.

Lumingon ako sa tumunog na cellphone, phone ni Heloise. Dinampot niya iyon at nilagay sa tainga.

Bumaling ako kay Aljaee na tumitingin ng sketch gown, nakaupo siya habang tinitignan iyon. Si Heloise ang nag design ng gown at ano pang mga susuotin. Magaganda ang gawa niya.

"Sir wait! Nagkakamali po kayo diba?" Sabay kaming bumaling ni Aljaee kay Heloise. Kumunot ang noo ko dahil nag kakamot na siya ng ulo at paikot ikot.

"Sir pang apat na araw na ngayon ang practice namin. Bakit po . . . sayang yung pinaghirapan namin."


Tumayo si Aljaee at nilapitan si Heloise. Hindi maintindihan kung ano na ang nangyayare doon.

"Fuck! Shit!" Binato ni Heloise yung cellphone niya sa sahig.

Napatayo ako sa gulat at nasuot na yung tsinelas ko. "Ano ang nangyare?"

Bumuntong hininga si Heloise at naiiyak na ang kanyang ekspresyon.

"Tinawagan ako ni Sir Jim. A-ang sabi niya, tigilan na daw natin ang pag practice, punyeta!" Sigaw niya. Parang naputol ang isang ugat saking dibdib. Nahirapan ako huminga sa narinig. "Nagtaka ako kung bakit, h-hindi na daw matutuloy dahil nag pageant na sila sa isang university. Hindi na tayo masasali dahil lagi nalang daw tayo ang nanalo dapat pagbigyan ang iba, kaya nauna na sila! Fuck shit! Punyeta sila! Pinaghirapan ko mag design ng ilang gowns at hindi naman pala magagamit?" Umupo si Heloise sa bench at inabutan ni Aljaee ng tubig si Heloise. Di niya iyon tinanggap at binato na lamang.

"Hindi na mangyayare ang pageant?" Tanong ko at gusto na rin maiyak.

"Hindi na! Para tayong tanga sige pursigedo mag practice para lang manalo ulit at tayo pa ang dahilan kaya di nila tayo sinali."

Tahimik lang si Aljaee at umiiling. Uminom ako ng tubig. Wala na akong pag asa para makuha iyong premyo.

"Bakit di nila tayo sinabihan kaagad, e sana alam natin kung kailan para matulungan sila masunog kung saan banda iyon!" Sambit pa ni Heloise na galit ba galit sa kanila.

"Wala na tayo magagawa dahil nasimulan na nila." Sabi ni Aljaee.

"Aljaee at Heloise, uuwi na ako. May trabaho pa ako mamaya." Diretso kong sabi at sinabit ang bag ko sa balikat. Tumango nalang sakin si Aljaee.

Nang nakalabas sa volleyball court ay tumulo ang luha ko. Naiiyak nanaman ako, gusto ko manalo, para sa pag aaral ko. Pero wala na, di ko na magagawa iyon.

Iipunin ko nalang yung sweldo ko sa Coffeehouse. Humalukipkip ako habang nag mamartsa. Bukas na ang ilaw sa paligid, tumutulo parin ang mga luha ko hinahawi ko iyon kaagad.

"Leanna," napatigil ako sa paghakbang at hinawi ulit ng isang beses ang luha sa pisnge bago lumingon.

Nanliit ang aking mga mata nang nakita si Craigan.

"Uhm Craigan! Hi! Kamusta?" Sabi ko ng nakangiti.

Kumunot ang noo niya sakin. "Umiiyak ka ba? Inaway ka ng boyfriend mo?"

"No no no. Wala akong boyfriend Craigan. Ilang beses ko na bang sabihin sayo. At hindi ako umiiyak."

Ngayon niya lang ako kinausap ulit. Ilang araw niya akong iniwasan ang akala ko ay hindi niya na talaga ako kakausapin pa.


"May problema ka, anong problema?" Lumapit siya sakin. Nakasuot siya ng jersey at may hawak niyang towel, pinunas niya iyon sa kanyang ulo.


"Wala! Wala. Okay nga lang ako. Maglaro ka na don, uuwi na ako." Parang gusto bumuhos ng mga luha ko. Tumalikod kaagad ako. Hinilamos ko ang aking palad.

"Hey, please tell me about your problems . . . hmm . . ." Naramdaman ko ang kanyang palad saking bewang.

"Wala akong problema. Uuwi na ako Craigan." Humakbang ako ng isang beses at nahawi na ang kanyang palad sa bewang ko.

Niyakap ko ang aking sarili habang nag lalakad pauwi, hindi pa ako nakakalapit sa bahay ay may naririnig na akong ingay. Tumakbo ako palapit doon, binuksan ko ang pinto at nahuli kong sinampal ni tita Nira si Natalia at sinabunatan ito patungo sa kusina. Nalaglag ang aking panga at nanlalaki ang mga mata.

"Tita! Natalia!" Sigaw ko at sumunod sa kanila.

"Ma! Sorry ginawa ko ang bagay na iyon!" Hagulhol ni Natalia. Nakita ko ang galit na ekspresyon ni tita Nira na ngayon ko lang nakita iyon sa kanya.

"Ano nangyayare?" Tanong ko.

"WAG KA DITO MANGEALAM! IKAW ANG DAHILAN DITO!" Sigaw sakin ni tita Nira at nalaglag ang aking panga.

"Ano po yung sinasabi niyo na ako nag dahilan?"

"SI NATALIA! May kasamang lalaki labas pasok galing sa bar! Nakakahiya! Nakakahiya dahil sa kaibigan ko pa mismo narinig iyon! Anong pinag gagawa mo doon Natalia? ANO!"

Hindi sumagot si Natalia at umiyak na lamang. Sinampal ni Tita Nira si Natalia at lumapit ako at hinarangan si Natalia. Napansin kong lasing si tita Nira.

"WAG KA HUMARANG HARANG BABAE KA! NANG DAHIL SAYO NAGKAGANYAN YUNG ANAK KO!" Bulyaw niya sakin at sinampal ako sa pisnge. "Padagdag ka sa lalamunin! Nang dahil sayo, si Natalia ay ginawa iyon para sa pag aaral mo."

Hindi na ako nakapagtimpi at gusto na siyang sagutin. "Tita e halos nga ako palaging nag aabot sainyo at hindi ko tinatanggap ang inaabot ni Natalia kahit gusto ako abutan! Bakit, hindi sana 'to mangyayare kay Natalia kung hindi ka nag susugal at SANA AY NAG TATRABAHO KA! Wag mo siyang saktan dahil GINAWA NIYA LANG YON PARA BUHAYIN KA AT MAY PANG SUGAL KA!" Bulyaw ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, ayoko sa lahat na ako yung tinuturo na wala kaaalam alam sa nangyayare.

"Sumasagot ka na a? Wala ka pa nga napapalamon sakin ganyan ka na? NANG DAHIL SAKIN AY BUHAY KA! NANG DAHIL SAKIN!"

"Anong ibig niyong sabihin niyo tita?" Tumulo na ang luha ko.

"Leanna!" Hinawakan ni Natalia braso ko at hihilain ako palayo pero hinawi ko ang kanyang kamay.

"Wag mo ako sumbatan Leanna! Dahil sakin, dahil sakin nabuhay ka! GUSTO KA PATAYIN NG TUNAY MONG MAGULANG! MAGPASALAMAT KA DAHIL BINUHAY KITA! Sana ay hinayaan nalang kita ipalaglag nila! Sana! Leche ka lang sa buhay ko!"

Nanginginig ang tuhod ko. Parang gusto kong bumagsak sa narinig. Sumikip ng dibdib ko. Parang unting unti na nadudurog ang dibdib at puso ko sa bawat tulo ng aking luha.

"T-tama ka tita. Tama ka nga. Sana nga hinayaan mo na ako, sana, sana hindi ako nahihirapan ngayon." Nanginginig ang aking boses. Dumiretso ako sa taas, kinuha ko yung bagahe ko at lahat ng gamit ko at tinapon ko don. Gusto ko ng umalis, kahit ngayon sa labas lang muna ako matutulog.


Natutuluan yung mga damit ko ng luha habang inuubos yon halungkat para malagay sa maleta. Kinuha ko yung panyo at pinunas iyon saking mukha.


"Saan ka pupunta?" Tanong ni Natalia at sinara ang pinto. Hindi ko siya pinansin at nag patuloy ako sa pag aayos. "Lasing si mama, hindi 'totoo yung mga sinabi niya." Nanginginig ang kanyang boses.


"Totoo yon, Natalia. Nang dahil sa kanya nabuhay ako. Sana tinuluyan na ako patayin ng mga magulang ko." Sabi ko at tinayo na ang malete nang naayos na ang mga gamit.

"Gamitin mo 'to." Sabi niya sabay abot sakin ng pera. "Sa totoo nahihiya akong humarap sayo dahil sa ginawa ko. Wala na ako ibang trabaho na malaking kita, pinili ko yon. Ang tanga ko diba?" Tumulo ang luha ni Natalia.

Niyakap ko siya. "Hindi mo kailangan gawin yon. Sana nagpatulong ka sakin. Wag mo uulitin yon Natalia. Wag na wag." Kumalas ako sa pagkayakap, tumutulo muli ang mga luha.


"Sasabihan nalang kita kung nasaan ako, pupuntahan kita." Tinanggap ko yung pera na inabot ni Natalia. Hindi na ako nag paalam kay tita Nira, lumayas na ako sa bahay.

Bakit kailangan niyang isumbat iyon sakin? Bakit dahil wala na ako inaabot sa kanyang pera? Dahil kailangan ko siya bayaran dahil sa kanya at nabuhay ako. Sana nga natuloy yung paglalag sakin, sana. Masaya sana ang buhay ko kapag wala, walang paghihirap.


Hila-hila ko ang maleta habang nag lalakad. Nanghihina ako, walang tigil ang luha ko. Tumigil ako sa daan at umupo sa lapag, binagsak ko ang ulo ko sa malete, gusto ko umiyak, gustong gusto. Kung sakali mawala lahat ng sakit na aking nararamdaman.

Napakamalas ko. Napakamalas.

"Hey! Hey!" Binewala ko iyon. Inangat ko ang aking ulo. Nakita ko ang nakaawang na pinto ng sasakyan saking harapan. Nakita ko sa gilid saking mga mata na may nakatayo sa gilid ko. Tumulo ulit ang luha ko, nanlabo na ang aking paningin.


"Leanna?" Hinawakan niya ang bewang ko pero nag pumilit ako umupo. "Hey stand up!" Wala na ako nagawa mas malakas siya sakin kaya ako napatayo, nanlalabo parin ang aking mga mata, tanging liwanag lang ng mga kotse ang nakikita ko.

Hinawi ko ang kanyang palad saking bewang. Pumikit ako ng mariin at pinasadahan ang mukha ng aking palad.

"Anong ginagawa mo dito . . . . bakit ka nanaman umiiyak?" Bumaling ako sa nag salita at napagtanto na si Craigan iyon. Naaninag ko ang galit at pag aalala sa kanyang nga mata dahil sa liwanag ng dumaraang kotse. Walang masyadong ilaw ang inupuan ko, para wala makapansin.

"Umuwi ka na." Tangi kong sinabi. Nilapitan ko yung maleta ko at hinila. Ngunit inagaw niya sakin ang maleta.


"Where the hell are you going . . . fuck Leanna, where?"

"Craigan please gusto kong mapagisa, umuwi ka nalang." Pinilit kong hindi humagulgol.

"I'm not going home, sabihin mo sakin." Kalmado niyang sabi.

Napalingon ako sa nag bubusina sa likod ng sasakyan ni Craigan. Dahil nakaharang sa daan. Nakatitig lamang si Craigan sakin, hindi niya iyon sinulyapan.

"Craigan paandarin mo na ang sasakyan mo. Umuwi ka na, nakaharang ka sa daan."

Hinila niya ang bagahe ko at nag tungo papunta sa sasakyan niya. "Ano ang gagawin mo sa maleta ko?"

Binuksan niya ang likod ng kanyang sasakyan at binuhat ang bagahe saka inilapag doon, bago pa ako nakalapit ay naisara na na iyon.

"I'm fucking mad. Let's fucking go home. Fuck it!" Hinila niya ang braso ko at pinasok ako sa loob ng sasakyan.

Continue Reading

You'll Also Like

252K 14K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
72.7K 1.8K 21
This is a sad love story. Hindi man nagkasama ng matagal pinatunayan pa rin nila na may FOREVER.
12.2K 575 41
Isang katiwala ang INA na Kylie sa isang malaking mansion halos paminsan-minsan lng itong inuuwian ng mga Madrid sapagkat NASA ibang bansa ang pamily...
3.7K 217 12
How can love change everything within a glimpse of an eye? A person with pure divinity had turn into a ruthless human being. A person who was once an...